Memories of you
.
.
After I fixed myself I came down to have my breakfast. To think late na ako sa umagahan ngayon at alam kong wala na rin sina Mama at Papa. Ganitong-ganito talaga ang eksena sa bahay kahit noon pa.
.
"Good Morning, Ma'am Katherine!" si Tere, isa sa mga kasambahay namin.
.
Binigyan ko rin siya nang malawak na ngiti. Nakahanda na rin ang umagahan ko. Nagluto pa talaga siya ng masasarap na pagkain, kaya kumain na ako.
.
Nang matapos, lumabas ako sa harden at naglakad lakad nang konti. Nasanay kasi ako sa Australia na naglalakad tuwing umaga as my daily routine exercise. E, medyo kakaiba rito, kaya sa bakuran na lang ako. Malaki laki rin naman ang bakuran namin, kaya okay na ako rito.
.
Sa 'di kalayuan napansin ko ang attic namin sa itaas ng bahay sa dulo. Naalala ko angmga lumang gamit ko noong koleheyo. Kaya dali dali akong pumasok ulit ng bahay para maakyat ito.
.
Ang attic ay nasa pinakatuktok ng bahay. Para rin itong maliit na kwarto. Noong bata pa ako gusto ko talaga rito. Kasi nakikita ang nasa baba at pati na rin ang mga kalapit bahay namin. Mas maganda rito kapag gabi, kasi malaya kang nakatingala sa langit at napagmamasdan ko ang mga bituin.
.
Napatakip ako sa ilong nang halungkutin ko ang mga gamit na nasa itaas. Maalikabok na kasi. Ginawa na kasi itong bodega ni Mama at Papa sa mga lumang gamit at pati na rin mga papeles.
.
"Got yah!" Lumawak ang ngiti ko nang makita ko ito.
.
Napatingin na ulit ako sa sangkatutak na papel na binaba ko sa gilid. Inisip ko na pabayaan na lang din ito at huwag na ibalik sa tamang posisyon. Nakangiti ko namang pinagmasdan ang maliit na kahon sa kamay ko.
.
"It's been a while, I miss you," tugon kong may pagkadismaya sa puso.
.
Una kasing bumugad sa paningin ko ang litrato niya... Ang litrato naming dalawa. Magkahawak kamay pa kami sa isa't-isa.
.
Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ito. Napatawad ko na ang sarili sa nangyari. Pero bakit nararamdaman ko pa rin ang sakit nito. Napaupo ako sa gilid na upuan at maingat na tiningnan ang laman sa loob.
.
Maliban sa litrato namin dalawa ay nandito rin ang bracelet na gawa niya noon at ibinigay niya sa akin. Naalala ko pa galit pa nga ako sa kanya noon dahil akala ko nakalimutan niya... Pero hindi pala.
.
Pumatak na ang luha ko ng hindi ko namalayan. Luhang nagpapaalala sa akin sa mga nakaraan. Mabilis kong pinunasan ang mga mat ako at inayos ang sarili, hanggang sa nakita ko ang maliit na nakatuping papel sa gilid at maingat na binuksan ito.
.
.
Dear Self,
Sana balang araw maglakas look akong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Always remember Katherine that time is gold and life is too short.
Katherine Love
.
.
Napangiti ako sa isinulat ko noo sa sarili at napailing na din.
.
"Hindi naman nangyari at nahuli na ako," saad ko sa sarili habang pinagmamasdan ito.
.
Huminga ako ng malalim at sabay na tumingala sa ang ulap ng langit. Naupo kasi ako sa may bahaging bintana. Gumaan ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ang ulap.
.
Okay... I will visit you. Isip ko.
.
.
BITBIT ANG BULAKLAK sa kamay dahan-dahan akong naglakad papalapit sa puntod niya.
.
"Hi, Fred. Kumusta ka na?"
.
Maingat kong nilapag ang bulaklak sa ibabaw at sinindihan ang kandila. Nilingon ko muna ang buong paligid ng sementeryo. Nakikita ko sa unahan si Mang Jim ang driver namin. Nagpahatid sundo kasi ako sa kanya. Hindi pa kasi ako pwedeng mag drive dahil kailangan ko pang e-renew and licensya ko rito.
Binalik ko ang mga mata sa puntod niya at nilagay ang maliit na box na ginawa ko noon.
.
"Para sana sa'yo ito, kaso nahuli na ako pasensya na," panimula ko.
"Sana okay ka lang diyan at huwag kang mag-alala sa akin, dahil okay na ako rito," sa pilit na ngiti ko.
.
Ang totoo naghalo na emosyon sa loob ko ngayon. Panahon na din siguro na bitawan na ang lahat. Kasama sa box ang litrato namin dalawa at ang bracelet na bigay niya. Isinama ko na rin ang mensahi ko sa sarili at dinugtungan ko iyon para sa kanya.
.
Hindi ko maiwasang hindi maluha. Bumalik lang kasi ang lahat ng sakit na naramdaman ko sa puso. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa mga panahong iyon. Kung sana nasa tabi lang niya ako, ay siguro buhay pa siya at masaya na siguro kaming dalawa.
.
"Fred..." hikbi ko.
.
Tinakpan ko na ang mukha ng palad ko at mas umiyak na akong lalo. Napaupo na ako sa harap ng puntod niya. Ang akala ko ay magiging okay na ako, pero hindi pala... Hindi pa.
.
"Limang taon, limang taon, Fred..." Panay pahid sa luha ko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak. Para mailabas na ang lahat ng nakimkim na luha sa sarili.
.
Sa loob ng limang taon na nawala ako ay ito pa lang ang pangalawang pagkakataon na binisita ko siya. Masakit pa pala, masakit pa... ANg akala ko naghilom na, pero hindi pa. Matagal ko ng pinatawad ang sarili ko, matagal na...
.
Pagkatapos ng iilang minuto ay kumalma na ako at pilit na inayos ang sarili. Alam kong nakikita niya ako ngayon. At kahit sa panaginip ko ay nakangiti siyang kumakaway sa akin. Pinatuyo ko na ang luha ko at inayos ang sarili.
.
"Mag-ingat ka diyan Fred at bantayan mo ako palagi ha." Pinunasan ko na ang huling daloy ng luha sa pisngi ko.
"I love you, Fred and goodbye..."
.
.
Dear Self,
Sana balang araw maglakas loob ka na aminin sa kanya. Always remember that time is gold and life is too short.
Katherine Love
.
P.S
Para sana sa'yo 'to Fred pero huli na ako. This time ipapangako ko sa sarili na kung mahanap ko man ang lalaking magpapatibok ng puso ko gaya ng pagtibok nito sa'yo ay ipaglalaban ko siya at sasabihin ko ng buo. Please guide him to me Fred and I will embrace him with all my love.
Thank you for the good memories.
Katherine Love
.
.
C.M. LOUDE/Vbomshell