Home
.
.
I saw him getting out from aircraft together with Chloe, whom sitting in the wheelchair, assisted by the paramedics. Emergency na nga yata dahil naka-wheelchair na si Chloe at may iilang attendant na. Eric is beside her walking with the group. Sana magiging okay ang kalagayan ni Chloe at ang baby niya.
.
Mabilis naman akong nagtungo sa kabilang daku ng terminal 2 NIA domestic. Connecting flight kasi ang kinuha ko to Cagayan de Oro. Ayaw ko ng manatili rito sa Myanila kaya mas mabuting dumiretso na ako pauwi.
.
I got the last flight and we landed at seven twenty five, night time. Medyo abala na ang lahat na pero okay lang at nakuha ko ng maayos ang lahat ng gamit ko. Nang makalabas ay ang family driver namin na si Manong Jim ang sumundo sa akin.
.
Ang lawak pa ng ngiti niya nang makita ako. Kinuha niya ang iilang bagahe sa kamay ko.
.
"Welcome home, Ma'am Katherine!" Sabay lagay niya sa tatlong bagahe ko sa likod ng sasakyan.
"Kumusta na po, Mang Jim? You look good," papuri ko sa kanya.
.
Ang totoo mas tumaba nga siya kaysa noong huli ko siyang nakita. But I'm not that heartless to say such thing. Binigyan ko siya nang magandang ngiti saka pumasok sa loob ng sasakyan.
.
Nang makarating sa bahay ay excited akong sinalubong ni Mama.
.
"Darling, hija. I miss you." Sabay yakap at halik ni Mama sa akin.
.
As usual walang nagbago kay Mama. Maarte pa rin talaga ang aura niya. Hindi ko nga alam noon kung anak ba niya ako, dahil kakaiba talaga ako sa kanya. But as time past by and now to think I do act like her more. Anak nga niya naman at ina ko nga naman siya!
.
"I miss you too, Ma. Sobra!" higpit na yakap ko.
Tumitig agad siya sa kabuuan ko mula ulo hanggang paa na nakangiti.
"You look fabulous, hija! Mas lalo kang gumanda," lawak ng ngiti niya.
I rolled my eyes and pouted a bit. Kahit papaano ay parang bata pa rin ako sa kanya.
"So ano? Meron na ba? May ipapakilala ka na ba sa amin ng Papa mo?" taas kilay niya.
.
Tinalikuran ko na lang siya at nagtungo na ako sa kusina. Insakto rin naman ang dating ko dahil nakahanda na ang mesa at ang daming pagkain na nakahain dito. All the foods are mouth watering. Gutom na ako! Kaya umupo na ako at nagsandok agad ng kanin.
.
"Tere, pakikuha nga sa caldereta," saad ni Mama sa katulong namin.
.
Mas lumawak ang ngiti ko sa mukha. My favourite calderata! Dios ko, limang taon na akong hindi nakakain ng kambing na caldereta. Isip ko.
.
Nilapag na ni Tere ito sa harapan ko at nilantakan ko na agad. Ang sarap talaga ng luto ni Mama. Na miss ko ng sobra!
.
"Si Daddy?" pasimpleng tanong ako habang nakanguya. Alam ko naman na abala ang ama ko as usual.
"He will be home soon, hija. Court hearing kasi nila."
Kumain na din si Mama at tumango na ako. Nagpatuloy lang ako sa pagsubo.
"How's everything, Ma? Busy pa rin ba?"
"Well, its all the same, anak. Ikaw lang naman ang na miss namin ng sobra ng Papa mo. Mabuti naman at umuwi ka na," ngiti niya, sabay lagay ng maraming caldereta sa plato ko.
"I will be staying, Ma. At titignan ko kung ano ang magagawa ko rito."
Nahinto agad siya at mas lumawak ang ngiti sa pisngi.
"You can assist on our little business, Katherine. If you like?" taas ng isang kilay niya.
.
Umismid ang labi ko. Ayaw ko talaga kasing pamahalaan ang negosyo niya. We have four branches of jewellery shops here in the city. Hindi naman kalakihan ito, pero sapat ang negosyong ito sa pamilya. Kahit noon paman ay ayaw ko sa jewellery shop business ni Mama.
.
"Uh… ewan ko, Ma. I dont know," kibit balikat ko.
"You will learn. Think about it, hija."
.
Tumahimik na lang ako para wala ng gulo. When it comes to business ay ayaw ko talaga. Kaya nga nurse ang kinuha kong kurso noon, pero hindi ko rin naman nagamit.
.
I took some refreshment course in Australia. Age Care and Disability Care ang kinuha ko. I assist old people in the nursing home and also people with disabilities. Mas gusto ko pa yata ito.
.
Nang matapos ang hapunan nagpahinga na ako. Naligo at nag ayos sa sarili bago natulog. I feel so tired today from the flight. Kaya nakatulog ako ng mahimbing.
.
KINABUKASAN nagising ako sa inggay ng cellphone. When I looked at my alarm clock in the bedside table its only eight thirty in the morning, at para sa akin ay maaga pa ito..
.
"Hello..." antok na tugon ko at talagang humikab pa ako.
"Katherine!!!"
.
Halos nilayo ko na ang cellphone sa tainga dahil sa tili ni Debbie.
.
Oo, si Debbie. My super best friend. Childhood best friend to correct. Simula't sapul ay magkaibigan na talaga kami. We even take the same course when we were at College, and when I left Philippines to travel around Asia and Europe, ay sumusunod din siya. Nahinto lang noong nag settle na ako sa Australia.
.
"Kath, welcome home sa wakas!"
Humikap ulit ko at minasahe ang mga mata ko. Talagang inaantok pa ako.
"Hoy, Katherine! Gising na!"
Narinig niya siguro ang hikab ko. Ang baliw talaga.
"What now, Deb? I have no work here and I am still tired. May jetlag pa ako, gaga! Kaya bukas na lang kita bibisitahin ha," nakapikit pa ang mga mata ko.
.
Unlike me na walang trabaho roito si Debbie ay registered nurse na. She work at the Polymedic Medical Plaza.
.
"Hoy! Hindi ako pwede bukas may trabaho ako, bruha!" pasigaw niya sa kabilang linya. Napamulat ulit ako.
"Ay ganun ba? Sige try ko mamaya ha."
.
Nagpagulong gulong na ako sa kama ko. Mataas na ang araw at babangon na din ako.
.
"Okay sige. I'll message you later kung saan tayo magkikita. Na miss na talaga kita, bruha!" inis na tugon niya pero masigla ito. Napangiti na ako.
"Okay, Deb. I'll see you later."
"Okay, mamaya ha."
"Oo na."
.
At pinatay na niya ang linya. Pilit akong bumangon at tiningnan ang bintana ng kwarto. Mataas na ang sikat ng araw, kaya tumayo na rin ako at nagtungo sa banyo.
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell