Kabanata 9. Curiosity

2112 Words
"Bilib na talaga ako sa kamandag mo, Ate," ngiwi ni Wendy. Nakahalukipkip siyang nakatitig sa akin. "Tumahimik ka nga. Ba't ka ba nagdadamit madre kanina? Ano ba'ng pumasok sa utak mo?" Sinuklay ko na ang mahabang basang buhok ko. I just finished my shower after that crazy episodes. Wala na sila sa baba at alam ko na umalis na din si Kenneth. I don't want to talk to him today nor tomorrow, nor the day after tomorrow. Ayaw ko! Nakakainis. Ang daming tsimosang kapit-bahay rito. "Nag drama kami sa simbahan, aAte. At ako ang madre. Kaya ganoon ang damit ko kanina. Bagay ba?" pa-cute niya. Naupo na siya sa tabi ko. "Hindi bagay sa'yo maging madre, Wendy. Isipin mo nga kung ano talaga ang gusto ng puso mo, okay?" taas kilay ko. Nilagyan ko na ng sunscreen ang mukha ko. "I want to help the poor, ate. I want to teach them the word of God and its gospel." Ngumiwi ako nang marinig ito at napabuntonghininga na sa sarili. Huh, wala na ba talagang pag-asa ang batang ito? "Wendy. . ." "Ate, I know that you are concern. But, ate, dito ako masaya e," nguso niya. Pinaglaruan na ang paper tissue ko rito sa mesa. Natahimik ako at tinitigan lang din siya. "Have you been in-love?" Out of nowhere na tanong ko sa kanya. Lumiwanag agad ang mga mata niya. "Of course, Ate! Ang gwapo nga ni Father Elmer kanina." Namula ang pisngi niya habang nakangiting nakatitig sa salamin na nasa harapan namin. Kaloka, at talagang sa padre pa! "No, not that, Wendy. What I meant is a true love feeling. Iyong gusto mo siya. Iyong napapanaginipan mo siya. Iyong lumulutang ka sa cloud nine kapag nakikita mo siya. Iyong ganoon!" ngiwi ko. Kumunot na tuloy ang noo ko. "Ay, ganoon ba?" Nag-isip siyang saglit, at ibinato lang din ang tanong pabalik sa akin. "Ikaw, Ate? Nakaramdam ka na ba ng ganoon?" Nahinto ako sa paglagay ng powder sa mukha ko at napaisip sa sarili. Hmm, hindi pa at wala pa naman. Solid kasi ang damdamin at ambisyon ko pagdating sa lalaking gusto ko. Kaya si Sir Richard Gordon agad ang pinapantasya ko kahit na hindi ko naman nararamdaman ang mga kilig moments sa puso. "I don't know, but I believe that my dream husband-to-be will be like my boss!" Pilantik nang kamay ko sa ere. Natawa na siya at napailing lang din. Tumayo na rin siya at kinuha ang chichiria sa gilid. "Ate, hindi mo love ang boss mo. Infatuations ang tawag niyan," sabay nguya niya. "Ano? Infatuations?" maarteng boses ko. "I'm not a teenager, Wendy. Hindi ako teenager na crush-crush lang ang dating. Syempre pinangarap ko ang kasing kisig at tigas na tigas kagaya ng boss ko!" ngiti ko. Napatingala ako sa kisame habang sinasabi ito. Pero imbes na ang mukha ni Sir Richard Gordon ang dapat sana na lalabas sa isipan ko, ay ang mukha ni Kenneth at ang buong katawan niya ang nakikita ng imahinasyon ko ngayon. Tsk, naloka na. Nabaliw na yata ako! My goodness me, erase! "Hintayin mo, Ate. May tawag diyaan eh. . . Kapag ang boss mo ay magsasabi na ng feelings niya sa'yo at biglang nagbago ang puso mo. Hindi mo siya type talaga. Crush mo lang siya," nguso niya na parang experto. Kumunot agad ang noo ko at mas napangiwi ako sa sarili. Gusto ko si Richard Gordon ang iisipin ko, pero bakit ang mukha ni Kenneth ang nakikita ko ngayon. Kahit na pumikit ako! Dios ko, help! . "No, not him! Ayaw ko!" sabay tayo ko, at napatitig na ako kay Wendy. Namilog ang mga mata niya at napanganga siya. "Anong nangyari sa'yo, ate? Wala naman akong sinabing iba ah? So, crush mo nga lang siya ano? Ang boss mo? May iba ba na pumapasok sa isip mo?" pilyang ngiti niya. Umirap na ako at tumalikod na. Nakakainis! Simula nang yumakap si Kenneth sa akin at ay parang may kuryente na nanalantay sa katawan ko galing sa kanya. Oh my goodness! Ayaw ko nga! Hindi pwede 'to. Ayaw ko sa isang Kenneth. Hindi ko siya type at naiinis lang ako sa kanya dahil nakabuntot siya. Kaloka! . Lumabas na ako ng kwarto at iniwan si Wendy. Bumaba agad ako at nagbabakasakali na nasa labas pa si Kenneth, pero wala na. Gusto ko sana siyang kausapin na tigilan na niya ang bawat pasundo at pahatid niya. "Tsk, sabi ko na nga ba. Type mo si Kuya Kenneth ano?" si Wendy ulit. "Of course not! Hindi ko siya type at hinding-hindi ako magkakagusto sa isang tulad niya! Yes, hinahanap ko siya dahil sasabihin ko na tigilan na niya ako! My whole week got twisted like chicken intestine because of him! Ginugulo niya ang utak ko, at naasiwa ako sa kanya dahil naiisip ko ang mukong na mekaniko!" sabay habol sa hininga ko. Kinapos ako doon ah! Bahagyang natawa si Wendy at nahinto lang din na parang may tinitigan sa likod ko. Natulala ako at parang nakuryente na naman ang likod ko. Oh heck, kilala ko ang amoy na ito. . . amoy Kenneth! O, I hate you! Sigaw ng isip ko. Lumingon na ako, at tama nga naman, siya ito. At nakangiti lang din siyang nakatayo ng iilang metro ang layo sa akin. "I-I forgot something, my loves," sabay lunok niya. Umiwas agad siya sa titig at kinuha ang iilang balde ni Mama sa gilid. "Ihahatid ko lang pabalik sa Mama mo sa palengke," sabay talikod niya. "Bye, Kuya Kenneth!" si Wendy. Lumalambing ang bruha! Humarap ulit si Kenneth at nakangiti na ngayon. Sumenyas ang kamay niya kay Wendy at maamo niya akong tinitigan. "I'll see you later, my loves," mahinang tugon niya at nagpatuloy na. Bumagsak lang din ang balikat ko. May nasabi ba akong hindi maganda? Wala naman 'di ba? Pero bakit pakiramdam ko ang sama-sama kung tao. "Tsk, ang arte mo, ate," irap ni Wendy, at tumaas lang din ang isang kilay ko. . THE FOLLOWING DAY WAS NEW. Huh, kakaiba ang araw na ito dahil walang Kenneth na nang-iinis sa akin. Wala siya sa paglabas ko ng gate, at mas lalong wala ang tricycle niya. Medyo late nga lang akong nakarating dahil sa haba ng traffic, pero okay lang. Nauna naman si Margen Fox, at siya ang umayos pansamantala kina Silver at Bronze. "Nasaan si Diamond?" "Andoon," turo ng bibig ni Margen Fox sa pinto ng designers office. Kaharap lang din naman ito sa kung nasaan kami. "Ayaw niya magpagalaw sa akin. Wala raw siyang tiwala. E, ikaw ang gusto," taas kilay ni Margen Fox. Pinagpatuloy na niya ang pag-aayos sa mukha ni Silver. "Okay, sige. Tawagin ko lang." Humakbang na ako at tumango lang din si Margen Fox. Tapos na si Bronze at nakatitig siyang nakangiti sa akin. "I will re-touch your make-up later, okay?" ngiti ko sa kanya, at tumango siya. . Inayos ko muna ang sarili at nahinto nang matapat ako sa pinto ng designers room. Ito ang pribadong mundo ni Kutsi. Maarte siya, may pinag-aralan at higit sa lahat galing sa mayamang angkan na pamilya. Hindi naman siya kagalingan sa desenyo niya, dahil madalas ay sa akin siya lumalapit at hihingi ng ideya at desenyo. Pero simula nang makapasok ako at pansamantalang pumapalit sa pwesto ni Fanny Nazareno, ay nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Nawala na ang closeness namin. . . Kumatok ako, tatlong beses ito bago binuksan ang pinto. I smile widely with confident with me. Hmp, wala na akong pakialam kung ang mukha ni Kutsi ay magiging kutsinta kapag nakita niya ako. Gusto ko lang naman na bawiin ang modelo ko! "Hello! Is Diamond here?" arteng boses ko. Napalingon agad ang tatlo at hindi ko sila kilala. Purong pormal ang hitsura nila. Hanggang sa lumabas na si Kutsi galing sa isang pang pinto. "Oh, Tessie? What's up, girl" taas ng kilay niya. Napalingon ako sa buong paligid ng maliit na kwartong ito at wala si Diamond dito. "Si Diamond? Nakita mo ba?" "Oh, the Diamond?" pilyang ngiti niya. "Nasa office ni Sir Richard Gordon. Galing ako roon. And by the pinapatawag ka pala," titig niya sa akin mula ulo hanggang paa. Nawala ang ngiti sa labi ko at mala-tigre na akong tumitig kay Kutsi. "Okay. Thank you, dearie Kutsi!" sabay sarado ko sa pinto. I even pouted with my tongue out when I shut the door! Ang arte-arte. Akala mo naman kung sino siyang maganda? Gumanda lang naman siya dahil sa kapal ng make-up niya! Kaloka! Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. Tumikhim si Margen Fox. Hindi pa siya tapos sa pag-aayos kay Silver. "Nasaan si Diamond?" "Nasa office raw ni Sir Richard Gordon," ikot nang mga mata ko. "Again?" out of nowhere na singit ni Silver. Napatingin kaming tatlo kay Silver ngayon at ngumiwi siyang bahagya habang nakatitig sa malaking salamin, na nasa harapan niya. "What do you mean by that, Silver?" si Margen Fox. Chismosa rin ang pusang ito! "Well, I knew that she's aiming to get Mr Richard Gordon, and it's too bad, because Sir Gordon will never like her back," arteng boses niya. Natawa agad si Bronze sa gilid. "Crush mo rin naman si Sir Gordon, Miss Tessie ano?" pagpatuloy niya. Namilog na ang mga mata ko at gumapang ang kakaibang kaba sa puso ko. Patay na talaga kapag mahuli ako nito. "Ano?" Pagkukunwari ko. Hinawi ko na ang buhok ko at nalunok ko lang ang sariling laway. "H-hindi ano! I-I don't like him. He's my boss, and it's normal to look at him and adore him. But, hello!" ikot nang mga mata ko. "Hindi ko siya type ano! At hindi naman magugustuhan ni Sir Gordon ang babaeng katulad ko. Ibang level iyon e!" ngiwi ko. Tumitig na ako kay Margen Fox at napayukong natawa lang din ang bakla. Pinalakihan ko na siya nang mga mata ko. "I see. . ." si Silver. Matalas ang pagkakatitig niya sa akin, sa harap ng salamin. "I need to get Diamond. Ikaw na muna ang bahala sa dalawa, Margen. Kukunin ko lang ang pusa sa leon," sabay irap ko, at rinig ko ang lihim na tawa ni Margen Fox. . Nakahinga lang din ako nang makalabas sa kwarto. Hay naku! Ba't ba ang dami kong karibal sa Richard Gordon na 'to? Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang siya sa akin Lord? Inayos ko muna ang mahabang buhok ko habang nakatitig sa maliit na salamin na nasa loob ng elevator. Bumukas na ito nang matapat sa insaktong numero at lumabas na ako. . I don't usually go to this level floor not unless if I was being called. E, pinatawag din ako, kaya heto! I swallow hard, facing the huge and antique door of the CEO of the Diamonds Group. Kinakabahan ako sa sarili. Tatlong beses akong kumatok bago binuksan ang pinto. Pero laking pagtataka ko dahil tahimik ang lahat dito. Wala yatang tao. . "E-Excuse me? Hello? S-Sir Richard?" pa-cute na boses ko. Nakangiti pa ako. Nahinto ako nang matapat sa mismong mesa niya. Nakaukit ang pangalan niya at kamangha-mangha ang dating ng mesa at silya. It's mighty alright, like him. . . My prince charming! Ngumiti ulit ako at maingat kong hinaplos ang pangalan ni Richard Gordon. Naglalaro as isipan ko ang mukha niya at ang katawan niya na buong-buo. Nahinto lang din ako nang marinig ko ang kakaibang boses na galing sa loob. Kumurap ako, at nakatitig na ako ngayon sa isa pang pinto. Out of curiosity, I took a step closer towards it. I know, I should not be doing this. Pero dahil minsan gaga ako at chismosa kaya heto, nagiging automatic instinct na nang katawan ko ang mag imbestiga. Hindi pa ako tuluyang nakalapit, pero nahinto lang din ako nang marinig ang kakaibang halinghing na galing sa loob. Napatakit ako sa bibig ko at namilog ang mga mata ko. My goodness me! Are they. . . Making out? Si Diamond at si Richard Gordon? "What the - " pabulong na tugon ko sa sarili. Wala pa naman akong nakita pero parang napako ang paa ko sa sahig dahil sa halinghing na boses ng babae. Eww! Sigaw ng isip ko. Straight away I turn around, aiming to go back to the door because I want to get out. Pero nahinto lang din ako at na-statwa sa sarili nang magtagpo ang titig namin dalawa ni Sir Richard Gordon. Kaloka! Akala ko ba siya ang nasa loob? E, sino ba? "S-Si - " Tinakpan niya agad ang bibig ko at mabilis siyang yumakap sa katawan ko. Natahimik ako at wala sa sariling sumunod na sa galaw niya. Mabilis kaming lumabas sa opisina niya. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD