CHAPTER 4 Breakfast Together

1555 Words
-Belle- "Manang Belen! Goodmorning po! " "Ahy! Kabayong dumapo sa puno ng niyog!" Hindi ko mapigilan ang mapahalalpak ng tawa kay Manang Belen,Mali-mali kasi ito lalo na kung biglang nagugulat. "Manang! naman e! Wala namang kabayong nadapo sa puno nang niyog e! Ha.Ha." Pinalo ako nito sa braso ng mahina,sabay hawak nito sa kanyang dibdib. "Kainaman kang bata ka talaga! Papatayin mo ako sa gulat e! Abay Sandali nga bakit ga! Ang aga mo naman gumising.Anong oras lamang ngayon?" Napatingin ako sa suot kung relo,Masyado pa nga palang maaga.Mag a-alas singko pa lamang ng umaga ngayon.Sadyang maaga lamang gumising ang mga kasambahay dito sa mansion,Si Manang Belen ang mayordoma dito sa mansion siya ang namamahala sa lahat, sa pagkain at sa buong bahay. "Hindi ka ba napagod kagabi? O baka naman hindi kayo natulog ni Ryker? Haha naka ilan ba kayo Belle! Iha?" Nanginit ang mukha ko sa sinabi ni Manang,Ano bang akala nito nag honeymoon kami ni Ryeker,kagabi? Eh!halos kainin nga ako ng buhay ng lalaking 'yun kanina e.Allergy ata ang lalaking 'yun sa mukha ko kaya lagi akong sinisigawan. "Alam ko na baka naninibago lamang siya,Tama!" "Ayan! ka na naman Belle,nagsasalita ka na naman mag isa! Haha Halika ka na ngang bata ka at magkape ka na muna." Wika ni Manang Belen,Inawat ko naman ito sa pagtimpla ng kape,masyado kasi itong mapait magtimpla hindi ata uso dito ang asukal.Nagtaka pa ito ng pigilan ko siya. "Manang! Ako na po bahala sa kape ko,ako na po ang magtitimpla." Wika ko kay Manang,Agad naman itong pumayag,Buti na lamang pumayag ito agad.Kung minsan kasi hindi ito pumapayag na hindi siya ang nagtitimpla ng kape para sa akin. "Wag ka masyadong mag asukal bata ka! masama 'yun sa kalusugan! baka magka diabetes ka!" Ngayon alam ko na kaya pala mapait ito magtimpla dahil sinasadya niyang hindi maglagay ng asukal.Natawa na lang ako sa sinabi ni Manang,Hindi niya ata alam na kahit naman ang kape hindi maganda sa kalusugan pag sobra. "Manang, Belen! Ako na po ang gagawa niyan!" Wika ko kay Manang Belen,Nang akmang magluluto na ito.Sana'y na ako sa mansion na ito dahil sa tuwing sinasama ako ni Lolo.Dito ako lagi natambay sa kusina,lagi akong nag pe-presintang mag luto.At gustong gusto ko din makipag kwentuhan sa mga kasambahay. "Naku! Ako na! Magkape ka na lamang d'yan Belle! Iba na ang sitwasyon ngayon,asawa ka na ni Sir Ryker! Kaya dapat hindi ka na gumagawa ng ganito.Isa ka na sa aming mga amo." Nalungkot naman ako sa sinabi ni Manang Belen,Gusto ko pa naman sana ipagluto ng almusal si Ryker. "Manang! Hoy!Manang naman e!. Ako na ang magluluto ng almusal ng asawa ko." Naitakip ko ang palad ko sa aking bibig,Bigla akong nahiya sa sinabi ko masyado naman akong feelingera! "Ha.Ha. Ang batang ito bakit bigla kang namula d'yan! Tama naman ang sinabi mo Asawa muna si Sir Ryker! Ohh! Hala sige na nga kung gusto mo talagang ipagluto ang asawa mo,Hindi na kita pipigilan pa." Lumawak ang pagkakangiti ko nang sabihin 'yun ni Manang Belen.Kaya