Panimula
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved.
No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer/publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
P.S
I do not owned any of the pictures used in this story. All Credet go to the artist/ owners of the images.
This is a BOYSLOVE story. It is related to a men-to-men relationship. If you were not into these relationship nor even a certified homophobic, better leave the book.
There are some matured scenes in the book that is not suitable for minor ages below. Read at your own risk.
¤¤¤
¤¤¤
Zyrel POV:
Dala dala ko ang canvas ko kahit saan ako magpunta. Gusto kong pumunta sa tahimik na bahagi ng AU kung saan ako nag aaral.
Maganda kasing puminta, gumuhit kapag tahimik ang lugar. Iyong walang nang-iistorbo. At walang maingay sa paligid. Iyong nakakalanghap ka ng sariwang hangin at ang mga huni lang ng mga ibon ang naririnig na siyang nagbibihagay ng kaginhawaan sa utak.
At alam ko kung saang bahagi ng AU ko iyon mahahanap.
Sa likuran ng building ng BSBA. Maraming puno sa likuran duon at talaga namang tahimik. Mapapayapa ang sarili ko doon at mabilis akong makakapinta.
Kaya duon ako patungo ngayon dahil wala na akong klase. Ilalaan ko ang natitirang oras ko bago uwian sa pagpinta. Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa pagpipinta bago ako tuluyang umuwi sa bahay. May tatlong oras pa akong gugugulin kaya sigurado akong makakapagpinta pa ako ng pwede kong idagdag sa koleksyon ko.
Nadaanan ko ang Gym. May mga estudyante sa loob at nag iingay na nanunuod ng basketball. Natuon na din ang pansin ko sa mga naglalaro. Hindi maampat ang mga sigawan ng katulad kong estudyante na namayani sa loob dahil sa ganda ng laro. Kanya kanyang sigawan sa mga paborito nilang manlalaro. Halos araw araw ng nage-ensayo ang mga manlalaro dahil sa parating na liga ng basketball.
Pero iisa lang ang pinakamalakas at namayaning sigawan. Iisa lang ang halos pangalan na naririnig ko.
"Aaaaah! Go Bryant. And gwapo mo talaga." tilian ng mga kadalagahan na nanunuod. Kaya ako naman ay naengganyong tuluyang pumasok sa loob at nakipanuod.
Nakalimutan ko na ang una kung balak na magtungo sa likod ng BSBA.
"Ahhh!." muli nilang sigaw. "Ang galing mo Bryant. Ang galing galing mo."sigawan nila ng makashoot ng three points ang Bryant na sinasabi nila.
Tinipunan ko ito ng tingin. Hindi ko masyadong makita ang mukha nito pero kitang kita ko ang maganda nitong pangangatawan. Malapad ang mga balikat at may tangkad siguro itong anim na talampakan o higit pa.
What a height? And a good figure of body.
Ewan pero biglang kumilos ang mga kamay ko at inilapag ko ang canvas na hawak ko at inayos ko iyon. Ng maayos ko ay inilabas ko ang paintbrush ko at mga gamit sa pagpipinta.
Itinuon ko ang paningin ko sa Bryant na sinasabi nila habang mabilis na tumatakbo na nagpapatalbog ng bola.
Kusang kumilos ang mga kamay ko at nagsimula akong magpinta habang pasulyapsulyap ako dito. Hindi ko alintana ang ingay sa paligid. Para akong sinapian na gustong magpinta na lang bigla sa ganitong lugar. Mabilis at bihasang gumagalaw ang kamay ko sa paggalaw habang iginuguhit ko ang napagtuunan kong modelo.
And a couple of minute I was done. Namangha din ako mismo sa naiguhit ko. Hindi man nakaharap ang ipininta ko ay malalaman mong siya mismo ang naiguhit ko. Ang buhok, pustura. At lahat lahat dito ay kuhang kuha ko.
I draw him jumping and shooting for three points.
Napangiti ako sa sarili kong gawa. Wala parin talaga akong kupas.
"Hey! Are you Zyrel?"napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.
"Yeah! Bakit?" tanong ko ng maitiklop ko na ang canvas ko at buling binuhat para makaalis na ako at muling tumuloy sa pupuntahan ko.
"I'm your big fan. Ang ganda ng mga pininta mo."sabi nito saka lumapit sa akin. "Im Kristine. Mahilig ako sa mga painting pero hindi naman ako marunong puminta. At ako ang no.1 Buyer mo sa mga painting na ginagawa mo."nakangiting sabi nito.
Sa postura nito ay mukhang mayaman ito kaya hindi na dapat ako magtaka.
Well kung ganun dapat ko itong pasalamatan. Dahil kung isa siya sa mga bumili ng mga gawa ko ay siya ang isa sa mga tumutulong sa pag aaral ko.
Oo, I'm not rich like other. Pero hindi naman ako iyong tipong naghihirap talaga kaya ako nagbibinta ng mga ipinipinta ko. Kundi dahil gusto ko lang makatulong sa mga magulang ko.
"Salamat naman kong ganun."sabi ko na lang dito saka sinuklian ng ngiti ito.
Mukha namang mabait at hindi gaya ng ibang babaeng lumalapit sa akin na pakikipagflirt lang ang ginagawa sa tuwing nakikita ako.
Hindi naman ako nagmamayabang pero may maibubuga rin ang mukhang mayroon ako.
"Walang problema iyon. Ako nga itong magpapasalamat dahil halos ng mga gawa mo ay ang mga paborito ko. At nakita kita kanina na gumuguhit kaya ako lumapit talaga sayo. Can I see it?" may pakiusap na sabi nito.
Niyuko ko ang canvas na hawak ko. Wala pa akong pinapakitaan ng aktwal na gawa ko kapag hindi pa siya totally finish.
"Please."
"Huh! Pero hindi ko pa tapos iyon. Basic lang lang ang ginawa ko at wala pang kakulay kulay." pagtanggi ko dito. Humigpit pa ang pagkakahawak mismo sa canvas ko.
"Please. Iyon nga ang gusto kong makita. Kung paano mo sinimulan. Please."tudo ang pakiusap nito at pinagsalikop pa talaga ang mga palad at nagsusumamong tumingin sa akin.
Napailing ako sabay bunting hininga. Sige na nga at pagbibigyan ko na lang siya para matapos na at makaalis na din ako.
"Sige." pag payag ko na lang dahil nakikita ko sa mga mata nito na hindi titigil kung hindi matitignan ang naipinta ko.
Tumingin pa ako sa naipinta ko saka kobinuklat ang canvas at ipinakita dito.
Nanlaki ang mga mata niya habang malawak ang pagkakangiti na nakatingin sa ginuhit ko kanina lang.
"This is awesome, is this Bryant. This is beautiful. Hindi man siya nakaharap mismo pero sigurado akong si Bryant ito." sabi pa niya. Nakangiting pinagmamasdan ang naiguhit ko.
"Thanks. Hindi ko na inilagay ang name na nasa damit niya para hindi masasabing siya iyan pero napansin mo rin pala na siya mismo ang nasa larawan."
"Oo naman! Siya talaga ito. At hindi ako pwedeng magkamali. Ibibinta mo ba ito kung natapos mo na? Pwedeng ako na lang ang bumili."
"No! Hindi ako sigurado kung tatapusin ko siya o hindi. Saka wala akong balak ibinta ito kung sakali." nakangiting tanggi ko dito.
"Sayang naman. Sige dibali na lang. Pero simula ngayon kaibigan mo na ako ah. Kung may maiguguhit ka. Pwedeng ako ang unang makakakita."
"Sige. Sure enough." tanging sagot ko na lang. Nagpaalam na ako ng maayos dito para makaalis na ako. Gusto kong magkaroon ng ibang ideya para sa susunod na iguguhit ko. Kailang kasi iyon sa project ko para sa isa kung subject.
"Sige. Nice to meet you. Bye." paalam din nito. Nakipagpalitan pa ito ng phone number sa akin kaya hindi na ako tumanggi pa.
Hinayaan ko na lang siya. Hanggang sa tuluyan ko na muling binagtas ang daan sa una kung distinasyon na kanina ay naantala.