"I thought it was meant for me. Iyon pala may umahas na iba!"
Napalunok ako nang marinig ang maarteng boses ni Magenta.
She's sitting a few meters away from me, and I can clearly heard her. E, sino pa ba ang paparingan niya nang ganito? Walang iba lang naman, at ako!
"Ouch, I feel sorry for you, Madam. But don't worry. I've heard that the newbie is a disciples of Fanny Nazareno. So cheer-up," taas kilay ni Octo, ang baklang mukhang Octopus!
.
If I know, sinadya nila ang pagpaparinig sa akin at sa iilang mga staff na nandito.
Ngayong araw na ito ang staff member elite meeting ng Diamonds Group, at syempre in behalf of Fanny Nazareno, I am here to represent him, and with me is my assistant, Margen Fox.
"Don't listen to them, dearie Tessie. Naiingit lang ang mga pusit na iyan!" pabulong ni Margen Fox sa akin, at ngumuso ako sa sarili.
Sumenyas ang kamay ko sa kanya at bahagyang natawa lang din ang bakla. Pinagalaw ko kasi ang daliri ko na parang pinaghalo ang dalawang pusit sa kamay ko. Sarap pritohin ng dalawang chismosa!
.
Magenta and Fanny are enemies, and was always at war. Silang dalawa ang naglalaban sa bawat huling desenyo ng mukha na irarampa ng mga modelo. And of course, Fanny Nazareno always brings home the bacon. Mas talented siya kaysa kay Magenta. E, ang kaartehan lang naman ni Magenta at ang pagiging sip-sip niya kaya siya nandito.
Umayos agad kami nang nag dim na ang ilaw at naka-focus na ito sa center stage.
Lumabas na ang speaker ni Sir Richard Gordon, si Fabio ito. At katulad ni Richard Gordon ay mala-anchor man din ang boses niya.
Nakangiti lang din ako habang nakikinig sa kanya. Hanggang sa pumalakpak na ang lahat at pati na ako. Si Sir Richard Gordon na kasi ang nasa stage at magsasalita na.
My smile widens more than ever when I saw him. He looks dashing! A perfect billionaire husband that is meant for me.
Kuminang ang mga mata na parang nakakita ako ng ginto sa hitsura niya. . . Oh my heart, sino ba naman ang hindi maakit sa angking kagwapuhan niya? Huh, lahat ng babae rito ay pinapantasya siya.
"Ang yummy talaga ni Sir Richard Gordon," si Margen Fox, at hinawakan pa akong mahigpit.
Ngumiwi ako at inalis ang kamay ng bakla sa kamay ko.
I need to concentrate and I need to win his heart. Kailangan ko na mas mapansin niya ang damdamin ko sa kanya, at nang sa ganoon ay maakit ko siya ng bongga.
I was smiling the whole time while he was talking on stage. Hindi mawala ang ngiti ko lalo na at sumusulyap si Sir Richard Gordon sa banda ka. Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko ngayon rito.
Natapos siya at nagpalapakan kaming lahat. Tumayo pa ang iilang at nakigaya na rin ako.
Tsk, the best talaga ang soon-to-be-hubby ko!
.
"I've heard from a reliable source that Sir Richard Gordon is engaged to a non-showbiz business woman."
Umigting ang tainga ko nang marinig ito sa babaeng nasa tabi ko. Tumaas ang kilay ko at pati ang leeg, dahil mukhang makikichismis ako rito.
Katabi ko si Margen Fox sa bandang kanan, at sa bandang kaliwa ko ay si Leslie, ang isa sa mga staff sa loob ng accounting.
She may not know me but I know her. Naging customer ko na rin siya noon sa mga beauty products na binebenta ko.
Pabulong silang nag-uusap nang katabi niya. Pero ewan ko ba. Siguro, pagdating kay Richard Gordon ay nagiging hearing aide ang tainga ko. Naririnig ko ang lahat ng mga chismosa rito.
"Talaga? Sino?" tugon ng isa.
"I've heard she own a beauty business products, and it's a stable one. Nasali na nga sa commercial ito noong nakarang taon sa launching ng bagong desenyo sa mukha," saad ni Leslie sa kausap niya.
"Talaga? Oh my gosh. . . Si Doctora Aiza ba?"
Napatakip-bibig ako sa sarili, at namilog ang mga mata ko. Hmp! At talagang si Miss Aiza pa ito?
I know her and she's famous in this industry. A doctor of beauty. Galing sa mayaman na pamilya at may sariling negosyo na pampaganda. Ang flawless pa nga ng skin niya.
"Talaga, Les?" si Margen Fox. Sumingit ang walanghinyang bakla sa usapan nila.
Natahimik ang dalawa at tinitigan na nila si Margen Fox ngayon. Umiwas ako sa titig at nagkukunwari na wala akong naririnig dito.
"Oo, MJ," si Leslie kay Margen Fox.
Kumunot ang noo nang nagbulungan na sila at nagtatawanan na.
Huh, kailan pa naging MJ si Margen Fox na pusa! Kaloka. Ang daming sekreto ng bakla!
Umalis na ako sa pwesto ko at si Margen Fox na ang pumalit sa upuan ko. Mas maganda yata na mag-tsismisan na lang ang mga ito kaysa sa makinig pa ako. Wala akong mapapala rito!
.
NATAPOS ang meeting at nagpatuloy ako sa mabilisang trabaho. Nakasunod lang din si Margen Fox sa akin na bitbit ang mga gamit ko.
Mabilis lang ang ginawa kong make-over sa tatlo, dahil wala namang pictorials ngayon. Maghahanda lang kami para sa preliminary bukas, at isa-isa ko rin tininganan ang bawat desenyo ng damit nila. Kumukuha kasi ako ng idea para matugma ang kulay ng make-up ko sa kanila.
I took certain photos as I am allowed to do it. This is what I do most of the nights now before going to bed.
Ni-re-review ko ang bawat damit na susuotin ng tatlo at ibabagay ko ang mga kulay para mas tumingkad ang ganda nito.
"Hindi naman totoo, gurl," si Margen Fox sa tabi ko.
Hindi ko muna siya pinansin at tinapos lang din ang ginagawa ko.
"That was the chika a year ago. But too bad, the two of them, and their relationship did not work out," pagpatuloy niya at nahinto na ako. Tinitigan ko na ang bakla.
"What do you mean?" taas kilay ko. At umiwas agad ako sa titig niya sa akin.
Gumuhit ang kinang sa loob ng puso ko. After all, the gossip were long over-due. Over due na, kasi tapos na! Hooray! Isip ko.
"Huwag ka ng magselos. E, wala namang kwento. Our billionaire boss, Sir Richard Gordon is still a bachelor," pilantik nang mga kamay ni Margen Fox sa ere.
Gumuhit ulit ang ngiti sa labi ko. Ahem, may pag-asa pa ako!
"Alam ko naman na crush mo si Sir Gordon, gurl. Kaya naninigurado ako. . . I know how it feels to have a one-sided love. Masakit!" arte na boses niya.
Imbes na matawa ako ay napangiwi ako sa sarili sa hitsura ng bakla. Kaloka. Ma-me-mental yata ako sa kanya!
"Umayos ka nga! Anong one-sided?" sabay hakbang ko. Kinuha ko na ang iilang gamit ko at siya na rin mismo ang kumuha sa iba pa.
"Bakit? E, sa one-side naman talaga ang puso mo kay Sir Gordon!" pabagsak na tugon niya.
Nahinto ako, at parang may humila sa buhok ko pababa.
Huh, nakakainis lang din ah! Ayaw ko ng one-sided-love, dahil hindi ako ganoon!
"It's never going to be a one-sided-love, Margen Fox," dramang titig ko sa bakla. Taas noo ko siyang tinitigan sa mga mata.
"That damn Richard Gordon will soon fall for me. Mark my words!" sabay irap ko.
Humakbang na ako palayo sa kanya. Rinig ko ang pagtikhim ni Margen Fox at alam kong natatawa siya.
.
Sabay na kaming lumabas at may naghintay agad na kotse para sa kanya. Napalingon ako kay Margen Fox, at bakas sa mukha niya ang sobrang saya. Kumikinang ang awra niya at maingat na nilapag ang iilang gamit ko sa tabi ko at binigay ang iilan sa akin.
"Sorry, gurl. But my boyfriend is here," sabay hawi sa bangs niyang kulay pink!
"I'm coming, my Beau!"
Humakbang siya na parang nakaapak sa cloud nine at natawa lang din ako. Napailing na ako sa sarili. Ang arte-arte ng bakla. Iyon pala, may boyfriend na ang bruha! Sana all talaga.
.
Napabuntonghininga ako sa sarili at naaala lang din si Kenneth. Panay kasi ang hatid sundo niya sa akin sa linggong ito at parang nasanay na ako.
Kaya napalingon ako sa paligid. E, walan namang Kenneth!
.
"Tessie?"
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang baritonong boses ni Sir Richard Gordon. Parang may kung anong kumuryente sa likod ko at napatayo ako nang maayos.
"S-Sir Richard!" lawak na ngiti.
I composed my posture like I'm the most beautiful woman here, facing him.
"I was wondering if you are - "
Nahinto siya sa sasabihin sana nang huminto ang maingay na motorsiklo sa harapan namin. Nakakabingi nga naman ang ingay nito, at sabay kaming napalingon sa harapan namin. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ito. Huh, ang walanghiyang Kenneth!
"Hello, my loves. Sorry, na-late ako ng konti."
Tinangal na niya ang helmet at kumindat pa sa akin. Napatingin ako sa motor na ito, at ito lang naman ang motorsiklo na ginamit namin kanina. . . Ang maingay na Harley Davidson ng pinsan niya!
Tumikhim si Sir Richard Gordon at sumenyas ang mga mata ko kay Kenneth. Pero hindi niya nakuha ang mensahi ng mga mata ko sa kanya. At mas lumapit siya sa akin. Nagtitigan na silang dalawa ni Richard Gordon at harap-harapan pa.
"Looks like you have someone here. It's okay, I will - "
"No, Sir! He - he's my cousin!" pekeng ngiti ko.
Sumenyas agad ang mga mata ko kay Kenneth at pumagitna ako sa kanilang dalawa.
Nakangiti ko pang tinitigan si Kenneth at hindi maipinta ang mensahi sa mukha niya sa akin. Kaloka!
"A-ano kasi, Sir. I-I asked my cousin to pick me tonight. P-pero okay lang, Sir, kung may sasabihin ka pa. Ipapauwi ko na lang siya," sabay tulak ko kay Kenneth palayo, at pabalik sa motorsiklo.
Umigting lang din ang panga niya habang nakatitig sa akin, at alam ko na nagpipigil ito. Sumenyas ang kamay ko ng lihim, at nagmamakaawa ang titig ko sa kanya. I want him to disappear, now na!
Humarap lang din ulit ako kay Sir Richard Gordon na nakangiti. Namulsa agad siya.
"Okay, I just want to discuss a few things inside if that's okay?" titig niya sa akin.
"And don't worry about going home. I'll make sure that Tessie will be home safely. Ipapahatid ko siya sa personal driver ko," ngiti niya kay Kenneth.
Tumalikod sin agad si Sir Gordon at naunang pumasok sa loob ng building.
Humarap akong saglit kay Kenneth at hindi ko alam kung paano ako ngingiti sa kanya. Kinabahan lang din ako sa kakaibang titig niya sa akin.
"Huh, pinsan talaga?" dismayadong boses niya.
"Oo, kaya umuwi ka na, please. Bukas na tayo mag-uusap. Day-off ko bukas. Bye!"
Tumalikod na ako at mabilis ang hakbang ko papasok sa building. Wala na muna akong pakialam kay Kenneth, at bukas na ako magpapaliwanag sa kanya.
.
C.M. LOUDEN