Final Walk 4

1042 Words
I am actually more open to him than to Henrietta and our other girlfriends. I don't know but I feel safer and it feels more comfortable and warm when it comes to him. I can easily feel relieved with his comforts and advice. He can get myself together, he can bring me back to my right pace, and sometimes only his hug is enough for me to be at ease. Siya ang lakas ko na kailan man ay hindi ko gugustuhin pang mawala. Hindi ko alam pero hindi ko na nakikita ang sarili ng wala siya sa bawat pagsubok o bagay na pagdadaanan ko sa buhay. Sa tingin ko ay hindi ko kakayaning bumangon oras na madapa ako at wala siya. Siya na rin kasi ang nagsilbing kaibigan, kapatid, bantay, at naging sandalan ko sa lahat. Lagi man kaming parang aso't puso ngunit sa tuwing natatapos ang araw yakap parin namin ang huli naming nararamdaman sa isa't isa bago maghiwalay ng landas patungo sa kanya kanyang tahanan. Lagi naming tinatapos ang araw na sinisigurong maayos ang isa saamin at walang dinadala o dadalhin na bigat at sama ng loob sa pagtulog. "Faster Lore," Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang boses ng lalakeng iyon. "Maghintay ka Theo ha," Napalingon kami sa pintuan may kumatok bago pumasok mula doon. "Alam niyo kayo mas nauubos pa ang oras niyo sa pagbabangayan. Heto oh, magmerienda na muna kayo bago umalis para magkalaman naman ang mga tiyan niyo" sabi ni Ate Zy bago nilapag ang tray ng cookies at juice sa side table ko. "Thank you ate! The best ka talaga, di gaya ng kapatid mo" pagpaparinig ni Theo na inismiran ko lang. Nasabi ko na ba? Inampon na nila mama si Ate Zy kaya magkapatid na kami ngayon sa papel dahil ayaw nilang mapunta sa iba si Ate at ayos lang din naman saakin iyon dahil gusto ko rin talaga na magkaroon ng kapatid. "Shut up Martin Theoden. Nagpapalakas lang sayo yan ate para hindi makapaghugas nitong mga magagamit namin" sabi ko na kinatawa naman ni ate. "Sus sakmalin kita jan eh" baling ko naman kay Theo. "Tumigil na nga kayong dalawa, diyos ko kayo talagang mga bata kayo. Pakiramdam ko mas mapapabilis ang pagtandan ko sa kakulitan niyo" nagkatinginan kami ni Theo sa narinig saka sabay na natawa. "Sorry Ate," sabay naming sabi. Inayos ko na ang suot ko pagkalabas ni ate saka tumayo sa harap ni Theo na nasamid naman bigla sa kinakain. "Ang dugyot" maktol ko "Bakit ba kasi bigla kang tatalikod sa harapan ko ng nakabukas ng dress ha?" "Diba obvious? Ipapazipper ko lang naman sayo, tanga lang?" Hindi na siya nagsalita at tinaas nalang ang zipper bago sumubo ulit habang ako naman ay pumunta sa harap ng vanity ko para mag-ayos. "Powder and tint is enough young lady. You don't have to do that make up thingy all the time. Ang ganda na ng kutis mo sinisira lang ng cosmetics" Iyan na lagi ang linya niya sa tuwing nag-aayos ko. Hindi na ako nagsalita atsaka kinuha ang press powder ko at tint. Bago pa ako matapos ay lumapit siya saakin saka kinuskos ang towel na nasa ulo ko sa buhok ko bago kinuha ang blower at suklay para patuyuin at ayusin ang buhok ko. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa saka magpatuloy sa paglalagay ng pulbos at tint sa mukha ko. Tinatamad rin akong magmake up ngayon kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya. Sinuot ko naman ang mga accessories ko. Mukhang malapit narin siyang matapos sa buhok ko kaya nagpahalumbaba nalang muna ako sa vanity table ko. He smell my hair first bago iyon tuluyang ayusin, ang hilig niyang singhutin ang buhok ko. Ewan ko ba sa lalakeng to napakaweird. "All done, let's go?" aya niya saakin saka pabirong nilahad ang kamay sa harapan ko na tinanggap ko naman. Bago pa kami tuluyang makalabas sa pintuan ng kwarto ko ay hinila ko ang sling bag ko na nakalagay sa taas ng cabinet ko. "Mama alis na po kami" paalam ko bago humalik at yumakap sa nanay ko. "Ma," Theo called saka ginaya ang ginawa ko. Sanay na kami sakanya na nakiki-mama at papa sa mga magulang ko. "Asan nga po pala si papa? Kanina ko pa siya hindi nakikita" hanap naman niya sa tatay ko. "May dinaanan lang, mamaya pag-uwi niyo andito na yun. O siya umalis na kayo baka gabihin pa kayo" sabi ni Mama bago kami hinalikan ulit dalawa ni Theo sa pisngi. "Theo," napalingon kaming pareho kay mama na kay Theo lang nakatingin na tila ba nag-uusap sila mata sa mata "Yes mama, I get it" biglang sabi naman ng katabi ko na tinaasan ko ng kilay "What was that?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Usapang mag-ina babe wag ka ng makisali" natatawang sabi ni Theo matapos ako pagbuksan ng pinto ng sasakyan. Hinintay ko muna siyang makapasok sa driver's seat bago umangal sa sinabi niya "Wow, nahiya naman ako sayo. Ako to oh, yung TOTOONG anak" tinawanan lang niya ako bago sinuot ang seatbelt niya, ikakabit ko narin sana ang akin ng unahan niya ako. Bago siya bumalik sa upuan niya ay nilingon muna niya ako kaya naman ay sobrang lapit ng itsura namin ngayon sa isa't isa. "It's nothing love, ingatan daw kita iyon ang sabi niya" Sanay na ako sakanya sa kakatawag saakin ng kung ano ano at kung minsan ay nagagaya ko narin siya kaya nga ang akala ng iba ay kami daw, hindi naman na kami nagsasalita patungkol doon. Hinahayaan nalang namin sila na isipin ang gusto niya basta kami alam namin kung ano ba talaga kami at iyon ay ang magkaibigan. "Dzuh, I haven't heard anything." sabi ko bago siya inirapan na kinatawa niya. "Cute," sabi niya saka piningot ng mahina ang ilong ko at hinalikan sa noo bago umayos ng upo sa driver's at nagsimula ng magmaneho. Habang nasa byahe ay nakaramdam ako ng gutom saka ko lang napagtanto na wala pa akong kain sa araw na to. "Baby let's have something to eat first, can we?" nilingon ko siya matapos itanong iyon hoping na pumayag siya. Though I know na papayag naman talaga siya. "Hindi ka nanaman ba kumain Diana Lorelei?" Hindi ako sumagot at napakamot nalang sa batok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD