Kabanata 6. Walang choice

2125 Words
Ang tagal natapos at alas utso na nang umalis ang lahat. Ako ang panghuli dahil nauna na si Margen Fox kanina. May emergency ang bakla dahil sa Nanay niya. Kaya heto, ako ang kusang nagliligpit nang lahat ng gamit ko. "Thank you for tonight, darling Tessie! I will see you again tomorrow!" arteng boses ni Derek Martino. Tumango ako at ngumiti, hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Tahimik na ang buong building nang makababa ako at si Manong guard lang din ang nakangiti sa akin. "Good night, Ma'am Tessie," ngiti niya. "Ikaw rin, Manong. Mag-iingat po kayo," ngiting balik ko. Nahinto ako nang makalabas sa pinto ng building at tinitigan ang harapang bahagi. Gabi na at gutom na ako. Hmp, kung alam ko lang na magiging ganito madalas na ang bawat araw ko ay magbabaon na talaga ako ng itlog nito! . "My loves! I'm here," siglang boses niya. Ngumiwi ako nang makita si Kenneth. Ang lawak nang ngiti niya habang papalapit sa akin. Kinuskos ko na tuloy ang mga mata ko, baka kasi namamalikmata lang ako ngayon sa kanya. The heck, at talagang naghintay siya? "Akin na," sabay kuha niya sa bitbit ko. "I'm sure, pagod na pagod ka na at gutom pa. Kaya bumili ako nang pagkain, my loves. Nasa loob ng kotse. Halika ka na," sabay hawak niya sa baywang ko at natulala lang din ako. Huh, epekto lang ng gutom ito! "A-akala ko ba hindi mo ako susunduin?" "Iyan ang akala mo. Ako pa? Kahit pa kalahating gabi na, my loves, susunduin pa rin kita," kindat niya sa akin at napangiwi tuloy ako. Tsk, ibang klase nga naman si Kenneth ano. "Hindi ba sinabi ko sa'yo na huwag mo na akong sunduin, Kenneth. Baka may makakita pa sa atin nito!" Padabog ko, at ako na mismo ang unang pumasok sa kotse. Nahinto siyang saglit nang sinarado ko na ang pinto, at maingat ang ginawang paglagay niya sa mga gamit ko sa likod. Umikot na din siya at pumwesto na sa upuan niya. Napatitig ako sa kabuuan ng kotse at hindi ito ang kanina. Ibang kotse na naman ito, at babae ang may-ari. May ID kasi sa gilid na bahagi. Napansin niya agad ang pagtingin ko nito. "Kay Madam Flora ito, my loves. Natapos ko na ang service-check-up, kaya testing na ito ngayon at ibabalik ko mamaya." Ngumuso ako at nakaramdam na ako ng gutom. Hinaplos ko na ang tiyan ko. "Kain muna tayo. May pagkain akong binili," ngiti niya. At seryoso lang din na nagmaneho. "Anong binili mo?" Tumitig siyang nakangiti sa akin. "Nasa likod. Nilagay ko sa ice chest para hindi mangamoy ang kotse. Mahirap na, maarte si Madam Flora." Bumunonghininga na ako sa sarili at napalunok na lang din. Aanhin ko nga naman ang pahatid sundo niya sa akin, e hindi naman sa kanya ang bawat kotse at ang arte-arte pa ng mga may-ari! "Sa susunod, Kenneth, huwag mo nang gamitin ang mga kotse ng customer mo. Hindi maganda. Mas ikapapanatag pa ng loob ko kung iyong tricycle mo na lang ang gagamitin natin. Kaysa sa ganito na hindi sa'yo. Ang daming bawal," ikot nang mga mata ko. Tumikhim agad siya at nawala ang ngiti sa labi niya. Pero bumawi rin agad ito at nakangiting tinitigan ako pabalik. "Next time, my loves. Don't worry," sabay kindat niya. "Wala ng next time, Kenneth. Huwag mo na akong ihatid, okay? And please stop calling me 'my loves' because were not even lovers," ngiwi ko. Hindi nakakatawa ang my loves niya palagi sa akin. E, paano na lang kung may makarinig na iba? Huh, masisira pa tuloy ang deskarte ko nito kay Sir Richard Gordon. Kaloka! "Okay, my loves, este, Tessie," sabay bawi niya. Tumahimik na ako at pinaikot ko lang din ang mga mata ko. Pinagpawisan ako nang hindi ko napapansin, kaya nilakasan na niya ang aircon ng sasakyan. "Huwag masyadong malamig, Kenneth. Baka siponin ako bukas. Full time pa naman ako hanggang sa finals ng mga modelo. Mahirap na. Ayaw kong mahawaan sila." "Okay, sorry my loves, este, Tessis," ngiti niya. Bahagyan lang din siyang natawa at mas naiinis akong tinitigan siya. Ewan ko ba, minsan kumukulo ang dugo ko sa Kenneth na ito, at minsan naman ay naawa ako sa kanya. E, sa umaasa lang siya sa kakarampot na kita niya sa maliit na vulcanizing shop at ang mahal pa ng renta. Tapos heto, ihahatid sundo pa ako? Huh, ang baliw lang din ano! "Ihinto ko muna sa may park ang sasakyan, Tessie." "Okay," ngiwi ko. . Pagkaraan ng iilang minuto ay ang maliwanag na Gaston Park ang tumambad sa amin. Puno ng mga ilaw ang bawat puno na parang pasko. Marami nga'ng tao, pero hindi magulo. Halos ng mga taong nandito ay nakikipag-date sa mga jowa nila, at ang ay mga magbabarkada. Nauna akong lumabas at hinayaan na muna si Kenneth. Alam kong kinukuha niya ang pagkain namin sa likod ng sasakyan. Ngumiti ako nang makita ang kakaibang kinaw ng bawat puno. Hindi ko namalayan na malapit na pala ang pasko, at sa mga susunod na buwan ay bagon taon na. Noon, kaming limang magkakapatid ay palaging namamasyal kasama sina Mama at Papa rito. At dito madalas ang gabi namin tuwing pasko habang kumakain ng leeg ng manok at bituka. Nagbabaon lang din si Mama ng kanin para sa amin at isang kaldero talaga. Dito madalas nangangarap kaming magkakapatid at tahimik na nakangiting nakikinig sina Mama at Papa sa amin. "Here, my loves," ngiti ni Kenneth. Inilapag na niya ang pagkain na pinamili. Napatingin ako sa set up na ito, at ganitong-ganito rin si Mama noon. Kompletos recados. Pero ang kaibahan nga lang ngayon ay si Kenneth ang kasama ko. "Kain na. . . Dinagdagan ko ng extrang kanin. Dahil alam kong gutom na gutom ka na, my loves," excited sa boses niya habang inihahanda ito. At siya na mismo ang naglagay ng ulam at kanin sa plastic na plato. Tahimik ako pero mala-tigre ang titig ko sa kanya. Napansin niya agad ito. "Sorry, my loves, este, Tessie. . . Pasensya na, nasanay kasi ako." "Alisin mo ang my loves, Kenneth," iling ko. Sisimulan ko na sanang kumain dahil gutom na ako. Pero mabilis na hinawakan ni Kenneth ang kamay ko at natulala akong nakatitig sa parteng ito. "May plastic gloves ako. Mahirap na, ayaw ko na magkasakit ka. Baka may makain ka pang bacteria." Agad niyang pinasuot sa akin ang plastic na gloves at napangiti ako ng lihim. . . Kahit papaano napakalinis ni Kenneth sa mga maliit na bagay. Marumi lang siya kung may inaayos siyang sasakyan, at mukhang taong grasa. Pero kung wala naman, ay napakalinis niyang tingnan at ang bango pa. Nahinto ako at pinutol ko ang pantasya ng utak ko ngayon sa kanya. Kaloka, at talagang may ganoon ako sa kanya? Huh, epekto na talaga ng gutom ito! "Salamat, ah. Hindi ko ito hihindian sa'yo, dahil gutom na gutom na talaga ako. Bukas na kita babayaran sa nagastos mo, okay?" ngiti kong sabay subo. "No problem, my loves. Basta ikaw, lahat libre." Ngingiti sana ako pero napangiwi lang din nang masilayan ko ang pilyong ngiti niya habang kumakain. Tsk, delikado talaga ako kay Kenneth, pero alam ko naman sa sarili ko na wala akong gusto sa kanya, at hanggang kaibigan lang din ang damdamin ko. After all, Kenneth is not my type. Iba ang gusto ko. Iba ang tipo kong lalaki. . . Gusto ko iyong pormal at hot na hot ang pisikal na anyo. Iyong naka CEO executive attire at mala-boss ang dating. Gusto ko iyong ganoon. Iyong lalaki na kayang ibigay ang lahat ng gusto ko. Wala namang masama kay Kenneth, pero sadyang ayaw ko lang talaga sa isang tulad niya. Ang dami kong pangarap sa pamilya ko, at gusto ko maibigay ang lahat ng ito sa kanila. Gusto kong mabigyan sina Mama at Papa ng sariling bahay namin at lupa. Gusto ko na may sariling sasakyan kami, iyong van type para magkasya kaming lahat. Gusto ko na palaging masarap ang ulam namin at may mga katulong kami sa bahay. Gusto ko ng komportableng buhay. . . Wala naman sigurong masama kung mangarap ako 'di ba? At syempre kasama na rin sa pangarap ko ang makapag-asawa ng isang mayaman. Isang mayaman na tao na may puso at tangap ang lahat sa akin. Naging tahimik lang din kami habang kumakain. Hindi ko na napansin na kasama ko si Kenneth ngayon, dahil naaliw ako sa bawat ilaw na nakasabit sa bawat puno sa paligid at sa mga tao na nandito. Masaya kasi ang lahat, at masaya rin ako. . "Ate naman e!" si Wendy. "Hindi pwede at hindi ako papayag!" "Ate Tessie. Pumayag na nga sina Mama at Papa, ba't ikaw hindi? E, hindi mo namna kailangan pumirma! Allowance lang naman hihingin ko," nguso ni Wendy sa akin. Mabilis kong inayos ang buhok ko. Pakiramdam ko malalate ako sa araw na ito. Paano ba naman kasi nagsabay-sabay kaming lahat sa pag-gamit ng banyo. E, madalas naman ako ang nauuna. At ewan ko ba kung bakit ang aga-aga ng lahat ngayon. Ano ba ang meron sa araw na ito? At lahat ay natataranta. "Okay lang sana kung isang gabi lang, Wendy. Pero tatlong araw talaga? Anong klaseng outreach programme iyan? Baka iba na ha!" pamilog ng mga mata ko sa kanya. "Ate, kasama naman sina Sister Anna at Padre Damascus. Wala naman masama, Ate. Outreach iyon at syempre may mga doctor at nurse na kasama. Isang buong team kami, at sa Isla Pag-asa kami pupunta." "Ano? Anong Isla Pag-asa? Baka walang pag-asa ang Isla iyon!" Kinuha ko na ang iilang gamit ko at isinuot ko na ang sapatos. "Ate naman e! May bahay ampunan roon, at bahay pag-asa sa mga taong may sakit. Doon sila namamalagi sa Isla, at doon na rin namamatay." Nahinto ako nang marinig ko ang namamatay na salita. Kinilabutan tuloy ako para sa kapatid ko, kaya tinitigan ko nang mariin ang mukha niya. Napabuntonghininga na rin ako sa sarili. Wala na ba talagang pag-asa si Wendy? Mukhang mag-mamadre na yata ang kapatid kong ito. "Wendy. . . You are beautiful inside and out. You can be a model if you want. You have the beauty, my sister. Kaya pwede ba, kalimutan mo na ang pagiging madre," haplos ko sa gilid ng mukha niya at napangiwi agad siya. "Ate!" lakas na boses niya. Nabitawan ko tuloy ang hawak ko. "Ayaw ko!" sabay talikod ko. Nakasunod lang din siya sa akin hanggang sa makalabas na kami ng gate. "Ate Tessie please. . . Maawa ka," sabay harang niya sa daanan ko. Nahinto ulit ako. "Doon ka humingi kay Mandy. Marami iyong pera," ngisi ko. "Ayaw nga ni Ate Mandy, Ate. Ate naman, hindi naman ako maghahanap ng lalaki. Gusto ko lang naman makatulog sa mga madre. Sige na. . ." pagmamakaawa niya. Nahinto ulit ako at nagtitigan na kaming dalawa. Wala na yatang pag-asa ang batang ito. Magmamadre na nga. . . . "Magkano ba kailangan mo, Wendy?" Ang malambing na baritonong boses ni Kenneth ito, at sabay kami ni Wendy na napatitig sa kanya. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Napako tuloy ang tingin ko sa sasakyan na nasa likod niya. Hindi ito kotse, at mas lalang hindi tricyle, kung 'do motorsiklo ito. Pero ang cool ng hitsura ng motorsiklong 'to. "Harley Davidson?" si Wendy. Binasa niya lang naman ang letrang nakaukit sa motorsiklo. Ngumiwi lang din ako at snob na tinitigan si Kenneth. "Good morning, my loves," tamis na ngiti niya sa akin, at pati na kay Wendy. "Hello, Kuya Kenneth." Pa-cute ng bruha! "Ihatid na kita, Tessie," si Kenneth sa akin. Mas napangiwi ako at napalunok ako sa sarili nang matitigan ang motorsiklong ito. Huh, ang hanep 'te. Masisira ang hair ko! "Pahatid ka na, Ate. Late ka na," ngiting aso ni Wendy sa akin. "Che! No thank you. I will be fine," sabay hakbang ko. Inirapan ko na si Kenneth at nahinto lang din ako sa bandang gilid at naghihintay ng tricycle. "Ate magpahatid ka na. Malalate ka na, Ate. Ma-traffic pa," si Wendy. Napalingon ako sa kanya at nakangisi itong nakatitig kay Kenneth. Parehong nakangiti ang dalawa! Napatingin ako sa relo at tama nga naman si Wendy. Malalate nga ako nito. Kaya napatitig ulit ako sa Harley Davidson na motorsiklo. "Kanino 'to?" taas kilay ko kay Kenneth. "Kay Nestor, pinsan ko." "May pinsan ka pala rito, Kuya Kenneth?" si Wendy sa kanya. "Oo, security guard siya sa isang sikat na bangko." "Wow, ibang klaseng security guard ang pinsan mo, Kuya Kenneth. Astig!" si Wendy. Hinaplos pa niya ang motorsiklong ito. "Pahatid ka na, Ate!" pagpatuloy niya. Ngumiwi ako at napabuntong hininga sa sarili. Wala na naman akong choice. Wala na nga! . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD