Proposal 1

2571 Words
"Please marry me, Cammy." Halos mapigil ko ang aking hininga pagkatapos ko sambitin ang mga katagang iyon. Naririnig ko pa kung gaano kalakas ang pagkabog ng puso ko. Kulang na lang talaga ay kumawala ito sa aking dibdib dahil sa nararanasan na matinding nerbiyos. Ngunit kabaliktaran nang inaasahan ko ang naging reaksyon ni Cammy. Ibinuga niya lang naman ang kanyang iniinom na beer pagkatapos ay namumutla na napalingon siya sa aking gawi. "W-What?" naguguluhan na tanong niya, "W—What d-did you say?" Mariing napakagat naman ako ng aking labi bago buong tapang na hinarap ang tingin na iyon ni Cammy. "Pakasalan mo ko, Cammy," muling pag-ulit ko, "Magpakasal tayong dalawa." Doon ay napanganga si Cammy nang mas maintindihan ang sinabi ko. Kulang na nga lang ay sumayad ang panga niya sa sahig mula sa labis niyang pagkagulat. Wala sa sarili pa nga na nabitawan niya ang hawak na bote ng beer. Mabuti na lamang ay maliksi na nasambot ko ito bago tuluyan na mahulog sa sahig. At pagkalipas ng ilang segundo ay nakabawi siya mula sa kanyang pagkatulala. Banas na banas na pinaypayan pa niya ang sarili gamit ang sariling kamay. "W-Woah... L-Lasing na yata ako at kung anu ano na ang naririnig ko na kababalaghan," pagbulong pa niya, "Ha, ha, ha." Hinawakan ko naman sa braso niya si Cammy at pilit na hinarap muli ang tingin niya sa akin. "Cammy," pagtawag ko muli sa kanya, "Hindi ka pa lasing. Tama ang narinig mo. Inaalok kita ng kas—" "Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!" Doon ay umalingawngaw na nga ang malakas na pag-irit ni Cammy habang mariin na nakatakip sa magkabila niyang tenga. "Stop! Stop! Bruha ka! Huwag mo na ulitin pa! Kundi talagang makakatikim ka sa akin na kambal na sampal! Makikita mo, Melody!" gigil na gigil na hiyaw ni Cammy at binigyan ako ng matalim na tingin. Napatikom naman ako ng bibig at pilit na nginitian siya. Well, alam ko naman na magiging ganito ang reaksyon niya sa alok ko ngunit ito na lang kasi ang naiisip kong solusyon sa problema ko. Malakas na tumikhim ako saka nanlalambing na lumapit sa kanya. "Cammy..." nagsusumamong pagtawag ko sa kanya, "P-Please hear me out..." Sinimangutan niya naman ako bago sunud sunod na pinaghahampas sa likuran ng aking balikat. "Aww, aw! Awww!" "Shet ka, bes! Mandiri ka nga! Yuck! Anong kasal ang sinasabi mo riyan?!" pagwawala ni Cammy at kulang na lang talaga ay kalbuhin niya ako sa oras na ito, "Jusko po! Ipinanganak lang ako sa katawan ng lalaki pero paalala ko lang sa iyo na babae ang puso't diwa ko! Hindi tayo talo na dalawa!" Sa lakas ng paghampas niya ay napangiwi ako. Nakalimutan yata niya na kahit pusong babae siya ay may lakas pa rin siya na parang isang lalaki. "Cammy! Shet! Wait! Masakit na!" pagpapatigil ko naman sa kanyang ginagawa, "Kalma ka lang muna, bes. Magpapaliwanag nga ako!" "Grrr! Hindi ako titigil hanggang sa hindi ka natatauhan at nabubura sa isipan mo iyan!" patuloy na pagwawala ni Cammy at matalim na tinignan ako sa mata, "Eww! Yuck! Shet! Masusuka yata ako!" dagdag pa niya at talagang umakto na para naduduwal. Sinimangutan ko naman si Cammy dahil sa diring diri na reaksyon niyang iyon. Ramdam na ramdam ko lang naman kung gaano niya kinakaayawan na mapakasalan ako na isang tunay na babae. "Waaah! This is a nightmare! Never in my dreams na gugustuhin ko maging asawa ang isang babae!" patuloy na paglilintanya ni Cammy. Asar na asar na hinuli ko naman ang kamay niya para pigilan siya sa patuloy na pambubugbog sa aking likuran. "Cammy, kumalma ka kasi muna. Sinabi ko lang naman iyon dahil I am being desperate here!" pagpapaliwanag ko naman, "I badly need your help!" Agarang natigilan naman si Cammy bago pinagtaasan ako ng kanyang kilay. "Sige nga. Ano ba kasi ang nakain mo para bigla mong maisipan na alukin ng kasal ang katulad kong binabae?!" mataray na tanong ni Cammy, "Nasisiraan ka na ba ng bait? Ganyan ka na ba ka-desperada na magkaroon ng asawa ha?! Since your already 26 years old?! Basta may lawit sa gitna ay ayos na? Ganun?!" Doon ay malakas na napabuga ako ng hininga bago iniling iling ang aking ulo. Kahit ako ay hindi ko akalain na maiisipan ko na alukin ng kasal ang BFF kong beki na si Cameron Bercellano a.k.a. Cammy. Sa more than ten years na friendship namin ay mas alam ko kung gaano kababae ang puso niya. Kahit sa unang tingin ay hindi mo talaga siya aakalain na isang bakla dahil siya ang tipo na nagsusuot pa rin ng panlalaki. Kung hindi ko nga lang siya kilala ay baka matulad ako sa ibang kababaihan na nabighani sa pagiging gwapo, moreno, matangkad at may pagkamaskulado na pangangatawan niya. Kaso wala eh, ang katotohanan ay mas maarte at mas malandi pa siya sa akin. And for the record, mas marami pa siya may naka-relasyon na lalaki kaysa sa akin. Minsan nga ay iniisip ko kung sino ba talaga ang totoong babae sa aming dalawa. "Melody Avila! Ipaliwanag mo sa akin ito kung ayaw mo kurutin kita ng nail cutter!" mariing pananakot pa ni Cammy at kulang na lang ay umusok ang ilong sa labis na galit. Muling napangiwi naman ako dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ko. Senyales lang ito na sagad na ang galit niya sa akin sa oras na ito. Kaya nag-aalangan na napakamot ako ng aking batok. Doon ay inalala ko ang dahilan kaya bigla ako napasugod sa bahay ni Cammy at inaya siya ng inuman. Paano kasi umuwi ngayong araw ang magulang ko sa mansyon pagkatapos ng limang taon na walang ni ha at ni ho sa kanila. It is supposed-to-be a happy reunion for us. Pero masyado yata ako nadala ng mga palabas sa telebisyon o nababasa ko na nobela. Dahil ang inaasahan ko na magandang pagkikita ay hindi nangyari. Sa halip ay mas hihilingin ko na hindi sila umuwi pa. "Oh bakit natahimik ka riyan?" taas kilay na pagpansin ni Cammy sa akin. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko naman kay Cammy. Agarang umusod siya ng upo palapit sa akin at malambing na inakbayan ako. Marahil naramdaman niya na may pinoproblema ako sa oras na ito. "Anyare?" concern na pag-uusig pa ni Cammy, "Come on. I'm listening." Malakas na napabuga ako ng hininga at nanlalambing na isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Sa totoo lang kumpara sa ibang tao ay masasabi na maswerte ako dahil sa ipinanganak ako mula sa isang mayamang pamilya. Kaya noon pa lang ay nasusunod ang aking luho at nabibili ko ang lahat ng gusto ko. Sunod din sa trend ang mga gamit ko at galing sa mga expensive na mga brand. Ngunit sa aking pananaw ay tanging pera lang ang mayroon ako. Dahil kumpara sa ibang tao ay mas maswerte sila na nakakasama nila ang kanilang magulang sa hirap man o ginhawa. Hindi katulad ko na halos bilang ng aking mga daliri kung ilang beses na nakaharap ko ang aking sariling magulang. Masyado kasi sila abala sa kanilang pagpapalago ng aming negosyo at hindi man lang naisipan na kamustahin ako. Kaya laking gulat ko nang umuwi sila sa aming mansyon. Akala ko ay ginawa nila iyon para kamustahin ako o kaya naman maisipan na makipag-bonding sa nag-iisang anak nila. Ngunit isang malaking delusyon ko lang pala iyon. Masyado ako umasa sa bagay na imposible mangyari. "Huy Melody. Natahimik ka na?" pagpuna muli ni Cammy bago nilagok ang natitirang laman ng bote ng beer na hawak niya kanina, "Ano ba ang problema mo ha?" Sa nag-aalalang tanong na iyon ni Cammy ay nagsimula mangilid ang luha sa aking mata. Bumalik sa alaala ko ang naging takbo ng usapan namin ng magulang ko kanina. Dahil ang pinaka-motibo pala ng pag-uwi nila ay para sabihan at ihanda ako sa pagpapakasal sa anak ng mga Villanueva na siyang kasosyo nila sa negosyo. Siyempre agarang tumutol ako sa balak nila na iyon. Hindi naman ako hibang para magpakasal sa lalaki na hindi ko man lang nakilala. Ngunit sa ginawang pagtanggi ko na iyon ay puro masasakit na panunumbat ang natanggap ko. Kesyo ito ang kabayaran ko sa kanila dahil sa pinalaki at pinag-aral nila ako. Na ito ang responsibilidad ko bilang anak nila at oras na gampanan ko na ito. Na sana ay tumanaw ako ng utang na loob sa kanila at taos puso na tanggapin ang kasal na ito. Aaminin ko na hindi ko inaasahan na ganito ang maririnig mula sa kanila pagkatapos ng ilang taon namin na hindi pagkikita. Tila ba hindi mahalaga sa kanila ang opinyon at desisyon ko. Para kasi pinaparating nila na kaya binuhay nila ako sa mundo na ito ay dahil lamang dito. Masakit para sa akin na sa ganitong paraan nila na sisingilin ang lahat ng ibinigay nila sa akin. Para bang isang planned investment lang ako sa kanilang paningin. Nag-aalang nilingon naman ako ni Cammy bago mas hinapit palapit sa kanya. "Err Melody, ang totoo niyan ay nabalitaan ko na nasa bansa ang parents mo ngayon," pag-alala niya sa mga laman ng balita, "Uhmmm nakausap mo ba naman sila?" Mapait na napangiti naman ako. "C-Cammy, what should I do? They want me to get m-married as soon as possible," malungkot na panimula ko. Napakunot naman ng noo si Cammy. "So, kaya inalok mo ko ng kasal dahil sa sinabi nila na iyon?" pairap na sambit niya, "Pero bakit naman sila nagmamadali? Sooner or later ay makakahanap ka naman talaga ng mapapangasawa." Iniling iling ko ang ulo ko para itanggi ang anuman iniisip na iyon ni Cammy. Na hindi nila ako minamadali para maghanap ng lalaki na pakakasalan. "No Cammy... G-Gusto nila ipakasal ako sa anak na kasosyo nila," paglilinaw ko sa aking sitwasyon, "They want to use me for their own greed. Sa ganoon ay mag-merge ang negosyo nila sa mga Villanueva at mas lumaki ang kompanya." Dahil doon ay muling naibuga ni Cammy ang kanyang iniinom na beer at nanlalaki ang mga mata na napatingin sa akin. "N-No way. Seriously?!" gulat niyang tanong, "You mean... After all these years na wala kang komunikasyon sa kanila ay ipapakasal ka na lang nila basta basta sa kung sino na magustuhan nila? What the heck? Ano akala nila sa iyo? Asset lang na pwede i-collateral?!" Ayoko man isipin pero ganoon nga ang tingin sa akin ng magulang ko. Kaso nang sabihin iyon ni Cammy ay tila mas masakit na maipamukha niya sa akin ang katotohanan na iyon. Na hindi talaga nila ako tinuturing na anak kundi isang palamunin na ibebenta na lamang nila balang araw. "A-Ano ang gagawin ko ngayon, Cammy?" naiiyak kong sambit at biglang yumakap sa kanya, "B-Baliktarin man kasi ang mundo ay magulang ko pa rin sila. Kailangan ko sila respetuhin ngunit paano ko gagawin iyon kung sinasabihan nila ako na ito ang tamang oras para tumanaw ako ng utang na loob sa kanila. Na kailangan ko bayaran ang lahat ng ibinigay nila sa akin." "Shet, shet, shet! Anong klaseng mindset ba ang meron sila?! Nasaan ang mga magulang mo at ako mismo ang sasabunot sa kanila!" pagwawala ni Cammy at itinaas pa ang manggas ng kanyang damit, "Aba hindi porket anak ka nila ay pwede nila diktahan ang buhay mo! Obligasyon nila ang pag-aralin at bihisan ka dahil anak ka nila! Hindi basta ka lang nila pinulot sa tabi tabi 'no!" Sa pagtatanggol na iyon sa akin ni Cammy ay hindi ko na napigilan at tuluyan na nga ako umiyak. Sobrang bigat kasi sa pakiramdam na iyon ang nais ng magulang ko para sa akin. Na nais lang nila gamitin ako para sa sarili nilang interes. Pakiramdam ko pa nga ay si Cammy na lang talaga ang tanging masasandalan ko ngayon. Ang magulang ko kasi na dapat siyang mapro-protekta sa akin, ang siya pa nais na itali ako sa buhay na hindi ko naman ginusto. Naramdaman ko ang marahan na pagpahid ni Cammy ng luha ko. "Ssssh! Tahan na, bes," pag-alo niya at niyakap ako, "Kung maaari lang talaga tayo pumili ng magiging magulang ay hindi mangyayari sa atin ito." Kahit kasi si Cammy ay may malalim na hinanakit sa kanyang magulang. Agaran siyang ikinahiya at pinagtabuyan ng mga ito nang ilantad niya ang totoong kasarian niya. Ngayon na umaasenso na ang naipundar niyang negosyo ay saka naman lumalapit sa kanya ang mga ito na parang mga linta at kuno na nagsisisi raw sa ginawa nila noon. Tanga na lang talaga ang hindi makakaalam kung ano ang intensyon nila sa kanya. Pero talagang hindi maiiwasan na may ibang tao na mahilig na makisawsaw sa isyu ng iba. Dahil kaysa intindihin nila ang hinanakit ni Cammy ay makakarinig pa siya ng payo na patawarin na niya ang magulang niya dahil sa matatanda na ito. Na respetuhin niya ang mga ito dahil sila ang nagbigay ng buhay sa kanya. Na utang na loob niya ang mayroon siya ngayon. The audacity di ba? Sana ay ganoon lang talaga ang magpatawad. "C-Cammy, since BFF naman tayo pwede ba tulungan mo naman ako," umaasang pakiusap ko sa kanya, "M-Magpapakasal l-lang naman tayo eh. You don't need to act like my husband. Please help me. A-Ayoko talaga m-magpakasal sa anak ng kasosyo nila." Sa pakiusap ko na iyon ay natigilan si Cammy at napaisip ng malalim. Makikita ang kanaisan niya na tulungan ako sa sitwasyon ko pero may kung ano na parte sa kanya ang humahadlang. "Err... M-Melody, yes, we are BFF at handa naman talaga ako tulungan ka para makawala sa kasal na gusto ng parents mo... P-Pero kasi tayong dalawa talaga ang m-magpapakasal? What if sabihin ng pari na 'you may kiss the bride'? Baka sa harapan pa lang ng altar ay masuka na ako. Hindi ko k-keri, bes," iwas tingin na sambit ni Cammy, "…Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na humahalik ng babae kahit BFF kita." Agarang nanlumo ako sa pagtanggi na iyon ni Cammy. Ito na lang kasi ang naisip kong paraan para matakasan ang pinaplano na arranged marriage ng aking magulang. Ang unahan sila sa kasal na nais nila. Pero ang problema ay wala naman akong nobyo. Wala rin akong kaibigan na lalaki bukod kay Cammy. "Please Cammy, I really need your help," nagmamakaawa na pakiusap ko muli sa kanya at niyakap siya sa braso, "Gusto mo ba masira ang buhay ko? Mawawalan ka ng BFF sa oras na maikasal ako." "Sorry talaga, bes, kahit magpa-cute o maglumpasay ka pa riyan ay hindi mababago ang desisyon ko," hindi natitinag na sambit pa ni Cammy, "I will not marry you, Melody! OVER MY DEAD AND SEXY BODY!" "Cammy naman eh!" pagpupumilit ko, "Tulungan mo na ako please! Ikaw na lang ang maasahan ko." Paulit ulit na iniling ni Cammy ang ulo niya bago inilapit sa akin ang isang case ng beer na binili niya. "Tigilan mo ako, bes. Mas mabuti idaan mo na lang sa inom ang problema mo na iyan. Malay mo tomorrow ay makahanap ka ng solusyon di ba?" pag-udyok niya na lang sa akin na magpakalasing, "Bukas mo pala makikilala ang taong naka-destiny sa iyo. Di ba ansaya?" Lalong humaba ang nguso ko sa pagmamatigas na iyon ni Cammy. "Urrgh," sumusukong bulalas ko na lang, "Fine." Doon ay binuksan ko na nga ang isang bote ng beer at walang kung anu ano isang lagok na ininom ito. "Don't worry, bes. Makakahanap ka rin ng solusyon. Tiwala lang," pagsuporta sa akin ni Cammy at gumawa pa ng 'aja' pose.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD