CHAPTER TWO

1849 Words
"Liliana, tomorrow, the maids will pack all your things," saad sa akin ni Mommy nang makauwi na kami ng bahay. Gulat at nagtatanong ang mga mata kong tiningnan siya. "Mom? B-But W-Why? Saan tayo pupunta?" "Ikaw lang, anak ang aalis, hindi ka na titira kasama namin dito, ibabahay ka na ni Mayor, para naman mas magkaroon na siya ng oras sa 'yo, so anytime he wants to see you, uuwi na lang siya sa iyo," rekta niyang paliwanag. Natulala na lang ako kasabay nang pamimilog ng mga mata ko... noon ko pa tanong kung bakit ganitong nasilaw ang mga magulang ko sa pera dahilan para gawin nila ito sa sarili nilang anak. "Mom... don't you love me anymore?" nahahabag kong tanong. "Why are you doing this to your own daughter?" Kay Daddy naman ako bumaling na tahimik lang. "Dad, say something, please?" I pleaded. Mariin napapikit si Mommy at hindi magawang masagot ang tanong ko. "I'm sorry princess... I think Mayor Theo can take care of you better than us, matututunan mo rin siyang mahalin anak... soon he will file an annulment para hiwalayan si Meridette... we all know na hindi niya naman talagang gusto ang asawa niya, napilitan lang dahil kinailangan," si Daddy na binigyan na lamang ako ng nahahabag na tingin. Napakurap-kurap ako kasabay nang pagdaloy ng mga butil ng luha mula sa nanginginit kong mga mata. Ang sabihin nila, pera lang ang mahalaga sa kanila... baliwala sa kanila kung nahihirapan man ang kalooban ko basta nakikinabang sila. They are just sugarcoating their words para pagandahin lang ang salita at hindi ko isipin na ganoon nga, na pera at kapangyarihan lang ang gusto nila para mas lalo silang yumaman. Bigla akong nilapitan ni Mommy at hinawakan ako sa magkabila kong pisngi. "Anak, listen to Mommy, okay? Ayaw mo ba no'n? Your boyfriend is a mayor, idudulot niya lahat sa iyo, you don't have to work, hihiga ka na lang then he will do the rest, hanggang sa pagtanda mo magbubuhay reyna ka." Hindi iyon ang gusto ko... hindi iyon. May pangarap ako para sa sarili... hindi ko pinangarap ma humilata lang sa maghapon at umasa na lang. Sayang naman ang aking pinag-aralan. At isa pa, ako magbubuhay reyna hanggang sa pagtanda ko? At paano naman ako roon makakasiguro na hindi siya magsasawa sa akin? Paano kapag nalaman na ng asawa niya ang tungkol sa akin? Sa amin? Paano na? "May boyfriend nga po akong Mayor pero may asawa naman... isa akong kabit Mom, kabit ako. Alam niyo rin po na simula pa lang hindi ko naman po siya gusto... kayo lang ang pumilit sa akin patulan ko siya," katwiran ko. Hinawakan lamang ni Mommy ang kamay ko. "H'wag na matigas ang ulo, okay? We're doing this para sa iyo din, kaysa naman sa ibang lalaki ka mapunta? Doon sa Mico na iyon na niligaw-ligawan ka? Wala naman iyong mapapakain sa iyo, hindi nakakain iyang kilig at pag-ibig na iyan. Palagi mo iyang tatandaan." Naalala ko na naman si Mico, he's my best friend since I was little, nakilala ko siya noon bago pa kami manirahan sa ibang bansa at nitong umuwi kami ng Pilipinas, muli kaming nagkita at nag-umpisa itong ligawan ako ngunit ayaw nina Mommy at Daddy sa kanya. Anak ito ng magsasaka pero graduating na siya ngayong taon sa kursong engineering pero gayon pa man ayaw pa rin ng mga magulang ko dahil sa pamilyang pinaggalingan nito. Sa akin ay ayos lang dahil hindi naman ako tumitingin sa estado ng buhay, lalo kita ko kung gaano ito nagsusumikap para sa pangarap... Sadly, my parents think low of him... gaano ko man siya gusto ipaglaban hindi ko magawa dahil hindi naman nila ako pinapakinggan. Ngayon pa na... hawak na ako ni Mayor. Panay lang ang tawag ni Mico sa akin ngunit hindi ko naman magawang sagutin... hindi ko maipaliwanag sa kanya kung bakit bigla na lang ako walang paramdam. Lahat ng nakakausap ko o tumatawag sa phone ko, traced iyon kaya nakakarating kay Mayor kung sino man mga nakakausap ko mapa-phone man o mapa-personal. Ang higpit, ano? Oo ganoon ito kahigpit. "H'wag niyo na pong banggitin si Mico, wala po siyang kinalaman dito," malungkot kong sinabi na ikinataas lang ng isang kilay ni Mommy. "Umamin ka nga, do you like that guy, Liliana?" mapanantiya tanong niya na ikinatihimik ko dahilan para bigla siyang mapasinghal. Sa kawalan ko ng imik, batid kong oo, gusto ko si Mico sila lang itong may ayaw sa binata na wala naman masamang ginagawa. Bigla niya ako hinawakan ng mahigpit sa braso na ikinasinghap ko. "H'wag na h'wag mo na subukan pa na makipag-ugnayan sa lalaking iyon kung ayaw mong pare-pareho tayong malintikan kay Mayor!" Biglang tumaas ang boses niya. "Naiintindihan mo ba ako, Liliana?" May diin na sa boses niya sa pagkakataong ito kaya kahit labag sa loob ko tumango na lamang ako. "Y-Yes po, Mommy...." pilit kong sagot. Binitawan niya na ako. "Go upstairs, and clean yourself. Mamaya lang nandiyan na si Mayor para bisitahin ka, kaninang-kanina ka pa niya gustong ma-solo." Bumaling ako kay Daddy and I gave him a pleaded stare. "Daddy," batid ko humihingi ako ng tulong sa kanya kahit ngayon lang. Humugot siya ng malalim na paghinga at sinuklian niya ako ng naaawang tingin at binalingan niya si Mommy. "Mildred, baka p'wedeng sabihin kay Mayor na ipagpabukas niya na ang pagpunta rito sa bahay, tutal naman siya rin ang susundo sa anak natin at ngayong gabi lang naman sila hindi magkikita. Bukas magkasama na sila," Daddy tried to buy me some time. Pero ang isipin kong simula bukas ay makakasama ko na si Mayor sa iisang bubong ay siyang nagmistulang parang bangungot para sa akin. "Kung papayag," mataray na tugon ni Mommy. "Knowing Mr Mayor na patay na patay sa anak natin at ni isang gabi hindi no'n hahayaan hindi niya makita at makasama si Liliana." Laking tuwa ko naman nang kinuha na ni Daddy ang phone niya at hindi na pinansin si Mommy. Kung papayag si Mayor na hindi na magpunta ngayong gabi, masarap ang magiging tulog ko... at hindi niya ako mapapagod magdamag. He dialed Mr Mayor's number and it started ringing. Naghihintay lang siya na sagutin nito. Hinihiling ko na sana pumayag. "Hello Mr Mayor," bungad na bati ni Daddy nang sagutin na nito ang tawag at pilit na pinasigla ang boses. Kabadong magka-daop ang dalawa kong palad habang nakikinig sa kung paano ito kakausapin ni Daddy. "May gusto sana akong ipasuyo, baka p'wedeng ipagpabukas niyo na lang ang pagpunta rito dahil maagang nakatulog si Liliana, hindi ka na niya mahaharap," Dad looked at me and he winked. Sumilay ang ngiti sa akin, I know he's trying his best to buy me some time. Kahit na alam kong pabor din siya sa nangyayari ay kita ko naman naroon pa rin ang malasakit niya sa akin bilang anak, sadyang masiyado lang silang silaw sa pera. Tumango-tango si Daddy at nag-thumbs up siya sa akin, ibig sabihin lang no'n ay hindi na pupunta pa rito si Mayor! Para akong nabunutan ng tinik at maginhawang napahawak sa dibdib ko. Mom just gave me a cold stare at tinaasan lang ako ng isang kilay. She does not look happy na nagsisinungaling kami ngayon kay Mayor, pero dahil nakiusap ako na kahit ngayon lang ay h'wag ko muna itong makasama pinagbigyan naman nila ako tutal bukas ay narito din naman ito. "Your Daddy saved you tonight," Mom said bitterly sabay iling at humalukipkip na lang. Halatang galit ito dahil para bang kabawasan iyon sa kanya na hindi ako masisipingan ni Mayor ngayong gabi... Pakiramdam ko tuloy parang wala rin akong pinagka-iba sa isang bayarang babae at ang sarili kong ina ang siyang nagbubugaw sa akin. Galit kapag hindi nakakakota. Nakakalungkot isipin. Bumaling ako kay Daddy. "Dad, thank you." I shouldn't be thankful because I know they are the root cause of why I'm struggling right now, but because he did me a favor, I have to be grateful at kahit na isang gabi lang hindi ko makakatabi ang lalaking wala naman akong ni katiting na nararamdaman. Daddy smiled sadly. "Go upstairs and rest." Wala na akong sinayang na oras pa dahil gustong-gusto ko nang hubarin ang damit na ito na hindi ko naman gustong suotin at sa kagustuhan ko na ring makapagpahinga. While I'm under the shower, dinama ko ang bawat patak ng malamig na tubig sa hubad kong katawan... I feel dirty... violated... and being controlled. Iyung tipong kahit na anong ligo ko, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko pa rin. Walang kahit anong sabon ang magawang makapag-linis ng karumihang nararamdaman ko. Having s*x with someone na hindi mo mahal, o hindi mo naman gusto siyang naghahatid ng nakaka-alibadbad na pakiramdam. I admit that I was innocent but not naive young lady who only knew how to study in school and make friends with random people before he came. Simula nang dumating siya nabago na lahat sa buhay ko... he makes a lot of changes in my life including my lifestyle. He made me his mistress to fulfill his needs—his physical needs. He took my innocence and purity in exchange for money. Kaka-eighteen ko lang last month, iyon din ang araw na una niya akong inangkin, he took all of me... wala siyang itinira. Plano ko sanang ibigay ang sarili ko sa lalaking nakatadhana sa akin, iyung sa lalaking gusto ko ngunit mukang hindi na iyon mangyayari pa dahil inunahan niya na. Nag-siguro na siya. "Liliana, hindi ka pa ba tapos? Kanina ka pa riyan ah?" si Mommy na sunud-sunod ang naging pag-katok. Hindi ko namalayang may isang oras na pala ako rito sa banyo, masiyadong malalim ang tinakbo ng isip ko kaya hindi ko na namalayan ang oras. "S-Sandali lang po!" sigaw ko para marinig niya at dali-dali na ang naging pag-kilos ko. Mabilis kong tinapos ang pag-ligo at lumabas na ng naka-bathrobe lang. "Mommy, bakit po?" tanong ko habang tinituyo ko ng towel ang basang-basa kong buhok. Napansin kong hawak niya ang phone ko. Ipinakita niya sa akin ang phone screen at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang mayroong 20 missed call si Mayor! Taranta kong kinuha mula sa kamay niya ang phone sabay check kung may iba pang tumawag. "I went here to check on you, naka-ilang balik na ako nasa banyo ka pa rin and I heard your phone na panay ang ring, si Mayor na panay na ang tawag sa 'yo," she explained and she crossed her arms. "Mom... I didn't know... napasarap po ako sa pag-ligo," saad ko while I'm scrolling on my messages. Chini-check ko kung may mensahe pa siyang ipinadala pero wala naman kaya napanatag ako. Ang alam niya naman na maaga akong magpapahinga kagaya ng sinabi ni Daddy sa kanya kanina. "It's alright, ang alam naman niya nagpapahinga ka na ng maaga ngayon kaya matulog ka na para naman makatotohanan," pagkasabi no'n ni Mommy ay lumabas na siya ng silid ko. Bumuntong hininga na lamang ako at malayang inihiga ang katawan ko sa malambot kong kama. Bukas... isa na namang panibagong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD