Pinaikot-ikot ko ang buhok hanggang sa maging dunot bun ito sa ulo ko. Tumaas na ang kilay ko habang pinagmamasdan ang mukha sa salamin.
Ang ganda ko nga naman talaga ano! Pero nakaloloka lang din dahil magpahanggang ngayon ay ang hirap makuha ang atensyon ni Sir Richard Gordon!
Lumabas na ako ng kwarto matapos mag-ayos sa sarili.
"Good morning, anak!" tugon ni Mama at inaayos na ang pagkain sa mesa.
Lumapit agad ako at humalik sa kanya.
"Si Papa, Ma?"
Naupo na ako at nilingon ang maarteng kapatid ko na si Torie. Panay ang pindot sa cellphone niya.
"Umagang umalis, anak. On field operation sila. Kaya mamaya pa iyon,” sabay lapag ni Mama sa niluto na itlog.
"Kaya kayo na muna ang bahala rito. Dahil pinatawag ako ng barangay." Nagmamadaling tugon ni Mama at humalik na sa amin dalawa ni Torie. Tinaas ko lang din ang kilay ko. Naghihintay kasi ako na titingin si Torie sa banda ko, pero wala, dahil nabaliw na sa cellphone ito!
"Hey, Thursday! Aren't you going to eat?"
My brows lifted while staring at her. Sumulyap lang din siya at pilit na ngumiti sa akin.
"Mamaya na, Ate Tessie. Magsasabay na kami ni Ate Mandy."
"Okay. Fine!" arteng tugon ko at kumain na ako.
Ganito ang eksena sa bahay. Kung hindi man magulo ay tahimik ang mundo. Pero madalas ay parang presento ang bahay na ito. Try to imagine all of us are five girls named after the week of the days. Here's Monday, the eldest. You can call her 'Mandy' ang ganda ng pangalan 'di ba? Pero mag-iingat ka dahil katulad ng unang pasok mo sa Lunes sa trabaho ay masyadong abala at hectic ang mundo niya.
Thursday is Torie. Amongst the five of us Torie for me is unreadable! Hindi ko alam kong ano ang laman ng utak niya. Ang dami niyang ideya at kulang-kulang na lang tatakbo siyang barangay tanod. Pwede na silang magsama ni Mama. Pero iba ang gusto niya at hindi ko alam ito. Hay naku, bahala na nga siya!
Isunod mo na si Tuesday, ay ako pala! Tessie in short, ang pinakamaganda. Well I better claimed it, ano ba! I have my so-called silent business and I work in the most famous fashion industry in showbiz. Iyon nga lang temporary lang ako. Okay na ito. This is my door closer to my dreams, and closer to capture the heart of my prince charming!
"Oy, itlog na nanaman?" reklamo ni Freya.
Kalalabas lang siguro nito sa kwarto. Ay hindi, huhulaan ko. Kararating lang nito!
"Where have you been? Umuwi ka ba kagabi?"
Pinaikot niya lang ang mga mata sa akin at inirapan pa ako. Ang arte talaga ng babaeng ito!
"Hoy, Freya! Kapag ikaw nabuntis lagot ka sa akin bata ka!" Sabay turo ko ng tinidor sa mukha niya. Bahagya na siyang natawa at napailing pa. Tumaas ang kilay niyang pinagmasdan si Torie sa gilid.
"Ako mabubuntis? Mas mag-alala ka sa isa diyan na parang poste!" Palatak niya at mabilis na nagtungo sa banyo.
Napangiwi na ako. Ang baliw talaga ng bunsong kapatid ko. Friday, Freya for short. Boyish manamit at astig kong makakilos. Akala mo naman lalaki siya. E, babae ang bruha! At kung tititigan mo siya ng sampung beses ay mas maganda pa siya sa akin. Chaka!
Napailing na ako at tinapos ko na ang egg lettuce salad. Napatingin ako kay Torie na parang walang narinig mula kay Freya. Umalis na siya at panay ang titig sa cellphone niya. Patayo na sana ako nang dumating si Wendy at nakangiti ito. Halatang bagong ligo.
"Wow, salad? Diet ka, gorl?" bahagyang ngiti niya habang pinagmamasdan ang plato ko.
"Yes, diet is life, gorl!" ikot ng mga mata ko.
Tumayo na ako na bitbit ang plato. Nilapag ko na ito sa lababo.
"May longganisa naman, ate. Ayaw mo?" tugon ni Wendy at nakanguyang nakatitig sa akin.
Napalunok na tuloy ako habang pinamamasdan ang bibig niya.
Wednesday, o mas kilala bilang 'Wendy'. Mahinhin, maganda, mala Maria Clara. Kung may isang konserbatibo sa amin ay siya na nga ito. Hindi na ako magtataka kung papasok siya sa kumbento. Pero sayang nga lang kung ganoon, dahil hindi niya makikita ang langit sa kawalan. Ay, ibang langit pala iyon! Erase, dios ko po patawad!
Napailing na ako sa sarili. Ang aga-aga at kong ano-ano na ang pumapasok sa utak ko. Kailangan ko pang bumisita sa shop ko.
"Wendy. Ikaw na maghugas ng pinggan okay!" Kinuha ko ang bag sa gilid at ngumiti na sa kanya.
"Ate, naman. Ako na lang palagi. Wala na bang iba?" reklamo niya.
Napakurap ako at ngumuso na siya.
"Okay. Ililibre kita ng lipstick at facial cream mamaya,” titig ko sa kabuuan niya. "At magpalit ka nga ng damit mo. Mukha kang chimiaa!" ngiwi ko.
Napaawang ang labi niya, pero nagpatuloy lang din ito sa pagsubo ng longganisa.
"Okay lang kahit na chimiaa ako dahil ako naman ang pinakamaganda sa simbahan mamaya," ngiti niya.
Napailing na ako. Wala na talaga akong pag-asa sa kanya. I know she's still young but I wish her prince charming will appear soon and abduct her. Mas gustuhin ko pa yata na mag-asawa siya kaysa sa mag madre.
"Okay, I have to go. Bye, sis!" Kaway ko.
Nang makalabas ng gate ay napatingin ako sa bawat kanto. Naghahanap ng tricyle na masasakyan patungo sa main street. Kahit papaano ay nakatira kami sa exclusibong subdivision. Hindi man kamahalan at sikat ang subdivision namin ay mas okay na rito. Sari-saring mga tao at mababait naman. Well, may mga gangster nga lang sa kanto pero kerebels naman ito.
"Hello, Miss Tessie. Sakay ka na rito sa tricyle ko," si Dodong na amoy pato. Napangiwi na ako at napailing sa kanya. Ayaw ko sa kanya dahil aabutin ako hanggang gabi! Mas ma late ako sa trabaho.
"Huwag na, Dodong. Ayon oh! Si Inday kumakaway. Sasakay raw siya sa'yo!" Sabay turo kay Inday Batutay sa unahan. Mabuti na lang. Umalis din agad siya.
Bumuntonghininga ako at humakbang na. Maglalakad ako ng konti habang nag se-send ng mensahi sa uber para sana magtaxi. Pero nahinto ako nang biglang humarang ang pesting lalaki sa buhay ko, si Kenneth!
"Good Morning, my loves. Ihatid na kita rito sa pinakamatibay kong tricycle,” kindat niya at napaawang na ang labi ko.
Nakakaloka ka Kenneth! Sigaw ng isip ko. Tumikhim na ako at taas noong tinitigan siya.
"Uh. . . Magtataxi ako, Kenneth," taas noo ko.
Bumaba na siya sa tricycle niya at humakbang palapit sa akin. Kenneth is a good looking solid man. May katawan, gwapo, at ala Robin Padilla ang tindig nito. Astig na parang barumbado. May maliit na negosyo siya rito, ang vulcanizing shop. In short, isa siyang mekaniko.
"Kenneth I love you!" sigaw ni Inday Batutay at mas napangiwi na ako.
Nakasakay si Inday sa tricyle ni Dodong. Kumaway lang din si Kenneth sa kanya, at hindi pa rito nagtatapos dahil may iilang babae ang lumabas sa katabing bahay namin.
"Hi, Kenneth!" tugon at ngiti nila. Kumaway lang din si Kenneth na parang tatakbo sa politika.
"Hay naku. Ang daming abubot sa mundo!" Irap ko at humakbang na palayo sa kanya.
"My loves! Ihatid na nga kita."
Humarang ulit siyang nakangiti pa. Nagpa-cute pa ang walanghiya!
"Kenneth. Mahuhuli na ako sa trabaho ko. Alis!" talas na titig ko.
Kinuha agad niya ang malaking bag na bitbit ko at wala na akong nagawa.
"Then let me drop you, my loves. Sige na,” pa close-up smile niya.
Maingat niyang nilagay ang bag sa loob ng tricycle at naghintay sa akin na pumasok rito.
"Kamahalan ko. Sakay na!" kindat niya at tigas tindig na puwesto.
Kumunot na ang noo ko at napatitig na sa oras ng relo. Oo, mahuhuli na ako, kaya bahala na si Batman dahil sasakay na muna ako kay Robin! Dios ko!
.
.
C.M. LOUDEN