Kabanata 8. Yakap

2105 Words
Humikab ako habang pababa ng hagdanan. Day off ko ngayon at sinadya kong magising ng late. I don't have to hurry up with everything because it's my day off and I'm happy. Inihatid nga naman ako nang personal driver ni Sir Richard Gordon kagabi. We had a quick discussion as he wanted to make sure that I will get the right blend when it comes to his models. Masyado siyang perfectionist sa mga bagay at naiintindihan ko ito. Ganito nga naman ang mga lalaking focus sa trabaho. . "Good morning, anak!" si Mama, sa masiglang boses niya. "Morning, Ma," sabay halik ko. "Si Papa?" "Maaga. May operasyon sila ngayon kasama si Kapitan Cardo. Alam mo naman ang Papa mo." Naupo ako at tinakman ang kape na gawa ni Mama sa akin. Napangiti ako, ang sarap nito. Kakaiba ang timpla at parang pang commercial talaga. Amoy na amoy ko pa ang bango ng freshly brewed coffee sa hangin. "Ang sarap ng kape, Ma. Bumili ba si Mandy ng coffee maker?" titig ko sa coffee maker na nasa harapan ko. Bago ito at hindi ko ito napansin kahapon. "Ah iyan. Galing kay Kenneth. Inihatid niya kaninang maaga." Nahinto ako at napangiwi sa sarili. Tinitigan ko na tuloy ang kape na ininom ko. "At talagang bumili siya ng coffee maker? Ano siya si Santa Clause? Namimigay ng appliances?" ikot nang mga mata ko. "Inayos ko iyan, my loves. Nagustuhan mo ba? Masarap ang kape ano?" Nahinto ako at naibuga ko lang naman ang kape na galing sa bibig ko nang marinig ko ang boses niya. Namilog ang mga mata kong nakatitig kay Kenneth ngayon. Ang aga-aga niya? Ba't ba nandito siya? I was about to ask my mother on why the hell Kenneth is here? Pero mukhang alam ng ina ko ang sagot sa tanong ng isip ko. "Tinulungan ako ni Kenneth sa paninda, anak. Kaya nandito siya. Mabilis nga naubos ang tinda ko kaninang madaling araw sa palengke dahil may kasama raw akong gwapo," ngiti ni Mama. Inayos na niya ang iilang supot na walang laman at tumulong na si Kenneth. Nagtitigan lang din kami ni Kenneth. Ni walang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan siya, at panay lang din ang simpling ngiti niya sa akin. Pinaikot ko lang din ang mga mata ko at inirapan siya. Nakakainis. Ang ganda na sana ng umaga ko, pero ang mukha niya ang unang sumira nito! . "Wala ka ba'ng customer sa vulcanizing shop mo?" taas kilay ko. E, sa gusto ko na siyang umalis na. "Mamaya pa, my loves. Tinulungan ko muna si Mama, " pilyong ngiti niya kay Mama. At nagustuhan naman ni Mama ito. Napangiwi ako. No freaking way! Ayaw ko kay Kenneth ano! "Ano? Sinong, Mama?" singit ni Freya. Kararating lang din niya at mukhang haggard na naman ang mukha. Hindi yata umuwi kagabi ang batang ito. "Yo, Kenneth, bro!" sabay apir nilang dalawa. "Ang aga natin ah? Sino ba'ng nililigawan mo? Ako ba o si Ate Tessie?" pamaywang ni Freya. Bahagyang natawa ni Kenneth at napailing na. Inakbayan niya agad si Freya, at bumulong ito sa tainga niya. Tumaas lang din ang kilay ko. Sa pagkaalam ko, hindi tomboy ang kapatid ko. "Hoy, Freya!" sabay sapak ko sa ulo nito. "Hindi ka na naman umuwi kagabi ano? Mama, pagalitan mo nga ang batang ito," titig ko kay Mama, na ngayon ay binuhat na niya ang dalawang balde na walang laman. Aalis na yata siya. "Nagpaalam iyan sa Papa mo kahapon. Kasama niya raw sina Kimberly at Julius. Gumagawa sila ng project sa school. Kaya overnight," si Mama sa akin. "Huh, overnight talaga ha? Baka ibang overnight na 'yan!" "Over ka naman, Ate. Walang ganoon. Hindi ko type ang mga pangit na iyon!" Nguso niya. Ngumiti lang din siya nang matapat ang titig niya kay Kenneth. "Sige, bro. Akyat na muna ako. I'll take a shower and I will see you later," si Freya kay Kenneth. Sumenyas ang kamay ni Kenneth kay Freya at sinunod ko nang tingin ang kapatid ko. Kakaiba nga naman ang kilos niya pagdating kay Kenneth. Pero sa ibang mga tao at sa amin ay lalaki siya kung umasta. Iba nga lang kay Kenneth talaga. "Ma, ihatid na kita," si Kenneth kay Mama. "Sige, anak," si Mama kay Kenneth. Hinayaan na niya sa Kenneth na kunin ang mga bitbit niya at nakangiti lang din si Mama sa akin. Sumenyas ang mga mata niya at ngumiwi ako. Humalik na din si Mama sa pisngi ko. "Alam mo, anak, buto naman kami ng Papa mo kay Kenneth. Masipag na bata. Mataas ang mararating ng ano niya," pabulong ni Mama, at namilog na ang mga mata ko. Kalokohan! Anong mataas ito? Nabilaukan na tuloy ako sa kape na ininom ko. At talagang kinindatan pa ako ni Mama ha! Kaloka! "I'll be right back, my loves. Ihahatid ko muna si Mama, at mag-uusap tayo pagkatapos," kindat ni Kenneth sa akin. Napakurap ako at nalunok ko lang ang sariling laway. Ang hanep! Kailan pa naging Mama ang tawang ni Kenneth sa Mama ko? At sino ba ang nililigawan niya? Si Mandy? Si Freya? O ako? . Pabalik-balik ang lakad ko at dalawang kape na espresso na ang naubos ko. I have to make an excuse to Kenneth. Alam kong magtatanong lang din siya kung bakit pinsan ang pagpapakilala ko sa kanya sa boss ko. Of course, wala akong choice. Ayaw ko naman sabihin kay Sir Richard Gordon na manliligaw ko si Kenneth ano! Hmp, inamin ko rin na ako ang nililigawan niya. "Ano ba, Ate. Nahihilo ako sa'yo," si Freya. Katatapos lang din niyang maligo. "Hinatid ba ni Kenneth si Mama?" sabay bukas niya sa fridge. Kinuha ang orange juice mula sa loob. "Oo." Umayos na ako at tinitigan na siya. "Ano ba ang plano mo sa buhay, Freya? Umayos ka nga. Hindi ka lalaki dahil babae ka!" Pinaikot lang din niya ang mga mata at ininom ang juice. "I know, Ate. Alangan naman lalaki ako. E, may butas ako ano," ngiwi niya at bahagyang natawa. "E ikaw, Ate? Kailan mo sasabihin kina Mama at Papa ang tungkol sa pekeng negosyo mo?" Nahinto ako at pinigilan ko ang hininga. Seryoso kaming nagtitigan dalawa. Hmp, sabi ko na nga ba. Ibang klase ang kapatid kong ito. Alam kung sekreto niya akong minamanmanan. "Don't worry. Matutupad na din naman ang totoong negosyo ko ano," irap ko. Tinalikuran ko lang din siya at nakasunod siya sa akin ngayon. "Matutupad? Paano, Ate? Tsk. . . Ate naman. Hindi naman sa hindi ko alam, pero matagal ko nang alam na wala kang beauty business." Nahinto ako at kinabahan na. Oo, aminin ko, marami akong sekreto sa pamilyang ito. At ayaw ko na malaman nila kung ano ang totoo. Umikot agad siya at nakangiting humarap sa akin. Nakanguya pa ang bibig niya. "Nasa bangketa lang ang pwesto mo, at si Inday Lumi at Marites ang dalawang tauhan mo. Bumubuntot ka kay Fanny Nazareno para sa iilang raket. Pero in-fairness nagiging customer mo ang mga tauhan ng Diamond Groups," ngiti niya. "Proud pa rin ako sa'yo, Ate. . ." Napakurap ako at naging blanko ang isip ko. Hindi ko inakala na sa kabila ng pagiging malihim ni Freya at pagiging barkadista ay alam niya ang lahat nang ito sa akin. I look at her and smile a little bit. Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ang mukha nang kapatid ko. Ang dating bunso, na minsan ay napapabayaan namin at hindi napapansin ay dalaga na pala. . . "F-Freya. . ." "It's okay, Ate. Alam ko rin na natangap ka na sa Diamonds Group bilang reliever ni Fanny Nazareno," pliyang ngiti niya. Hinawi niya ang mahabang buhok at pumilantik ang mga mata nito. "Kaya mo 'yan, Ate! Di ba crush na crush mo si Richard Gordon? Ang billionaire's fantasy mo? Tsk, fighting!" ngiti niya na parang palaka. Kaloka! Iiyak na sana ako, pero nawala lang din nang dahil sa kantyaw na ngiti na ginawa niya. "Dagdagan mo lang allowance ko, Ate. Case close na tayo. Hindi ko sasabihin kina Mama at Papa kung saan ang pwesto mo sa bangketa," taas ng kilay niya. Nagmamayabang ang titig niya sa akin at tumaas lang din ang kilay ko. Kumunot na ang noo ko at napaatras agad siya. Tumakbo na ang bruha! "Halika ka nga rito bata ka!" Kumaripas agad siya nang takbo palabas at hinabol ko na. Hindi ko man lang naabutan dahil una na siyang nakalabas ng pinto. Ang talino talaga ng batang ito, at talang tinatakot pa ako! "Kuya Kenneth!" sabay yakap niya kay Kenneth. "Help, Kuya! Si Ate oh!" Nagtago agad siya sa likod ni Kenneth. Kinuha ko agad ang walis tingting sa gilid at itinuro ito sa mukha ni Kenneth. "Huwag kang makialam rito, Kenneth!" "M-My loves naman. Hayaan mo na si Freya. Alam mo naman na isip bata ito 'di ba?" pa-cute ni Kenneth sa akin. "Ano? Ako isip bata? Excuse me, Kenneth. I should not be calling you Kuya because - " Nahinto lang din si Freya dahil hinila ang buhok niya ni Wendy mula sa likod. "At anong kasalanan mo?" si Wendy sa kanya. Kararating lang nito galing sa labas. "Aray ko, ano ba! Bitawan mo ang buhok ko, Wendy!" sigaw ni Freya sa kanya. Hindi siya binitawan ni Wendy at mas hinila lang din pababa ang buhok niya. Napahawak na si Freya sa ulo niya at bumaliktad na ang ulo nito. Umatras si Kenneth at lumapit sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil si Freya ang target ko. "My loves," hawak ni Kenneth sa braso ko. "Che! Huwag mo akong matawag-tawag na my loves dahil hindi tayo lovers!" sigaw ko. Lumabas na yata ang ugat sa leeg ko. Ang aga-aga at ang iingay na namin dito. Pinag-fiestahan na kami nang mga chismosang kapit-bahay namin ngayon. Natawa si Wendy at ngayon ko lang napansin na nakadamit pang- madre pala siya. Huh, nagmamadre na ba ang isang ito?! "Bitawan mo ako sister please!" sigaw ni Freya. "Aray! Ang sakit ah," reklamo niya. "Ayaw ko nga! Ate oh!" si Wendy sa akin. Pilya siyang ngumiti. Hindi ko tuloy alam na may ganitong ugali ang mahinhin na 'di makabasag pingan na kapatid ko. E, mukhang hindi madre ang bagay sa kanya, kung 'di pagiging pulis na yata. "My loves," lambing na boses ni Kenneth habang nakahawak sa akin. "Ano ba, Kenneth? Kung hahawak ka man lang sa katawan ko. Ayusin mo!" sabay hawak ko sa kamay niya na nakapulupot sa akin. Ewan ko ba, pero ang sarap pala na may yumayakap na ganito sa akin, lalo na sa isang Kenneth na astig ang katawan. "Hala! Kayo na ba ni Kenneth, Tessie ganda?" si Inday Batibot, ang pinaka-tsimosang kapit-bahay namin. Namilog na ang mga mata ko at nabitawan ni Wendy ang buhok ni Freya. Tulala siyang nakatitig sa amin. Tumayo na rin nang mariin si Freya at hindi maipinta ang mukhang nakatitig sa amin ni Kenneth ngayon. Napatakip-bibig na ang iilang kapit-bahay namin at gumuhit ang kakaibang ngiti sa mukha ni Wendy. Samantalang mas nangunot lang din ang mukha ni Freya. "Oh my God. . ." si Korona, ang babaeng patay na patay kay Kenneth. Lahat sila nakatingin sa amin ni Kenneth. Natulala ako at napakurap sa sarili. Sa sobrang galit at inis ko kanina ay hindi ko na pinansin si Kenneth sa likod ko. At oo, nakayakap nga naman siya sa akin at balewala lang sa akin ito. Pero ngayon ko lang napansin na nasa bandang baywang pababa na pala ang dalawang kamay niya at hulmang-hulma ang katawan ko sa matipunong katawan ni Kenneth. Kaloka, nagustuhan ko ba? Hindi kasi ako nagreklamo at parang natural lang din ang galaw nang katawan ko sa kanya. "Bitawan mo nga ako!" Mabilis kung kinalas ito at bumitaw rin agad si Kenneth sa akin. Tumikhim siya at kinuha na ang hawak ko na walis tingting. Natahimik ang lahat at umirap na si Freya. "Che!" sabay talikod niya at lumabas na sa gate ng bahay. "Hoy! Mga tsismosa kayo! Magsibalik na kayo sa mga trabaho ninyo. Tapos na ang show. Ang aga-aga ang sasama na nang mga iniisip ninyo! Nakakahiya kayo!" si Wendy sa kanila. Umalis na ang lahat maliban kay Inday Batibot. Ngumuso siya at nag mukhang aso na. "So, hindi kayo ano?" nga-nga niya. "Hindi ano! Hindi ko type si Kenneth at my boyfriend na ako!" sabay irap ko. Tumalikod na ako at rinig ko ang boses ni Wendy sa likod ko. "OMG! Sino, Ate?" "Ewan ko!" Umakyat na ako sa hagdanan patungo sa kwarto. Nakakainis! Naiinis ako sa umagang ito. Ba't ba kasi pumarito pa si Kenneth. Ang malas ko talaga o. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD