Valentina
NAGISING ako na tanging kumot lamang ang aking saplot. Malinis na rin ang katawan ko. Inalala ko ang nangyari kanina at napangiti ako sa aking sarili.
Ganoon man, my happiness was fleeting.
Wala na si Vladimir sa tabi ko. As expected, kailan ba siya nanatili sa aking tabi pagkatapos naming gawin ang mainit na mga kaganapang iyon? Kung hindi siya ang aalis pagkatapos ay ako. May usapan kami, at minsan ay sinasagip ko na lang ang kakarimpot na dignidad na mayroon ako at kusa nang umaalis.
Hinawakan ko ang kumot hanggang dibdib ko bago maupo sa kama. I’m sore, but I can move. Mas masakit noong una naming gawin ito. Sanay na ako ngayon kahit papaano.
Hindi ko makalimutan kung paanong nagsimula ang ganitong setup naming dalawa.
It’s been months. Naalala ko na narinig ko mula kay Dmitry na para bang wala sa sarili si Vladimir. Ang balita niya ngayon ay may sakit ito kaya’t hindi makapagpakita sa Bratva.
“Sa tingin mo ba, pwede kong dalawin si Vladimir?”
Bukod sa malapit kong kaibigan, si Dmitry lang ang nakakaalam ng pagkakagusto ko kay Vladimir. Kahit na tiinatanggi ko pa rin iyon sa kanya, alam ko na may ideya na siyang gusto ko si Vladimir.
Tinaasan ako ng kilay ni Dmitry.
“Alam mong hindi pwedeng makausap si Vladimir unless high ranking official ka ng Bratva, may appointment ka sa kanya, o ikaw mismo ang pinatawag—”
“E ‘di tulungan mo ako. Ano pa’t kaibigan kita kung hindi mo ako tutulungan?”
Ngumiti ako kay Dmitry. Napangiwi siya sa sinabi ko.
“Nagiging kaibigan mo lang naman ako kapag mapapakinabangan mo ako. Damn, I feel so used!”
“Ang arte mo naman. Tinulungan naman kitang palakihin si Damon.” Si Damon ay anak ni Dmitry.
Bumuntong-hininga siya sa akin. “Fine. Huwag kang papahuli. Hindi na kita masasagip kapag inilinya ka nila sa death penalty dahil sa paglapit sa Pakhan.”
Malaki ang naging pagngiti ko dahil sa sinabi niya sa akin.
Naghanda na ako para bisitahin si Vladimir. Nagluto na rin ako ng soup. Naalala kong ito ang pinapakain ni Mama sa akin noon kapag may sakit ako. Baka lang makatulog kay Vladimir.
Dahil sa tulong ni Dmitry, nakapasok ako sa bahay nina Vladimir nang walang kahirap-hirap.
“You know,” sabi ni Dmitry habang umaakyat kami sa hagdanan. “Walang kasama sa bahay si Vladimir.”
Natigilan ako.
Kanina ko pa nga napapansin na walang katao-tao sa loob ng bahay. Maraming guards at securities sa labas, pero pagpasok mo ay wala ka nang makikitang tao.
“Why? Nasaan ang parents niya at wala man lang silang maids?”
“Ayaw ni Vladimir. May pumupunta lang na housekeeper dito pero hindi nag-stay sa bahay nang matagal. May nagluluto ng pagkain niya at may taga-tikim pa kung may lason iyon. Kailangan kapag tinikman ang pagkain ni Vladimir, present ang senior guard niya. Ang mga magulang ni Vladimir…” Sandaling tumigil si Dmitry. “Well, alam mo naman ang kondisyon ngayon ni Alexei Vasiliev. Si Seraphine Vasilieva ay kailangan na bumalik sa Russia para alagaan ang asawa.”
Napalagok ako. Naalala ko na na-coma si Alexei Vasiliev kaya’t kinailangan ni Vladimir na tanggapin ang posisyon ng ama niya sa murang edad.
Nalungkot akong marinig iyon. Iniisip ko pa lang na walang nag-aalaga kay Vladimir habang may sakit siya ay naaawa na ako.
Tumigil kami sa harap ng isang double doors.
“Dito ang kuwarto ni Vladimir. Babalikan kita mamaya. I think, 1 hour will be enough. Naandito lang din ako sa estate pero may kailangan akong gawin. Text me kapag napabilis ka. Huwag na huwag kang lalabas nang hindi ako kasama.”
Tumango ako kay Dmitry. Umalis na siya at ako ay naiwan sa labas ng pinto ng kuwarto ni Vladimir.
Huminga ako nang malalim bago kumatok. Nakailang katok din ako at dapat ay umalis na lang ako, hindi ba? Pero dahil sa tigas ng ulo ko at pag-aalala na rin sa kalagayan niya ay pumasok ako.
The door wasn’t locked. Kinakabahan akong sumilip sa loob ng kanyang silid.
“Vladimir?” pagtawag ko sa kanya.
Hindi kami close. Madalang kaming mag-usap na dalawa. Kung tutuusin nga ay wala akong maalala na nag-usap kami ni Vladimir. Ganoon man, kahit anong gawin ko, my stupid heart can’t help but to keep beating for him.
“Papasok na ako sa loob, Vladimir. Si Valentina Petrova ito.”
Hindi ko nga rin sigurado kung kilala niya ba ako. Nagpatuloy pa rin naman ako sa pagpasok sa loob ng kuwarto.
Malaki ang kuwarto ni Vladimir. May dalawang pinto siguro para sa kanyang walk-in closet at ang isa naman ay banyo.
Huminga ako nang maluwag at hinanap siya.
“Vladimir—”
Napatigil ako nang makita ko si Vladimir na nakahiga sa sahig malapit sa kama niya.
Nabitawan ko ang dala ko para sa kanya at dali-daling nilapitan ito. Walang malay si Vladimir at sobrang taas ng lagnat niya.
“Who’s there?”
Habang abala ako sa pag-iisip kung paano ko siyang dadalhin sa kama niya, nagsalita ito.
“This is Valentina. Can you stand up? Tutulungan kitang makapunta sa kama mo.”
Tumango siya at kahit na nahihirapan dulot ng hindi magandang pakiramdam ay tumayo siya. Inalalayan ko si Vladimir hanggang sa makarating kami sa kama niya. Dahan-dahan ko siyang inihaga roon.
“Ang taas ng lagnat mo.”
Kinumutan ko siya at sinalat ang noo. Mukhang may malay na siya pero nanghihina pa rin.
“Kukuha lang ako ng basin at bimpo. Babalik ako.”
Mabilis akong lumabas ng kuwarto. Alam ko na dapat ay hintayin ko si Dmitry na bumalik pero sa kalagayan ni Vladimir, baka hindi na ako makapaghintay.
Ilang beses na rin naman akong nakapunta rito sa bahay nila dahil sumasama ako kay Papa sa tuwing may Bratva meeting sila.
Nakakuha ako ng basin at nilagyan ko iyon ng malamig na tubig. Ganito ang ginagawa ng kasambahay namin noon sa akin simula nang lumipat kami rito sa Pilipinas at effective naman siya.
Dali-dali akong bumalik sa kuwarto ni Vladimir.
Naupo ako sa gilid ng kanyang kama at pinunasan ng basang bimpo ang kanyang noo. Nag-aalala ako sa kanya. Wala pa naman siyang kasama ngayon dito.
Nang mapansin ko na muli siyang nagmumulat ng mata ay pinagmasdan ko siyang mabuti.
“Uhm…” sabi ko. Hindi ko mapunasan ang katawan niya dahil bukod sa nahihiya ako ay baka hindi niya ako payagan. “Kaya mo bang punasan ang katawan mo? Makakatulong ang malamig na tubig para bumaba ang lagnat mo.”
“Do it,” sabi ni Vladimir.
Noong una ay para bang hindi nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Ilang beses pa akong napakurap hanggang sa mapansin ko na naghuhubad na ng damit si Vladimir.
“Wait!” Nagsimula na akong mataranta lalo na nang makita ko ang katawan niya. Tinakpan ko ang mukha ko at tumayo sa kinauupuan ko. “Anong ginagawa mo?”
“How can you wipe me with the washcloth if I’m not going to take off my clothes?”
Napalagok ako. Gusto niya talagang ako ang gumawa nito!
“P-Pero…”
“I can barely move. Hindi ako makakilos nang maayos and you expect me to do it myself?” Kahit may sakit ay mararamdaman mo pa rin talagang may awtoridad siya. “Do it. Naandito ka na rin naman.”
Huminga ako nang malalim at dahan-dahan na lumapit sa kanya. Hinaplos ko gamit ang bimpo ang kanyang dibdib pababa sa kanyang katawan. Napapalagok ako at pinag-iinitan ng pisngi lalo na at nararamdaman ko ang paninitig ni Vladimir sa akin.
“Hindi na naman siguro ito ang unang pagkakataon na nakahawak ka ng katawan ng lalaki, hindi ba?”
Pakiramdam ko ay namula rin ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita, pero first time ko! Hindi pa ako nakakahawak ng katawan ng lalaki.
Pinunasan ko rin ang balikat niya at pababa sa kanyang braso. Nang matapos ako roon ay hindi pa rin ako makatingin nang diretso sa kanya.
Bago pa ako makalayo kay Vladimir, hinawakan niya ang baba ko na siyang ikinagulat ko. Dahan-dahan niyang itinaas ang ulo ko para makita niya nang maayos ang aking mukha.
“Valentina, right?”
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang tawagin niya ang pangalan ko.
“Y-Yes…”
Isang tipid na ngiti ang nakita ko mula sa kanyang labi. Hindi ko tuloy maalis ang titig ko roon.
Hinaplos niya ang aking pisngi papunta sa aking tainga and he tucked the strands of my hair at the back of my ear.
“Ibabalik ko na po ito sa kusina. Pasensya na po at pumunta ako rito nang walang pahintulot—”
“Put it on the table and stay here. Kukunin ‘yan ng housekeeper mamaya pagdating niya.”
Tila hindi ako makaintindi ng salita dahil hindi ko na-gets ang sinabi niya.
Stay here? Sa tabi niya?
Kung maaari lang na pumutok ang ulo ko sa pag-iinit na nararamdaman ng mukha ko, baka nga nag-overheat na ako rito.
“What? Aren’t you here to take care of me?”
Muli akong napalagok. Tumango na lang ako at dinala ang basin sa table bago bumalik sa tabi ni Vladimir.
Nahihiya man ako at hindi sanay na nagkakausap kami, hindi ko rin pakakawalan ang pagkakataon na makasama ko si Vladimir. Minsan lang ang ganito.
Inalagaan ko si Vladimir. Nag-text pa ako kay Dmitry na huwag na muna akong sunduin. Kung si Vladimir na mismo ang nagbigay ng pahintulot sa akin na manatili rito, wala na naman siguro akong dapat ipangamba.
Ipinagluto ko pa ulit siya dahil hindi na maayos iyong dala kong soup.
When I entered his room again, nakita ko na natutulog na naman siya.
Mas maayos na ang pakiramdam niya pero mukhang dahil sa pagod ay hinila na naman ng antok.
Ipinatong ko sa side table ang pagkain at nagpasiya na hayaan na muna siyang magpahinga.
Pinipigilan ko man ang sarili, I can’t help but to touch him. Hinaplos ko ang kanyang noo papunta sa kanyang pisngi at napangiti.
Hindi ko inaakala na magagawa kong malapitan siya.
Papaalis na ako nang hawakan ni Vladimir ang aking kamay at hinila ako papalapit sa kanya. Bumagsak ako sa kama niya at bago ko pa mabawi ang sarili, nakita ko nang nasa ibabaw ko si Vladimir.
Mukha pa rin siyang may sakit, pero mukhang mas kaya na niya ang sarili ngayon kumpara kanina.
“V-Vladimir…”
“Why are you really here, Valentina? Were you trying to seduce me?”
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niyang iyon.
“N-No…” Marahas pa akong umiling matapos kong sumagot sa kanya.
Naandito ako dahil nag-alala ako sa kanya nang malaman ko na may sakit siya, and he was thinking I was trying to seduce him? Maaaring gusto ko siya pero hindi naman ako desperada.
“Really, now?” There’s a hint of dark lust in his eyes. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako.
“Vladimir, aalis na ako—”
“Why don’t we do it, hmm? Naandito ka na rin naman. Sayang kung wala kang mapapala.”
Kumunot ang noo ko. Medyo nainis na ako sa kanyang sinasabi.
Ipinatong ko ang kamay ko sa kanyang dibdib at tinangka siyang itulak. “Aalis na ako. Hindi ako nagpunta rito para akitin ka. Naandito ako because I was genuinely concern about you. Ngayon kung iniisip mo na ang pag-aalala ko ay gusto kang akitin, mas mabuti pang umalis na ako.”
Somehow, I saw his expression softens. Mabilis nga lang iyon dahil naging matigas na naman ang ekspresyon ng mukha niya.
“And what if I told you I wanted to be seduced?” Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang katawan sa akin.
Napasinghap ako at para bang kinakapos ng hangin sa katawan. Nanlalaki rin ang aking mga mata sa gulat.
“W-What—Vladimir, may sakit ka. Kailangan mong magpahinga.”
Ngunit kahit gaano ko siya kagustong itulak papalayo sa akin ay hindi ko magawa. Maging ako ay nanghihina. Paulit-ulit sa akin ang mga salitang sinabi niya.
Bumagsak sa ibabaw ko si Vladimir at naramdaman ko ang init ng katawan niya. Iyon nga lang, hindi iyon init dahil nilalagnat siya.
Para akong natuyuan ng lalamunan nang mapagtanto ko kung bakit maaaring ganito siya.
It makes me feel so many things knowing I may be the reason why he’s acting like this, but also, I feel…nervous.
“I am also a man, Valentina. You don’t enter a man’s room alone. I am a predator; I may attack you any minute.”
“Ahh!”
Hindi ko napigilan ang magpakawala ng ungol nang kagatin ni Vladimir ang aking leeg.
Inangat niya ang katawan niya at nagsalubong ang mga mata naming dalawa.
“By the sound of it, you’ve been wanting this.”
Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong itanggi pero alam ko na magsisinungaling lang ako maging sa sarili ko.
“Push me, slap me, and make me stop if you don’t want me, Valentina, and I will…stop.”
Hindi ako nakakilos nang bigla akong sunggaban ng halik ni Vladimir. Nanlalaki ang aking mga mata sa gulat. Subalit kahit ganoon, hindi ko magawang pigilan siya.
Dahil alam kong gusto ko rin.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang halik ni Vladimir sa akin. Ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg upang mas palalimin ang pagpapalitan namin ng halik na dalawa.
I can feel his lips curving into a smile.
The memories of that day were so vivid to me, na akala mo ay nangyari lamang ang lahat kahapon. Nagpatuloy ang sekreto naming relasyon ni Vladimir, hanggang ngayon.
Naalala ko rin na kinabukasan matapos ang pinagsaluhan namin ni Vladimir, nagkasakit ako. Hindi niya ako pinuntahan o inalagaan, but he sent medicines to me. Hindi niya man nilagay ang pangalan niya, alam kong mula iyon sa kanya.
Bumukas ang pinto ng banyo. Naputol ang pag-alala ko sa nakaraan dahil sa ingay na nilikha ng pagbukas ng pinto.
Napatingin ako roon at nakita ko si Vladimir na lumabas mula rito.
Hindi ko maintindihan kung matutuwa ako. He’s still here! Akala ko ay kanina pa siya umuwi.
“You’re finally awake,” sabi niya.
He’s topless and only wearing his pants. Mukhang kakagaling lang din sa shower dahil basa pa ang buhok niya.
Vladimir has a muscular body. Kapag nakikita ko ang katawan niya, I am always left in awe. May tattoo rin siya na talagang agaw-pansin.
“Yeah…”
Kinuha ni Vladimir ang kanyang damit at sinuot iyon. Wala akong ginawa kung hindi ang panoorin siya.
Nang matapos siya sa pagbibihis, bumalik ang atensyon niya sa akin.
“I have to go. May kailangan pa akong asikasuhin.”
Hindi ko na nagawang pigilan siya. Alam ko na wala akong karapatan.
“Okay. Bye.”
Tumango si Vladimir at umalis. Naiwan ako roong mag-isa.
Naglakad ako papunta sa banyo at naligo na rin. Ganito naman ang arrangement na napagkasunduan namin. We will be each other’s bed warmer pero walang kahit na anong attachment sa aming dalawa.
Fuck buddies.
Ang isa pa sa napagkasunduan namin, kapag nakahanap na kami ng mga taong mamahalin namin, ititigil na namin ito.
As if I haven’t found mine. Kasama ko na nga. Kaya nga ako pumayag sa ganitong arrangement. Sa ganitong paraan man lang ay makasama ko siya.
Marahas akong nagpakawala nang paghinga. Ilang beses ko nang tinawag na bobo at tanga ang sarili ko, pero hindi pa rin ako natatauhan.
I am stupidly in love with him.
Paglabas ko ng banyo, papunta na sana ako sa closet para kumuha ng damit ko nang may mapansin ako sa coffee table. Lumapit ako roon at tiningnan ang isang flight ticket.
It’s for Vladimir, and he’s off to Valencia, Spain.
Anong gagawin niya sa Valencia?
May nahulog na isang litrato mula sa envelope. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Nanikip ang dibdib ko nang makita kung sino ang babaeng nasa litrato.
Aneesa Rossetti, Valencia, Spain.
Parang ang saya na nararamdaman ko dulot ng mga pinagsaluhan namin ay agad na sinira ng isang litrato ng babaeng…minamahal ni Vladimir.
Is he going to Spain to meet Aneesa? I can literally hear my heart cracking.