Proposal 3

1891 Words
Pagkalipas ng dalawang linggo... 'The number you dialed cannot be reached. Please try again later.' 'The number you dialed cannot be reached. Please try again later.' 'The number you dialed cannot be reached. Please try again later.' Sa narinig ay nanlulumo na ibinababa ko ang aking hawak na phone. Nitong nakaraan ay hindi ko makontak kontak si Cammy. Talagang iniiwasan niya ako ngayon dahil na rin sa nangyari sa amin ng gabing iyon. "Hay.... Inaasahan ko naman talaga ito." Lalong bumigat tuloy ang kalooban ko. Pakiramdam ko ay may ilang libong karayom na tumutusok doon ngayon. Para bang sakal na sakal ako at nalulunod dahil nag-iisa na lang ako sa mundong ito. Gusto ko man kasi ilabas ang sama ng loob ko pero sino ang kakausapin ko? Hindi naman maaari kay Yaya Nena ako lumapit dahil ayoko na madamay pa siya sa problema ko ngayon kina mama at papa. Baka mamaya pa ay bigla na lang nila maisipan na paalisin ang aking yaya at akusahan na kung anu ano ang pinapayo niya sa akin para magrebelde ako ngayon sa kanila. Si Cammy naman ay ilang beses na sinubukan ko na kontakin pero patuloy na ini-ignora niya ako. Ganoon katindi talaga ang galit niya ngayon sa akin. "Urrgh... Dati rati ay mga poging crush lang ang pinag-aawayan namin ni Cammy pero ibang iba na ang sitwasyon ngayon. Imposible na yata maayos pa ang friendship namin," malungkot kong bulong at pilit na pinigilan ang pagtulo ng aking luha, "Tuluyan na nawalan ako ng BFF. Ano ba kasi ang pumasok sa isipan ko ng gabing iyon? Bakit hinayaan ko mangyari sa amin iyon?" Sa ilang taon na pagkakaibigan namin ni Cammy ay aaminin ko na may malaking sikreto ako na hindi pa nasasabi sa kanya. Inilihim ko iyon alang-alang sa friendship namin na dalawa. Kaya pakiramdam ko ay nabalewala lang ang effort ko na itago iyon para hindi kami humantong sa ganito ngayon. "Ano bang katangahan kasi ang naisip mong gawin, Melody?" pagsermon ko pa sa aking sarili habang pinupukpok ang aking ulunan, "Tanggapin mo na lang kasi ang katotohanan na imposible na magkagusto sa iyo si Cammy. Dahil lalaki ang gusto niya at hindi isang babae." Sa bigat ng loob ko ay hindi ko na napigilan at may ilang butil ng luha na tumakas sa mga mata ko. Dali dali ko naman pinahid ang mga ito bago nagpakawala ng malakas na buntong hininga para pagaanin ang aking kalooban. Dahil para saan pa ang pag-iyak ko kung hindi naman mababago nito ang kinalalagyan ko na sitwasyon. Nandito pa rin kasi sina mama at papa para pilitin ako sa nais nilang kasal. Habang ang pagkakaibigan naman namin ni Cammy ay tuluyan na nawala. "Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito ng tadhana?" naghihinakit ko pang bulong, "Gusto ko lang naman na may magmahal sa akin. Mahirap ba iyon?" Niyakap ko ang tuhod ko at ipinatong doon ang ulo ko. Sa dalawang linggo kasi na pag-iwas sa akin ni Cammy ay mga dalawang linggo na rin ako nagtagumpay na iwasan sina mama at papa. Pero alam ko na hindi ko habang buhay na magagawa ito. Sooner or later ay haharapin ko rin sila para mai-settle ang gusto nilang kasal. Kaso sa tinatakbo ng aking sitwasyon ay isa lang talaga ang patutunguhan ko. Mapait na napangiti ako. "Mukhang wala na talaga ako mapagpipilian kundi tanggapin ang nag-iintay sa akin na kapalaran. Iyon ay ang magpakasal sa taong nais nila na maging asawa ko," nanlulumo ko na pagbulong, "Magiging Mrs. Villanueva na lang talaga ako." Dahil kahit maglayas o tumakas ako patungo sa malayong lugar ay alam ko na mahahanap na mahahanap lang din ako nina mama at papa. Pahihirapan ko lang din ang aking sarili kung patuloy ako magmamatigas sa kanila. Katulad kasi ng sabi nila na ang lahat na mayroon ako ngayon ay nagmula sa kanila kaya paano ako makakatakas kung sa simula pa lang ay hawak hawak nila ako sa leeg. At ganoon kalaki ang pag-depende ko sa kanilang ibinibigay na pera. Wala akong kahit ano na masasabi ko na aking sariling pagmamay-ari. Kaya para matapos na ang lahat ay mas makakabuti na sumunod na lang ako sa kanilang nais. Dahil unang una pa lang ay imposible na manalo ako kahit pumalag ako ng paulit ulit. "Hay... Talagang ito na lang ang paraan," nanlulumo ko pang komento, "Hahayaan ko na lang na diktahan nila ang buhay ko." Mapait na napangiti muli ako nang maisip ang posibleng mangyari sa akin sa oras na magpakasal ako. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang totoong motibo ng mga Villanueva para pumayag sa kasalan na ito. Dahil katulad ng magulang ko ay nabubulagan sila ng pagkaganid sa oras na ito. Doon pa lang ay hindi na magiging maganda ang kinabukasan ko. At walang kasiguraduhan kung hanggang kailan magiging magaan ang buhay ko sa mga Villanueva pagkatapos ko na maikasal sa kanilang anak. *tok tok tok* "N-Nak, a-ako ito," nag-aalangan na pagtawag sa akin ni Yaya Nena. Dahil sa pagkautal ng boses ni Yaya Nena ay alam ko na hindi lamang siya ang naroroon ngayon. Hindi ko akalain na gagamitin nila ang aking yaya para lamang makaharap ako. Dahil doon ay malungkot na napangiti ako. Ganito kasi sila kadesidido na maipakasal ako sa anak ng kasosyo nila. Ganoon talaga sila kahanda na ibenta ang anak nila sa ibang pamilya. "P-Pasok..." napipilitan na sambit ko na lamang at inihanda ang sarili sa muling pagharap sa aking magulang. Doon ay binuksan na nga ni Yaya Nena ang pinto at may nag-aalalang tingin na binibigay siya sa aking gawi. Nasa likuran niya ay ang magulang ko at makikita ang matinding galit sa mukha nila dahil sa dalawang linggo na pagtatago ko. "Yaya Nena, iwanan mo na kami," pag-utos pa ni mama kay yaya. Nag-aalangan man ay walang nagawa si Yaya Nena kundi sundin ang utos ni mama. Hanggang sa marinig na lang namin ang pagsara ng pinto senyales na nakalabas ng aking kwarto si Yaya Nena. Namayani ang mahabang katahimikan sa aming pagitan. Pagkatapos ay naghalukipkip ng kanyang braso si mama bago pa ako pinasadahan ng tingin sa aking kabuuan at binigyan ng matalim na tingin. "Hmmmph! Mukhang tapos na rin sa wakas ang pagrerebelde mo, Melody," taas kilay na pagpuna sa akin ni mama, "Marahil alam mo sa oras na ito na kami pa rin ang masusunod sa huli." Hindi naman ako umimik at mariin na tinitigan lamang sila roon. Aaminin ko na may parte sa akin na umaasa na magbago ang isipan nila. Pero sinasaktan ko lang ang sarili ko para umasa sa ganoong klase na milagro. Sa ugali nila ay imposible na magbago pa ang desisyon nila. "Melody, makakabuti sa iyo ang kasal na ito," umuudyok na komento naman ni papa, "Pasasalamatan mo rin kami balang araw. Dahil hindi mo kailangan pa magpakahirap dahil habang buhay ka mamumuhay na marangya. Hindi ka naman namin ipapakasal na hindi ka rin makikinabang." Mariing napakagat ako ng aking labi. Hindi ko alam kung paano ako makikinabang katulad ng sinasabi nila. Ngunit sure na sure ako na mas makikinabang sila sa oras na mag-merge ang kompanya nila nang dahil sa akin. "Makinig ka lang sa amin, Melody," pag-udyok pa ni papa, "Hindi ka magsisisi." Lalong namigat ang pakiramdam ko sa mga sinasabi nilang kasinungalingan na iyon. Kampante na kampante kasi sila sa magiging maganda ang buhay ko sa oras na maikasal ako. Hanggang sa humugot ako ng malalim na hininga at malakas na pinakawalan ito. Kailangan ko kumalma dahil kahit umiyak ako rito ay ako lamang ang magmumukhang tanga. "M-Marahil katulad ng sabi niyo ay may pakinabang ako rito..." napipilitan na pagsang-ayon ko na lang sa kanila para tapusin na ang usapan na ito, "Sige, magpapakasal na ako." Pareho malawak na napangiti sina mama at papa dahil sa pagsuko ko na iyon. Mabilis na lumapit pa nga si mama sa akin at sobrang saya nang haplusin ako sa aking pisngi. "Kung ganoon, ise-set ko na mamaya ang dinner natin sa mga Villanueva para naman makilala mo si Markus na siyang magiging asawa mo," masayang pagplano ni mama, "Lalo pa na sa isang buwan na kayo ikakasal na dalawa." Ilang ulit na napalunok ako na mapag-alaman na pati araw ng aking kasal ay napagplanuhan na. Kaya tanging may isang buwan na kalayaan na lang pala ang natitira sa akin. Sana nga lang sa loob ng isang buwan na iyon ay magawa ko mahingi ang kapatawaran ni Cammy. Sana maibalik ko pa ang friendship namin bago pa ako makulong sa kasal na ito. "Ah... S-Sige po," muling pagsunod ko na lang dahil sa imposible na maipaurong ko pa ang araw ng kasal. "Kaya Melody, behave," mariin na pagbilin sa akin ni mama, "Dito nakasalalay ang buhay mo kasama ang magiging asawa mo. Have a good chat with him. Kunin mo ang pabor niya hanggang maaga para hindi ka mahirapan balang araw." Walang kaemo-emosyon na itinango ko na lang ng aking ulo. Para na lang ako isang manika ngayon na sunud sunuran sa kanila. Marahil iyon na nga lang din ang dapat kong gawin. Ang kaibiganin ang magiging asawa ko ngayon para kahit papaano ay may kabuluhan ang kasal namin na ito. *** Pagsapit ng hapon ay talagang pinaayusan ako nina mama. Kulang na lang ay isipin ko na hindi ordinaryong dinner ang pupuntahan namin para paayusan niya ako ng bongga bongga. At hindi nagtagal ay nakarating na nga kami sa isang five-star hotel kung saan kikitain namin ang mga Villanueva. Ngunit laking gulat ko na malaman na hindi lang kami ang naroroon dahil imbitado rin sa dinner na ito ang ilan nilang kasosyo. "M-Ma... Ano ang ibig sabihin nito?" kinakabahan na tanong ko kay mama, "Akala ko ba ay normal na dinner lang ito sa mga Villanueva? B-Bakit n-nandito silang l-lahat?!" Nginisian naman nila ako na para bang nahuli nila ako sa isang patibong. "Of course, this is a dinner," sambit nila, "Pero mas literal na sabihin natin na ito na mismo ang engagement party niyo." "W-What...?!" malakas kong hiyaw, "E-Engagement party?!" "Come on, Melody! Dalawang linggo mo na sinayang ang oras namin. We can't waste any more time," seryosong komento naman ni papa, "We're too busy kaya dapat madaliin ang mga plano sa kasal niyo. And this engagement is the first step." Natameme ako sa sinasabi nila. Pakiramdam ko ay naisahan nila ako. Dahil dinala na lang nila ako rito para opisyal na ianunsiyo ang kasal ko sa anak ng mga Villanueva. "Y-You..." puno ng galit kong sambit, "H-Hindi niyo ba talaga ako tinuturing na anak..." naghihinakit kong sambit. Ngunit tinignan lang nila ako na para bang wala lang sa kanila ang anumang sabihin ko. Kahit kamuhian ko sila ng todo todo ay wala silang pakialam. Para lang naman ako na isang estranghero sa kanilang paningin. "M-Ma... P-Pa..." "Fix yourself," mariin na pagpayo pa ni mama at matalim ako na tinignan sa aking mata, "Paparating na ang mga Villanueva. Huwag mo kami ipapahiya. Iyon ay kung ayaw mo pulutin ka na lang sa lansangan. Tandaan mo kung sino ka at ano ka lang namin." Napakasakit na marinig na mas inaalala pa nila ang kanilang imahe sa oras na ito. Dahil doon ay mariin na napakuyom ako ng aking kamay at pilit na pinigilan ang sarili na maiyak. Dahil alam ko na wala na ako magagawa pa sa sandali na ito kundi ang sundin na lamang sila.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD