CHAPTER SIX

1678 Words
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinalis ang aking luha gamit ang kanyang hinlalaki. Yumuko siya sa akin para mag-lebel kami. "Liliana, you know how much I care for you, right?" tanong niya at ipinagdikit ang aming mga noo at tumango na lamang bilang sagot. "If you want me to be kind to you, you should never disobey me, understood?" he said in his low tone. I nodded again in response. "Opo." "I hate seeing you or hearing you talking or communicating with other boys... seloso ako at alam na alam mo iyan." "Alam ko po." "Kaya sa susunod... bago ko pa malaman, ipaalam mo na agad sa akin nang hindi na kailangan umabot pa tayo sa ganito... hindi ko gustong saktan ka pero h'wag mo akong pipilitin o susubukan. Alam mo kung gaano lang kaiksi ang pasensya ko," matapos niya iyong sabihin ay ginawaran niya ako ng madiing halik na ikinapikit ko. Napakapit ako sa kanyang bisig, tumagal ang halik niya sa akin at agad din naman siyang humiwalay ngunit pakiramdam ko para akong kinapos ng hininga sa halik niyang iyon kaya bahagya pa akong hiningal. Muli niyang ipinagdikit ang mga noo namin. "I'm sorry for hurting you baby, I just got mad because I thought you were doing something behind my back, and you know that I won't tolerate sh*tness," malambing ngunit may katigasan sa huling niyang sinabi na ikinalunok ko. "Hindi na po mauulit..." "Talagang hindi na, Liliana." Gusto ko sana ipaliwanag sa kanya na hindi naman basta manliligaw ko lang si Mico, ito ay kababata ko at isang matalik kong kaibigan. Gusto kong humingi ng oras sa kanya kahit sandali para makausap ko si Mico at hindi nito isipin na basta ko na lamang siyang binaliwala nang walang paramdam. "Mayor Theo," batid kong may gusto akong sabihin. "You want to say something? What is it?" he asked and he let me speak. Umayos ako ng upo at bahagyang lumayo sa kanya. Pinalalakas ko ang loob kong humingi ng pabor kahit na hindi ako sigurado kung papayag siya. "P'wede ko po bang... makausap si Mico kahit na sa kalahating oras lang? Please, Mayor... I have to talk to him, kailangan ko po siya—" "No," mariin niya pag-putol sa pagsasalita ko at malamig ang tinging iginawad niya sa 'kin. Hindi ako sumuko, Hinawakan ko ang kamay niya at nagsusumamo akong nakatingalang tiningnan siya na puno ng pakiusap ang aking mga mata. "Hindi mo ata intindi ang mga sinabi ko?" ma-autoridad niyang tanong sa akin at nangingilag man ay sinubukan ko pa rin. "Please, Mayor? Hayaan niyo po akong makausap siya para hindi na siya umasa pa sa akin, kailangan ko ipaunawa sa kanya na 'di na kami p'wede, kahit sandaling oras lang po, please, Mayor?" panunubok ko pang muli na pakiusapan siya. Pinakatitigan niya lang muna akong mabuti at tiningnan ang kamay kong nakahawak sa kanya. Natahimik siya, mukang pinagiisipan na niya kung papayagan niya ba ako. "Fine then, I'll give you 30 minutes, before we head off to your new home, siguraduhin mo lang na tatapusin mo na ang kung ano man meron kayo ng lalaking iyan," pagpayag niya niya na na labis kong ikinatuwa na halos ikaliwanag ng mukha ko. Pero lasog-lasog na ngayon ang phone ko kaya paano na ito ngayon? Paano ko siya mako-contact? "Thank you Mayor... pero paano po ang phone ko... sinira niyo na..." Ang tuwa ko ay muling napalitan ng lungkot nang tingnan ko ang phone kong sira na at nasa sahig. Inilabas niya ang kanya mula sa bulsa. "Here, use mine," he offered his phone which makes me stunned. He's allowing me to use his personal phone? "Pero personal niyo po i—" "No, it's just my spare phone so take it, and call him now in front of me," putol niya sa pagsasalita ko at batid niyang ayos lang gamitin ko. Napalunok naman ako nang sa harapan niya gustong tawagan ko si Mico... I have to be careful and watch my words dahil makikinig siya. Tumango ako at mabagal na kinuha ang phone niya na medyo nanginginig pa ang kamay ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang ipapahiram niya sa akin ito. Agad ko namang dinial ang phone number ni Mico nang magsalita siya na bahagya kong ikinatagil. . "You remember his phone number, huh?" he asked sarcastically at naisip kong baka isa lang itong trap. Bigla niyang binawi ang phone niya na ikinapitlag ko sa gulat, at sakto namang na-itype ko na lahat ng numero ni Mico. Umiling-iling siya na tila nanunuya. "Kapag tanda mo kahit maliit na detalye patungkol sa isang tao nangangahulugang mahalaga ang taong iyon sa iyo," malaman niyang sinabi habang nakatingin sa screen. Dumako naman muli ang tingin niya sa akin na ikinalunok ko dahil naging matalim ang mga mata niya at pailalim niya akong tiningnan. "Call him now," utos niya sabay abot sa akin muli ng kanyang phone na hindi ko na alam kung kukunin ko pa ba. Parang ayaw ko nang kunin at nahalata niya naman kaya nagulat ako nang sumigaw siya. "Call him!" paguulit niya na ikinapitlag ko kaya dali-dali ko na ngang muling kinuha mula sa kamay niya. Itinapat ko sa tainga ko ang phone habang ang kamay ko ay nanginginig. Hinintay kong sagutin ni Mico ang tawag habang nalulukot ko na ang sarili kong kwelyo sa kaba. "Hello, sino ito?" tanong ni Mico mula sa kabilang linya nang sagutin na nito ang tawag habang ang tingin ko ay na kay Mayor. "M-Mico... s-s Liliana ito..." pakilala ko. Kahit hindi ko siya nakikita ngayon alam kong nagulat siya sa biglaang pagtawag ko gamit ang ibang numero. "Lian!! How have you been? Where are you? You didn't answer all my calls and it's been a month since you turned 18, hindi ka na sa 'kin magparamdam! God! Ano bang nangyari sa iyo ha?" alinsunod niyang tanong na may himig ng pagtatampo, galit, inis, higit ang labis na pagaalala. Huminga ako ng malalim habang si Mayor ay malamig lamang na nakatingin sa akin kaya parang hindi ako makahinga at hindi ako makapag-isip ng tamang sasabihin. "M-Mico... see me at the coffee shop kung saan... saan tayo parating... tumatambay doon ko na lamang sa iyo ipapaliwanag," matapos ko iyong sabihin hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya. "Lilia—" Binabaan ko na siya kaya hindi na niya naituloy pa ang gusto niyang sabihin. Hindi ko pa man tuluyang nailalayo mula sa tainga ko ang phone ay agad na hinablot ni Mayor mula sa kamay ko, he checked it and I'm sure he already blocked Mico's number. Muli niya na akong binalingan at ibinalik niya na sa bulsa ang phone niya habang blangko ang mga mata niyang nanatiling nakatingin sa akin. "Where's that coffee shop na palagi niyong tinatambayan? O mas tamang sabihing, your dating place?" patuya niyang tanong sabay taas ng isang kilay. "S-Sa Hot Coffeeyen po..." kimi kong sagot. "Alright, let's go," yakag niya na sa akin at nang susunod na ako sa kanya bigla siya tumigil at muli akong hinarap kaya napahinto rin ako. "Before we go, I want you to know na ito na ang una't huling beses na ito-tolerate kita sa ganitong kalokohan, I'm doing this because I'm just being considerate to your feelings, para naman hindi mo 'ko masabihan ng walang puso." Napayuko na lang ako at tumango, nagpapasalamat ako sa sinasabi niyang konsiderasyon niya sa nararamdaman ko pero kung tutuusin... karapatan ko naman talaga magkaroon ng laya kung sino ang mga taong gusto ko kausapin... "Opo, ito na ang una't huli," saad ko na lang. Tumango na lang din siya at nauna nang lumabas pero bago pa man ako sumunod sa kanya, pinasadahan ko muna ng tingin ang kabuang silid ko. My room that I used to sleep in when everything is tiring and complicated... my room that witnessed all my breakdowns and pains, this place also witnessed how Mayor took my purity that night. This room that serves as my comfort place when the world outside is becoming chaotic and this place always gives me peace when everything is messed up. Malungkot na akong lumabas at sumunod na kay Mayor na naghihintay pala sa akin, mukang alam niyang pinasadahan ko ng huling tingin ang aking silid kaya ako bahagyang natagalan. "You will miss your room?" he asked. I nodded. "Yes, I'm going to miss my old place where I can have my privacy..." I answered him directly this time. "Oh, baby... I'm sorry to hear that," he acted like I'm a poor little child who needs his pity. "But you know that when you are with me, hindi uso ang salitang privacy na iyan." "Alam ko po," tugon ko bilang pagtanggap ko na lang sa sitwasyon ko. "That's my girl." He touched my cheek and kissed me on my other cheek sabay yakap niya sa akin. "Magugustuhan mo ang bago mong magiging bahay, so don't be sad, huh? Siguradong magugustuhan mo ro'n." Magugustuhan ko ro'n? Parang isang katakot-takot na salitang narinig ko. Mukang kabaliktaran iyon. Sa oras na makarating na kami sa bahay na tinitukoy niya sigurado, hindi niya na ako palalabasin pa. Aalis ako sa bahay na kinalakihan ko kaya hindi ko maiwasang hindi malungkot, hindi niya iyon maiaalis sa akin. Mas malala pa itong nararamdaman ko ngayon kaysa noon nang umalis kami ng bansa patungong US. At sa pagkakataong iba na, dahil lilipat ako ng bagong bahay kasama ang lalaking may asawa na... ikukulong at itatago niya 'ko roon sa bahay na iyon na sigurado, hindi ko kailan man iyon ikasasaya. Gustuhin ko man tumakas ngunit alam ko ang mangyayari sa akin sa oras na ginawa ko iyon, it's either I successfully escaped but also successfully executed at the same time. He will kill me bago pa man ako makaalis sa poder niya at makalaya mula sa mga kamay niya. He's not a good man like how he represents himself to the public... and the truth is, he is a cruel and ruthless man with no pity... I'm saying this because this is what I am experiencing now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD