"Your so annoying, bakit narito ka sa teretoryo ko." galit na tinig na nakapagpalingon sa akin pero wala naman akong makitang tao sa paligid.
Parang gusto ko na lang mapatalon sa pagkagulat ng may bigla na lang tumalon sa harapan ko galing mula sa ituktok ng mataas na puno.
"This is my territory and I won't allow other to come here." nagtatagis ang baga pa niya na sabi iyon sa akin. Kunot ang nuo na tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Kunot nuo ko din siyang tinignan kaya naman lalong nangunot ang nuo ko ng mapagsino ito.
"What are you looking at?" pasinghal pa nito sa akin kaya naman naipilig ko ang ulo ko at agad na binawi ang tingin ko sa kanya. Ito pa ang may ganang magtanong kung bakit ko siya tinitigan gayong ito mismo ang may pagpapababang tingin.
Pero...
Gwapo nga, wala namang kwenta ang ugali. Tama nga ang sabi ng iba na batas talaga ang mga salita nito. Katulad ng iba niyang kaibigan. Si Kritine na minsan ng sumasabay sa akin dahil gusto daw makita ang mga gawa ko sa pagguguhit ay isa sa mga kaibigan niya. At ngayon ko lang siya nalapitan ng ganito kalapit.
Mas gwapo pala ito sa malapitan pero syempre hindi naman ako papahuli sa kagwapuhan.
"May sinasabi ka. Baka gusto mong makatikim ng sakit ng katawan."
Ano ang nakita ng mga kababaihan dito na halos lumuwa ang mga mata sa kakapantasya sa kanya kung ganito naman ang ugali. Napakaiksi ng pasyensya. Akala mo naman hari siya na dapat ay walang mang iistorbo sa pananahimik niya.
"Wala akong sinasabi. Bakit narinig mo ba akong nagsalita. Nakita mo ba na gumalaw ang labi ko. Hindi naman diba." asar na sagot ko dito. Akala mo naman kung sino siya makaasta.
Alam ko, isa sa magulang niya ang founder sa AU kaya malakas ang loob nito na mang bully ng walang kalaban laban na estudyanteng gaya ko. Pero hindi ko hahayaang na mabully ako ng isang ito. May karapatan akong sabihin ang nasa loob ko. At nagbabayad ako ng tama para sa tuwesyon ko para makapag aral dito kaya hindi ako matatakot dahil bawat estudyante ay may karapatan.
"Abat, matapang ka ah. Baka hindi mo kilala ang kinakausap mo ng pabalang." parang lalong nag umigting ang galit nito dahil sa pag sagot ko sa kanya.
"Hindi naman ako sasagot ng pabalang kung hindi mo sinimulan. Ikaw nga itong naunang sumigaw. At saka, wala akong pakialam kong sino ka man. At walang nakalagay na teretoryo mo ang lugar na ito." muling sagot ko dito.
"Baka gusto mong mapatalsik sa eskwelahang ito. Kaya kung ayaw mong mangyari iyon ay umayos ka." sabay tulak sa akin sa may balikat kaya naman ang canvas na hawak ko ay nahulog sa lupa.
Pupulutin ko na sana iyon ng mabilis na napulot niya iyon.
"No, huwag mong punitin..." nag aalala ako ng akma niya kiyong pupunitin ng bigla din itong natigilan sa balak pagsira ng canvas ko.
And he is staring at something sa canvas ko. Kaya naman agad ko iyong kinuha ng makita ko ang larawang pinagmamasdan niya.
"Your not allowed to look at my canvas." sabay lagay sa may likod ko para itago na para bang nanakawin niya iyon mula sa akin.
Kunot parin ang nuo niya na hindi na pinansin ang sinabi ko.
"Just get out of here." muli niyang pagtataboy sa akin pero hindi ko siya pinakinggan bagkus nagtungo ako mismo sa ilalim ng punong tinalunan niya kanina.
Dito din talaga ang spot kapag gusto kong gumuhit. Mayabong ang mga dahon kaya kahit tirik na tirik ang araw ay hindi ka masisinagan nito at talaga naman na sariwa ang hangin at talaga namang makakarelax ka talaga.
"Hey! Hindi ka ba nakakaintindi."galit na lumapit ito sa akin pero gaya kanina hindi ko siya pinansin. Inilapag ko ang stand ng canvas ko saka ko inayos ang pagkakalagay ng canvas ko doon para makapagguhit na.
Kailangan kong gumuhit ng paisasali ko art competition sa school about nature. Malaki laki kasi din ang premyo kaya naman kailangan kong manalo. Malaking bagay na iyon para sa akin sakali man na ako ang palaring manalo.
"Abat talagang hindi mo ako pinakikinggan. Lakas din ng loob mong baliwalain ako." galit na tunong sabi nito saka lumapit sa akin at walang babalang sinipa ang woodin stand ko kaya naman natumba iyon.
Galit na binalingan ko ito.
"Ano ba? Palagi ako dito at hindi kita nasasalaw sa lugar na iyo. Ngayon lang. Kaya huwag mo akong pagbawalan. Saka kantiin mo na lahat lahat, huwag mo lang idamay ang mga gamit ko sa pagpipinta dahil hindi ako mangingiming labanan ka." galit na sabi ko dito saka ko pinatayong muli ang painting stand ko at muli iyong inayos.
Ayaw na ayaw ko pa naman na naabala talaga ako sa pagpipinta at higit sa lahat ay ang pakialaman ang mga gamit ko.
Dahil sila ang buhay ko. Kakambal na sila ng paghinga ko. Maliban sa mga magulang ko. Kung gaano sila kahalaga sa akin ay ganun din kahalaga ang gamit ko sa pagpipinta. Ang pagpipinta na ang isa sa nagbibigay sa akin ng lakas para makapagtapos ng aking pag aaral.
Saglit naman na natigilan ito dahil sa nakitang galit ko. Pero agad ding nakabawi at muling sinipa ang canvas ko.
Kaya ako naman ay hindi na nakapagpigil. Kahit matangkad ito sa akin ng limang pulgada ay kinuwelyuhan ko ito.
"I told you, huwag na huwag mong idadamay ang mga gamit ko sa pagpipinta. Kung gusto mo ng totoong laban, ibibigay ko sayo." galit na galit na sabi ko dito at talagang nagkikimpian pa talaga ang ngipin ko.
Ngumisi ito saka inilapit ang mukha sa akin. Saka din ako kinuwelyuhan.
"Bakit, makakaya mo ba akong suntukin huh! Baka kapag ginawa mo iyon ay hindi ka makatama sa akin kahit isa. At baka tulog ka na bago pa man dumapo ang kamao mo sa akin."
Hindi ako nakapagsalita. Lakas din naman ng loob ko. Pero kung ipapakita ko dito na wala talaga akong alam sa pakikipaglaban ay baka lalo niya akong i bully kaya mas pinatatag ko ang loob ko.
"Bakit hindi natin subukan para magkaalaman." pero halos wala ng pagitan ang mukha namin. Isang pulgada na lang siguro kaya naman amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga na dumadampi sa mukha ko dahil sa pagkakayuko niya sa akin.
Ito man din ngayon ang natigilan. Pero hindi sa mga mata ko siya nakatingin. Ano ba ang tinitignan niya?
"What are you looking at?" tanong ko gaya ng katanungan niya kanina sa akin.
Napansin kong napalunok ito bago nag iwas ng tingin saka ako binitawanan at lumayo aa akin.
"Annoying." narinig kong sabi niya. "I will spare you for today. Pero ito na ang huli. Huwag ka ng magtuloy dito kapag alam mong narito ako. This place is exclusively mine at walang sino man ang makakapunta dito maliban sa akin." sabi pa niya saka na niya ako iniwan.
Ng mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko ay saka ko inipon ang hangin sa baga ko at mabilis iyong pinakawalan.
Damn! Kung nagpakita ako ng takot dito ay malamang ay nagsasaya na itong i bully ako. Sa totoo ay nanginig ang mga tuhod ko na pilit ko lang binalewala.
Pero kung talaga namang gugustuhin niyang suntukin ako kanina ay magagawa niya. Pero hindi niiya ginawa.
Naiiling na lang ako at muling inayos ang canvas ko para masimulan na ang plano kong iguhit. Kailangan ko talagang manalo dito saka karagdagan na din sa grade ko sa art.
Pero lumipas na ang ilang minuto at hindi parin gumagalaw ang kamay ko to paint something na dati namang kumikilos kapag gusto kong magpinta at ang utak ko ay nablanko talaga.
Damn!
Damn him! Kung hindi niya ako sinita ay hindi mablablanko ng ganito ang utak ko at ma fri- freeze ang kamay ko na parang ayaw gumalaw talaga. Tinakot kasi niya ako kay naman walang gana ang kamay ko para gumuhit.
Nagpakawala muli ako ng malalim na hininga na sinabayan na ng pag inat.
Tumingala ako sa mayabong na puno. Napakaganda iyong pagmasdan. Ang bawat paggalaw ng mga dahon na sumasabay sa sayaw ng hangin. At may mga ibong nagliliparan at dumadapo sa mga sanga nito.
What a beautifull view? It was relaxing seeing those lovely bird flying, playing and huming.
Total naman mayabong din ang mga damuhan ay nagpasya akong mahiga duon.
Kinuha ko ang plastic na lagi kong dala in case na umulan ay maisisilid ko duon ang mga gamit ko kapag nasa labas ako.
Iyon ang inilapag ko sa damuhan. Ng maayos ko na iyon sa pagkakalatag ay kampante akong nahiga duon.
"Mmmm!" Naipikit ko ang mga mata ko. Nakakarelax ang sariwang hanging nalalanghap ko. Para akong nililipad sa alapaap dahil sa katahimikan ng lugar na ito sa AU.
Kaya siguro dito naglalagi ang bweset na lalaking iyon dahil sa tahimik dito. At tama ito. Sa tagal tagal ko na nagpupunta dito ay wala akong ni isa man na nasalaw na ibang estudyante na nagpupunta sa lugar na ito. Siya lang ang kauna unahan.
Marahil pinipigilan niya mismo at pinapalayas kung may magtangka mang pumunta dito. But he can't stop me to get here if I want to. This is the only place na tahimik at may pinakamagandang view sa likod ng AU.
Now I'm a little bit sleepy dahil sa pagkakapikit ko hanggang sa tuluyan ng hilain ng antok ang kamalayan ko.