Kabanata 3. Pigil hininga

1329 Words
"Oh my gulay, girl! Kanina pa kita hinihintay!" Parang pato na tumakbo si Margen Fox palapit sa akin. Mabilis niyang kinuha ang dala kong dalawang maliliit na maleta at mabilis din ang hakbang papasok sa loob. "Ang traffic naman kasi! Kung may sasakyan lang sana ako e mas mabilis at maaga ako rito. Pero alam mo naman na wala." Mabilis ang hakbang ko papasok. Nauna na ang bakla at talagang iniwan pa ako. Ang inggay agad ng mga tao sa loob ang sumalubong sa akin pagkapasok ko. And as usual, ganito nga naman ang bawat umaga at araw rito. "Good morning, Tessie ganda!" si Pechay. Napangiwi na ako dahil iba na naman ang hitsura ng mukha niya. Kung kahapon ay mukha siyang d almation ngayon mukha na siyang chihuahua! "Ang galing mo talaga, Tessie! Idol na idol talaga kita," kurap ng mga mata niya. Mabilis akong humakbang at tumabi na siya. Napaku ang tingin ko kay Lala na abala rin sa sarili niya. "Lala! Here's your order, dear. Muawh!" Sabay bigay ko nito sa kanya. "Salamat, Tessie ganda!" kindat niya. Nilagpasan ko na siya. "O-Order ulit ako sa cutix, tatlong dosena," beautiful eyes ni Pechay sa akin. Nahinto na ako at seryosong tinitigan siya. Ang dami yata? Kunot-noo ko. Ang baliw ko rin ano. Ako na nga itong may customer magrereklamo pa ako? Kabaliwan, Tessie! "One year supply. Ano ka ba! Nagustuhan ni Bruno at na-kiss niya ako kagabi. Ayee!" excited na hawak niya sa braso ko. "Kaya lulubusin ko na. Baka proposal na mamaya," ngisi niya. Napaawang na ang labi ko. "O-Okay," sabay hakbang ko. "Salamat, Tessie! I love you, ganda!" pasigaw niya. Pumasok na ako at isinarado ko na ang pinto rito. "Bilisan mo, Tessie!" tarantang tugon ni Margen Fox. "Ba't ka ba natataranta, bakla? E, ang aga pa naman ah? Mamaya pa ang show, at wala pa ang mga bruha!" taas kilay ko. "Alam ko. Pero nandito na si Mr. Richard Gordon at hinihanap ka na, gaga!" Namilog agad ang mga mata ko at bumilis ang t***k sa puso ko. Napalingon na ako kay Margen Fox. Nag-beautiful eyes na ang bakla! "Bilis. Aayusan kita! Ayeee!" tili niya. Hinila niya akong pinaupo sa upuan at sumunod na ako. Blanko na ngayon ang utak ko at abo-abot ang kaba sa puso. Oh my goodness me! My one and only Richard Gordon is looking for me? Nakakatense 'te! "B-Bakit daw?" Mabilis na inayos ni Margen Fox ang buhok at mukha ko. Pakiramdam ko ang init na ng pisngi ko at hindi ko na maintindihan ang kabog sa puso. "Ewan ko, girl. P-Pero ayan na! Okay na. Tapos na!" Pinaikot niya ang swivel chair at iniharap ito sa malaking salamin. Napangiti ako. Ang bilis nga naman ng make-over ng bakla sa akin. Peke akong ngumiti sa harap ng salamin. Kung sa bagay maganda na ako at konting blus-on at lipstick lang ay laglag panga na ang panga ni Richard sa beauty ko. Agad kong inayos ang postura. Tumikhim pa ako nang makailang ulit bago ako tumitig ulit kay Margen Fox. "What do you think, Margen Fox? Do I look like one of the goddess na ba?" kinang nang mga mata ko. "Sobra pa! Sige na. Bilisan mo na!" tarantang tugon niya. Mabilis ang hakbang ko patungo sa opisina niya. Pero nang matapat ako sa pinto ng opisina niya ay pigil hininga ang paghinga ko. I plaster my best smile and knock formally on his door. "Come on in," baritonong boses niya at kinabahan na ako ng bongga. "Uhm, g-good morning, Sir,” bukas ko sa pinto at tumitig akong diretso sa lamesa niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang hindi ko siya makita mula rito. Hanggang sa napansin ko na nasa gilid na bahagi siya, at inaayos ang picture frame sa dingding. Tumikhim ulit ako at pasimpling ngumiti. Nagpapacute lang din. "Good morning, Sir. How are you today?" I beautifully said with my seductive smile. I stared at him together and twinkled my. My eyes darted on the most precise part of his body. . . His butt! Ang perfect 'te! "I am wondering if you can manage to do the night show tomorrow night?" "P-Po? S-sure, Sir!" utal na tugon ko. Hindi pa siya tumingin sa akin dahil hindi pa siya tapos sa pag-aayos ng painting na picture sa dingding. Humakbang na ako para mas mapalapit ako sa kanya. Nasa likod na niya ako ngayon. Kumunot ang noo ko, dahil wala naman akong nakikitang mali sa picture painting at maayos naman ito. "What do you think? Maayos na ba?" Tumabi agad siya sa akin. Pormal ang tayo at namaywang na nakatitig dito. Napatitig na tuloy ako sa matangos na ilong niya. Ang gwapo niya talaga! Dios ko po, puso ko, umayos ka! "It's perfect, Sir! Totally perfect. . . " titig ko sa mga mata niya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil sa painting ang mga mata nito. Kanina pa ako rito, pero wala yata siyang plano na titigan man lang ako. Kumot ang noo niya na parang hindi mapakali at bumuntong huminga na. "Okay. I think it's okay. Doesn't matter." Sabay talikod niya. Humakbang na siya patungo sa lamesa. Sumunod agad ako at pumwestong tumayo sa harapan ng mesa niya. "You have to manage Gold and Silver. I want the two of them to shine like they're the most precious gem tomorrow night. Can I trust you with that?" he seriously stare. "S-Sure, Sir. . . I will do my best!” ngiti ko. Natunaw ang puso ko nang matitigan niya ako. Kahit na madali lang ito. "Okay and make sure to follow the precise colours." Ibinigay niya agad ang papel at tiningap ko ito. Colour coding ito ng bawat damit at desenyo ng damit nila. Kailangan kong maibagay ang make-up sa suot nila. I know that tomorrow night is the elite close fashion show. Ang akala ko kasi si Magenta ang gagawa sa dalawa. Dahil siya naman madalas ang gumagawa sa ganitong fashion show. "A-Akala ko po si Magenta ang kinuha ninyo, Sir?" alalang tanong ko. Kilala ko si Magenta, siya ang pinakamahigpit na kalaban ni Fanny Nazareno. Ngayon na wala si Fanny ay tiyak maghahari siya. Ang akala ko ay siya ang hahawak sa dalawang sikat na modelo. Hindi pala. Napatitig sa akin si Sir Richard na parang nagtatanong ang mga mata niya. "Bakit? Wala ka bang tiwala sa sarili mo, Teusday ‘Tessie’ Saldivar?" igting ng panga niya. Napalunok na ako. "M-Meron, Sir. . . P-Pero kasi p-pumalit lang naman ako kay Fanny Nazareno 'di ba? H-Hindi ba nakaka-" "I'm giving you the chance, Tessie. I have seen you like a shadow behind Fanny Nazareno, and now that he's not here I'm giving you a chance." Gumuhit ang kaba sa puso ko at hindi ako makapaniwala sa narinig ngayon. Oo, matagal ko na itong gusto. Matagal na matagal na. . I want to formally work here in 'The Gordon Group of Diamonds'. Kaya madalas akong bumubuntot kay Fanny. Siya ang nag-iisang tao na naniwala sa kakayahan ko, at ngayon na wala siya rito ay iniwan niya sa akin ang pangangalaga sa tatlong bituin na modelo. "D-Do want to take it? Yes or no?" "Yes, Sir! I will. I will do my best." Abot-abot ang kaba sa puso ko at hindi na ako makangiti ng maayos sa kanya. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako ngayon. Pingil hininga ang pag-singap ko sa hangin na parang hindi ako makapaniwala. "Good." Sabay tayo niya. Humakbang na siya palapit sa akin at huminto siya sa tapat ko. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Then, good luck. Do your best, Tessie,” Umalis na agad siya at lumabas na sa opisina niya. Naiwan akong tulala. Makailang ulit pa ang paglunok ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili. I am a step closer to my dream, and two step closer to the man of my dreams. . . Kaya ko ito! Kayang kaya ko. . . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD