FILIPINAS
NAGING tahimik ang mga kapatid ko matapos kaming mag usap sa mga bagay-bagay. Pag-uusap na siniguro ko na hindi ako nagpadaig ni kahit konti, dahil kung hindi ako boboses ng mga oras na ‘yun ay hindi ko na talaga makukuha ang pangarap ko sa buhay ko na ito. Sang ilan na lang nga ba ang buhay ko? Sa edad na 38 at sa makalawa ay 39 na ay walang kasiguraduhan kung hanggang kailan na lang ba ako mananatili dito. Hindi naman kasi permanente ang tagal o lawak ng ilalagi ng isang tao sa mundo kaya naman gusto ko na masulit pa ang panahon na pahiram sa akin ng Diyos dito sa lupa. Ngayon ang unang araw matapos naming mag usap na tatlo. Inaamin ko naman na nakadama ako ng guilty pero inalis ko iyon sa utak ko para magawa ko naman na ang gusto ko. Kung tutuusin hindi naman masama ang gusto ko at pakiusap ko sa mga Ate ko. Hayaan lang sana nila akong maging malaya at makisalamuha ng ayos sa iba ay sobrang sapat na sa akin, pero noon pa man ay tutol na tutol na sila sa gusto ko na ito. Sabi nga ng mga ibang mga kutatera dito sa labasan namin ay gusto daw ng mga Ate ko na matulad lang ako sa kanilang dalawa na dinaig pa ang burong mangga na nakalimutan ng kainin kaya nilipasan na ng panahon at inaamag na rin. Hindi naman daw alak ang pwedeng pagtularan sa amin, dahil ang alak daw habang tumatagal na imbak ay mas tumatapang at mas sumasarap ang lasa—e, kami daw ng mga Ate ko, habang tumatagal nawawalan ng lasa at katas kaya hindi na masarap papunta pa nga raw sa pagka-maanta. Diba grabe sila!
Gustuhin ko mang magalit sa kanila dahil sa mga sinasabi nila ay hindi ko na magawa dahil opinyon naman nila ‘yun—pero kung tutuusin ay wala pa rin naman silang karapatan na pang himasukan kami o buhay namin kahit pa may batayan sila sa mga sinasabi nila. Pero sa dami ng mga naririnig ko na ganun na salita sa kanila ay mas pinipili kong manahimik na lang. Pasok sa kanan labas sa kaliwa para hindi mastress o depress. Nakakaubos naman kasi ng lakas kung papatol ko pa sila. Mga ganitong pagkaubos ng lakas ang ayaw ko. Dahil sa totoo lang mas gusto ko na lang na i-reserve ang lakas ko sa ibang bagay at aktibidad sa maloot madali na hinaharap ay magaganap. Ang nakasanayan ko na gising pa rin ang sinunod ko pero ang nakakabigla, ay ang naabutan ko ang mga Ate ko na kumakain na kahit wala pa ako. At tila ba mukhang hindi rin naman pala ako kasali sa pagkain na meron sila ngayon na pinagsaluhan nila ng masagana. Mukhang personalan na ito ng malala! Ni isa sa kanilang dalawa ay walang tumingin sa direksyon ko kahit maliit lang ang pwesto namin kaya imposibleng walang nakadama ng presensya ko. Hindi ko inaasahan na ganito nila ako itatrato matapos ng maayos naman na pag-uusap namin kahapon, sabi kasi nila mula kahapon daw ay malaya na akong pumili at gawin ang gusto ko pero hindi naman nila sinabi sa akin na kanyahan na kaming magkakapatid. Na magiging invisible na pala ako sa kanilang dalawa.
Kampihan silang dalawa, samantalang ako solo flight nalang talaga. Nang mas mapagtanto ko na walang mangyayari sa pagtayo ko sulok ay agad na akong tumalikod at gininda na lang ang altar ng bahay namin kung saan naroon ang larawan ng aming mga magulang. Ako lagi ang nakatoka na magbukas ng ilaw noon sa umaga—pero ngayong umaga ay may sindi na rin ito. Hindi ko mapigilan na lingunin ang mga Ate ko sa pwesto nila pero hindi talaga sila natinag. Pati ba naman ito ay bawal ko ng gawin o inaalis na nila sa akin? Napaka-unfair talaga nila, gusto nila sila ang masusunod.
“ Sorry po Nay at Tay! Late ako nakapag-sindi ng ilaw. Nay at Tay, Alam ko naman po mali na makipag-tikisan ako sa mga Ate ko pero sila naman po ang nauna at ayokong umibo muna dahil alam kong bubugahan nila ako ng galit nila sa akin. Alam kong mali rin po ang hindi ako kumibo nga lalot bata ako, at lagi niyong sinasabi sa amin na kung walang kasalanan una kang yumukod at humingi ng tawad, dahil nga hindi na ako o sino man sa amin ang magdadala ng bigat noon kundi ang taong may mali na nga pero nagma-matapang pa! Pero Nay, Tay masama man pakinggan pero ang gaan ng loob ko kasi malaya na muna ako pansamantala. Nay sorry kung mas pipiliin ko muna ang ganito sa pagitan namin ng mga Ate ko kasi po—ayaw ko na hanggang dito na lang ang buhay ko! Ayaw kong tumanda ng sobra na puno ng sana at paano na lang habang nakatanaw sa ibang kaedaran ko na masayang masaya na sa buhay nila kasama ang pamilya nila. Diba sabi niyo po noon sa akin na masaya maging asawa at Ina—tumatak po ‘yun sa aking isip Nay, kaya gusto ko pong humabol sa biyahe kahit saan man ang tungo at destinasyon nito sasama ako. Susugal po ako! Maniwala po kayo sa akin na hindi ako mapapahamak dahil baon ko ang mga aral at makabuluhang pangaral niyo ni Tatay sa akin. I love you Nay at Tay! Papasok na po ako. Ingatan niyo po sana kami ni na Ate at sana hindi naman na matraffic ang future manugang niyo sa akin! Don’t worry Nay hindi na ako magpa-pakipot basta bet ko ang dumating!” Bubulong bulong nasabi ko sa litrato ni Nanay at Tatay namin. Ganito ako araw araw kaya hindi ako nangulila sa kanila kahit medyo matagal na silang wala. Pisikal na presensya lang nila ang nawala pero lahat ng magandang alaala at aral na itinanim nila sa isip ko mananatili iyon panghabang buhay. Kahit saan ako magpunta kasama ko sila dahil sa mga magagandang litanya na tumimo na sa utak ko simula’t simula pa lang. Umisang baling pa ako sa mga Ate ko pero parang kahit saglit ay hindi talaga sila lumingon sa gawi ko. Mapakla akong napangiti, siguro nga gusto nila maging tulad nila ako. E, paano yun? hindi naman maaari na tularan ko sila dahil hindi katulad ng iniisip nila ang iniisip ko at gusto ko. Napabuntong hininga na lang ako bago tuluyang lumabas ng bahay at bakuran namin. Nang makalabas na ako ng bahay namin ay parang ang sarap lalo sa pakiramdam lalot maaga pa, para bang nawala na ang tali sa leeg ko na noon pa man ay nakakabit na sa akin dahil sa paraan ng mga kapatid kung paano ako itrato.
“ Huh! Malaya ka na FILIPINAS! Ilandi natin ng todo girl!” Irit ko ng medyo makalayo na ako sa bakuran namin, pero syempre bago ko ginawa ‘yun lumingon muna ako sa paligid baka may makarinig. Baka masita pa ako ng mga ito at mag trending pa sa barangay namin.
“ Girl! Too late ka na ng isa’t kalahating dekada! Yung mga kasabay mo dalagita na ang mga anak! Kaloka!” Nagulat ako ng may sumagot sa akin at nang balingan ko ang kanan ko ay nakita ko si Tasha. Siya pala ang nagsabi noon sa akin. In born krung-krung daw ito. Matanda ito sa akin at ang kaedad nito ay si Ate Eura, pero bakit ba parang apektado ako sa sinabi niya sa akin? Kung sabagay ilang taon na nga naman akong late– Nope! Dekada na nga pala at tamang tama si Tasha. Kahit may saltik ito ay alam ang kwento ng buhay ko naming magkakapatid.
“ Kakaurat!” Muling sabi ko naman na biglang tinugun muli ng babae kaya napalaki na ang mata ko, nakabuntot pala ito sa akin. Maganda si Tasha at may anak hindi lang alam kung sino ang ama. Sana all na lang sa krung-krung na ito. Pero napatitig ako sa kanya ng magsalita siya.
“ Talaga kaurat yang mga Ate mo! Kala mo ginto mga kiké kaya ayaw mag jowa dinamay ka pa talaga!” Muling sabi ni Tasha sa akin pero sa iba naman nakatingin. Parang gusto ko nga na i-friendship si Tasha kais nga ay huling huli niya ang laman ng utak ko. Pero ayaw ko namang maging krung-krung din like her, kaya naman bago pa ako makumbinse na tsumika sa kanya ay lumarga na ako at kakain pa ako sa tapat ng Munisipyo. Mukhang doon na ako kakain muna pansaman-tagal. Nang makarating ako sa paradahan ng tricycle ay tila ba sabay sabay nasundot ang mga tagiliran ng mga tricycle driver ng makita ako.
“ Mario nandyan na ang crush mo! Mukhang may tsansa ka na dahil wala ang mga Ate tigresa!’ Bulong kuno ng isang driver na malaki ang tiyan pero ubod naman ng lakas at sadyang intensyon na iparinig sa akin ang sinabi niya.
“ Huy! Wag kayong ganyan baka isipin ni Filipinas ay mga bastos tayo o binabastos natin siya! Magandang umaga sa’yo Inas!” Sita naman ni Mario sa mga kasamahan sabay bati na rin sa akin ng magandang umaga. Okay naman ito na tao pero kung bilang lalaki ay hindi ko ito tipo. Halos matanda din ito sa akin ng isang taon, may itsura siya pero tanging kakilala at kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang may bahay niya.
“ Magandang umaga din sa inyong lahat, Mario! Pwede na bang magpahatid sa Munisipyo?” Bati ko at tanong na rin agad, dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko, lalot naalala ko na kagabi pa pala ako hindi kumakain.
“ Oo naman! Halika na, sumakay ka na sa tricycle ko at ako na ang maghahatid sayo—libre na rin Inas!” Masayang masaya na sagot ni Mario sa akin. Ito lang sa lahat ng ni reject ko ang hindi nakuha ni Lucy. Loyal daw sa akin sabi ng babae. Saglit lang naman ang biyahe namin at na tanaw ko naman na agad ang Munisipyo. Maaga pa ako dahil 7:10 am palang. Martes ngayon kaya walang flag ceremony kaya 7:55 ang call time ng trabaho naming lahat. Si Lucy ay dito rin naman nagwork bilang assistant samantalang ako ay isa sa mga admin ng Munisipyo. Kahit na same workplace kami ay hindi kami gano nakakapag-kita. Maraming trabaho sa Munisipyo lalot city ito at maraming mga establishment na mga bago at matagal na. Centro rin kasi ito ng pangkabuhayan. Nang makita ko naman na ang kainan ay pumara na ako agad kay Mario. Mabilis ang kilos ko na iniwan ang bayad ko sa upuan. Nahihiya akong magpalibre lalot alam ko na walang mapapala ang lalaki sa akin. Hindi ako abusada. Hindi ko ginagamit ang ganda at alindog ko para makalibre kaya nga taka ang iba bakit close kami ni Lucy e, lahat sa babaeng yun libre sa mga boy toy niya.
“ Inas naman! Libre nga e!” Ungot ni Mario na nginitian ko lang muna bago ko sinagot.
“ Sa ibang araw na lang Mario, kasi naman e, buwenamano mo palang ako tas bukol agad! Salamat sa safe na biyahe ingat ka!” Kaway ko na sa lalaki habang sinasabi ang mga salitang yun. Gutom na gutom na kasi ako at isa paa ayaw ko ng usap ng usap baka umasa pa sa akin si Mario. Lumapit naman agad ako sa display ng mga pagkain at umorder na rin agad. Habang nakain naman na ako ay parang may naramdaman akong tao sa bandang likod ko at ganun na lang ang gulat ko ng makita si Teo na agad naman akong nginitian. Ewan ko pero claim ko agad na ako ang ngimitian niya, bago ko pa naisipan na lumingon sa harapan ko at agad naman akong nakadama ng dismaya dahil may dalaga pala sa unahan ko.
“ Pesteng Pervert ito! Baby pala ang gusto! Nako kung ako type niya ora mismo padedehin ko siya at take note unli pa! Mukhang gusto ay siya ang magpadede! Sa bagay ay bet ko din ‘yun! Ah ewan!” Ngunguto-nguto ko naman na bulong habang panay ang subo ko ng kanin, itlog at hotdog. Kailan kaya tunay na native egg ang makakain ko? At anong ginagawa ng lalaking ito sa munisipyo ng ganitong kaaga? Ah baka may transaction? Pero taga saan ba ito? Hala ay bahala na nga siya, doon na siya sa baby niya! Tampo na ako leche pogi na to! Pero crush ko pa rin siya. Ang bango din talaga hindi porkit maedad na ay amoy lupa kasi si Teo amoy Papa!