"Mayor Theo, napatawag kay—" "Mommy..." umiiyak kong tawag sa kanya sa kabilang linya gamit ang phone ni Mayor Theo na patakas ko lang ginamit. Kasalukuyan itong naliligo sa banyo kaya wala akong masiyadong oras para pahabain ang tawag. "Liliana, why are you crying? May nangyari ba?" may himig ng pagaalala sa kanyang boses. "Bakit phone ni Mayor Theo ang gamit mo, where's yours and where is he?" "Mommy, please take me out of here, I have no phone, he broke it... I have no access to any gadgets here," sagot ko. "Kaya palihim kong ginamit ang phone niya. Please Mom, sunduin niyo na ako rito hindi ko na kaya, he's hurting me and he almost killed me," umiiyak kong sumbong na mayroong pagmamakaawa. Sandaling natahimik ang kabilang linya at narinig ko ang pagbuntong hininga niya at saka siy