Final Walk 5

1022 Words
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Alam mo naman na bawal ka malipasan ng gutom" pangangaral nanaman niya saakin. "Ugh, can't we just get something to eat instead of scolding me again?" napabuntong hininga nalang siya at hindi nagsalita saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Nakasimangot naman akong sumandal sa kinauupuan ko dahil nagugutom talaga ako. Alam ko naman na kasalanan ko kasi hindi ako kumain pero bakit ba lagi nalang siya galit? Para rin talagang si mama ang isang to minsan eh. "What do you want?" biglang tanong niya na kinapintig ng tainga ko. "Carbonara please and garlic bread, frappuccino for drinks. Thank you love!" masiglang sabi ko na tinanguan lang niya saka ngumiti. Ilang sandali lang ay nakabili na siya saka iyon binigay saakin. "I bought sundae and fries, alam kong gusto mo rin 'yan" "You're really the best!" sabi ko saka nagthumbs up. Hininto muna niya ang sasakyan sa gilid para makakain kami. I clung in to his arms saka sinandal ang ulo ko sa balikat niya habang kinakain ang fries ko na dinidip ko sa sundae, sinubuan ko rin siya na kinakain rin naman niya. Pinindot naman niya ang radio ng sasakyan niya kasabay nun ang pagplay ng kanta ng Studio Killers na Jenny. Naramdaman kong nakatingin siya saakin bago sinabayan ang kanta "I wanna ruin our friendship We should be lovers instead I don't know how to say this 'Cause you're really my dearest friend" - - Nagising ako ng maramdaman kong tumigil ang sasakyan. Masyado akong napagod sa lahat ng naging lakad namin kanina, lalo na ng asikasuhin namin ang enrollment ko sa Mikasa dahil unlike Theo hindi ako prinsesa kaya kailangan ko talagang pumila at maghintay though ayos naman kasi sinamahan rin ako ni Theo sa loob, nagkalo at nagsuot lang siya ng shades at mask para hindi makilala ng ilan sa mga studyante doon. Mikasa is an all girls school and this guy with me as well as the other princes in town are so famous to them, kesyo gusto daw nila ganito ganyan. Masyado nilang pinagpapantasyahan itong mga prinsipe na ito. Dyos ko, kung alam lang nila gaano ka isip bata ang isang kasama ko. Napalingon ako kay Theo ng may biglang maisip. Tama naman sila sa parteng gwapo siya, mabango, matangkad, matalino at athletic pero kailan man i hindi ko sinabi sakanya ang alin man sa mga yan dahil paniguradong lalaki lang ang ulo ng isang to. "Hey babe," Nabalik ako sa ulirat ng bigla siyang magsalita. "Dumaan muna tayo dito sa bahay bago kita ihatid pauwi, hinahanap ka kasi ni Mommy gusto ka raw makita at makasalo sa dinner. Is that okay?" "Sure, no problem. Namimiss ko narin sina Mommy Mavise at Theodor" nakangiti kong sabi Bumababa naman na siya matapos marinig iyon saka pumunta sa pintuan ng kinauupuan ko at binuksan iyon. Nilahad niya ang isang kamay saakin habang ang isa naman ay nakapatong sa ulo ko habang papalabas ng sasakyan. He's so gentleman and caring One of the reason why some girls are so head over heels with this guy, and sometimes I feel lucky to have him as my boy best friend. "Mom, we're home," sabi ni Theo pagkarating ng bahay nila ng abutan namin si Mommy Mavi sa sala na nanonood ng balita. "Diana! I miss you, anak." saakin dumiretso si Mommy kaya naman ay napasimangot itong isip bata sa tabi ko na tinawanan ko lang. Ako talaga ang totoong anak ni Mommy guys, sinasabi ko sainyo. "Mom, hello?" agaw pansin niya sa nanay niyang ayaw akong bitawan. Hindi naman halatang sobrang miss ako ni Mommy eh no? "Anak may naririg ka ba?" pang-aasar niya pa kay Theo. "Wala naman po Mommy Mavi, bakit may naririnig ka po? Hala!" paggatong ko sa biro niya na mas lalong kinasimangoy ni Theo at hindi makapaniwalang tumingin saakin. "Whatever!" pikon niyang sabi bago humalik muna kay Mommy at umakyat ng kwarto niya. "Nakapapikunin talaga ng anak mo, Mom," natatawang sabi ko. "Mana sa Daddy niyo," buti nalang wala si Dad dahil paniguradong ipagtatangol nun ang sarili niya, Theo na Theo rin talaga eh parang xerox copy ang dalawang iyon. "Oh siya anak sundan mo na si Matheo sa taas at sabihing magmadali na ng bihis dahil kakain na," agad naman akong tumango atsaka umakyat narin papunta sa kwarto ni Theo. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob at pumasok. Hindi pa nakakapag-ayos si Theo at nakasimangot parin habang nakaupo sa gilid ng kama niya. Parang bata talaga. "Alam mo ikaw napakapikonin mo talaga," sabi ko saka naupo sa tabi niya. Nagulat namana ko ng bigla niya akong hilain kaya napahiga kami sa kama niya habang nakayakap siya saakin. "Just kidding, I just want to rest for a bit bago maliligo. Nakakapagod ang lahat ng ginawa natin sa araw na to," reklamo niya saka inayos ang sarili at sa tiyan ko umunan. Inabot ko naman ang buhok niya saka iyon sinuklay gamit ang mga daliri ko. "Bilisan mong maligo, maliligo rin ako." naramdaman kong tumango siya sa sinabi ko. Hindi naman problema ang mga sususotin ko at ibang gamit dahil may mga gamit ako dito sa kwarto niya at ganon din siya saakin kaya kahit saan kami walang problema. "Dito ka nalang kaya matulog?" biglang tanong niya. "Ang tagal na nung huling punta mo dito dahil masyado kang busy, highschool pa lang tayo tutok na tutok ka na sa pag-aaral paano pa kaya pagcollege na tayo? Baka wala ka ng oras saakin," nagtatampon ani niya. "Fine, I'll call Mama later para sabihing dito ako matutulog," bigla naman siyang bumangon at nakangiting humarap saakin na tila ba hindi pa naniniwalang dito ako matutulog. "Really?" paniniguro niya na tinanguan ko lang. Umayos naman siya ng higa sa tabi ko saka ako niyakap ng mahigpit. "Let's watch movie later, or magnight swimming tayo. Pwede ring sa arcade room nalang tayo maglaro or di kaya jam tayo sa music room," tuwang tuwa niyang sabi habang nagiisip. "Akala ko ba napagod ka sa araw na to?" kunot noong tanong ko. "Okay na nakapagpahinga na ako," sabi niya bago yumakap ulit saakin. 'Ako rin nakapagpahinga na'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD