Kabanata 4. Hectic

1893 Words
"Oh yes!" tili ko at mala-fighting ang paglundag ko nang makabalik sa opisina. "M-may nanalo na ba?" ngiwing ngiti ni Margen Fox, sabay hawi sa bangs niya na kulay pula. Pakembot ang lakad ko at mala chin-up, stomach in and of course, showcase your breast, Tessie! Akong bumalik sa lamesa ko. Pinag-ekis ang legs ko at kinuha ang ballpen sa gilid, kulay pink ito na may balahibo ng manok. Mas lumawak ang ngiti ko at isinulat ang pangalan ko katabi ang pangalan ni Sir Richard Gordon. Tsk, ang perfect 'te! Bagay na bagay kami! "OMG! Kayo na ba gurl?" taas kilay ni Margen Fox na pusa! "Nope, hindi pa. Pero darating din kami diyaan. But for now, he offered me a job, and I will take over Fanny Nazareno's exclusive models. s**t! This is it, pansit!" kurap ng mga mata ko. Itinaas ko pa ang pink ballpen ko. I just can't believe this, that's it's happening to me! "Wow, congratulations! Tuesday!" Lundag niya na parang palaka. "At last, maipapakita mo na rin sa buong Pilipinas ang angkin mong talento sa pagpapaganda ng mga modelo, Tessie. I'm so happy, gurl!" Hawi niya sa bangs ulit. "Kung sisikat ka, of course, sisikat din ako! Ako lang naman ang kanang kamay mo!" Kembot na lakad niya at umikot-ikot pa ito. "Sureness, gurl! This is our time to shine. So bring it on, baby! Rarwwr!" mali leon na boses ko. Natawa kaming dalawa na parang sira. Nahinto lang din kami nang sabay dahil may kumatok sa pinto. Kasing bilis ng kidlat ang pag-ayos namin sa sarili. . "Miss Tessie, ganda!" si Pechay. Nakahinga agad ako sa sarili. Akala ko kasi kung sino na! E, siya lang naman pala. Kuminang ang mga mata niya at ang lawak pa ng ngiti nito. "Pa-order ulit ako ng kutix, okay? Another one dozen!" Tumaas ang isang kilay ko at ngumiwi ako. Kaka-order lang niya noong isang araw, at isang dosena iyon. Naubos agad! "Wala ka na ba'ng stock?" "Ay, meron pa naman. Pero kasi ang my love Bruno ko type na type niya ito kaya nagpapabili rin siya nang para sa kanya," sabay pa-cute niya. "Uh. . . Okay, sure!" I smile widely at her. Customer nga naman, hihindian ko pa ba? Hindi ano! Kahit na may legal na trabaho na ako. "Salamat, Tessie ganda!" senyas nang kamay niya at lumabas na. Tumikhim si Margen Fox at tumaas lang din ang isang kilay niya. Umiwas ako sa titig niya at inayos na ang mga gamit ko. I will have a few make over to do before the end of the day. Ito na rin ang pagkakataon na mapatunayan ko kay Sir Gordon na tama ang naging desisyon niya. Ang akala ko nga ay si Magenta ang kukunin niya na ipapalit sa pwesto ni Fanny Nazareno. Hindi pala, dahil ako ito. Tumayo na ako at hinawi ang mahabang buhok ko. "Come on, Margen Fox. Let's get this done and dusted!" "Sure, Tessie. Fighting, gurl!" arteng boses ng bakla. . The photoshoot was never quick as it took ages! Ice age na yata dahil sa tagal nila. Huh, ang hanep ah! Hindi tuloy ako mapakali sa sarili at panay ang ikot ng ballpen na may balahibo ng manok sa kamay ko. My eyes darted to Diamond, as she was the center of attraction. Kung animal kingdom ito, siya ang tigre at leon ang mga nag-aabang sa kanya. Kaloka! Gusto ko na itong matapos na! "Okay, break-time!" si director Martino. Napalingon agad siya sa banda ko at tumaas ang dalawang kamay niya sa ere. "Tessie my love!" arteng boses niya. Nakatayo na ako sa likurang bahagi niya, at hindi kalayuan ang distansya ko. Tatlong beses ko nang inayos ang mukha ni Diamond, at naghihintay ako sa bawat break para mapalitan ang make-up niya sa mukha. Nauuna niya kasing sukatin ang mga damit sa designer niyang maarte. At hindi kami friends 'te! "Martino, Martina, derek!" Nakigaya na rin ako sa galaw niya. Kaloka talaga. Ikaw ba naman ang nasa trabahong ito? Kulang nalang maging kokak na ako! Nag-beso-beso kami, at tumikhim lang din si Margen Fox sa likod ko. Sumulyap ako sa bakla at pinaikot lang din ang mga mata niya. Arte siyang tumalikod at humakbang palayo. Alam ko 'to. Hindi friends ang dalawa dahil pinag-aagawan nila ang parehong lalaki na type nila. "Isa na lang, Tessie ganda, at tapos na tayo, okay? Tomorrow I will showcase the three of them. And I've heard from Sir Richard Gordon, that you will take charge of them," kindat niya. Malawak ang ngiti niya sa akin. Alam niya kasi na matagal ko ng pinangarap na masama sa Gordon Group of Diamonds noon pa. Kaya nang malaman niya na naghahanap ng assistant si Fanny Nazareno ay ako agad ang inerekomenda ni derek. "Okay, derek. Basta ikaw, alipin mo ako," pabirong kindat ko. Naging pormal na ang pakikitungo ko sa kanya, dahil nabibilang siya sa mga taong pormal sa buhay ko. "This is what I love about you, Tessie. Game na game ka, gurl! Darna! Okay, in five minutes let's roll again," tapik niya sa balikat ko. Tumango ako at agad na hinanap nang mga mata ko si Diamond. Tumaas lang din ang kilay niya nang magtagpo ang mga mata namin dalawa. Humakbang na ako palapit sa kanya at nauna nang inayos ni Margen Fox ang buhok niya. "Okay, Diamond. Say ahhh," nganga ko, at sinimulan na ang pagpapaganda niya. . THE day ended and I got home so late. Mahaba ang traffic at ang init-init pa. Pagkarating sa bahay ay agad akong nagpalit at gusto ko ng maligo bago makisabay sa mga maiingay kong mga kapatid. Bitbit ang tabo, sabon at shampoo ay bubuksan ko na sana ang pinto ng banyo, nang biglang sumingit si Freya at inunahan ako. "What the - Hoy, Freya! Maliligo ako at ako ang nauna!" "Sorry, ate. Taeng-tae na ako. Maghintay ka na lang, five-minutes!" pasigaw niya mula sa loob. Napangiwi ako at umatras na. Kainis. Gusto ko nang maligo, tapos may matatae pa? Huh, OMG talaga! Kaya imbes na sa pinto ng banyo manatili ay sa mesa na muna ako umupo ngayon. Napatitig ako kay Torrie, at abala siya sa cellphone. Kumunot ang noo ko at pinakiramdaman lang din siya. Mukhang may ka-chat ang bruha! "Whom are you talking, Torrie?" taas kilay ko. "Let me remind you, darling sister Torrie, that you are not allowed to have any boyfriend yet. Magtapos ka muna, okay?" Nahinto siya at pinaikot lang din ang mga mata niya. "Ate, I'm not texting any boys. Look!" arteng pa-ingles niya. Nakikigaya lang din siya sa boses ko. Kumurap ang mga mata ko nang makita na mga products ko ito. Nagbebenta pala siya nito? "Ano 'yan? Benebenta mo ang hinihingi mo sa akin?" "Oo, ate. Para may pandagdag allowance ako. Nakakahiya kina Mama at Papa minsan. Ang dami kasing project." Tumayo na siya at kinuha ang plato. Inilagay lang din ito sa lababo at hindi hinugasan. Sinunod ko siya nang tingin at kumunot na ang noo ko. Napaisip tuloy ako. Minsan ang hirap basahin ng utak ng babaeng ito. "Hello my beautiful sister, Tessie, Ate!" arteng tugon ni Wendy. Umupo agad siya sa mesa at kumain na. Wala man lang kaartehan ang babaeng ito kung kumain, dahil ang laki ng bibig kung makalamon. Tumikhim ako at umayos sa pagkakaupo ko. Tinitigan ko siya nang mariin, at sa aming lima ay siya nga naman ang pinakamaganda. Mahinhin ang hitsura, pero kabaliktaran ito. Dahil baliw ang babaeng ito. "Wendy dear, please eat with posture. . . Hindi tumatakbo ang kanin kapag kinakain, kaya please, take it easy, darling." Ngumisi siya at sa bibig niya ako napatitig. Puno ng kanin ito at walang preno-preno. "Ate naman. Gutom na gutom na ako. E, walang snack sa simbahan e. Ang taas pa naman ng boses ko. Hindi kami pinakain. Nakakainis!" sabay subo niya nang mabilis. Napalunok ako. Parang ako yata ang mabibilaukan sa kinain niya. Bumukas ang pinto nang banyo at ang nakangiting mukha ni Freya at sumalubong sa akin. "I'm done! You can flush it, Ate. Ang hina kasi ng tubig. Ang tagal mapuno. Kaya ikaw na lang mag flush, okay?" Sabay takbo niya. Namilog ang mga mata ko, at uminit lang din ang ulo ko. "What the hell, Freya! I will toast you like a toasted bread! Bumalik ka rito at e-flush mo 'to! Or else, you will have no allowance tomorrow!" pasigaw ko. Lumabas na yata ang ugat sa leeg ko. Bahagyang natawa ni Wendy habang panay ang subo ng kanin sa bibig. "Ate, inhale. . . Exhale. . . Magkaka-wrinkles ka. Mahirap na," pa-cute niya. Lumunok ako at bumuntonghinga na. Napailing ako sa sarili. Gusto kong matawa pero kung tatawa ako, para lang din akong baliw rito. Kaya ngumiti lang din ako. "Okay. . . Yes, inhale, exhale. . ." senyas nang kamay ko. "Now, you can flush the toilet, Wendy. I will add thirty percent on your allowance this week. Ibabawas ko ito sa allowance mo, Freya!" pasigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung naririnig pa ako ni Freya ngayon. Pero gagawin ko talaga ito bukas sa kanya. "Sure, Ate! No problem," kindat ni Wendy, at mas binilisan pa niya ang pagsubo ng kanin. . IT took me nearly two hours of cleaning and fixing myself. Ang daming routine sa buhay ko, at minsan ay naiinis ako. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? I have my ambition in life, and I'm working in order to give my family needs. Kaagabay ko naman ni Mandy, pero sadyang hindi sapat ang kita niya. Kaya umi-extra ako sa lahat. Mabuti na lang at may pormal na trabaho na ako ngayon. "One thousand one, one thousand two, one thousand three. . ." bilang ko, at paulit-ulit ito. Kaloka! Ang bobo ko sa Math, pero ang galing-galing ko magpaganda. "Ate, ganito lang naman iyan kasi," si Freya. Tumabi agad siya sa akin at bumabawi ang bruha. Alam niyang babawasan ko talaga ang allowance niya sa linggo'ng ito, kaya heto, parang tuta kung makalambing sa akin. Ngumiti ako, at inayos niya ang computation sa dashboard ko ng computer ko. Ang galing talaga ng baby namin! "Thank you." "Ate, allowance ko okay?" pilyang ngiti niya at nagpagulong na sa kama. Ngumuso ako at pinaikot ko na ang mga mata. Nakakainis talaga! Mauubos na yata ang pera ko sa allowance ng mga ito. "Ate, sabi nga pala ni Kenneth ihahatid ka raw niya bukas," ngiwi niya. "Ano?" kunot-noo ko. "Sabihin mo sa kanya huwag na! Mag t-taxi ako," ngiwi ko. Naasiwa kasi ako sa mukha ng Kenneth na iyon. Nahinto tuloy ako sa ginawa at inis na tinitigan si Freya. "Ikaw, Freya. Kababae mong tao nakikipagkaibigan ka sa mga lalaki rito! Umiwas ka nga sa kanila. Wala ka bang babae na mga friendship?" pamaywang ko. Pinaikot lang din niya ang mga mata at inayos ang porma na parang lalaki. Hindi ko tuloy maintindihan ito. Ang boyish kasi ng babaeng ito. "Ate, may pustahan kasi kami. Ipanalo muna, please. Sayang naman ang one fifty," ngisi niya. "Ano!? At talagang pinustahan mo ako, Freya!" Wala nang silbi ang sigaw ko dahil kumaripas na nang takbo ang walanghiyang kapatid ko. Napabuntonghininga ako sa sarili at inis na inisip si Kenneth. So far, wala naman akong problema sa kanya. Kaso, naaalibadbaran ako sa bawat presensya niya. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD