Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pagkilos ng aking katabi. Doon ay inaantok na minulat ko ang aking mga mata ngunit muling napapikit ako nang masilaw sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana.
"Urgggh... Anong oras na ba?" bulalas ko at agarang napahawak sa aking ulunan dahil sa matinding p*******t nito, "Shet... M-May hangover yata ako..."
Pagkatapos ay nagpakawala ako ng malawak na hikab bago sinubukan na bumangon doon. Pero agarang napahinto ako dahil sa biglaang p*******t ng aking buong katawan. Pakiramdam ko pa nga ay tila binugbog ako ng ilang katao dahil sa tindi ng p*******t ng aking kasu-kasuan.
"Urrrgh... What the heck?" nalilitong bulalas ko pa habang nakangiwi na napahiga muli sa kama na iyon.
Ngunit nakakapagtaka na ang sakit na nararamdaman ko ay mas nanunuot sa gitnang parte ng katawan ko.
"Urggh... A-Ang sakit..." nakangiwing bulalas ko pa, "Meron ba ako? Pero kakatapos ko lang ng isang linggo ah."
Hanggang sa mapakunot ako ng noo at inalala ang anumang maaaring dahilan para manakit ng ganoon ang aking p********e.
"Hmmm..." mahinang pag-ungol naman ng katabi ko at naramdaman ko pa ang pagyakap niya sa aking bewang.
Wala naman sa sarili na isiniksik ko ang sarili sa kanya. Hanggang sa malakas na mapasinghap ako nang maramdaman ang isang matigas at mahaba na bagay na tumutusok ngayon sa hita ko. Dahil doon ay nanlaki ang aking mga mata at agarang napalingon para kilalanin kung sino ang taong katabi ko.
Laking gulat ko na lamang nang makita ang napaka-pamilyar na mukha. Ito walang iba kundi ang aking BFF na si Cammy na nasa kalagitnaan pa rin ng kahimbingan ng kanyang tulog.
Doon ay napalunok ako ng ilang beses bago naisipan na silipin ang katawan naming dalawa sa ilalim ng kumot na iyon. Hanggang sa muling napasinghap ako at nanginginig na napatutop ng kamay sa aking bibig. Paano ba naman pareho na wala kaming saplot sa aming katawan.
"N-No, no, no..."
Agarang napahawak ako sa aking ulunan at pilit na inalala ang nangyari sa amin kagabi. Ngunit masyado ako nalasing para maalala pa ang mga detalye. Basta ang huli ko natatandaan ay sinasabayan ako ni Cammy sa aking pag-inom para damayan sa aking problema.
"S-Shet..." natatakot na bulalas ko, "Nalintikan na... S-Siguradong papatayin ako ni Cammy sa oras na m-magising siya."
Mas mabuti na tumakas ako bago pa tuluyan na magising si Cammy. Ngunit nang akmang aalisin ko ang braso niya mula sa pagkakayakap sa aking bewang ay saka naman bahagyang gumalaw siya sa tabi ko. Pagkatapos ay parang bata na kinusot kusot niya ang kanyang mga mata.
Hindi nagtagal ay ilang sandali na nagkatitigan muna kami sa isa't isa. Kaya ilang ulit na napalunok ako dahil alam ko na talagang magwawala si Cammy sa oras na matuklasan niya ang sitwasyon namin na dalawa.
"Hmmm? Melody?" medyo inaantok pa na pagtawag sa akin ni Cammy at inaalala ang ginagawa ko sa tabi niya, "Ah... Oo nga pala dumating ka kahapon."
Hanggang sa mariing kumunot ang noo niya at inalala ang detalye ng nangyari kagabi. Pagkatapos ay biglang napanganga siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Katulad ko ay agarang sinilip niya muna ang katawan naming dalawa sa ilalim ng kumot.
One...
Two...
Three...
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!"
Umalingawngaw na nga ang makabasag tenga na pagpalirit ni Cammy at walang kung anu ano ay sinipa niya ako na naging dahilan para mahulog ako sa gilid ng kanyang kama.
"Shet ka, Cammy!" nasaktang reklamo ko naman at napahawak sa aking balakang na mapuruhan, "Ang sakit 'nun!"
Pinulupot naman ni Cammy ang kumot sa katawan niya bago nanginginig na itinuro ako. "A-Ano ang ginawa mo sa akin, Melody?!" malakas niyang tanong, "P-Pinagsamantalahan mo ba ang katawan ko kagabi?!"
Napatakip naman ako ng tenga sa lakas ng boses ni Cammy. Tch. Sa katunayan ay ako dapat ang magreklamo sa kanya dahil nawala ang pagiging birhen ko kagabi at lahat lahat pa ng makakakuha nito ay ang BFF ko pa.
"Tumigil ka nga baka mamaya ay marinig ka pa ng mga kapitbahay mo. Tsaka anong sinasabi mo na pinagsamantalahan kita riyan?" nakasimangot ko na lang na pagpuna sa inaakusa niya, "Ako nga ang dapat magsabi niyan sa iyo!"
"Eeeewww! No, no, no! This can't be happened! Nakipag-chukchakan ako sa babae! Waaah! Nakakalurkey! Ipinasok ko ang pototoy ko sa kweba ng isang babae!" pagwawala pa ni Cammy habang tinatakpan ang gitnang parte niya na akala mo may nagnakaw nito.
Inirapan ko naman siya sa sobrang pagiging OA niya. Pagkatapos ay sinubukan ko na tumayo pero talagang masakit ang gitna ko kaya napangiwi ako. Anuman ang gawin ko ay hindi ko naman maalala kung gaano katindi ang naging p********k namin kagabi para makaramdam ako ng ganito p*******t sa aking gitna.
Pero sabagay... kahit binabae itong si Cammy ay aaminin ko na may kalakihan ang kanyang p*********i. Kaya hindi na dapat ako magtaka kung bakit ganito namamaga ang p********e ko ngayon.
"Walanghiya ka, Melody! Alam ko na desperada ka na! Pero ang pikutin ako! Yuccck!" muling pagwawala ni Cammy bago ako binato ng isang unan at sumapol pa ito sa aking mukha.
"Shet ka, Cammy! Masakit iyon!" pagrereklamo ko naman habang nakasapo sa aking nasaktan na ilong.
"Waaaah! No, no, no! Hindi pwede ito!" patuloy na pagngawa pa ni Cammy.
Napahilot naman ako ng aking ulo. Lalo kasi sumasakit ito dahil sa mga pag-iyak at pagrereklamo niya. Idagdag pa na tila ako itong pinalalabas niya na namikot sa aming dalawa.
"Cammy, shut up!" naiiritang pigil ko sa kanya, "Hindi ko rin alam ang nangyari! Masyado kaya ako lasing kagabi! Ikaw nga itong inaasahan ko na magsabi sa akin ng nangyari sa atin!"
"Wala rin ako maalala! Pero sigurado ako na pinagsamantalahan mo ko!" patuloy na pag-akusa niya sa akin, "Nais mo ko mapilitan na pakasalan ka kaya ginawa mo ito! Sinamantala mo ang kahinaan ko kagabi!"
Sinimangutan ko si Cammy. Ganoon na ba ka-desperada ang tingin niya sa akin? Na maiisipan ko na pikutin ang kaibigan ko para lang makawala sa kasal na nais ng magulang ko?
"Ewan ko sa iyo! Ako itong nawalan sa atin pero parang ako pa ang may kasalanan!" asar kong hiyaw, "Wala nga ako maalala! Tsaka hindi ako timang para pikutin ka 'no!"
"Huhuhu! Nadungisan na ng babae ang katawan ko," patuloy na reklamo ni Cammy bago niyakap ang sarili, "Melody naman eh! Paano mo nagawa sa akin ito?! Akala ko ba BFF tayo?! Kailangan mo talaga idamay ako sa problema mo?!"
"Shet ka talaga, Cammy. Wala nga ako maalala!" muling hiyaw ko, "Huwag ka nga umasta na parang ni-r**e kita riyan! Isa na lang talaga!"
"Melody..." patuloy na pagngawa ni Cammy, "Pinagkatiwalaan kita pero ito ang igaganti mo sa akin."
"f**k! Tumigil ka na nga sa pag-iyak mo riyan!" asar na reklamo ko, "Okay, okay... Since pareho naman hindi natin ginusto ito ay kalimutan na lang natin ang nangyari. Ano? Okay na?!"
Agarang natigilan si Cammy sa kanyang pag-iyak at gulat na napaangat ng tingin sa akin. "T-Talaga? K-Kakalimutan mo ang nangyari?" paniniguro pa niya, "H-Hindi mo talaga ako pipilitin na pakasalan ka?"
Inirapan ko siya dahil siya lang naman ang gumawa ng konklusyon na iyon. "Tss... Oo nga! Kaya kung ako sa iyo ay magbihis ka na! Shet! Naalibadbaran ako dahil pareho tayong nakahubad."
Nanlaki ang mata ni Cammy at doon lang niya naalala na nasa kanya ang kumot. Hanggang sa biglang napatingin siya sa katawan ko na nakalantad ngayon sa harapan niya. Napalunok pa siya bago mabilis niya na iniwas ang tingin sa akin pero kapansin pansin ang pamumula ng kanyang magkabilang tenga.
"B-B-Basta! K-K-Kalimutan na lang natin ito!" nagmamadaling sambit pa ni Cammy bago tumakbo patungo sa banyo at pabalabag na isinara ito.
Ako naman ay nanlulumo na napahilamos ng kamay sa aking mukha. Anuman kasi ang gawin ko ag hindi ko talaga maalala ang anumang nangyari sa amin kagabi.
***
Pagkauwi ko sa mansyon ay agarang sinalubong ako ni Yaya Nena sa pintuan. Mahahalata ang matinding pag-aalala sa mukha niya dahil na rin sa hindi naging magandang pag-uusap namin nina mama at papa kahapon.
"Nak, hinahanap ka ng magulang mo kagabi," nag-aalalang pagbungad niya sa akin, "Saan ka ba nagpupunta para hindi makauwi? Sana man lang ay sinabihan mo ko."
Malakas na napabuga ako ng hininga. May malaking problema na nga kasi ako kina mama pero tila dumagdag pa ngayon itong si Cammy. Paano ba naman pagkatapos ko makapagbihis ay bigla na lang niya ako pinaalis sa kanyang tirahan.
Hindi naman masyadong halata kung gaano siya diring diri dahil sa may nangyari sa aming dalawa kagabi.
Bumigat tuloy ang pakiramdam ko at nakaramdam ng matinding paghihinakit. Kaya ako nagtungo kay Cammy dahil sa gusto ko na makatakas kina mama at damayan niya ako. Pero dahil sa nagawa namin na kamalian, baka masira pa ang friendship namin sa isang iglap.
"Hija?" nag-aalalang pagtawag sa akin ni Yaya Nena, "Bakit hindi ka sumasagot?"
Pilit na ngumiti naman ako. "A-Ah... Sorry yaya. Nakitulog kasi muna ako kay C-Cammy kagabi," pagbibigay alam ko na lang.
Tila nakahinga naman si Yaya Nena nang mabanggit ko ang pangalan ni Cammy. Sa mahigit sampung taon namin na pagkakaibigan ay normal lang na makilala niya ang aking BFF. Lalo pa na si Yaya Nena ang tila naging mas magulang ko sa mansyon na ito.
"Sabi na nga ba at doon ka kay Cammy tatakbo," nauunawaang sambit pa ni Yaya Nena, "Medyo namimiss ko na rin ang batang iyon. Hindi na siya masyado nakakapasyal dito nitong nakaraan."
Napalunok naman ako. Gusto ko sana aminin kay yaya na baka habang buhay na niya hindi makita pa ang bakla kong kaibigan. Sa inasta kasi ni Cammy kanina ay hindi na niya gugustuhin na makita pa ako.
"Y-Yaya, alam niyo naman na masyadong abala ngayon si Cammy dahil sa medyo lumalaki na ang beauty business niya," pagdadahilan ko na lang.
Malawak na napangiti si Yaya Nena. Masaya siya sa unti unti tagumpay na nakakamit ngayon ng kaibigan ko. Naging saksi siya sa panahon na pinalayas at pinagtabuyan ang kaibigan ko ng magulang niya. Sa katunayan si Yaya Nena ang kumupkop kay Cammy nang panahon na iyon dahil na rin sa wala siyang anak at tinuturing niya na parang anak ang kaibigan ko.
"O siya, nagbreakfast ka na ba?" pag-aasikaso niya na lang sa akin, "Pero kung galing ka kay Cammy ay siguro nakakain ka na."
Iniling ko ang ulo ko. "Hindi pa, yaya," sambit ko at biglang nakaramdam ng gutom, "Dito ako kakain."
"Eh? Hindi ka ba muna pinakain ni Cammy bago ka niya pinauwi?" nagtatakang tanong ni Yaya Nena, "Nag-away ba kayong dalawa?"
Napangiwi ako dahil sa talagang kilala na kilala kami ni Yaya Nena. Doon pa lang ay nalaman niya agad na may away kaming dalawa.
"Ha ha ha... Yaya, parang bago na may away kami sa isa't isa," pagrarason ko na lang, "Don't worry po dahil magkakaayos din kami katulad ng dati," pagsisinungaling ko pa.
Ngunit agarang napangiwi ako nang maramdaman ang p*******t ng p********e ko. Hindi ko naman maaaring aminin kay Yaya Nena na nag-s*x kami kagabi kaya pinagtabuyan ako ni Cammy paalis sa bahay niya. Baka mamaya ay himatayin pa ito sa labis na pagkagulat.
"Kayo talaga pero please ayusin niyo agad ang anuman na pinag-awayan niyo... Halika na nga, nak, sa loob para maipaghanda kita ng makakain," nauunawaang sambit ni Yaya Nena.
Akmang papasok na ako sa bahay nang may maalala. "Ah... Eh... N-Nandito pa rin po ba sina mama at papa?" medyo seryoso kong tanong kay Yaya Nena.
Sandali naman natigilan si Yaya Nena. Alam ko na tutol din siya sa plano ng magulang ko. Pero dahil sa magulang ko sila ay wala naman siya magawa para pigilan sila sa gusto nila ipagawa sa akin.
"Nandiyan pa sila, nak," malungkot na pagbibigay alam niya sa akin, "Inaantay ka nila."
Agarang napasimangot ako dahil sa inaasahan ko na agad aalis ang mga ito katulad ng dati. At marahil kaya nila ako inaantay ngayon ay para mapag-usapan ang plano ng kasal. Hindi naman sila ganoon nagmamadali na maitali agad ako sa anak ng kanilang kasosyo.
"Tch. Sige po, punta na lang po muna ako sa kwarto para makapaligo," nanlulumong sambit ko na lang.
"Sige, sige, tatawagin na lang kita kapag nakahain na ang pagkain mo," nauunawaang sambit naman ni Yaya Nena.
Doon ay pasikreto ako na nagtungo sa aking kwarto. Siyempre ayoko na masira agad ang araw ko sa oras na makaharap ko ang magulang ko. Kaya plano ko na iwasan sila hanggang sa kaya ko. Malaki naman kasi ang mansyon para magawa ko iyon.
Pagpasok ko ng aking kwarto ay agarang dumiretso ako sa banyo. Hinubad ko ang lahat ng damit ko dahil hindi na ako makapaghintay na makapaligo. Talagang nilalagkit na ako.
Ngunit nang mapadaan ako sa harapan ng full length mirror ay biglang natigilan ako at muntikan na ako mapahiyaw sa aking nakita.
"W-W-What the hell is this?!"
Paano ba naman ay doon ko lang nalaman na punung puno ng pulang marka ang katawan ko. Ebidensiya ito kung gaano kagigil si Cammy sa aking katawan habang nag-iisa kami.
"Shet ka, Cammy," nakangiwing reklamo ko at hinawakan ang pulang marka sa dibdib ko patungo sa aking tiyan, "Maka-akusa ka sa akin kanina pero ikaw pala itong makasipsip sa balat ko na parang bampira! Ginigigil mo ko bakla ka!"