Nararamdaman ko ang unti-unting paggapang ng kamay ni Mayor sa aking hita habang ang kanyang asawa ay katabi niya lang.
Kasalukuyan kaming nasa iisang lamesa na pang-grupo-han, ang Mommy ko ang katabi ko at katabi niya naman si Daddy.
Nagkataon na ka-table namin sina Mayor Grivaldez na kunwari ay busy sa kausap na katapat lang din namin habang katabi ang asawa niyang abala rin sa pakikipagusap sa mga kaibigan.
Pa-simple kong hinawi ang kamay ni Mayor na nasa hita ko ngunit napa-singhap ako nang madiin niya itong hinawakan.
Umakto ako na kunwari'y may mahalaga akong ibubulong. "Mayor, h'wag po rito..." nang sabihin ko iyon doon niya lang ako nilubayan pero ramdam kong 'di na siya makapaghintay pa ma-solo niya ako.
Pinilit kasi ako ni Mommy na mag-suot ng revealing na gown na nagpapakita ng balat harap at likod para impress-in si Mayor...
My parents know that I'm the mistress of our town's leader here in Comoro. Kami lang ng pamilya ko ang nakakaalam... hindi dahil ginusto ko kundi dahil ipinagbili ako sa halagang hiningi nila kay Mayor.
Ni ang asawa nito walang kaalam-alam na ako na katabi ng asawa niya ay ako rin na kabit nito.
"Mayor Theo Grivaldez!" magiliw na tawag sa kanya ng Vice Mayor na si Mr Zendayo kaya napatayo siya at nagyakapan ang dalawa.
Bakas ang tuwang makita ang isa't isa at pawang politika lang ang pinaguusapan nila at alam kong kahit may mga kausap siya ay bukas ang mga mata at tainga niya sa bawat galaw ko.
Hindi man niya ako madalas kausapin kapag nasa pam-publikong lugar kabaliktaran no'n kapag kami na lang dalawa.
Sandali silang umalis ng Vice Mayor para lapitan ang mga kilalang tao na guest din ng event na ito kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon makahinga at makawala sa nakakasakal na presensya niya.
Hindi ko gustong maging kabit... pero dahil mismong mga magulang ko hawak ako sa leeg ay wala akong magawa, idagdag pa noong minsan sinubukan kong tumakas, hindi ako nagtagumpay dahil may mga private body guards na ni-hire si Mayor h'wag lang akong makatakas.
Sa madaling salita... bantay sarado ako... ni bawal akong lumabas nang walang permiso niya... ganoon niya ako ka-kapit sa leeg, wala akong boses, wala akong sariling desisyon.
May asawa nga siya ngunit wala roon ang interes niya dahil kasal lamang sila dahil isa iyong fixed marriage ng yumao niyang mga magulang, ang mga ito ang nagdesisyon kung sinong mapapangasawa niya.
Dahil kasagsagan noon ng pagtakbo ni Mayor Theo at kailangan magpalakas sa tao gumamit sila ng mas may impluwensya pa kaya kinailangan niya pakasal noon sa babaeng hindi naman niya mahal.
Ni pagkagusto sa asawa niyang si Meridette ni katiting wala siyang nararamdaman para dito kahit may limang taon na silang nagsasama bilang mag-asawa.
Muka man silang maayos na nagsasama kapag nasa harap ng publiko pero hanggang doon lamang iyon dahil kapag sila na lang ay para nang mga ibang tao ang turingan nila sa isa't isa.
Ang mga magulang ng babae ay wala rin naman pakialam kung may pagmamahalan namumutawi sa mag-asawa o wala, ang tanging mahalaga lang sa kanila ay impluwensya at kapangyarihan.
H'wag na tayong lumayo, wala silang pinagkaiba sa mga magulang ko na yaman at kapangyarihan lang din ang mahalaga sa kanila.
Wala silang pakialam sa nararamdaman ko, sa nararamdaman ng nag-iisa nilang anak at basta may pakinabang sa kanila importante sa kanila, pero ang nararamdaman ko, hindi na mahalaga.
Wala akong karapatan magdesisyon para sa sarili ko, ni magsabi ng hindi ay hindi maaari at dapat palaging oo ang sagot.
"Tita Mildred, itong si Liliana wala ba kayo balak paligawan ito?" tanong ni Meridette kay Mommy nang balingan niya kami. "She's pretty, but still no boyfriend. She's in her legal age, right?" dagdag pa niya.
Kung alam mo lang na... kabit ako ng asawa mo siguradong hindi mo iyon matatanggap at ngayon pa lang kinakain na ako ng labis na konsensya.
"Ay naku, Mrs Grivaldez. Off limits ang anak ko," sagot ni Mommy. "At isa pa, kaka-18 niya lang, h'wag muna," pagkasabi ni Mommy ay kimi siyang uminom ng wine.
H'wag muna kasi babae na ako ng kilalang tao, iyon ang sabihin niya. Pag-aari na ako ni Mayor kaya wala nang lalaking p'wede pa na magtangkang pumorma sa akin.
Gusto kong umiling at magpakawala ng marahas na paghinga ngunit ayaw ko naman bigyan nilang kahulugan iyon.
"Oh, well! Kung sa bagay!" Nagtaas na lamang ng kilay si Meridette at maarteng uminom din ng red wine.
Ang edad niya at edad ng asawa niyang si Mayor Theo nasa mga late 30's na ilang taon na rin silang mag-asawa pero hindi pa rin sila nagkakaanak.
Hindi ko lang din alam kung nagagawa pa nilang magsiping gayong wala naman silang nararamdaman para sa isa't isa. Iyon ang 'di ko alam... hindi naman binabanggit pa sa akin ni Mayor ang tungkol doon.
Ibinalik na ni Meridette ang atensyon niya sa mga kaibigan niya at naghikhikan ang mga ito habang nag-uusap nang kung anu-ano na sila lang ang nagkakaintidihan habang ako rito naman ay tahimik lang na nilalaro ang tinidor sa plato ko.
Kanina pa ang salad na ito ngunit hindi ko magalaw-galaw, hindi ako makakain. Hindi ako nakakaramdam ng gutom.
Mas matimbang ang nararamdaman kong pagka-guilty, kasama ko ngayon sa iisang lamesa ang asawa ng lalaking gabi-gabi umaangkin sa aking ka-inosentehan...
Kahit ayaw ko wala akong ibang pagpipilian kundi magpaubaya kahit labag sa kalooban ko. Hindi ko naman ito ginusto...
Isa lang naman akong dalagang nananahimik noon, pagka-galing sa eskwela, diretso bahay na. Ni wala ako sinasamahang mga grupo, may mangilan-ngilan lang akong kaibigan ngunit hindi ko naman parating mga nakakasama dahil malayo sila sa bayang ito na tinitirhan ko.
Nagsimula lang ang kalbaryo ko nang bumalik kami rito sa bayan ng Comoro nang makauwi kami galing US pagka-graduate ko ng kolehiyo. I'm an accelerated student, kaya maaga akong nakakapagtapos sa kursong gusto ko na Masscom.
Mabuti nga't kahit man lang sa pag-aaral ko at sa kursong gusto kong kuhain ay ako ang nasunod nang hindi sila tumututol o kumokontra.
At kung alam ko lang din na matitipuhan pala ako ng bagong luklok na Mayor dito sa Comoro city sana pala hindi na ako umuwi ng Pilipinas at doon na lang ako habang buhay na manirahan.
"Hey, are you okay?" casual na tanong sa akin ni Mayor sabay hagod niya sa exposed kong likod. Tapos na pala ito makipag-usap.
Wala man malisya kung titingnan pero pareho naming alam na may ibig sabihin iyon. Ang haplos niyang iyon ay alam ko na ang ibig sabihin... batid niyang maghanda na ako mamaya.
Patingala ko siyang nilingon. "A-Ayos lang po ako..." Sinundan ko siya ng tingin nang muli siyang naupo sa tabi ko.
"She's okay, hon," sabat naman ni Meridette at nginitian ako sabay hawak sa kamay ng asawa.
Kita ko sa mukha ni Mayor ang pagka-disgusto niyang mahawakan ng sariling asawa pero dahil nasa harap kami ng maraming tao ipinakita niyang sweet sila sa isa't isa. Nagawa niya pang hawakan ang kamay din nito at pekeng ngumiti.
Bumaling siyang muli sa akin. "Are you sure?"
Kung ganito siya nang ganito... mahahalata ng tao kung anong ugnayan niya sa akin, at hindi p'wedeng ituon niya lang sa akin ang buong atensyon niya.
Tumango ako. "Ayos lang po talaga."
Madalas ganito siya at hindi niya mapigilan ang sarili kahit na nasa pampublikong lugar, madalas kasi niyang imbitahan ang pamilya ko sa mga espesyal na okasyon, kahit hindi nga espesyal basta makita niya lang ako ayos na sa kanya.
Kilala rin naman ang mga magulang ko bilang mga kilalang negosyante, kaya 'di na rin nagtataka ang mga tao kung bakit kami parating nakakasama ni Mayor kapag may ginagaganap na kasiyahan o mga formal event.
Kaya gustong-gusto ng mga magulang ko ang pagiging kabit ko dahil ang bilis nilang magka-permit, 'di na kailangan pa ng mga kung anu-ano, kung gustuhin man nila na magtayo ng bagong negosyo o magtayo ng mga bagong establisyimento madali na iyon para sa kanila.
Lalong-lalo na ang pagmamanipula ng mga properties sa lugar. Hindi sila nahihirapan pa dahil si Mayor Theo na ang gumagawa ng paraan para sa kanila at ang kapalit no'n, walang iba kundi ako.
Kung hindi nga lang ito kasal at kung ako ang unang nakilala nito, malamang sa malamang ako ang naging asawa.
Pero hindi ko iyon pinangarap, hindi kailan man. Naniniwala ako na mas mahalaga pa rin ang pagmamahal, iyung ikaw ang pipili ng makakasama mo, hindi iyung idinidikta lang sa iyo.
Natapos na lahat-lahat ang party pero ang mga mata ni Mayor ay hindi iwinawaglit sa akin may mga kaliwa't kanan man siyang nakakausap.
Naka-angkala ang braso ni Mrs Grivaldez sa kanyang Mr Mayor habang pormal na silang nagpapaalam sa mga bisita ganoon din ang mga magulang ko sa kanilang mga kakilala.
Samantalang ako, tahimik lang na pa-ngiti-ngiti sa isang tabi at kanina pa gustong umuwi, marunong din naman ako maki-socialite ngunit kapag nariyan si Mayor kailangang kalkulado ko ang bawat galaw ko.
Lumabas ako para makasagap ng sariwang hangin habang hinihintay sila. Yakap ko ang sarili ko habang nakatanaw sa malawak na hardin sa labas ng pinagdadausan ng party nang biglang may magsalita sa likod ko.
"Why are you here?"
Bahagya pa akong napatalon sa gulat at napahawak sa dibdib ko nang marinig ang boses ni Mayor Theo...
Humarap ako sa kanya. "M-Mayor..."
Kahit may isang buwan na rin simula nang magkaroon kami ng relasyon hindi ko pa rin maiwasan 'di mangilag dahil sa nakaka-ilang at nakakakabang presenyang hatid niya.
"Tinatanong kita, bakit narito ka sa labas?" mariin niyang pag-uulit buhat ng malalim niyang boses.
Napalunok ako. "N-Nagpapahangin lang po ako... at hinihintay ko sina Mommy at Daddy na makapagpaalam sa mga kakilala nila."
Ito rin ang hirap sa kanya, palaging tamang hinala na mayroon ako ibang lalaking kikitain o kinikita kahit na alam niya namang wala.
Sa bawat sulok saan man ay may mga mata siya kaya paano naman akong makakalusot kung meron man.
Wala na ngang lalaking makalapit sa akin simula nang makilala ko siya, hindi ko rin alam kung bakit... o baka bago pa lang lalapit ay hinaharang na ng mga bantay.
Palagay ko iyon ang dahilan... dahil sa pagiging sobrang seloso niya kahit na wala naman dahilan o dapat na ika-selos ay nagagawa niya pa rin mag-selos.
Unti-unti siyang lumapit sa akin, kaya kusa akong napa-atras dahil hindi kami p'wede mag-dikit dahil maraming makakakita.
"You're so beautiful, Liliana..." puri niya akin. "Hindi talaga ako nagsisising ikaw ang pinili ko... so don't you dare entertain boys, huh? Maliwanag ba?" Nagbabaga ang tingin niyang iginagawad sa akin.
Tumango ako. "O-Opo..."