CHAPTER 6 Impersonation of Don Steve.

1243 Words
Don Steve POV Hindi maaring basta basta na lamang aalis ang aking apo si Ryker.Hindi ko hahayaan na masira na lamang basta ang plano ko.Mabuti na lamang at napadaan ako sa kwarto nito at doon ko narinig ang pag uusap nila ng kanyang nobyang si Rubi Sawyer.Agad akong umalis sa pintuan ng kwarto nito ng marinig kung lalabas ng kwarto niya si Ryker.Nagtago ako sa nakabukas na pintuan, sinilip ko ang aking apo bumaba na ito ng hagdan at mukha hindi nito dala ang kanyang Cellphone.Nabanggit nito na nag email sa kanya ang Cozmo kaya kailangan ko 'yun mahanap. "Sorry, Apo kailangan ko hadlangan ang matagal mo ng pangarap.Alam ko maiintindihan mo rin ako pagdating ng tamang panahon." Wika ko sa aking sarili habang hawak hawak na ang cellphone ni Ryker.Hinanap ko agad ang email ng Cozmo at mabuti na lamang at agad ko iyon nahanap.Nag email akong mabilis at agad na ipinadala ito sa Cozmo company.Agad ko rin tinanggal ang email ko sa mga ito ng maisagawa ko na ang aking plano agad na akong lumabas ng kwarto ni Ryker. "Ohhh! lolo Steve? Ano pong ginagawa niyo dito sa kwarto ni Ryker.Hinahanap niyo po ba si Ryker? lolo Steve nandoon siya sa ibaba at mukha po atang masaya ang inyo apo ngayon.Sa katunayan bigla niya ako niyakap kanina." Nakasalubong ko si Belle, Dala-dala nito ang iba pa niyang gamit.Napangiti ako ng makitang masaya si Belle, kinikilig pa nga ito habang sinasabi sa akin na niyakap daw siya ni Ryker. "Ikaw na bata ka talaga, hahahaha apo wag ka masyadong magpahalata na kinikilig ka.Ayan ohh, ang iyong mukha ay naging kulay rosas na hahaha." Biro ko kay Belle, agad naman itong napayuko sa sinabi ko.Nakakatuwa talaga ang batang ito bukod sa mabait ito ay simple babae lamang ito.Kaya naman gustong gusto ko ito para sa aking apo na si Ryker. "Lolo, Steve, talaga binibiro mo na naman ako." Nahihiyang wika nito sa akin.Tinapik ko ito sa kanyang balikat habang may mga ngiti pa rin sa aking labi. "Ohh, Hala sige na Iha,Ayusin mo na ang mga gamit mo.Kailangan kung magpahinga muna at may kakaiba na naman ako nararamdaman sa aking Dibdib.Awan baga dito sa iyong lolo, matanda na kasi hehehe kaya ang dami dami ng nararamdaman.Kaya kayo mga bata bata pa ay mag iingat sa mga kinakain huh." Tumango tango lamang si Belle sa akin sabay ngiti nito. "Naku! Lolo Steve, edad niyo lang naman po ang nadadagdagan pero kung titingnan po kayo makisig at gwapong gwapo pa rin po kayo.Kaya nga crush ka ni aling Madonna e.Hahahahaha." Napahalakhak ako ng tawa sa sinabing 'yun ni Belle.Ang batang ito talaga napaka mapagbiro at joker din kung minsan.Ito lamang ang nakakapagpatawa sa akin ng ganito. "Ikaw na bata ka, Ang tanda na ni Madonna.At wala na rin lakas ang lolo mong ito.Uugod-ugod na ako apo." Sunod sunod na pag iling na ginawa ni Belle.At hinawakan ako sa magkabilang balikat at nginitian ako nito ng napakatamis na ngiti. "lolo Steve, ito ang tandaan niyo May asim pa si Aling Madonna.Hahahahahahhaha At kung gusto niyo ng pampatibay at pampatigas ito ang gamitin niyo." Agad inilapit ni Belle ang kanyang bibig sa aking tenga.At pagkasabi nito sa isang bagay ay agad akong napahalakhak ng todo.Napapaluha pa ako sa pagtawa. "hahahaha lolo maniwala ka 'yan ang gamit ng lolo ko.Rubost extreme hahahhahaha.Pero lolo Steve sikreto lamang natin 'yun huh.hahahaha Baka habulin ako ni lolo ng patpat na pamalo niya.Naku! Baka magkanda karipas ako ng takbo niyan.Hahahahaha " Natatawa paliwanag ni Belle sa akin.Alam ko naman na binibiro lamang ako nito sa tanda na ng aking bestfriend na lolo ni Belle ay hindi na uubra pa dito ang Rubost na sinasabi ni Belle.Alam kung gusto lamang ako nitong pasayahin at hindi naman ito sumasablay para patawanin ako.Para ko na itong tunay na apo si Belle, bata pa lamang ito ay isa na ako sa sumabaybay sa paglaki niya.Kahit ang mga achievement nito sa kanyang pag aaral ay alam ko at kasama ako nito sa lahat ng mga naginc tagumpay nito. "Talagang ikaw Belle, Ang ibig mong sabihin ay talagang palaban pa ang bestfriend kung 'yun.Hahaha." Bigla ako napaubo sa labis na pagtawa.Agad naman ako inalalayan ni Belle para makapunta sa aking kwarto.Dumating din ang kaibigan nitong si Regan na may dala dala pang isang malaking bag. "Regan! Tulungan mo ako inuubo na naman si Lolo Steve.Ihiga muna natin si Lolo sa Kwarto niya." Sambit ni Belle, sa kaibigan nitong si Regan.Inalalayan ako nitong makahiga at ng makahiga na ako inayos ni Belle ang kumot at ipinatong 'yun sa akin. "lolo Steve, mabuti pa po magpahinga na kayo,.Papapuntahin ko dito ang inyong private nurse para tingnan ang kalagayan niyo." Wika ni Belle na halata ang pag aalala sa kanyang mga mata.Agad itong tumakbo para tawagin ang aking private nurse. --- Pabalik na sana ako sa aking kwarto ng makita ko si Panget na humahangos sa pagbaba ng hagdanan.Napakunot noo ako ano naman kaya ang problema ng panget na nerd na ito?.Tumingin ito sa akin, kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. "Ryker!, Ryker! Ang lolo Steve! Bigla siyang inatake ng kanyang pag ubo.Baka mahirapan siya huminga na naman.Puntahan mo muna siya at tatawagin ko ang kanyang private nurse." Sambit nito sa akin, agad akong tumakbo papunta sa itaas at tinungo ko ang silid ni Lolo Steve.At tama si Panget, inuubo nga ito at mukha inaatake na naman ito ng kanyang hika.Nahihirapan ito makahinga at nakahawak pa ito sa kanyang dibdib.Nandito din ang kaibigan ni Panget na nerd na bakla pinipispis nito ang likod ni Lolo Steve.Agad naman itong tumayo ng makita ako kaya naman lumapit ako kay lolo para ako na ang magpispis ng likod nito. "Lolo! Lolo,!s**t!! Hoy! Ikaw puntahan mo ang driver at ihanda ang sasakyan dadalhin natin si lolo sa Ospital ngayon din.Magmadali ka na Bilis!" Sigaw ko sa kaibigan ni Nerd, nagulat pa nga ito at nataranta kaya naman agad itong tumakbo palabas ng kwarto para sundin ako.Tiningnan ko ang itsura ni Lolo namumula na ang mukha nito at wari ko'y nahihirapan na ito huminga.Inalalayan ko na ito para makalabas ng kwarto.Kahit matanda na ito ay matikas pa rin ang katawan at may kalakihan tao rin ito kaya hindi ko ito kayang buhatin. "Lolo!Steve! Sorry po kasalanan ko ito dapat talaga hindi na kita pinilit na patawanin.Tuloy inubo ka pa at inatake ng hika mo." nagsalubong ang dalawang kilay ko sa narinig ko kay Nerd.Kung ganoon kasalanan nito kung bakit inubo ang lolo at ngayon nga ay nahihirapan na ito makahinga.Tiningnan ko ito ng masama humanda ang babaeng panget na ito mamaya sa akin.Balak pa ata nitong ipahamak ang aking lolo. "Lintik ka Nerd ka! Humanda ka sa akin mamaya! oras na may mangyari masama kay Lolo ikaw ang mananagot sa akin babae panget ka!!" Inis kung sambit sa panget na ito, napatigil naman ito sa paglalakad at nauna na kami ni lolo sa sasakyan at balak pa nga sana nitong sumama ng pigilan ko ito.Ayaw kung makasama ito sa iisang sasakyan lalo pa nga at ito ang dahilan kung bakit kami ngayon papunta ospital ni Lolo.Wag lang talaga may masamang mangyari sa akin dahil malalagot talaga sa akin ang lintik na nerd na ito. "Lolo, malapit na tayo sa Ospital.Hoy!! Bilisan mo ang pagmamaneho mo!" Sigaw ko sa driver nila Lolo na may katandaan na rin.dapat kasi medyo bata pa ang kinukuha ni lolo driver hindi ganitong matanda na rin na mabagal na ang kilos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD