Damn him. Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako.
Sino ba siya? At bakit ako ang lumayas gayong akin ang lugar na iyon. Walang sino man ang nakakapunta duon maliban sa akin dahil pinag-babawalan ko ang mga nagtatangka na pumasok sa teretoryo ko. Maliban kina Brix at iba pa ay wala ng ibang pwedeng pumunta doon.
Galit at talagang nanggigigil ako na bumalik ng mapag isip ko ang ginawa ko. Nakalayo na ako eh, saka ko napagtanto na hindi dapat ako ang umalis duon. Saka nakalimutan ko mismo ang gamit ko sa itaas ng puno kung saan ako nagpapahinga.
Sa malapad na sanga ng malaking punong iyon ay nakakahiga ako ng maayos at nakakapagpahinga ng mabuti. Doon na ako nagpapali[as ng oras kapag ayaw kong maistorbo ng kaingayan ng mga barkada ko. At ngayon...... napagtanto ko ang malaking kahangalan ko at nagpato sa lalaking iyon.
Ako! Si Bryant Salvador nilayasan ang isang walang kwentang estudyante na wala yatang ibang gawin kundi ang puminta.
And take note, when I saw his drawing ay alam kong ako iyon. Ako mismo ang nasa canvas niya kahit hindi pa iyon totally tapos. Wala pa iyong kulay.. tanging tinta lang ng lapis iyon.
Baka iyon ang sinasabi ni Kristine sa akin nuong isang araw na nakilala niya ang sikat na painter sa AU. Siya ba iyon? Alam ko ang pangalan niya pero hindi ko kilala ang mukha. His name is Zyrel. Zyrel Dela Cruz na madalas kung nababasa sa school magazine sa tuwing may mga paligsahan para sa pagpipinta.
Kung siya nga iyon ay may panama ito. Gwapo din ito sa salitang iyon. Kaninang tinignan ko siya ay parang nangungusap lagi ang mga mata.
And damn him again. Ang isa sa dahilan kung bakit ako biglang umalis ay nadistrack ako sa mapupulang labi niya na parang nag aanyayang halikan.
At bakit kailangan kong makaramdam ng biglang pagnanasa na matikman ang mga iyon.
Tangna na ka Bryant tumigil ka. Sermon ko sa sarili ko habang bagtas ko ang daang pabalik sa teretoryo ko.
Namataan ko ang maayos na pagkakatayo ng stand ng canvas niya at nakapatong na mismo iyon doon. Pero hindi ko siya makita kaya naman lumapit ako.
Natutulog ba siya? Kaya lumapit ako lalo sa kanya para makasiguro at tama nga ang hinala ko. Himbing na himbing na nga siya sa pagkakatulog.
What a fearless little bastard?
Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na maupo sa tabi niya habang himbing na sa pagkakatulog saka ko siya pinagmasdan. Na unang napagtuunan ng pansin ko ang labi niyang kaninang nakapagpawala ng tama kong pag iisip.
Bahagyan iyong nakaawang na para bang nag aanyayang halikan.
Napalunok ako sa naisip ko. Hindi naman siguro siya magigising diba. Papatunayan ko lang ang nasa isip ko kanina. Dadamhin ko lang kong gaano kalambot ang mapupulang labi niya. Saka walang ibang makakaalam maliban sa akin na humalik ako sa isang lalaki. Wala naman ibang tao sa paligid maliban sa amin kaya mahahalikan ko siya ng walang pag aalinlangan.
Kumilos ang kamay ko to touch his lips at tama nga ako. Ang lambot nila kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko to taste it. Dampi lang. And damn it! His lips are really smooth like a cotton candy. Bahagya kong iginalaw ang labi ko para mas madama ang kalambutan ng labi niya. Dahil sa nadala ako sa kalambutan ng labi niya ay hindi ko na napigil ang sipsipin ang ibabang labi niya.
Gusto ko pa sanang ipasok ang dila ko sa loob ng bibig niya para mas matikman ko kung gaano katamis ang lasaan siya. Pero bigla akong natauhan sa pinaggagawa ko. Marahas at mabilis ang ginawa kong paglayo sa kanya.
magkakasunod na mura ang lumabas sa bibig ko dahil sa kapangasang ginawa ko.
Damn it again. Why do I kissed him. Nasaan ang moral ko to kiss a guy like me. Why do I feel like this?
Napamura na lang akong tumayo at lumayo sa kanya na tama namang gumalaw ito pero hindi naman nagising. Bumaling sa kabilang side paharap mismo sa akin.
He has a innocent face like a angel.
Naipilig ko ang ulo ko. Saka ko binalingan ang canvas niya at pinakialamang tignan iyon. Ang una kong hinanap ay ang larawang ako ang nakaguhit.
Pinagmasdan ko iyon at tama nga ako ng hinala. Ako talaga ang nasa painting niya na kuhang kuha ang anggulo ng pagtira ko sa bola ng tres. May nakalagay din na date sa may itaas. Kung ganun iginuhit niya ito nuong nakaraang linggo.
Ang pagkakaalam ko ay ang date na nakalagay dito ay ang araw na nag eensayo kami para sa liga. So napanuod niya akong naglalaro at ano ang dahilan niya at bakit ako ang ginawa niyang modelo.
Ewan! Hindi ko iyon masasagot kung hindi ko siya tatanungin. Pero saka na lang. malalaman ko din iyon kung pipilitin kong tanungin iyon sa kanya.
What a gifted hand he has. Sa loob loob ko ng muling pinasadahan ng tingin ang iginuhit niya.
Muli ko iyong ibinalik sa lagayan nito at muli ko siyang pinagmasdan. Napangiti na lang ako ng muli kong mapagmasdan ang labi niya.
Silly bastard fearless Baby Zyrel. Para itong bagong batang sanggol na walang kamuwang muwang sa pagkakapikit ng mga mata niya. Hinaplos ko siya sa pisngi ng muli ko siyang yukuin saka ko dinama muli ang labi niya gamit ang mga daliri ko.
May nabuhay na kung anong pakiramdam sa dibdib ko na hindi ko pa mapangalanan. I feel the eager that I want to taste it again. But not now. I can get my way to taste it again ang again.
Lumayo na ako para hindi ko na ulit siya mahalikan. Muli akong umakyat ng puno. Dito na muna ako habang natutulog siya. Hahayaan ko na muna siya sa ngayon total naman nalambutan ako sa labi niya.
Pinagmasdan ko siya mula sa taas ng puno habang natutulog. Sampong minuto, labing lima hanggang sa umabot na ng kalahating oras ng maalimpungatan na ito hanggang sa tuluyan ng magising. Naghikab pa ito bago bumangon habang kinukusot ang mga mata nito.
"Ah! That was nice sleep."narinig kong sabi niya saka hinarap ang canvas. "Now I can start paint again." sabay inat bago hinawakan ang drawing pen nito.
Kumilos ang mga kamay niya at bihasang gumagalaw sa ibabaw ng canvas. Hindi ko masyadong makita ang iginuguhit niya dahil light lang ang tinta ng gamit niya sa pagguhit.
He also huming while his hand is moving. Hanggang sa umabot siya ng kalahating oras sa harapan ng canvas niya ako naman ay hindi inalis ang tingin sa iginuguhit niya.
Kaya naman napangiti ako ng tuluyan ko iyong maaninag. Tuluyan kong mabistahan kong ano ang iginuhit ng mga kamay niya. What a beautiful?
Wala pa man iyong kulay ay nakikita ko ng maganda iyon.
Isang tree house.
"I'm done." naibulalas niya saka sinabayan ulit ng pag inat. Minasahe pa niya ang sariling kamay na nangalay siguro dahil sa hindi pagtigil sa pagguhit. "I bet, I can win the contest again."narinig ko pang sabi niya saka pinasadahan ng sariling palad ang iginuhit niya.
Hanggang sa pukawin ng isip niya ang pagtunog ng cellphone niya.
"Yes, mama. Napatawag kayo." narinig kong tanong niya sa kabilang linya.
Hindi ko man marinig ang sinabi ng kausap niya ay napansin kong natigagal ito at parang nanginig bigla ang kamay na nakahawak sa phone nito. At nabitawan ng isa niyang kamay ang drawing pen nito.
"No! Hindi totoo iyan mama. Uuwi ako ngayon din."tanging sabi niya saka mabilis na kumilos na inayos ang mga gamit. Ni hindi na niya maayos ng mabuti dahil sa pagmamadali.
Kaya naman tumalon akong muli sa puno mismo sa harapan niya. Nagulat man ito sa muling pagkakita sa akin ay hindi na siya iyong dating nanlalaban gaya kanina. May namumuo na ding mga luha sa mga mata niya. Ipinagpatuloy niya ang pagliligpit sa canvas niya na hindi na niya nagagawa ng tama.
"Is there something wrong happen?" hindi ko na mapigilang tanungin iyon sa kanya dahil nanginginig talaga ang kamay niya.
"I-im not in the mood to fight back. So please. Don't disturb me." sagot nito. "And I'm on hurry." pati boses niya ay nanginginig din.
"If you are in hurry, lalong matatagalan ka kung hindi mo magawa ng tama ang pag aayos ng mga gamit mo." sabi ko sa kanya at hindi na ako nakatiis na tulungan siya sa ginagawa dahil hindi na niya iyon nagagawa ng tama.
"Let me help you. You are shaking. I heard that you are going somewhere. I will give you a lift then." alok ko sa kanya at ako na mismo ang bumuhat ng canvas niya na hindi na nagreklamo pa.
"Nasa malapit lang ang sasakyan ko. Just tell me where are we going then I will drive you there."
Tumango ito at sumunod lang sa akin patungo sa pinagparadahan ko ng kotse ko.
"Get in." utos ko dito na agad naman siyang tumalima.
"At Saint Luke hospital." sabi niya habang nakatingin sa akin. "Tatanawin kong malaking utang na loob kung idederetso mo na duon ang sasakyan mo. Salamat in advance." kahit na deretso ang pagkakasabi niya ay nasa tuno ng boses niya ang panginginig. Parang nanghihina.
Tumango naman ako sa sinabi niya saka ko pinaarangkada ng paalis ang kotse ko patungo sa hospital.
Sino ang na hospital sa pamilya niya? Kaya ganun na lang ba ang panginginig ng katawan niya dahil sa matinding pag aalala.
Wala na itong imik habang nasa biyahe kami. Panaka naka akong tumitingin sa kanya kapag may pagkakataon ako. Nanginginig ang kamay niya na nakahawak sa seatbelt niya.
Hindi ko ugaling magsakay ng iba sa kotse ko maliban sa mga barkada ko dahil hindi ako komportable kapag may kasama ako sa loob ng sasakyan na hindi ko kakilala. At higit sa lahat ay hindi ako nakikialam sa buhay ng ibang tao. Pero hindi ko naramdaman iyon ngayon. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na tulungan siya.
Gusto ko man tanungin sa kanya kung sino ang nasa hospital ay pinigilan ko ang sarili ko. Hahayaan ko na lang muna at malalaman ko din mamaya kapag nanduon na kami.
******
Patakbong binagtas niya ang daan papasok sa hospital pagkababang pagkababa pa lang niya ng kotse ko ng maiparada ko ito.
Sumunod naman ako sa kanya kahit hindi na dapat kailangan.
"Mama, kumusta ang papa?" agad niyang tanong sa ina ng makapasok ito sa silid kung saan na na admit ang ama niya.
Umiling ito sa tanong niya saka masaganang tumulo ang mga luha sa mga mata.
"Sabi ng doctor hindi na magtatagal ang papa mo anak, oras na lang ang hinihintay niya dahil hindi na daw nag se - cerculate ang dugo niya sa mga ugat niya." pahikbing sagot nito sa kanya.
"No! The doctor must be kidding mama. Papa can't leave us now. They are just kidding."histerecal na sabi naman ni Zyrel dito dahilan para yakapin siya ng kanyang ina.
"I hope so anak, sana nga lang nagbibiro ang doctor niya. Pero dahil sa pag atake ng high blood ng papa mo ay naputulan siya ng ugat sa may leeg. Kaya hindi na nagreresponse ang katawan niya."
"Mama naman eh. Nagbibiro lang kayo. Hindi ito totoo. Hindi siya pwedeng mawala sa atin ngayon. May mga pangarap pa tayo. May mga pangarap pa ako sa inyo. At sisiguraduhin kong makakamtan ko ang pangarap kong iyon para sa inyo."
"Anak," pahikbing pang aalo ng kanyang ina sa kanya na humahagolgol na sa pag iyak.
Luhaan man ang ginang dahil sa nangyari sa asawa nito ay pilit na pinapakalma siya nito.
High blood is a traitor. At sa narinig ko imposeble ngang mabuhay pa ang papa niya dahil sa sinabi ng kanyang ina.
"Masakit man anak, pero kailangan nating tanggapin. Masakit para sa akin ang mawala ngayon ang papa niyo, pero wala tayong magagawa. Hindi na siya magigising sa pagkakapikit niya ngayon. Humihinga na lang siya dahil sa tubong nasa bibig niya. Pero kapag tinanggal na nila iyan. Baka ngayon din mismo ay mawawala na siya ng tuluyan."
Hindi na nagsalita si Zyrel at kumawala sa yakap ng ina. Nilapitan na ama saka nito hinawakan ang kamay ng amang walang malay.
"Ang daya mo papa." pahikbing kausap niya dito. "Hindi mo pa man din nakikitang sumisikat ang anak niyo bilang isang sikat na pintor ay iiwan mo na kami. Papa, masakit eh, ang daya daya mo." patuloy nito habang patuloy na umaagos ang luha nito sa mga pisngi.
Parang gusto ko iyong punasan gamit ng palad ko and hug him, caress his back to comfort him. Pero hindi ko naman magawa dahil hindi dapat.
Mahigpit na humawak siya sa mga kamay ng ama niya saka iyon dinala sa mga labi niya to give a kiss. Nagtagal siya ng ganong ayos ng tumunog ang beeper machine na nakakonekta sa kanyang ama.
Kaya naman sabay sabay kaming napatingin doon. Ako man ang unang kumilos para tawagin ang doctor ng marinig ko siyang sumigaw.
"No! Papa, no."ramdam ko ang paghihinagpis sa boses niya. "Papa."
Ang pagmamadali kong lumabas ay naging mabagal. Wala na rin lang naman kwenta na bilisan ko pa dahil hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang ama pero nagpatuloy parin ako para sabihan ang doctor na nakatalaga sa papa niya.
What a life? Kapag naman talagang oras mo ng mawala sa mundong ito ay oras mo na at hindi mo mapipigil pa. Hindi na madadaan sa maraming gamit o mga hightech na kagamitan ng hospital kong sadyang babawiin na Niya ang buhay na pinahiram niya.
"Time of death. 10:46 am." saad ng doctor na tumingin sa kanyang ama.
Nagyakapan pa ang mag iina. Na parehong luhaan na. Ako ay tumalikod na sa kanila at lumabas sa silid na iyon.
Wala na akong magagawa sa kanila kaya aalis na lang ako. Naihatid ko naman na siya kaya hindi ko na din obligasyon na mag stay sa hospital.
Nagpakawala ako ng malalim na hangin sa baga saka ko tuluyang nilisan ang lugar na ito.