Markado❗❗

1908 Words
Teo Kaarawan ko ngayong araw na ito. Ang bilis ng panahon dahil 59 years old na rin pala ako. Parang kailan lang ay isa lang akong batang ama ni Juno at Migo. Pero ngayon isa na akong Ama at Lolo. Naging mahirap man ang buhay ko bilang isang single Dad ay masasabi kong masaya at kuntento ako, hindi naman ako perpektong ama sa mga anak ko pero masasabi kong handa na akong lumisan kung sakali sa kahit anong oras man, dahil halos na isaayos ko na ang buhay nilang lahat. Si Tim ay liligaya na rin. Sa tatlo kong anak, lahat naman ay may pagkukulang ako pero si Tim ang mas pinakamalaki ang pagkukulang ko dahil hindi ko ito nakalinga ng ito’y sanggol pa lang. Marami man akong nagawang tama para sa mga anak ko, pero hindi pa rin sa sapat iyon bilang pambawi sa lahat-lahat ng kamalian at pagkukulang ko. Ay dahil nga ang magulang hanggang pumantay na ang mga paa ay nakakabit pa rin ang responsibilidad bilang magulang sa kanyang mga anak. Naging masaya naman ako sa mga nagdaang taon ng buhay ko lalot naging pakialamero ako sa buhay at pag-ibig ng mga anak ko. Akala ko ay ganun na lang ang magiging ganap ko hanggang sa mamatay na lang ako pero ng mangyari ang insidente na ‘yun sa mismong araw pa ng birthday ko— mas dumami ang mga nais ko pang maranasan sa buhay ko. Hindi pa pala ako tapos sa buhay ko na ito dahil waring nagsisimula pa lang ako ng bagong kabanata ng aking buhay. Isang taon pa nga at babaguhin ko na talaga ang samahan ng mga senior citizen once sumali ako sa kanilang organisasyon. I will definitely encourage them to change the lifestyle that they have in the current time. Hindi porkit matanda ka na ay dapat inuugali at isinasabuhay mo ito. Numero lang naman ang edad kaya bakit hahayaang tangayin ka na lang sa kahinaan at pagiging uugod-ugod. I don't know but at my age right now—Para lang akong nasa kwarenta anyos palang. Wala e, yun ang pakiramdam ko talaga. Batang bata pa ang damdamin ko na nagsimula kong damhin noong nakaraang taon. I eat healthy and fresh food. I do exercise kaya nga so far iilan pa lang ang kulubot ko, pero syempre ang bayag ko buong existence ko kulubot talaga yan! Hindi ko rin hinahayaan na tangayin ako sa kung saang negatibo ng edad kong ito. Kung noong nakaraang taon ay malungkot ako dahil medyo hopeless na ako na kesyo basta masaya ang nga gàgo at ulàgain kong mga anak ay happy na rin ako at okay na—Pero ngayon iba na may bumubuhay na sa aking bawat ugat at kalamnan. Siguro dahil sa may lahi ang angkan namin at hindi purong pinoy kaya ang tindig ko ay malayo pa sa mga tunay na edad at mga kaedaran ko. Kung sa akala ng ibang mga tao na ang edad ko na ito ay pakupas at papuntang nag-nganganga na lang ay nagkakamali sila. Nasa kasigiran stage palang ako sa punto na ito ng buhay ko na ito, na kung hahayaan nila akong umalagwa ay bibilang pa ako pihado ng punla na magiging katuparan pa ng pangarap ko last year after akong mabigyan ng panibagong agos ng lava same date ngayong araw na ito na siyang birthday ko rin. Masaya naman ako na nahanap ko na siya ang kaso ang daming araw, linggo at buwan na nasayang—sana ngayon ay manganganak na ito sa anak namin. “ Happy birthday Dad!” Na pabaling ang tingin ko sa pintuan ng bahay ko ng marinig ko ang boses ng depungol kong anak na si Juno. Malaki ang kasalanan ng gagong ito sa akin. Ito ang gumawa ng paraan para itago ang footage ng cctv nung kagabi ng birthday ko. Lahat pala ng footage ay inalis niya. Mga kanya kanya ng kagaguhan dahil si Migo naman ay ni Robust prank ako. Mga ulagain mabuti na lang at buhay pa si Inas matapos ng sagupaan namin. Hindi ko naman na kailangan ng robust para lang maging magana sa kama, kahit bakante ako ng matagal na panahon ay nasa sirkulo ko pa rin ang mala dyablo magpaligaya sa kama. Swerte nga talaga dahil sobrang ganang gana ako ng gabing ‘yun sa babaeng kaniig ko. Hinintay ko na makalapit si Juno sa akin. Sa loob ko ay gusto ko ng sipain ang pagmumukha ng siraulong ito lalot all out ang ngiti niya sa akin. Wala pa si Migo at si Tim, nauna talaga ang leader ng mga gago. “ Dad! Sabi ko happy birthday po!” Ulit ng anak kong ulagain na hindi nakakaramdam na bwisit ako sa kanya. Mahina din ang radar. “ Dad, sorry na! Ayaw mo non bago ka mag birthday binigay ko na ang footage sayo. Well, mana nga kami sayo ang lupit mo bumayo—!’ Pinutol ko na ang sasabihin ng anak kong ulaga dahil talagang pinanood pa nila ang scandal ko. Wala naman sa akin kung makita at makopya nila ang moves ko ang kaso baka nakita rin nila ang lahat kay Inas. “ Gago! Lakas ng loob mong magpakita sa akin! Hindi ko makakalimutan ang kagaguhan mo! At ano— pinanood niyo pa talaga ang footage?! Salaula talaga kayo!” Singhal ko kay Juno na tumawa pa talaga. Ganito naman kami at sanay na sanay na siya sa style ko ng pambabara sa kanya/kanilang lahat. Iba-iba naman ang samahan ng bawat pamilya. Sa ganito kami masaya at mas nagkakaunawaan. “ Kalma Dad! Birthday mo ngayon remember! At alalahanin mo na pa senior citizen ka na!” Bwelta ni Juno sa akin kaya naman agad kong binato ng unan na nasa tabi ko lang. Nasa sala kasi ako ng bahay ko ng dumating siya. Umilag naman ang gago kong anak. “ Pútang ína ka! Hindi pa ako senior citizen!” Hiyaw ko kay Juno na ngayon ay nakaupo na sa katapat ko na sofa. Tuwang tuwa ang ulaga kong anak. Senior daw e halos, pareho lang kami ng tindig na dalawa, mas mukhang kuya pa siya sa akin. “ Dad! Matanda ka na nga!” Sagot naman nito na pailing iling pa talaga bago muling nagsalita. “ Sabi ko pa— Senior citizen hindi senior citizen na—!” Naputol ang sasabihin ni Juno ng dumating ang isang trahedya. I mean si Migong ulagain din. “ Happy birthday Dad! Welcome sa samahan ng mga uugod-ugod!” Tumataginting na hiyaw ni Migo habang nakasunod ang bunso kong anak na si Tim na tila nagluluksa lagi. Kawawang anak ko, na una pa akong ma meet ng apo ko na ubod ng gwapo mana sa lolo. Pero talagang hobby na naming mag ama ang mag bwisitan. Pero pikon na pikon ako ngayon kapag ang tinitira nila ay ang edad ko. Si Inas kasi ang naiisip ko agad. “ Isa ka pang gàgo ka! Next year pa ako sasali sa pederasyon ng mga senior at hindi lahat ng kasali doon ay uugod-ugod! Bulok ang ulo mo!” Sabi ko sa anak kong may lahing Mongo—mongoloid. Tumayo na ako agad para hindi masira ang mood ko, mabuting makisimoy na lang muna ako kay Inas baka sakaling ma amoy ko ang pinaka-namimiss kong amoy niya. Narinig ko pa ang pagtawag ng mga anak ko sa akin hanggang sila na ang mag talong dalawa, dahil sa paglayas ko sa kanila bigla. Si Tim lang ang maayos na bumati sa akin, nakangiti ang anak ko pero alam kong napupuno siya ng lungkot at pangungulila kaya nga sinisimulan ko ng pabalikin ang araw ng buhay niya. “ Teo! Hanggang saan nga kaya ang kaya mong gawin para sa mga anak mo? Well kahit hukayin ko pa ang impyerno gagawin ko maibigay lang ang buhay at pamilya na nararapat para sa mga anak ko!” Tanong ko sa sarili ko at sagot ko na rin. Ganun ko kamahal ang mga anak ko. Nabubuhay ako para sa mga anak ko at pamilya nila pero hindi naman masama siguro na gumawa ako ng pamilya ko para lahat masaya. Hindi ako nakakaramdam ng pag-aalangan sa edad at estado ng buhay ko noon pero kapag kay Inas ang usapan nag-aalangan ako. Baka kasi hindi niya type ang Vic at Pauleen love story. Kung tutuusin ay maraming ganitong relasyon na mas nagtatagal at pinapalad na maging maayos. Hindi ko na lang muna iniisip ang mga pangit na dulot ng relasyon na mas matanda ako o ang lalaki. Gusto ko lang ay sumaya muna kasama ang babaeng bumuhay muli sa mga ugat kong natutulog na. Sumakay na ako sa kotse at alam na rin ng driver ko kung saan ang punta namin. Nang marating namin ang Munisipyo ay wala raw si Inas dahil hindi pumasok may sakit daw kaya nga nag-aalala ako agad sa kanya, kaya naman sa bahay nila kami guminda. Saradong sarado ang buong bahay nila kaya akala ko ay walang tao pero ng may dumungaw sa bintana ay parang teen ager ako na buo na ang buong taon dahil nasimuyan ang matagal ng crush niya. Napakaganda ni Inas at totoong bata pa para sa akin pero kung sa normal na mga kaedad niya ay papunta na nga siya sa pagiging matandang dalaga. Nang tila mapa-focus ang mata ng babae sa kotse na lulan ako, partikular sa pwesto ko ay parang tumigil ang mundo ko. Wala kahit isa sa mga Ina ng mga anak ko ang nagbigay sa akin ng ganitong impact. Minahal ko ang Ina ni na Juno at Migo pero mas minahal ko ang Ina ni Tim pero ngayon parang naging mababaw lang pagmamahal ko na yun dahil sa kakaibang hagupit ng karisma ni Inas sa akin. “ Don Teo wala hong babae ang makukuha sa ligaw tingin! Wag niyong sabihin na katulad kayo ng mga anak niyo! Abay huling biyahe na ito at mukhang paalis na ho, kaya naman kumapit na kayo kahit sa wala ng bakante! Bumitin na kayo para sure ball!” Nagulat ako ng magsalita ang lintik na driver ko, para ko na rin itong anak dahil nasubaybayan ko naman ang paglaki ng lintik na ito. Nakita ko nga ng tinuli ito noon at hirap na hirap ang nagtuli sa kanya kumpara sa mga anak ko. Dahil ang tìtì niya kasi ay hindi malaman kung saan pupungusan dahil walang makitang nakautlaw. Samantalang sa mga anak ko gulat na gulat ang mga doktor mga biniyayaan daw ay baka mana sa akin. “ Nagsalita ang may jowa! Matigil ka nga! Magiging akin ‘yan hintayin mo lang!” Sagot ko sa lalaki na napangiwi lang. Siguro na realize niya ang sinabi niya sa akin. Magyabang siya kung nakailang putok na siya at nakabuo. Kung walang ganun ay matigil na lang ang bibig. Pero pangako ko sa sarili ko, magiging kami ni Inas kahit anong mangyari. “ Akin siya kahit ayaw o hindi niya alam. Mula ng gabing angkinin ko siya markado na siya ng isang Allejo at wala ng ibang pwedeng makabura noon!” Mga salitang tumatakbo sa utak ko. Hindi lang basta ako kakapit sa byahe na ito kung kailangan na magpaalis ako para lang kumasya ako sa sasakyan gagawin ko. I won’t let this chance slip away. Hindi ako papayag na hindi ko makuha ang alam kong nakalaan naman talaga para sa akin. Sa akin lang si Filipinas Caluza! Walang ibang magmamay-ari sa kanya kundi ako lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD