Valentina MAKALIPAS ang ilang araw, na-discharge rin naman ako. Nahihirapan lang akong maglakad dahil sa ilang injuries ko sa paa pero nakakalakad pa rin naman. Inaalalayan ako nina Nanay Mabel. Si Papa ay nakasunod lang sa amin. Hindi ko rin inaasahan na mananatili ang aking kapatid sa tabi ko matapos ang aksidente. Isang beses lang akong dinalaw ni Vladimir, and I can’t believe I broke down in front of him. Siguro ay dahil sobra-sobra na rin ang dinadala ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabuti na lang din at hindi na siya bumalik. Hindi naman sa ayoko siyang makita, pero alam ko na bibigyan na naman ni Papa ng ibang dahilan ang pagpunta ni Vladimir. Nagpadala naman siya ng mensahe sa akin. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang bagong number ko. Vladimir: I can’t