"Good morning my beautiful sunshine, Tessie my love," sa mala Robin na boses ni Kenneth sa akin.
Napangiwi ako nang makita siya. Huh, ang ganda na sana ng umaga ko, pero siya talaga ang una kong nakita pagkalabas ko ng bahay? Kaloka!
Hindi ko siya pinansin at kinuha ko na ang mga gamit ko. Humarang din agad siya sa daanan ko.
"Let me. . . " titig niya sa akin. At naghahamon ito, kaya umayos na ako. Tinitigan ko rin siya at mala-tigre pa!
"What?"
Tumikhim siya at gumuhit ang ngiti niya sa labi. Ewan ko ba, dapat mas maiinis ako sa lalaking ito. Pero nang maamoy ko ang pabango niya ay parang umurong lang din ang dila ko.
"Let me take care of you, my love," kindat niya.
Natulala ako sa kakaibang kindat na ginawa niya at pasimpli niyang kinuha ang gamit sa kamay ko. Parang na hipnotismo ako.
Dios ko Tessie, gumising ka!
"Kenneth, mag t-taxi ako. Mahuhuli ako sa - "
Nahinto ako sa pagsasalita nang makita ang kotse sa harapan ko. Pinasok niya ang gamit ko rito at tulala ko siyang tinitigan.
"Kenneth my love! Good morning!" sigaw ni Beka, ang bruhang maaarte na kapit-bahay namin.
Sumenyas si Kenneth at ngumiti lang din sa kanya. Tumitig ulit siya pabalik sa akin sabay bukas sa pinto ng kotse sa passenger seat.
"Sakay na, kamahalan," pormal na tuno ng boses niya.
Itinaas ko lang ang isang kilay ko at napalunok ako. Gusto ko sanang magreklamo, e hindi na ano! Baka ma-late pa ako.
"Thank you!" arteng tugon ko.
Pormal akong umupo at nilagay ang seatbelt. Mariin kong tinitigan ang loob, at napansin ko na kotse pala ito ni Mr. Davidson. ID niya kasi ang nakasabit dito.
"Hiniram mo?"
Pinaandar na niya at pinatakbo na.
"Oo."
"Magkano ang renta?" sabay tingin ko sa bawat abubot na nandito. Malinis nga naman at mabango ang kotse na ito.
"Libre. Ipapa-service na niya, kaya kinuha ko na ang pagkakataon para magamit ng libre at maihatid kita."
Kumunot ang noo ko at tinitigan siya. Nakakahawa ang ngiti niya habang nakatitig ang mga mata sa daan.
Hmp, gawpo naman si Kenneth. May hitsura siya at may katawan din. Pero hindi ko type ang isang katulad niya.
"Alam ba ni Mr. Davidson na ihahatid mo ako gamit ang kotse niya? Baka naman pagalitan ka pa!"
Pasimpli niya akong tinitigan at pa-fall nga naman ang ngiti niya. Tsk, dito nadadala ang maraming babae na kapit-bahay namin e.
Nagpapacute lang din ang pangit na 'to!
"Oo, alam niya. Kaya okay lang, sagot kita," sabay kindat niya at kinilabutan na ako. Umiwas na ako sa titig niya.
.
Pagkaraan ng iilang minuto ay narating namin ang Gordon's Group of Diamonds. Nauna siyang lumabas at patakbo umikot para lang mapagbuksan ako. E, sa hindi ko naman kailangan ito dahil kaya ko naman magbukas ng pinto. Pero iba nga naman si Kenneth. Mapilit siya at determinado.
"Don't fetch me later, Kenneth. Okay na ako ngayong umaga dahil kay Freya," sabay hawi ng buhok ko.
Kinuha ko na ang mga gamit ko na nasa kamay niya. Napalunok siya at bahagyang nawala ang ngiti sa labi habang nakatitig sa akin.
Umigting ang panga niya at naging seryoso ito. Kinilabutan tuloy ko. Pakiramdam ko kakainin ako ng buhay ni Kenneth ngayon, dahil sa nakakaakit na titig niya.
"Hindi, susunduin kita. May customer ako mamaya sa bandang dito, at p-pick-up ako ng kotse niya."
Ngumiwi ako at napailing lang din. Inayos ko na ang postura ko, at napansin ko agad ang pagtitig ng iilang mga babaeng employee ng Diamonds Group. Nakatingin ang lahat sa amin dito sa labas, at nahihiya ako.
"Don't worry, Kenneth. May show kasi mamayang hapon," ngiti ko sa kanya. Tumaas lang din ang isang kilay ko.
"I work full time here now at the Gordons Group of Diamonds," kindat ko sa kanya. Isinuot ko na ang sunshades ko.
"Really, love? Wow, congratulations, mahal," open arms niya.
Akma siyang yayakap sa akin at tumalikod agad ako. Kaloka talaga itong si Kenneth ano, ang dami kayang tao rito!
"I will see you later, my love!" aktibong boses niya.
.
Ngumiwi ako at hindi ko na siya nilingon. Nakatitig ang lahat ng mga kababaihan dito sa banda niya at taas kilay ko silang tinitigan.
I know they cannot see my facial nor my eyes expression. Pakialam ko ba! Kung gusto nila, e sa kanila na si Kenneth. Hindi ko naman siya type ano!
"Hello, Tessie ganda!" si Margen Fox.
Bumeso agad siya sa akin, pero nakatingin ang mga mata niya sa likod ko.
"Ang gwapo, gurl! Manliligaw mo?" arteng hawi niya sa bangs.
Napatingin na tuloy ako sa likod ko, at kumaway na si Kenneth sa akin. Ang lawak ng ngiti niya at inirapan ko na.
Humakbang na akong nauna, at iniwan si Margen Fox. Alam kung nagpapacute ang bakla kay Kenneth ngayon.
Hmp, ang dami nga namang baliw na babae sa kanya!
"Good morning, Ma'am Tessie," tugon ni Manong Guard at ngumiti ako sa kanya.
"Hintayin mo naman ako, gurl!" si Margen Fox.
.
Mabilis akong pumasok sa elevator. Pagsarhan ko na sana ang bakla, mabuti na lang at mabilis ang kamay niya.
Tumaas agad ang kilay niya at hiningal itong tumabi sa akin.
Ngumisi ako at tinangal ko na ang sunshade na suot ko. Ang ganda ng mood ko ngayon, at ayaw kong masira ito. Tumikhim si Margen Fox at nawala ang ngiti sa labi niya. Parang may tinitigan na tao sa liko ko, at ngumiti lang din siya rito.
"G-good m-morning, Sir," ngarag na boses ni Margen Fox sa taong nasa likod ko.
Umayos na ako at pasimpling napalingon ako sa likod. Namilog agad ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ito. . . Ang crush ko lang naman na si Sir Richard Gordon!
"Hi, Sir. Good morning," plastic na ngiti ko. Umiwas agad ako sa titig at sumenyas ang mga mata ko kay Margen Fox.
Kinabahan tuloy ako ng bonga at gusto ko nang lumabas ng elevator ngayon. Mali kasi ang nasakyan kong elevator. Hindi ito ang para sa mga empleyado ng building, kund 'di sa nag-iisang may-ari.
Dios ko, Lord. Help! Sigaw ng isip ko.
Pinindot ko agad ang pagbukas ng elevator. Pero tumikhim lang din si Sir Richard Gordon sa likod ko at nagsalita na.
"It's okay. You don't have to get out. I'm easy," baritonong boses niya.
Lumunok ako at pinigilan ang paghinga. Kay Margen Fox na ako ngayon nakatitig, at para siyang pusa sa gilid na takot mabasa ng tubig. Nakatago ang mukha niya at hindi na ako tinitigan ngayon. At katulad ko, ay naghihintay rin siya na bumukas ang elevator.
Pinagpawisan ako nang malamig. Dios ko, Lord. Ganito pala kapag crush mo ano? Lalamigin ka ng tudo!
"How did you go last night?" si Sir Gordon sa likod ko.
I twinkled my eyes and composed myself. Kaya mo 'to Tessie! Sigaw ng isip ko.
"All good, Sir. I-I was having a great time," pa-cute ko.
Sana nga lang cute ako sa mga mata niya ano? Hay naku!
"That's great. I've heard from Director Martino that today will be different."
"Y-yes, Sir. It will be different today from yesterday," ngisi ko na parang aso.
Umiwas na ako sa titigan at si Margex Fox na ang tinitigan ko ngayon. Nakatingin na siya sa numero at ako rin. Isang floor na lang at bubukas na ito. Hanggang sa. . .
Ding!
Salamat Lord! Isip ko.
"Okay, Sir. Bye!" arteng boses ko habang nakangiti sa kanya.
Nauna nang lumabas si Margen Fox at nagbigay galang siya kay Sir Gordon. Hahakbang na sana ako. Pero nahinto ako sa sarili dahil may humawak sa braso ko. Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko.
"You drop something, Tessie."
"D-did I?" awang ng labi ko, at sa paanan ko agad napako ang mga mata ko.
What the piglet! Kung malas ka nga naman talaga ano!
Mabilis kong pinulot ang puting panyo ko. Gawa pa ito ni Mama at naka sulat nga naman ang buong pangalan ko rito.
"O-okay, Sir. See yah!" kaway ko nang makalabas sa elevator.
Parang bumagsak ang mundo ko nang sumara ito at natawa agad si Margen Fox sa gilid.
"Kaloka, gurl. Hindi ko napansin na sa elevator ni Sir Gordon ka sumakay," kantyaw niya at humakbang nang nauna.
.
Ngumiwi ako. Kasalanan nga naman ito ni Kenneth. Nawala kasi ako sa sarili ko dahil sa presensya niya.
Pinikot ko na ang mga mata at nagpatuloy na ako. Nahinto lang ulit ako dahil tumunog ang cellphone ko.
Isang mensahi ito at numero lang din. Kaya binasa ko na.
.
His message to me:
Hello, my loves. Anong gusto mo'ng snack. Bibili ako para mamaya.
.
Nangunot lalo ang noo ko nang makita ang smiley emoticon na ginawa niya at katabi ang pangalan nito. . . Kenneth.
Huh, Dios ko! Kailan ba ako tatantanan ng lalaking ito!
.
Me to Kenneth:
Thank you, Kenneth. Pero gagabihin ako. Kaya huwag na, okay!
.
Kenneth to Me:
Okay lang, my loves. Hihintayin kita, kahit sa dulo ng walang hanggan.
.
Napangiwi ako nang mabasa ito. Ang baliw talaga ni Kenneth. Iyog tipong maiinis ka sa kanya pero matatawa ka na lang din dahil sa mga da-moves niya.
.
Me to Kenneth:
Ewan ko sa'yo, Kenneth. Manigas ka!
.
"Tessie!" si Margen Fox.
Pinasok ko na agad ang cellphone sa bulsa at humkabang na ako palapit sa kanya.
"Sino ang ka text mo? Si Mr. Pogi ba? I'm sure yayamanin iyon ano? Ang ganda ng kotse, gurl, at ang gwapo pa. Pang Hollywood ang dating. Ang bongga!"
Napailing na ako at nilampasan ko na lang si Margen Fox.
Walang kwenta kung sasabihin ko sa kanya na isang normal na mechanic na may ari ng vulcanizing joint shop lang si Kenneth sa lugar namin. Natamik ako at inilapag na sa mesa ang bag ko. Naupo na rin ako rito, at inihanda na ang mga make-up na gagamitin ko sa photoshot ni Diamond, Silver at Bronze.
"Nakita mo sana ang mga babaeng haliparot sa paligid kanina, gurl. Grabe makakatitig sa lalaki mo," nguso niya.
"Excuse me, Margen Fox. Hindi ko lalaki si Kenneth. Hindi ko siya type!" taas kilay ko.
Ngumiti agad ang bakla. Alam ko na ang ibig sabihin ng ngiting ito.
"Ganoon, hindi mo type? Kung ganoon. . . Akin na lang, gurl. Sasaluhin ko!" tili niya at napunit lalo ang bibig ko.
Huh, ang baliw ng baklang ito!
.
C.M. LOUDEN