KABANATA 1: SPECIAL

2214 Words
Valentina MATAGAL ko nang minamahal nang palihim si Vladimir Vasiliev. He’s the only son and heir of Alexei Vasiliev—the Pakhan of the Bratva. But when an unfortunate event happened to Alexei, Vladimir was forced to take his place at a very young age, surrounded by people who supported him and people who were planning to end his life just so they could take his position. Sa malayo ay parati ko lang siyang pinagmamasdan at hinahangaan. I know I should stop doing that. Wala akong karapatang gustuhin siya. Vladimir Vasiliev is someone who’s out of my reach. Hindi ako nababagay sa isang kagaya niya. I first met him during his birthday party. Bata pa kami noon. Hindi nagkakalayo ang edad namin ni Vladimir at ang una kong naging reaksyon nang makilala ko siya ay mamangha. He has this permanent cold expression on his eyes but he’s not that ignorant type. Hindi lang din siya masyadong nakikipag-usap kung hindi naman nararapat. I know that he’s always on high alert dahil siya ang tagapagmana ng Bratva. Everyone wants to be on his good side, kahit ang iba sa kanila ay handang magtraydor kapag nakakita ng pagkakataon. “Greetings, Pakhan,” pagbati ng aking ama kay Alexei Vasiliev, ang ama ni Vladimir. Hindi ko nagawang iyuko ang aking ulo para magpakita ng paggalang dahil naninibago ako, kahit na ilang beses naman akong sinanay ng aking ama. Madalang kasi niya akong isama sa ganitong mga events lalo na at alam niyang maaari ko lang siyang ipahiya. Ayaw na ayaw niyang isinasama kami ng kapatid ko dahil babae kami. Hinawakan ni Papa ang ulo ko and he forced me to bow my head. “This is my youngest, Valentina Petrova.” Tumingin si Papa sa akin. Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung anong dapat sabihin. “Greetings, Pakhan,” sabi ko sa nanginginig na boses. Tumingin ako kay Vladimir na nakatingin lang sa akin pero walang emosyon. “Happy birthday, Vladimir.” Tumango lang siya sa akin pero hindi nagsalita. “You’re a beautiful kid, Valentina.” Nagulat ako nang biglang magsalita ang babaeng nasa tabi ni Alexei Vasiliev. Nagtaas ako ng tingin sa kanya. She’s Seraphine Benavidez-Vasilieva, ang asawa ni Alexei. I heard rumors na ginawa ni Alexei Vasiliev ang lahat para mapakasalan lang si Seraphine kahit na hindi dapat si Alexei ang nakatadhanang pakasalanan nito. Malawak ang ngiti niya sa akin. She looks friendly. Dahan-dahan din akong napapangiti. “Thank you—” Bago pa ako makapagpasalamat, pinutol na ni Papa ang sinasabi ko at binago ang kanilang pinag-uusapan nang sa ganoon ay hindi mapunta sa akin ang atensyon nang matagal. Kinagat ko ang labi ko. Parati namang ganito. Kahit sa bahay man ay wala kaming boses. Nakikita lang kami ni Papa na akala mo’y bagay na ipamimigay niya sa lalaking sa tingin niya ay makakatulong para sa pamilya namin. Hinila na niya ako papaalis doon pero muli akong lumingon kay Vladimir. Napangiti ako sa sarili ko. Kahit alam ko na malabong mapalapit sa kanya, hindi naman siguro masamang mangarap. Isang malakas na sampal ang aking natamo nang makauwi kami sa bahay. Napaupo ako sa sahig at naramdaman ko ang hapdi ng aking pisngi. Tumingin ako kay Papa. “What kind of attitude was that, Valentina? I told you what you had to do, yet you didn’t get it right?!” Alam ko na sinabi ni Papa na huwag kong ipapahiya ang pamilya namin, pero wala pa naman akong maalala na pinahiya ko siya sa party. Siguro dahil maraming nakapansin sa akin at pinuri ako kaya ayaw niya nito at dinadahilan lang na nagdala ako ng kahihiyan sa pamilya. Hindi na lang ako nagsalita, alam ko naman kasi na mas masasaktan lang ako kapag nagsalita ako. Simula nang makilala ko si Vladimir, parati na akong gumagawa ng paraan para makita ko siya, kahit alam ko na bawal. Sabi ko sa sarili, kahit sulyap lang ay masaya na ako. Napangiti ako nang makita ko siya sa isang garden. May meeting sina Papa ngayon at sumama ako. Pinagalitan niya ako pero sinabi ko na lang na magbe-behave ako. Kung gusto niyang maging mabuting asawa ako paglaki ko, kailangan kong malaman ang kalakaran sa Bratva. Iyon ang idinahilan ko. Maglalakad na sana ako papalapit sa kanya nang may lumapit na isang batang babae sa kanya. Mas bata ang babae sa amin at hindi siya mukhang Russian. “Vlad!” Kumunot ang noo ko. How dare she call Vladimir like that? There’s a proper diminutive form for his name. Napatingin si Vladimir sa batang babae, at sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti. “Aneesa!” Para bang biglang bumigat ang dibdib ko nang marinig ko si Vladimir na tinawag ang batang babae at tumakbo pa ito papalapit dito. They look…close. Who is she? Bakit nakakalapit siya nang ganito kay Vladimir? “Aneesa Rossetti, daughter of an Italian capo.” Natigilan ako nang may marinig na boses sa likod ko. “Vladimir has a crush on her, I heard.” Nakita ko si Dmitry na nakatayo sa likod ko. Mas matanda si Dmitry sa akin pero close kami. Parati ko rin kasi siyang nakikita noon sa bahay dahil sa mga magulang namin. Ganoon man, ayoko ng mahangin niyang ugali. Malakas din siyang mang-asar. “Oh, sorry. Did I offend your little heart who beats for Vladimir? Too bad, Valentina…” Naglakad siya papalapit sa akin at nginisian ako. “Vladimir is not going to give his attention to you.” Sinimangutan ko si Dmitry. “You’re such a bully!” “Yeah? I’m just being honest. Look at them…” sabi ni Dmitry at tinuro sina Vladimir at Aneesa na masayang nag-uusap. “Normally, maiirita na si Vladimir na makinig sa pagsasalita ng ibang tao, pero with Aneesa, nakikinig siya na may ngiti sa labi niya.” Hinampas ko si Dmitry at umalis doon. Narinig ko pa ang pagtawa niya nang umalis ako. That night, I cried. Ilang ulit kong sinabi sa sarili ko na ititigil ko na ang pagkakagusto ko kay Vladimir, pero kahit anong gawin ko ay hinahanap ko lagi siya kapag nasa iisang lugar kami. Hindi ko namalayan na ang simpleng crush ko para sa kanya ay lalalim at magiging pagmamahal. Hanggang sa magdalaga ako, si Vladimir pa rin ang gusto ko. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi niya ako mapapansin at hindi siya mapapasaakin ay nangangarap pa rin ako. “Valentina!” Nagtaas ako ng tingin sa kapatid ko. Tinaasan niya ako ng isang kilay habang ako ay tahimik lang siyang pinagmamasdan. “Kanina pa kita tinatawag.” My family is currently residing in the Philippines. Naandito kasi sina Vladimir kaya bilang tagasunod ng pamilya niya, sumunod din kami rito ng pamilya ko. Gustong-gusto kasi ni Papa na mapunta sa magandang side ni Vladimir para mapaboran siya. “Bakit?” “Narinig mo na ba ang rumor?” sabi ni Inessa, ang nakakatandang kapatid ko. I don’t like her. Hindi ko gusto ang ugali ng kapatid ko. Kaugali siya ni Papa. Siguro dahil matinding pressure rin ang binigay ni Papa sa kanya noon kaya siya nagkaganito. Still, I hate her attitude. “Kinakausap na ni Papa si Mikhail Ivanov para ipakasal ka sa kung sino mang anak niya! Maaaring kay Dmitry. Kirill is well…mahirap kausap ‘yon. Maging ang sariling ama ay hindi makontrol si Kirill. Nikolai is too young. Malakas ang pakiramdam ko na si Dmitry.” Hindi ako nagsalita. “Ano ka ba? Aren’t you happy? I mean, si Dmitry na ‘yon! Isa pa, close naman kayo. I don’t think it will be a problem.” Napairap ako sa hanging at tumayo sa kinauupuan ko. Babalik na lang ako sa kuwarto ko nang matahimik naman ang buhay ko. I don’t care if it’s Dmitry, hindi naman siya ang gusto kong pakasalan. Hindi pa naman final. Dadaan pa ang desisyon kay Vladimir na siyang current Pakhan ng Russian mafia. Masama bang umasa na hindi siya papayag? Pabalik na ako sa kuwarto ko nang bigla akong makatanggap ng text message. Sinilip ko iyon at para bang tumalon ang puso ko sa nabasa ko. Vladimir: Come here to our secret place. I’ll be waiting. Para bang natuyuan ako ng dugo sa nabasa ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko na mula kay Vladimir ang mensahe. Napayakap ako sa cellphone ko at kumaripas ng takbo papunta sa kuwarto ko upang kunin ang susi ng kotse at ang bag ko. Naabutan ko pa si Inessa. “Saan ka pupunta?” “May kailangan lang akong puntahan. Babalik ako mamaya!” Dali-dali na akong umalis nang sa ganoon ay hindi na siya makapagtanong pa. Pumasok ako sa loob ng kotse at nagmaneho papalabas. Hindi naman mahigpit si Papa sa amin kung aalis kami, basta at hindi namin maipapahiya ang pamilya ay wala siyang pakealam. Kapag nalaman niya ang ginagawa namin ni Vladimir, baka patayin ako nito. Huminga ako nang malalim at umiling. Hindi naman niya kailangang malaman pa. Pagdating ko sa matayog na building ay lumabas na ako. Na-i-park ko na rin nang maayos sa basement ang aking sasakyan. Sa hindi malamang dahilan ay sobrang kaba ko habang nakasakay sa elevator. Tinitingnan ko ang pagbabago ng mga numero habang papunta ako sa floor kung nasaan ang unit ng condo ni Vladimir. This is just one of his many properties. Dito kami nagkikita kapag kailangan naming magkita. Someone as respected as him doesn’t want to be rumored with me, right? Kailangan niyang mag-ingat—I mean, naming dalawa. Nang bumukas ang elevator, lalong kumabog ang dibdib ko. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa unit ni Vladimir. Kinuha ko ang spare key ko at bumuksan ko iyon. Hindi ko pa man nagagawang makapasok ay may humila na sa akin. Isinara niya ang pinto at isinandal ako sa pader. Ang mga dala kong gamit ay nahulog sa carpeted floor ng unit. “Vladimir—” Hindi ko na nagawang tapusin ang balak sabihin dahil agad niya akong hinalikan nang marahas. Hawak niya ang magkabilang kamay ko as he pinned me on the wall. Hindi ko magawang makagalaw nang maayos. Nang tumigil siya sa paghalik sa akin upang makahinga kaming dalawa ay roon ko lang nagawang makapagsalitang muli. “What’s wrong?” tanong ko sa kanya. Marahas si Vladimir sa kama, alam ko iyon. Pero may kung ano sa kanya ngayon na hindi ko maipaliwanag. May problema kaya? “Nothing.” Ang kanyang nag-aalab na mga mata ay tumuon sa akin. “I just need you.” Ang sarap marinig ng mga salitang iyon mula sa kanya. Kapag ganito ay pakiramdam ko, ako lang ang may kakayahan na i-satisfy kung anong kailangan niya. Ako lang ang kailangan niya. Ngumiti ako kay Vladimir. “I am all yours, Vladimir,” sabi ko. Binitawan niya ang kamay ko. Hinawakan ko ang kwelyo niya at hinila ko siya papalapit sa akin. “You know you can do whatever you want with me, Vladimir.” Hinalikan ko siya. “Sa iyo lang ako.” Hinawakan niya ang baywang ko at idinikit ang sarili niya sa akin. We shared the most aggressive kisses. Akala mo ay uhaw na uhaw kami sa halik ng isa’t isa. Binuhat niya ako at ipunulupot ko ang aking binti sa kanyang baywang. Naramdaman ko na lang na nasa loob na kami ng kuwarto niya. Inihiga ako ni Vladimir sa kama. Tumayo siya at pinagmasdan ko siyang mabuti. “Strip for me, Valentina. Show me how you want me.” Dinala ko ang kamay ko sa aking suot na blouse at dahan-dahan kong sinimulan ang pagtatanggal ng butones nito. Nagpakita ang mayaman kong dibdib at napapansin ko na sinusundan ni Vladimir ng tingin ang bawat pagkawal ng butones ko. “You know how impatient I am, Valentina.” Hinawakan niya ang blouse ko at pwersahan itong tinanggal. Nagtalsikan pa ang mga butones dahil sa ginawa niya. Napasinghap ako lalo na nang halikan ni Vladimir ang aking leeg. He sucked on my skin, and I just know that he was going to leave marks on it, but I don’t care. Vladimir has this habit of leaving his marks on everything he touches. He’s territorial at gusto niyang ipaglandakan kapag kanya ang isang bagay…o tao man. I want to think, ganoon siya sa akin. Gusto kong isipin na kahit papaano ay may halaga ako sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nagsimula ang ganitong relasyon naming dalawa ni Vladimir, pero wala akong pinagsisisihan na ibinigay ko sa kanya ang lahat. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ko ang lahat ng ipinaramdam ni Vladimir sa akin. Alam ko na masasaktan ako sa huli. Alam ko rin na hindi siya ang lalaking para sa akin at hindi naman ako ang babaeng gusto niya. But being with him, even in a short period of time, makes me feel…special. I gave myself to him because I love him. Alam ko na maaaring may pagsisihan ako. Dahil habang minamahal ko si Vladimir ay winawasak niya ako. Ganoon man, susulitin ko muna habang pwede pa, habang kaya ko pang makasama siya. Habang pakiramdam ko ay may saysay pa ako sa kanya. Dahil alam kong kapag natapos ito, babalik ako sa pagiging si Valentina na hindi muling kayang maabot ang lalaking minamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD