CHAPTER 5

1232 Words
RUSSELL "Narito na pala si Russell, Hijo. Lakad na kayo," naulingan kong sabi ni Tito Theodore, sa kaniya nang pababa ako sa huling baitang ng hagdan. Pagkatapos ng almusal kaagad ako sinabihan ni Tito, na mag-ayos at sasamahan nga ako ni Tristan mag-inquire sa gusto kong pasukan na school. I have already chosen a course, sinabi ko kay Mama kagabi iyon pala kaagad niya ipinaalam kay Tito Theodore. Nagdadalawang isip sana ako na roon mag-enroll dahil ito ang private school na pinakamalaki at sikat sa buong San Antonio, I'm sure sobrang mahal ng bayad ngunit hindi nagpatalo si Tito, igiinit niya maganda kung doon nga raw ako mag-enrol kaya napasubo ako. Kung tutuusin kaya kong magbayad ng tuition fee 'yon nga lang kailangan ng tulong sa dalaga kong Tita na nasa Dubai, noon pa lang nag-umpisa ako sa grade 7 nagbibigay na si Tita every month para sa allowance ko dahil nag-start din naging sakitin si Papa noon. May naipon ako kahit kakaunti sapat lang pang Isang taon na tuition fee, kung sakaling maubos p'wede naman ako kumuha ng scholarship at nagtapos ako ng with high honors at ako ang rank 1 sa buong batch ng mga nag-graduate sa Libertad Science high school. Mapilit lang si Tito Theodore dahil nga parang anak na ang turing daw sa akin kaya hindi ako makatanggi lalo pa mabuti ang pakikitungo sa 'min ni Mama. Ang anak lang talaga ni Tito ang saksakan ng sama ng ugali, pero kailangan kong habaan ng pisi upang hindi maubos ang malapit ng maubos na pasensya. Nag-iwas ako ng tingin kay Tristan ng seryoso siya nakatingin sa gawi ko nagkunwari akong hindi apektado sa presensya niya kahit ang totoo nangangatog ang tuhod ko sa klase ng kaniya tingin sa akin. Kay mama at Tito Theodore ako pumunta nakaupo pareho sila ni mama sa mahabang sofa nakabukas ang malaking television sa wall at business channel ang palabas siguro si Tito ang nanonood. "Mama, Tito, aalis na po k-kami," nauutal kong paalam kahit napakadali lang naman. "Mag-ingat kayo mga anak ha?" bilin ni mama ngumiti pa kay Tristan. Nagkibit ako ng balikat dahil hindi naman ito nagsungit kay mama, ngunit wala rin tugon kun'di Isang simpleng tango. Nakasunod ako sa kaniya sa likuran nang nasa pinto na siya sandaling lumingon sa akin at huminto nakabusangot ang mukha niya at napapakamot sa kilay. Nagtaka ako sa reaction niyang 'yon wala naman akong natatandaan na kasalanan. "Are there no other clothing in your closet?" salubong ang kilay na tanong niya sa akin. Nagtaka naman ako dahil wala ako nakikita na mali sa suot ko ngayon. "Bakit?" tanong ko. "Nagkamali ka 'ata ng isinuot masyado maliit ang damit mo," "Huh?" nagtataka kong sagot. Inantay ko siyang singhalan ako ngunit hindi nangyare, ngunit nakita ko ang paghimas niya sa batok akala mo malaking problema ang kinahaharap. Muli siyang lumakad at nakasunod ako habang naglalakad hindi ko maiwasan isipin ang sinabi niya. Naisip ko, anong maliit? Kabibili ko lang kaya nito sa Baclaran, noon mag simba kami ni Mama, bago umalis patungo rito. Pastel Beige Off shoulder Smocked Romper Jumpsuit siguro kaya niya sinabi maliit sa akin dahil kalahati sa hita ko ang haba. 'wag niyang sabihin hindi niya alam ang usong damit ngayon. Natulala ako pagdating sa kotse niya dahil pinagbuksan pa ako ng pinto. Tumikhim ako upang magkalakas ng loob na magtanong sa kaniya. "Uhm, hindi ka naman siguro nasapian–" "What!? Magtanong pa, sumakay ka na nga lang," may halong iritasyon na sagot niya sa akin. "Malay ko, kung namaligno ka lalo pa narito tayo sa province. I wondered kasi bumait ka sa akin," saad ko pa sa kaniya. "Kapag hindi ka manahimik sa daming sat-sat iiwan kita," he even threatened me. "Eh, why are you mad? Hindi naman masama magtaka dahil alam ko kamag-anak mo si Hitler," sagot ko sa kaniya. Napailing siya at pagkatapos pinaningkitan ako ng mata naglaban kami ng tingin ngunit sabay naman din kami humiwalay sa isa't-isa. Wala siya sinabi inginuso lang ang pinto ng kotse niya. Hindi naman ako nagpaligoy-ligoy tahimik akong sumakay baka biglang sapian ito ni Lucifer mahirap na. Minsan lang maging mabait sa akin i-grab ko na. Tahimik lang ako sa habang binabagtas namin ang patungo sa school ng San Antonio. Wala rin naman siya salita kaya hindi ako nag-abalang kausapin pa. Pahuni-huni ako ng kanta sa sobrang tagal ng bihaye. Tumikhim ito kaya tumahimik ako. Mahirap na mabulywan at seryoso man din. "You have a lovely voice," Lumingon ako sa kaniya. Kumunot naman ang noo nito sa ginawa kong 'yon. "Salamat," Wala siyang sagot sa akin deretso lang ang kaniyang tingin sa pagmamaneho. 'Aha! Gusto mong pansinin ka ni Kuya Tristan, Russell?' tukso ko sa aking sarili. 'Of course not,' laban ko. Hindi na ulit nasundan ang pagtanong niya sa akin ako rin walang maisip na puwede itanong. Hanggang makarating kami ng San Antonio College school campus hindi ulit kami nagtanong sa bawat isa. Sabay kami ni Tristan lumabas ng kotse niya. "Girl look, diba si Tristan Xavier 'yan?" narinig kong sabi ng isang babae na nag-umpukan sa bench sa labas ng school. "Omg...siya nga girl gosh mas lalong naging yummy," tilian ng mga babae. Hindi ko maiwasan ang pag-irap sa tahasang paghanga ng mga babae kay Tristan. Pero ang kasama kong si Tristan ay walang pakialam O, baka naman sadyang mataas lang ang tingin sa sarili dahil sa daming humahangang babae. Sumimangot ako pagdaan sa mga girls halos magtilian akala mo isang sikat na artista ang binata. "Ang bagal mo!" lingon sa akin ng huminto saglit upang pagmasdan ang buong campus. Totoo nga ang sabi ni mama, hindi nagpapahuli ang San Antonio sa bilis ng pagunlad. Nakikipagsabayan sa ibang mauunlad na bayan. "Namangha lang ako sa paligid," katwiran ko. Papasok na sana kami sa entrance ng campus ng may makasalubong si Tristan, na kakilala. "Ikaw nga!" tuwang-tuwa lumapit sa kanila ang Isa pang guwapo. Nakipag fist bump kay Tristan at sinilip ako sa likuran. "Oii, dude ipakilala mo naman ako sa magandang binibini na kasama mo," Hindi sumagot si Tristan kun'di may binanggit lang na pangalan. "Kumusta kayo ni Lou?" Pabirong sinuntok si Tristan ng kararating na binata sa balikat at nilampasan upang lumapit sa akin. "Hi, Ulysses," pakilala niya pagkatapos inilahad sa 'kin ang kamay. "Russell," ganting pakilala ko. "Woah, what a unique name. 'Russell' ulit pa niya sa akin pagbitaw sa pakikipagkamay ko. Tumikhim si Tristan kaya dalawa kami napatingin sa binata. "Ano d'yan ka na lang ba? E, kung gano'n uwi na tayo at wala ka naman na balak pumasok sa loob para mag-inquire." Malamig ang boses na sabi sa akin. Nagtinginan kaming dalawa ni Ulysses. "Papasok na ako sa loob," paalam ko at lumakad sa tabi ni Tristan. "Wait, sabay na ako sa inyo," wika ni Ulysses. Si Tristan naman seryoso lang nag-antay sa akin. 'Mukhang not good ang Kuya Tristan ko, mm..." ani ko pa sa isip. Nasa tabi na ako ni Tristan pero ayaw naman kumilos. Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Uhm, pasok na tayo..." wika ko. Sandali niya ako pinagmasdan ngunit walang reaction na makikita. Nang maya -maya rin kumilos at nagpatinuna lumakad sa takot ko na ma-badtrip ulit sa akin humabol ako ng mabilis na lakad at pumantay rito. Nilingon pa ako ngunit mabilis lang at deretso lang siya nakatingin ako naman paglingon-lingon sa paligid upang makabisado ko sa susunod na punta ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD