Happy . . Pabagsak akong humiga sa kama. Umiiyak ako at pinigilan ko lang ito sa loob ng sasakyan. I don't think I can see Debbie today. Ang pangit ng hitsura ko! Kaya nagpasya na ako na bukas na lang kami magkikita. Magpapahinga na lang ako sa sarili. . "Hello, Kath? Are you okay?" si Debbie sa kabilang linya. "Oo, bukas na lang tayo magkikita. Galing kasi akong sementeryo at hindi ko napigilan ang luha ko. Kaya heto maga," nguso ko sa sarili sabay punas ng tissue sa ilong ko. "Ano ka ba. Okay lang iyan. Ikaw kasi... Ang tagal mong nawala at hindi nagpakita. Ano, okay ka na ba?" . Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya at mas tumulo na ang luha ko. Nakakainis ang sakit pa din pala nito sa loob ko. . "Oo, umiyak ako kanina, pero okay na ako ngayon. Matibay 'ata 'to ano," pag