TEO
AKALA ng mga hunghang kong mga anak ay madadale na naman nila ako sa mga pautot nila na inuman session sa Lamaz club. Tarantado ba sila tama na ang minsan hindi na ako magpapadali sa kabulastugan nilang dalawa. Mabuti pa si Tim at tahimik lang hindi nasali sa mga ulagang kuya niya. Hindi na ako papauto sa kanila kahit anong mangyari, hindi ko na rin hahayaan na kumembang pa ako ng iba. Dahil si Inas lang sobra pa sa sobra. Alam ko naman na ang layo ng edad namin ng dalaga at maging ang estado ko bilang lalaki, wala naman sa akin ang estado sa buhay. Mag aasawa ako kahit lugmok sa hirap basta mahal ko at tanggap ako. Pero sa kao namin ni Inas kahit ayaw niya ipipilit ko pa rin. Matanda na ako para sa kanya at may mga nakaraan na rin ako na dinaanan sa pakikipagrelasyon— samantalang si Inas ay fresh at ako palang ang pinagdaanan na tila ba hindi niya din alam. I made an investigation at nalaman ko how boring her life was. Ako lang ang lalaking nakahawak at bayo sa kanyang kweba na masikip. May mga kapatid si Inas ayon sa report sa akin pero hindi ko pa binasa kung sino-sino ang mga ito. Basta ang sabi lang doon ay ang mga Ate niya ito ay tulad niya rin ang mga ito na walang mga pamilya. Parang ang mga Ate Inas ang magiging hadlang sa kaligayahan namin. Natawa naman ako ng mabasa sa report kung ano ang tawag sa kanila ng mga kapitbahay nila— Tatlong Maria, ang mga babaeng takot sa tìtì! Bakit parang hindi naman takot ang baby ko sa tìtì ko? Siguro dahil sa ininom niyang alak na may s*x drug at dahil dim din ang ilaw. Ang inaanak ko naman ay na beltukan ko na ng malala, pero thanks to him naka-virgin pa ako at mukhang magiging ninang niya pa. Pero ang hambog ko naman na anak na si Juno ay umepal sa akin, kesyo sa kanya daw dapat ako magpapasalamat dahil kung hindi daw niya naharang ang inaanak ko ay pihadong na gang bang na si Inas. Kapag ang babae ang usapan ay napipikon ako agad. Kaya naman na text ko ang assistant ko at sabi ko ay ipasara ang restaurant ng inaanak ko. Buribot talaga ang utak ko basta si Inas ang usapan. Alam naman na ni Juno na gusto ko ang babae at mukhang lihim na lihim niya pa ‘yun sa mga kapatid niya. Alam lang ng mga ito na inalam ko kung sino ang babaeng nabira ko, pero wala silang alam na gumagawa na ako ng paraan para maging Nanay nila si Inas. Oo! Nanay nila kahit matanda lang ito kay Tim ng isang taon.
FLASHBACK
Matapos ng kainan sa restaurant ni na Migo at asawa na manugang ko naman na si Charm ay lumipat kami sa Lamaz club. This time walang ibang tao na kasama kundi kami lang at mga kaibigan ng mga anak ko. Okay na okay lang naman sa akin ang ganon dahil hindi na sila iba sa akin. Panay nga ang ngisi ko kay Logan Yu, alam kong naaasiwa na ang lalaki sa akin pero hindi ko mapigilan lalot nakalamang ako sa mga ito. Tyrone greeted me happy birthday. Sorry na lang sila pati ang anak kong si Tim. Pero agad akong napailing ng sabihin ng mga anak ko na tunggang kanto daw kami. Ano ako bale? Pagkasabi pa lang noon no Migo ay mabilis na gumana ang utak ko na may masamang plano na naman ang mga gunggong na ito sa akin kaya naman pass ako sa kanila.
“ C’mon Dad ang killjoy mo naman! Akala ko pa naman game Daddy ka lagi!” Hirit naman agad sa akin ni Migo, kaya naman na pataas ang kilay ko sa gagong anak ko. Ulol ba siya ang sakit ng puson ko dahil sa Robust prank niya. Muntik pa ngang manganib ang buhay ni Filipinas dahil doon.
“ Really! Game Daddy naman ako lagi ah—kaya nga sasabihin ko kay Charm na may lumingkis na sawang may paa sa’yo kahapon! Game na game ka rin naman diba Migo? Paupo-upo lang ako mahal kong anak pero may mata ako kahit saan—kaya tàng inà ka! Ayusin mo ang buhay mo! Masama akong kalaban Miguel!” Ganting sabi ko sa anak ko na agad namang namutla bigla. Alam kong good boy ang anak ko pero may mga babae talagang lilingkis at lilingkis sa lalaki lalot alam na may pera, pigura at malaking kargada. Kahit matanda ang mga ito ay bantay sarado ko pa rin sila, dahil ayaw ko na masira ang pamilya nila. Hindi ko na nga naibigay sa kanila ang buo at masayang pamilya noon, kaya naman ngayon ay obsessed ako sa paglalagay sa ayos ng mga buhay nila. Gusto ko makamit nila ang na ipagkait ko sa kanila noon.
“ Dad naman e, n-nagbibiro lang ako! Magsolo ka na lang muna ng inom ha—at tsaka na sibak ko naman na ang sawa na sinasabi mo—!’ Pinutol ko ang sasabihin ni Migo dahil iba ang impact sa akin ng sinabi niyang sinibak niya na ang sawa.
“ Tàng Ina ka! Anong sinibak mo Miguel?!” Medyo mataas ang boses ko ng ibulalas ko ‘yun kaya napatingin ang iba sa amin, si Migo naman ay parang natatae na ng mga oras na ‘yun. Takusa ang mga anak ko sa Misis nila na isa sa ikinaka-proud ko sa kanila. Hindi naman takusa na talaga ang meaning noon kundi respeto at matinding pagmamahal.
“ D-dad l-lower your voice, please! Inalis ko na siya ng mismong oras na ‘yun. Kayoq naman kasi ang mahilig sumibak ng sumibak sa ibamg paraan, kaya masama na agad ang ibig sabihin sa inyo once gamitin ko ang terminolohiya na sibak!” Napaayos ako ng upo ng mangatwiran ang pangalawa kong anak. Aba e, yun ang term ko sa nadaling babae e, nasibak. Nagpatuloy kami sa pag-iinom pero nahalata ko na dumikit na ang mga asawa ng mga anak ko sa kanila. Kitang kita ko ang lungkot sa mata ng anak kong si Tim, lalot sunod-sunod ang lagok nito ng alak. Saglit pang oras ang lumipas at maya maya ay nag-kanya-kanya ng uwi ang ibang mga kasama namin.Pabor na pabor naman sa akin iyon, dahil nga wala naman akong planong sirain ang atay ko dahil magmamahal pa ako ng bata at si Filipinas ‘yun, kaya kailangan kong alagaan ang katawan ko at kalusugan maraming taon pang gusto kong malaman ang huli.
END OF FLASHBACK
Nabalik lang naman ako sa aking sarili ng makita at madama ko na nakahinto na pala ang kotse na lulan ako. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na nasa harapan na pala kami ng katabing bahay ni na Inas. Simoy na simoy na talaga ako sa dalaga kaya nga maaga akong gumising. Eksaktong 5 am palang ay dilat na dilat na ako, kahit pa nga may konting inom ako ng alak ay buhay na buhay agad ang dugo ko basta unang bumungad sa umaga ko ang alaala ng ngiti ni Inas. Sabi ng iba love is sweeter in second time around. Pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung applicable ba ito sa akin. Kung saka-sakali kasi ay hindi naman pangalawa si Inas kundi pang 7 ewan ko ba. Bukod sa mga Ina ng anak ko ay naging pabling at malikot ako noong araw sa mga babae, bagay na hindi ko inilihim sa iba at sa mga anak ko. Hindi ako proud doon, but I let them all know para maging paalala sa kanila na huwag nila akong tularan. Na hindi maganda ang kahihinatnan noon.
“ Nandito na po tayo Don Teo!” Biglang anunsyo ni Gino sa akin kaya naman nawala yung utak ko sa nag-uumpisang imagination ko tungkol sa amin ni Inas.
“ Alam ko! Nakita ko na nga ang bahay ng future Misis ko e!” Dahil sa naging sagot ko ay napakamot si Gino sa ulo niya. Mukhang tulog pa rin ang diwa nito, ang aga ko kasing ginising kahit lasing din. Sa handaan sa bahay ko may rules ako na lahat ng nasa pamamahay ko ay kasali sa lahat ng okasyon. Walang kasambahay at amo sa oras ng kasiyahan. Pwede naman na ako ang mag drive ng sa sarili ko ang kaso lang ay natutulala ako kapag naalala ko ang mukha ni Inas, ay baka hindi pa ako nakakabira ulit sa kanya ay mautas na ako agad. Kaya safety first! Iba nga pala pag-tinamaan ng pag-ibig nagiging ulagain.
“ Parang may regla po kayo Don Teo!” Bulong nasabi ni Gino. Narinig ko naman din kahit bulong lang—see hindi pa ako matanda lahat sa akin ay bata pa edad lang ang hindi. Pinili ko na lang na hindi siya kibuin at baka nga reglahin ako sa inis sa kanya. Ang gusto ko lang sa ngagon ay good vibes lang. Nagsimula na akong mag bakay sa malayo. Binabakayan ko ang bulto ni Inas dahil masilayan ko lang siya buo na ang araw ko. Paano pa kaya kung gigising ako na siya ang katabi ko? Handa naman na akong magsimula na ng panliligaw sa kanya pero hinay-hinay lang muna at baka naman ma-shock ang baby ko. Nang bumukas ang pinto ng gate nila ay parang nahirat ang dibdib ko. Gustong gustong kumawala ng puso ko at sumama na kay Inas sa mga oras na ito.
“ Tàng ina naman na puso ito!” Bulong na mura ko sa sariling puso ko, dahil parang aatakihin na ako sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko, mabuti na lang at free pa ako sa kahit anong sakit kaya naman kampante pa ako. Nang umusad na si Inas ay marahan na rin na bumuntot na ang kotse namin sa kanya. Sanay na sanay na si Gino at alam na rin nito ang gagawin niya. Halos mautas naman ako ng makipag-hontahan pa muna si Inas sa tila ba wala sa ulirat na babae, pero ng sumakay na ito sa sakayan ng tricycle ay nawala ako sa mood. Umuna na kami sa may Munisipyo dahil parang tinatagalan ng driver ang biyahe nila gayong malapit lang naman ang lugar. Para-paraan ang kulumog na ito. Well kahit may bata siya sa akin sa edad ay no match siya sa akin. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako bumaba sa kotse at sumunod sa carinderia na pinasukan ni Inas. Saglit palang akong nakatayo sa gawing likod ng babae ng lumingon ito sa akin kaya naman napangiti ako agad sa kanya na ikanangiti rin ng babae pabalik sa akin, pero ng humarap ito sa unahan nito ay umiba ang timpla niya parang nabanas ang aking si Inas. Tumabi lang ako sa malapit sa kanya na table, agad naman akong nilapitan ng dalaga na serbidora yata ng kainan na ito. Isang tasang kape at sandwich lang ang inorder ko, tapos agad ko muling ibinalik kay Inas ang tingin ko. Gusto kong matawa kasi parang nagdadabog siya at nguto ng nguto habanh sunod-sunod ang subo ng pagkain.
“ Sana all sinusubo!” Bulong ko sa sarili ko, pero ng maunawaan ko ng lubos ang binubulong na sinasabi ni Inas ay biglang nasamid ako sa sarili kong laway. Ang sakit palang masamid sa sariling laway, tapos ang aking alaga naman ay parang gustong kumawala na ng tuluyan. Galit na galit na ito kay Inas.
“ Pilya pala ang Inas ng buhay ko!” bulong ko pero hindi ko na kinaya ng mas ihitin pa ako ng ubo. Nagulat pa ako ng makita kong sabay palapait sa akin si Inas at ang serbidora, mabilis ang huli pero halos lumuwa ang mata ko ng patirin ni Inas ang babae.
“ Sorry na bhe! Bata ka pa naman kaya makakahanap ka pa ng iba—pero ito akin na ito eh! Tsagain mo munang i-kiss yang sahig!” Mas tila naman naaliw ako sa babaeng kinababaliwan ko ng sobra, dahil sa kakulitan niya din na taglay. Grabe mukhang siya talaga ang para sa akin. Sa sobrang aliw ko yata kay Inas ay hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Parang biglang nanigas ang buong katawan ko lalo na ang alaga ko ng madama ko ang paghimas niya sa aking likod. Parusang tunay ang himas niya na ito sa akin dahil nag iinit ako sa kanya ng sobra-sobra.
“ Okay ka lang Dadi-lhin ba kita sa ospital? May gusto ka ba? Tubig, juice o ako? Pwedeng-pwede naman ako as in now na!” Hindi ko alam kung plano ba ng babaeng ito na utasin na ako, dahil ang pagkakasamid ko ay parang naging dahilan para kapusin ako ng hininga dahil na rin sa sinabi niya..
“ Uy joke lang! Huminga ka bhe! Makikisuyo pa naman ako sayo— palahi naman bhe!” Muling sabi ni Inas sa akin. Nang mahigit kona at mahabol ang hininga ko ay unti-unti akong kumalma. Nang kumalma na ako ay bumira na din ako ng salita sa babae.
“ Kailan mo gusto malahian kita? Now na ba? Ang kaso pagnalahian na kita wala ka ng takas sa akin! Aasawahin na kita!” Ngayon naman ay tila bumaliktad ang sitwasyon dahil si Inas naman ang natulala. Hindi niya nga namalayan na kinandong ko na siya. Tàng ina! Napaka-wrong move na naman dahil parang may lalabas na sa akin agad.