naman agad akong kumuha ng mga kakailanganin ko sa pagluluto.Alam kung masarap akong maluto dahil 'yun ang palaging sinasabi ng lolo ko at ng lolo ni Ryker. Pero ngayon mas sasarapan ko pa para naman kahit sa mga pagkain ihahanda ko maramdaman ni Ryker na gusto ko siya at mahal ko siyang talaga. "Hoy!!! ano ka ga! bata ka! Nanaginip ka pa ata! Tingnan mo yang kutsyara kagat kagat mo pa Ha.Ha. kainaman ka na Belle! Hala na magluto ka na at mamaya gigising na ang asawa mo.Maaga 'yun bumabangon para mag almusal." Bigla naman ako nataranta sa sinabi ni Manang.Kailangan ko na palang magmadali,baka mamaya bumangon na ang Mahal kung si Ryker. "Iba talaga pag inlove! Pa-kanta kanta lamang.Hoy! Belle! Sarapan mo 'yang niluluto mo huh! Patikimin mo na din kami.Sigurado ang sarap niyan.Teka! nga patikim." Napalo ko ang kamay ni Meldy isa sa ka edaran kung kasambahay dito sa Mansion,Isa ito sa ka-kwentuhan ko palagi.Lagi ako nitong tinutukso kay Ryker,alam kasi ng mga kasambahay dito na lihim kong minamahal si Ryker.Minsan ay nahuli pa ako ni Meldy na hinahalikan ang picture ni Ryker,kaya naman inasar ako ng inasar nito. "Aray! Damot naman nito ohh! Para titikman lang eh.! Sige na patikim naman amoy pa lang ang sarap sarap na eh!." Akmang titikman na naman ni Meldy ang niluluto ko,Kaya naman pinalo ko ulit ang kamay nito.Talagang gusto pa ata nitong mauna makatikim sa luto ko kesa sa asawa ko. "Aray! naman! Belle! Damot mo na ngayon huh!" Natatawa ako sa itsura ni Meldy para kasi itong batang nakanguso pa. "Eh!! Kasi naman ikaw ang kulit kulit mo! e!. Gusto mo pang unahan ang asawa ko sa pagtikim sa luto ko." Nginitian ko ito sabay erap naman nito sa akin.Kaya naman natawa na lang talaga ako dito,Tumalikod na ito kaya naman pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko.Malapit na ako matapos sa pagluluto ng marinig ko ang malalakas na yapag mula sa labas ng kusina. "Belle! Tapos ka na ba? Gising na ang asawa mo at si Don,Steve!" Halos mataranta na ako sa sinabi ni Manang Belen,Agad kong inayos ang mga niluto ko tinikman ko muna isa isa ang mga ito.At naging mas masarap pa talaga ang luto ko ngayon.Sinamahan ko kasi ito nang special Ingredient ko. -Ryker- Sobra sakit ng ulo ko,Napa sobra ang pag inom ko kagabi.Noon lamang ako nakapag inom ng ganoon.Bukod kasi sa hindi ko talaga gusto ang mga nangyayari sa kahapon dahil sa pagpapakasal ko sa babaeng Nerd na 'yon. Isa pang kinaiinis ko hindi ko matawagan ang Cellphone ni Rubi.Tiyak akong galit na naman ito sa akin pag gising ko agad ko tiningnan ang cellphone ko pero ni isang message ay wala akong na recieve dito. "Okey ka lang ba Apo?" Wika ni Lolo,Ano bang akala niya natutuwa ako sa mga pakana niyang ito.Hindi ko maunawaan kung bakit gustong gusto ako nito makasal sa panget na babaeng 'yun.Kahit siguro baliw o kalog sa kanto hindi papatulan ang Belle na Nerd na 'yun.Kaya naman kaninang magising ako at mukha nito agad ang nakita ko na bwesit na agad ako muntik ko nang sipain ang mukha nito palabas ng kwarto. Buti na lamang ng singhalan ko ito ay lumabas din agad ito sa kwarto ko. "I'm Okey! Lo!" Tumango tango lamang si lolo sa akin bilang pag tugon.Bigla ako napa angat ang ulo dahil sa masarap na amoy ng pagkain.Bigla tuloy kumalam ang tiyan ko,Nakalimutan ko hindi na nga pala ako nakakain ng maayos kagabi. Dahil sa tuwing mapapatingin ako sa itsura ng Belle na 'Yun,nasusuka na agad ako.Lalo na pag tumawa ito,para itong isang baliw na babae sa kanto.Ang buhok nitong makapal na laging naka pony ng pabilog akala mo'y isa itong maestra sa isang old school. "Ohh! Ayan na ang mga pagkain." Napalingon ako sa aking likuran nakita ko ang mga dalang pagkain ng mga kasambahay.Itsura pa lang ng mga ito ay katakam takam na kaya naman pagkalapag na pagkalapag ng mga pagkain.Inupakan ko na agad at hindi nga ako nagkamali napakasarap ng mga pagkaing ito.Ngayon lang ata ako kumain ng masarap na almusal,kalimitan kasi kahit noong nasa ibang bansa ako pizza at sofdrinks lang ang kalimitang kinakain ko.Pero ang pagkaing ito the best ang linamnam.Parang mapapadami ata ako ng kain ngayon ahh, sa pagmamadali ko sa pagsubo nabulunan na ako.Buti na lamang may nagbigay agad ng malamig na fresh mango juice.Halos na ubos ko agad ang juice na 'yun. "Thank you!" Wika ko sa nag abot ng Juice! "Ohh! Belle! Hali ka na! Kumain ka na din" Wika ni lolo,Kaya naman napalingon ako sa likuran ko at nakita ko na naman ang panget na nerd na ito, na nakatawa nang malapad nanaman sa akin.Ito pala ang nag abot ng fresh mango juice sa akin. Kung alam ko lang na ito ang nag abot hindi sana hindi ko na lamang tinanggap ang juice na 'yon. "Sige lang po Don.Steve, Mamaya na lamang po ako kakain pagkatapos niyo.Baka kasi may kailangan pa si Ryker e." Hindi ko na lamang pinansin si Nerd, kumain na lamang ako ng kumain. Napakasarap talaga ng pagkaing ito. Halos naka ilang damak na ako ng fried rice kakaiba ang fried rice na ito may seafoods at gulay din ito at napakasarap talaga ng lasa nito. "Dahan-dahan Apo! Mukhang gutom na gutom ka Apo ko ah! Pag si Belle, ang nagluto mapapadami ka talaga ng kain.Napakasarap magluto ng batang 'yan.Hali ka na! Belle! Iha! Sumabay ka na sa amin.At mamaya pagkatapos mong kumain ipapaakyat ko na ang mga gamit mo sa kwarto niyo ni Ryker.Para makapagpalit ka na din Iha! Kahapon mo pa suot ang white na dress na iyan." Tama ba ang pagkakarinig ko kay Lolo, ang babaeng nerd na ito ang nagluto ng lahat nang ito.Biglang gusto ko sana mapasuka, kaya naman kahit gusto ko pa kumain itinulak ko na lamang ang plate ko at tumayo, Ayaw kong makasabay sa pagkain ang babaeng panget na 'yun. "Ryker! Hindi ka pa tapos kumain. Tapusin mo na muna ang pagkain mo.Sayang naman ang effort at paghahanda ni Belle! para sa mga pagkaing masasarap na ito." Pinigilan naman ako ni Lolo, Buti na lamang at biglang nag ring ang Cellphone ko,kaya nagkaroon ako ng dahilan para makaalis at maiwasan si Panget.Bigla kasi akong nawalan mg gana ng makita ko ang pag mu-mukha ni Nerd.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD