Tahimik lang akong pinanuod siyang mag-luto hanggang sa maisip ko muling banggitin ang patungkol sa asawa niya. "Si Meridette... baka pasundan niya kayo," saad ko na may pagkabagabag. Kung mapapadalas siya rito siguradong pasusundan siya. "Someone is taking care of her, so there's nothing to worry about, I'll make sure na hindi niya ako magagawang pasundan." Hindi niya ako nililingon habang abala lamang siya sa ginagawang pagluluto. "Ang hirap ng sitwasyon natin... ng sitwasyon ko..." bakas ang kalungkutan sa akin batid ko na nahihirapan ako. "Walang sikretong hindi mabubunyag... at isa pa, darating ang araw malalaman niya ang pinakatatago mo at makikilala niyang ako ang iyong babae." Natigilan siya at hinarap ako. "Hindi naman kita pababayaan, Liliana. I'm always here by your side at