HAPPY DISASTERS BIRTHDAY

1978 Words
Filipinas IMBIS na lumabas ako para magpaliwanag sa mga Ate ko ay hindi ko ginawa dahil sigurado ako na mamumutaktakan ako ng malala ng mga Ate ko. Hindi ko alam kung sobrang conservative ba sila o ano? Hindi siguro kasi nila natikman ang natikman ko kaya nga hindi sila nag-crave gaya ko. Isang taon na pero sa tuwing pipikit ang mata ko nararamdaman ko pa rin ang pamilyar na hugot at baon ng lalaking nakaniig ko. Hindi naman ako impokrita para itanggi na kung bibigyan ako ng chance na maulit ‘yun ay tatanggi ako. It's a no, no for me! Grasya na nga e, natatangi ka pa ba! Sa edad ko na ito ay walang lugar ang ganyang mentalidad dahil huling huli na nga ako sa byahe. Tsaka at least diba, hindi ako aakyat sa langit na hindi natikman ang langit sa lupa. Pinili ko na dumungaw na lang sa bintana ng silid ko kasi nga, baka may mga batang naglalaro na naman sa labas ang saya kaya nilang panoorin. Gusto ko rin magkaroon ng sariling anak dahil pangarap ko talaga na maging isang Ina. Ever since ‘yun ang dream ko ang kaso hindi ko basta maisatinig dahil sa mga kapatid ko. Kung kaya ko lang baguhin ang nakaraan nila ginawa ko na para hindi na umabot sa ganito ang mga edad naming tres Maria na tinatawag na mga babaeng takot sa tìtì. Kung alam lang nila na hindi ako takot sa tìtì dahil sabik na sabik nga ako! Sana lang,kung kaya ko lang talaga ay ibabalik ko ang sarili ko sa nakaraan at pipilitin ko na maging maganda ang love story nilang dalawa para hindi ako ganito kahirap sa sitwasyon ko. Sana rin ay hindi ako sumapit ng ganitong edad na walang pamilya na akin, ako bilang asawa at Ina. Hindi ko naman sinisisi ang mga Ate ko dahil sila na ang tumayong magulang sa akin mag mula noon. Hindi ko kayang saktan silang dalawa dahil nga alam ko naman na kabutihan ko ang hangad lagi nila para sa akin. Pero minsan gusto kong sumuway na sa kanila, dahil gusto ko rin namang maranasan ang maging normal na babae at dalaga kahit late na ang edad ko. Ang kaso lang iniisip ko din ang feelings nila, pero diba hindi naman habang buhay kaya namin na kami lang sa buhay— kasi kung silang mga Ate ko ay takot magkapamilya o sumubok muling mag mahal pwes ako gusto ko yun pero ayaw nila dahil masisira lang daw ang disposisyon ko sa buhay. Ang gulo ng ganitong buhay, kasi kahit ilang taon na akong burado sa kalendaryo ay parang wala akong lakas na kalabanin ang gusto nila kahit pa nga pinagkaitan na nila ako ng mga bagay na dapat naman ay naranasan ko o tinatamasa ko na sa ngayon. Gustong gusto kong maranasan na magmahal at mahalin pabalik ng lalaking napili ko at ng puso ko na makasama hanggang bawiin ang pahiram na buhay sa akin. Hindi naman ako kahit kailan nakadama ng takot masaktan dahil parte iyon ng buhay ng isang tao. Pero ang isa sa kinatatakutan ko lang sa buhay ko ngayon ay ang itakwil ako ng mga kapatid ko, sila na lang kasi ang meron ako kaya ayaw ko silang mawala sa akin. Ang hirap naman ng sitwasyon ko na ito. Ano ba talaga Filipinas? “ Lalandi ba ako ng tuluyan o itatakwil ako ng mga Ate ko?!” Na patanong na tuloy ako bigla sa sarili ko dahil nahihirapan na talaga akong magdesisyon, 2 days na lang kasi at muli na namang uusad ang edad ko pasulong okay lang sana kung paurong e, kaso walang ganun. Isa na namang taon ng buhay ko ang nasayang. Isang taon ng pagkakataon ang napalagpas ko na naman na sana ay nagawa ko na ang dapat at tama. May pagasa pa kaya para sa akin? Nang matitigan ko naman na ang kalsada ay tahimik pa itoat wala pang mga batang naglalaro dahil medyo mainit pala ngayon ang panahon. Pati ang panahon hindi ko madama at ma-enjoy. Anak ng tigang talaga! Ang tahimik naman masyado ngayon kaya parang mas nadadagdagan ang lungkot ko, pero ng mapabaling ako sa hindi kalayuan sa harapan ng bahay namin ay may nakita akong hindi pamilyar na kotse na nakaparada malapit lang sa aming bakuran. Tila naman parang may biglang kamay na bumayo sa dibdib ko. Nakadama ako ng kaba at excitement dahil sa kotse na nakaparada na alam kong may sakay pa sa ngayon, dahil nga nakasignal pa ang ilaw sa pwetan nito. Para bang nasa loob ng sasakyan ang isang tao na konektado na noon pa man sa akin. Hindi ko tuloy maawat ang sarili ko sa kakatitig doon kahit na heavily tinted naman ang kotse na halatang mamahalin rin, kaya pihadong mayaman ang may ari noon. Wala naman akong kilalang mayaman na tao. Siguro ay masyadong nagiging assumera na nga lang talaga ako o baka dala ito ng pagnanais ko na magkaroon ng someone sa buhay ko. Natinag lang ako ng maramdaman ko na may presensya ng taong sa bandang likuran ko, na ibig sabihin ay nakapasok na rin ng malaya sa loob ng silid ko. Wala namang ibang gagawa noon kundi ang mga Ate ko. Wala akong privacy sa bahay na ito, papasok sila kapag gusto nila. Hindi pa man ako nakakalingon sa gawi ng tao na naramdaman ko ay agad ng nagsalita si Ate Asia. “ Inas kanina ka pa namin hinihintay sa baba! Kakausapin ka lang namin sana kung pwede! Alam naman namin na hindi ka na bata pero gusto lang namin na may maunawaan ka sa buhay–!” Pinutol ko na ang sasabihin ng Ate Asia ko na pangalawa sa aming tatlong magkakapatid, dahil mangangaral na naman siya tapos sa baba may mangangaral na naman ulit. Hindi naman na ako under age dahil lagpas na ako sa kalendaryo pero kung ituring nila ako parang walang alam. “ Pwede bang sandali lang muna Ate! Medyo masama rin ang pakiramdam ko. Siguro dahil matanda na ako kaya ganito!” Ang bandang huli na sinabi ko ay pinagdiinan ko talaga. I want them to realize na may mga bagay na pareho kami at may mga bagay maging ugali na magkaiba kami ng mga gusto at pananaw. “ Bakit parang tunog pikon ka yata Inas?! Alam namin na matanda ka na pero mas matanda pa rin kami sayo!” Tila naman natauhan ako ng maramdaman ko ang pagkataklesang pananalita ni Ate Asia, mali pa rin na umasta ako ng ganito sa kanya dahil Ate ko siya. Pero hindi ba parang sobrang bawal naman itong ginagawa nila sa akin? Nakakasakal masyado! “ Hindi naman po Ate, sige na po sunod na lang po ako sa’yo. Mauna ka na lang muna Ate ko sa baba!” Magalang na sabi ko na sa Ate ko. Sa puso ko may nagrerebelde na old maid na Inas. Laging “Opo Ate” na lang ako ng opo. Nakakaiyak ang frustration! Masisisi niyo ba ako kung minsan mainis ako ng sobra sa kanila? Ayaw ko man mag tunog walang utang na loob pero kasi, sila ang pinakamabiagt na dahilan kung bakit ganito na lang ako. Nauna na nga na lumabas si Ate Asia sa akin ako naman ay nakailang buntong hininga muna dahil alam ko na kakatak naman si Ate Eura sa aking pagbaba ko, hindi lang basta katak kundi pagpapa-mukha na kapag sumagot ako mauuwi sa sumbat! Ilang minuto muna pa ang pinalipas ko bago ako bumaba ng bahay at tama nha talaga ang hinala ko, beast mode na ang Ate ko kahit no talk pa ito. “ FILIPINAS CALUZA saan mo nakuha ang mga salitang TÌTÌ na ‘yun?!” Nang marinig ko ang isyu ng Ate ko ay na pa Oh my God na lang ako sa utak ko. Ano bang mali si tìtì e, body parts naman ‘yun ng katawan ng tao? Napaka talaga nila palibhasa hindi pa nakatikim noon. Siguradong rinding-rindi na naman ang tainga ko sa mga katak nila sa akin. Para tìtì lang galit na agad! Hindi masarap ang galit nila pero ang galit na tìtì for sure tirik mata. Inaliw ko na lang ang utak ko habang katak ng katak ang Ate ko. Pasok sa kanan labas sa kaliwa. SAMANTALA Abot-abot pa rin ang pagdungaw ko sa bintana ng kotse ko ng mawala na sa bintana ng silid niya ang pigura ni Inas. Ubod ganda talaga ng reyna ko. At dahil hindi pa nga ako na kuntento at binaba ko na rin ang salamin ng kotse para mas maaninagan ko ng maige at klaro ang babae kung sakaling dudungaw muli, pero wala na talaga doon ang babae at hindi muling bumalik sa pwesto niya. Parang kulang talaga ang basta ang masilayan lang siya kaya talagang kailangan na ngayong taon ay maiuwe ko na siya sa bahay namin. Siya ang magiging reyna ko at ng buong palasyo ko. “ Don Teo, kanina pa po nagme-message ang mga anak niyo may family celebration daw po kayo dahil birthday niyo po!” Napalingon ako sa driver kong jutay ng magsalita ito. Biro lang! I mean yung sa mga anak ko kanina na asaran namin, pero itong sa driver ko ay totoo na juts talaga siya. Mukhang kailangan ko na rin naman talagang umuwi dahil walang magagawa ang pagbabakay ko dito sa labas ng bahay ni Inas. Mukhang wala siyang planong lumabas dahil nga may sakit siya. Sana gumaling na ang baby ko. “ Sige uwi na tayo! Nga pala dahil birthday ko ngayon ay—may regalo ako para sa’yo kaya naman abangan mo lang ang pagdating ng parcel—dahil sagot ‘yun sa dalangin mo at kinabukasan mo—pero kung hindi naman talaga umepekto sayo ay may back up naman ‘yun na magagamit mo para maging mahusay ka!” Tila ba gulong gulo naman ang lalaki dahil sa sinabi ko. Ayaw ko na hindi siya lumigaya kaya naman in-order-an ko na ng pampalaki ng kargada at kung hindi naman tatalab sa kanya ay may mga d***o na rin akong binili para sa kanya. Basta ba galingan na lang niyang rumumansa para hindi siya iwan ng babae niya. Kawawang mga nilalang naga-dunggot lang ang alaga. Napapailing naman ang lalaki sa akin dahil sa nagiging facial expressions ko. Naawa ako talaga sa kanya e, at dahil hindi ako maunawaan ng lalaki ay pinaandar na lang nito agad ang kotse kung saan kami lulan. Siguro nga ay tamang i-celebrate ko ang birthday ko kasama ang mga sakit ko sa ulo na mga anak. Pero next year kasama na namin si Inas. Isang oras na pala ang mabilis na lumipas ng hindi ko namamalayan. Paano ko ba mamamalayan e abala ako sa pag-iisip ng kung anu-ano lalo na tungkol kay Inas, kaya huli ko na napansin na hindi sa bahay ko ang ruta namin kundi sa restaurant ni Migo. Hinayaan ko lang at hindi ako kumibo pero ng nakarating na kami sa venue ay nagulat ako dahil maraming tao at ang pútang inàng mga anak ko may pa banner pa talaga– HAPPY SENIOR CITIZEN BIRTHDAY DAD! Kung pwede lang ibalik sa mga matres ng Ina ang mga ito ginawa ko na. Tawa naman ng tawa ang mga manugang ko at Apo kaya naman natawa na rin ako. Kaligayahan nila ay kaligayahan ko na rin, kahit ako ang ginagawa nilang topic para tumawa. “ Happy Disaster Birthday To Me!” Iling na sabi ko na mas ikinatawa ng lahat. Pati mga kaibigan ng mga anak ko ay narito rin. Pero ng biglang magtama ang mga mata namin ni Yu, ay nginisihan ko lang siya. Dahil kahit ayaw nila kapag nahanap at bumalik na ang anak nila na si Rina ay kay Tim lang ito mapupunta. Walang pwedeng umangkin sa na markahan na naming mga ALLEJO kundi kami lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD