CHAPTER FIVE

1740 Words
Hanggang sa hapag kainan iniisip-isip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Mayor Theo. Limang taon silang nagsasama ni Meridette ngunit wala ni-isang beses na may nangyari sa kanila. Ganoon niya ito ka-disgusto? Kung ganoon sana hindi na lang sila nagpakasal kung hindi lang din naman pala nila kaya mahalin ang isa't isa. Nang dahil sa politika, pinasok nila ang pagaasawa para lang magkaroon ng mas malawak na impluwensya at kapangyarihan. Hindi ko alam kung bakit may mga ganitong tao na nakakaya iyong gawin... inaalisan nila ng karapatan ang mga sarili nila na maging masaya. Kasal pero ganoon? Hindi ko iyon kailan man pangangarapin, gusto ko makatagpo ng lalaking mamahalin ako at mamahalin ko nang walang sabit at iyung malinis ang hangarin at alam kong hindi iyon si Mayor Theo, hindi siya. Kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan, katabi ko si Mayor Theo na magiliw na nakikipag-usap sa aking mga magulang, at sa amin apat dito, si Mommy ang pinakang-natutuwa. Our maids here are always giving me a gaze of sympathy, they know that I am now a Mayor's Mistress. Alam nilang hindi ko naman ginusto ngunit gayon pa man, sinabihan na rin silang h'wag magsasalita at tinakot na manahimik kaya tahimik na nga lang sila sa kanilang mga nasasaksihan at nalalaman. Hindi ko magalaw-galaw ang pagkain ko, at natigilan naman si Mayor sa pakikipagusap sa mga magulang ko nang mapansin niya ang pagiging matamlay ko. "Why are you not eating? You don't like the food?" he asked me sweetly and he caressed my back. "Wala po akong gana..." tapat kong sagot. "Naku, Mr Mayor... lately walang gana kumain iyang anak namin... pero sigurado ako na kapag nasa iisa na kayong bahay 'di na p'wede iyung arte niyang ganiyan," sabat ni Mommy. "Mildred," saway naman ni Daddy dito. Hindi pinansin ni Mayor si Mommy sa halip hinawakan niya ako sa noo at leeg upang tingnan kung mainit ba ako o ano. "Are you not feeling well? Do you want me to bring you to the doctor?" he asked worriedly this time. Wala naman akong sakit, wala lang talaga akong gana at kahit sino naman ata at hindi gaganahan kung ganito ang kalagayan. Umiling ako. "Wala po akong sakit..." Pinasadahan niya ako ng nananantiyang tingin, inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. "Maniwala po kayo, wala po akong sakit," pag-uulit ko upang mas kumbinsihin siya. Saka lang siya tumango. "Alright then, pero kumain ka." Inilapit niya pa ang bibig niya sa tapat ng tainga ko. "Kumain ka, dahil kapag nag-init pa ang ulo ko, I will make you eat it and I'll make sure, you literally swallow that food including the spoon," he added a whisper. Muli na siyang umayos ng upo at ipinagpatuloy ang pagkain niya at ang pakikipagusap sa mga magulang ko na parang walang sinabi habang ako ay naninigas sa aking kinauupuan. Napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa paninindak niya. Para akong batang natakot kaya sinikap kong kumain at lumunok kahit na ayaw ko talaga. Gutom ako ngunit nanlalamig ang sikmura ko dahil katabi ko siya, ganito naman palagi kapag siya ang kasama ko... hindi talaga ako komportable sa presensya niya... he's too intimidating and I am intimidated. Kalmado siya kung titingnan pero nagtatago ang totoong siya... he looks like a gentleman sa mata ng karamihan dahil kailangan niya maging polite and approachable sa lahat, hindi ko alam kung sa akin lang ata siya malupit. Na tipong mawala lang ako saglit sa paningin handa na siyang magwala at galugarin lahat ng sulok ng lugar mahanap lamang ako... kaya ko naman nasasabi dahil akin nang naranasan. Ayaw ko nang muling maulit pa ang pangyayaring napag-buhatan niya ako ng kamay noong magtangka akong tumakas mula sa kanya at maglayas ng bahay. Halos nag-dilim ang paningin niya at kamuntikan na akong matuluyan kaya hindi ko na inulit pa. Hinding-hindi ko na uuliting tumakas pa... Kapag nagiging masusunurin ako, doon lang siya bumabait at nagiging malambing ngunit kapag naging matigas ang ulo ko... pinakikita niya kung sino siya at kung anong mga kaya niyang gawin. Kaya mas pipiliin ko na lang na mag-play safe kaysa ang suwayin siya at magmatigas kung gusto ko pang humaba ang buhay ko. "Good girl," bulong niya sa akin nang makita niyang inubos ko ang pagkain ko at binigyan niya ako ng halik sa gilid ng noo ko. He doesn't care even if we're in front of my parents, he acts what he wants to act. Para mang bata niya ako i-trato, nasasanay na rin ako... he used to treat me like I'm his baby, his baby w***e. "Punta lang po ako sandali sa room ko," paalam ko sa kanila at kay Mayor and I excused myself. I want to take some air, iyung solo ko. Masiyado akong hindi makahinga sa hapag kainan dahil sila-sila lang naman ang mga nag-uusap, kung hindi tungkol sa mga politika, tungkol naman sa negosyo. Tumango lamang ang mga magulang ko at hindi na ako pinansin pero si Mayor naman ay matamang nakasunod lang ng tingin sa akin, sa bawat pag-hakbang ko hanggang sa nakapanik na nga ako sa aking silid. Pagkapasok ko ay isinara ko ang pinto at sumandal dito. Mariin akong napapikit at dumako ang tingin ko sa phone kong nasa ibabaw ng bedside table nang bigla itong mag-ring. Agad ko namang tinakbo at dinampot. Mico is calling... Abot tahip ang kaba ko at kabadong lumingon ako sa pintunan dahil nasa baba lamang si Mayor. Kapag... kapag nakita o narinig niyang may kausap ako o may tumatawag sa akin sigurado... Hinintay kong matapos ang tawag nang hindi sinasagot saka ko chineck ang mga messages ni Mico. 15 messages he sent just a few minutes ago. Sapo ko ang dibdib kong binasa ang lahat ng mensahe niya, mag-mula sa pinaka-unang mensaheng kanyang ipinadala. Liliana, why are you not answering my calls? May problema ba tayo? Pagusapan natin. It's been a month since you ghosted me! Hindi ka na bigla magparamdam. Hindi na kita nakikitang lumalabas ng bahay niyo o ng subdivision niyo. Are you sick? Tell me, Liliana, please? Talk to me, Lian. I wanna know if you're okay. Answer my call. Iilan pa lang iyan sa mga mensaheng nabasa ko nang muling mag-ring ang phone ko at muli siyang tumatawag. Kasalukuyang nakakaramdam ako ng pagka-taranta at kaba kung sasagutin ko ba o hindi. I feel pity for him, he's expecting me to talk to him, he's waiting for my response araw-araw hindi siya tumitigil sa kakatawag. Nanliligaw pa lamang siya, pero alam niyang gusto ko rin siya at balak ko na nga sana siya sagutin nang bigla umeksena si Mayor kaya hindi na natuloy ang sanang balak ko. Now, I don't know how to explain to him na... hindi na kami p'wede. Sigurado, tatanungin niya kung anong dahilan... at wala akong isasagot. Napatitig na lang ako sa screen at nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba hanggang sa natapos na nga ang tawag hindi ko pa rin nasasagot. Napatalon naman ako sa gulat nang mawala bigla mula sa kamay ko ang phone at pag-lingon ko, si Mayor na umiigting ang panga hawak na ito at habang binabasa niya na ang laman ng mga mensahe at laman ng list of calls. Ganoon na lang ang takot ko sa hindi ko na malamang gagawin, ang mga kamay ko'y malamig na namamawis habang magka-daop palad. "M-Mayor..." nahihintakutan kong tawag sa kanya ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin kaya napa-atras ako. Hinarap niya ako na seryoso ang mukha at ang kanyang mga mata ay bakas ang nagbabadyang galit. "Who's this guy named, Mico?" he asked in a calm tone ngunit alam kong kabaliktaran iyon at mas dapat akong matakot. "S-Siya po... siya po i-iyung kababata ko n-na nanliligaw po sa akin bago ko pa po k-kayo... m-makilala," nagkanda-utal na sagot ko. Tumango-tango siya at nagulat ako kasabay nang pag-tili ko nang bigla niyang ibato ang phone ko sa dingding dahilan para magkalasog-lasog ito. Namilog ang mga mata ko at nangangatog akong napatakip sa aking tainga nang bigla niyang hablutin ang magkabila kong braso at mariin hinawakan na halos bumaon na ang mga kuko niya. Napatingala ako sa kanya at sinalubong ang blangko niyang mga mata ngunit ubod nang talim. "What did I tell you about entertaining boys?" he asked with his gritted teeth dahilan para alinsunod akong mapa-iling. "H-hindi ko na po siya in-entertain... maniwala kayo... tumatawag po siya pero hindi ko—Aray!" Hindi ko na naituloy pa ang pagpapaliwanag ko nang mas higpitan niya ang hawak sa braso ko at napalitan ng inda at pag-ngiwi. "Palihim ka bang nakikipag-kita sa kanya nang 'di ko alam?" He asked at umiral na naman ang kanyang labis na pagiging seloso. Nagsusumamo ko siyang tiningnan at alinsunod na umiling. "H-Hindi po, M-Mayor Theo... maniwala kayo sa 'kin... hindi po." My tears started to roll down on my cheeks. Hinawakan niya ako sa panga. "Anong gagawin ko sa 'yo kapag naulit pa 'to?" Napahikbi na 'ko at hindi ko na napigilan ang hustong pag-iyak. "H-Hindi na p-po t-talaga m-mauulit..." Nanginginig ang boses ko at pinilit ko lamang makabigkas ng salita. Hawak niya ng mahigpit ang panga ko kaya hindi ko maibuka ng maayos ang bibig ko at labis akong nagsusumamong bitiwan na niya ako. "The next time this happen again, alam mo na ang mangyayari sa 'yo. Naiintindihan mo ba 'ko?" he said in his low voice na mayroon diin na tanong. Hindi ako makasagot dahil sa paghikbi habang hawak niya pa rin ang aking panga. "Naiintindihan mo ba?!" pag-uulit niya sa malagong at mataas niya nang boses na linapitlag ko. Hintakot akong tumango ako. "O-Opo..." Nang binitiwan niya na ako ay napaupo ako sa kama at natutop ko na lamang ang aking bibig at dibdib, sinikap kong pigilan ang pag-iyak. Nakapaywang siyang nakatayo lang sa harapan ko at malamig ang tinging iginagawad niya sa akin habang pinapanuod niya lang ako. "Kaya ka pala umakyat agad dito to check your phone, to check your suitor's messages," he said coldly. Tumingala ako sa kanya at umiling. "I-I didn't know he will call... gusto ko lang talaga n-na magpahinga rito sa silid... iyon po ang totoo." Tinaasan niya ako ng isang kilay. "You're banned from using phone and you should behave if you want me to be gentle on you." I wanna cry even more. He's always taking away my freedom, even from these... bawal na lahat, lahat-lahat na lamang inaalis niya na sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD