CHAPTER 4

1544 Words
Russell "Tristan Xavier!" muli kong narinig na tawag dito ni Tito Theodore. Halos mabingi ako sa pagtawag na iyon ni Tito Theodore kay Tristan ngunit hindi man lamang ito lumingon sa Ama. Ibinaba ko ang dalawa kong kamay sa ilalim ng mesa. Ikinuyom ko iyon dahil gigil ako sa binata naknakan ng antipatiko at walang galang sa Papa nito. Sinaway pa ni Mama si Tito dahil namumula na sa mukha dahil sa biglang pagtalikod ng anak nito. "Hayaan mo muna ang bata baka nabigla lang sa muli mong pagpapakasal," malambing pa na wika ni Mama kay Tito Theodore. Malakas naman na napabuntong hinga si Tito Theodore, nakaramdaman ako ng kurot sa dibdib nang makita ko sa mata nito ang paglambong ng tingin sa nakatalikod ng si Tristan. Of course, Russell, kahit sino naman magulang kung babastusin ng gano'n ng anak tiyak na malulungkot. I heard Tito Theodore's sigh again pagkatapos ay ngumiti kay Mama, na tila bang nanghihingi ng pang-unawa sa nangyare. "Pasensya na kayong dalawa ha? Hayaan n'yo soon matatangap din ni Tristan–" "Ano ka ba Theodore, walang kaso sa amin ng anak ko. Nauunawaan ko si Tristan," tumingin pa si mama sa akin. "Right anak, hindi mo papatulan kung magsungit si Kuya Tristan sa'yo?" "O-opo," naisagot ko na lamang kay Mama. 'S-ht' nawala ako sa huwisyo sa huling sinabi ni Mama. Lihim pa akong napangiwi kung bakit biglaan ang pagtutol sa isip ko. 'Bakit ayaw mo bang maging Kuya si Tristan Russell kaya tila may alanganin ka?' 'Of course not, Kuya ko talaga 'yon at matanda naman talaga sa akin,' Napaangat ako ng tingin sa mukha ni Tito Theodore ng maulingan kong may sinasabi sa akin tumikhim pa ako upang maalis ang paglalakbay ng aking isipan. Nagtanong ulit ako kau Tito Theodore, kung ano ang sinabi niya, kahit nahihiya ako sa iisipin nito sa akin. "T-tito a-ano po ulit iyon?" wika ko pa na mahina n'yang ikinatawa. "Sabi ko hija, next week asikasuhin mo na ang pag-inquire sa mga malaking school dito," saad ni Tito sa akin. Alanganin pa ako sumagot dahil maaga pa naman at Isa pa hindi ko kabisado ang San Antonio. "Don't worry hija, Tristan will accompany you," Nanlaki ang mata ko. Sigurado ba si Tito Theodore dito? Baka lalong magalit ang anak niya kung hanggang sa pag-aaral ko ay abalahin ko pa iyon. "T-tito, ako na lang siguro. Magtatanong-tanong na lang po ako sa daan," ani ko sa Tito Theodore. "Hija, wala na silang pasok ngayon. I will tell my son to accompany you," "Eh...Tito baka po makaabala pa po ako kay Tristan, ayos lang po ako–" "I understand, hija, bago lang kayo rito kaya pasasamahan kita," giit pa nitong saad sa akin. Hindi naman ako mananalo, kahit anong tanggi ko kay Tito Theodore kaya tumahimik ako. Bahala na sa Isang linggo pa naman, doon ko na lang iisipin. -------- "Hello po Nanay Dorothy," bungad ko rito na abalang nagluluto sa harap ng kalan. Saglit naman lumingon sa akin at muling ibinalik ang atensyon sa hinahalo nito. "Ikaw pala hija. Nagugutom ka na? Gusto mong mag meryenda?" tanong nito sa akin habang naro'n ang tingin sa niluluto. Hindi muna ako sumagot at lumapit ako kay Nanay Dorothy, upang silipin kung anong niluluto nito. Nang nasa tabi na ako nito nakita kong sinigang na baboy ang nakasalang pero pinagtakhan ko kung bakit napakalaki ng kalderong pinagsasalangan. Kung iisipin ay limang kasambahay lang ang nakikita ko sa mansyon, pang-anim si Nanay Dorothy na mayordoma at pang pito ang asawa nito na hardinero na si Mang Ponso. Ayun kay Mama, dalaga pa ito ay kawaksi na si Nanay Dorothy sa bahay ng mga Del Rosario. At ang asawa naman nito na si Tatay Ponso ay hardinero na noon pa, pero iba pa ang mayordoma noon Tiyahin daw ni Nanay Dorothy ngunit sumakabilang buhay na kaya bago lang napag-alaman ni Mama na ito ang pumalit. E, almost 21 years na ang nakakaraan at sabi ni Mama ay Thirty-five pa ang edad noon ni Nanay Dorothy. "Nanay Dorothy, bakit po napakarami naman niyan?" usisa ko pang nakanguso sa kalderong nakasalang sa kalan. Napanguso ako at tinawanan lang ako nito pero sumagot din naman. "Naku hija. Masanay ka na at kapag tanghalian ay marami ako niluluto," natutuwa nitong sagot sa akin. "Pero iilan lang po tayo rito sa bahay at tingin ko sa luto n'yo ay pang Isang baranggay," Tumawa ito sa reaction ko. "Naku hija, kulang pa nga ito sa mga tauhan ng Hacienda, pagkatapos nito isa ulit na kaldero ang isasalang ko," Namangha ako sa nalaman. "Talaga po?Kayo po ang nagluluto ng tanghalian para sa mga tauhan?" humahanga ko pang sabi. "Oo hija. Libre sila ng tanghalian. Nakikta mo 'yang dalawang kalderong malaki? Kanin ang laman n'yan para sa mga trabahador ng Hacienda," Napa 'wow' pa ako sa sinabing 'yon ni Nanay Dorothy. Napalingon ako ng pumasok ang apat na kasambahay nahihiya pa noong una kaya ako ang unang bumati at ngumiti sa mga ito. Ipinakilala Isa-isa sa akin ni Nanay Dorothy at ang isa na tingin ko na kasing edad na kumatok kahapon sa kwarto ko ay Maymay pala ang pangalan. "Ibabalot nila 'yan lahat at ilalagay sa styrofoam nang sa gano'n iaabot na lamang sa kanila pagdating doon," kwento ni Nanay Dorothy sa akin. Napatango ako pero hindi ko maiwasan ang mapaisip, hindi kaya bitin ang mga tao kung gano'n lang ang kanin? Tila nabasa ni Nanay Dorothy ang iniisip ko. "May extra rice naman sila hija," kaya sabay kaming lahat nagtawanan. Nagpaalam ako kay Nanay Dorothy na tumulong. Pumayag naman agad ito kaya tuwang-tuwa akong lumapit sa mesa kung saan inilipat nila Maymay ang kaldero. Hindi ito ang dining table separate na mesa gamit siguro kung magluluto. "Nanay Dorothy, bakit kaya hindi na lang budget ang ibigay sa bawat trabahador at least po less pagod sa inyo, makakapili pa po sila ng gusto nilang ulam," sabi ko ng mag-umpisa na kaming magbalot. "Diba Nanay Dorothy mas mainam iyon?" tanong ko pa ulit, pero lahat ay tahimik at walang sumagot ni Isa sa akin kaya inisip ko na hindi nila nagustuhan ang sinabi ko. "Ahehe. Joke lang po Nanay Dorothy–" ani ko pa ulit dahil nasa isip ko baka lumabis ako sa katabilan ng dila. Ngunit kaya pala mga hindi nagsalita ang mga kasama ko sa kusina dahil may dumating na kamag-anak ni Lucifer. Mariin akong napapikit ng aking mata dahil kita ko ang galit sa mukha ni Tristan. Yes si Tristan Xavier ang pinsan ni Lucifer at papasang kamag-anak ni Hitler sa sobrang sungit. "So, hanggang sa patakaran ng Hacienda, sakop mo na rin ngayon?!" tiim bagang nitong sabi sa akin. Ang mga kawaksi ay nakayuko at tahimik lang nakatuon ang pansin sa ginagawa habang ako ay hindi alam kung saan magtatago. 'Patay kang bata ka Russell, mukhang delubyo ang mukha ni Kuya Tristan mo,' panunudyo ko pa sa aking sarili. Ngunit ayos na sana, tanggap ko na ang una nitong binanggit pero itong pangalawa gusto kong basagin ang kaligayahan nito sa sobrang sama ng tabas ng dila. Kumuyom ang kamao ko. Tinapatan ko ang masamang tingin sa akin at kung nakakasugat lang ang titig ko dito tiyak kanina pa ito nasaktan. "Ambisyosa pakialamera. Wait mayroon pa, gold digger–" "Hindi totoo 'yan!" laban ko at tumaas pa ang boses ko upang ipakita na mali ang bintang nito. Pero mukhang nagkamali ako ng pagsagot dahil tila nagbaga ang mata nito at umigting pa lalo ang panga na tinitigan ako. "Tsk! Matapang huh?" ani sa akin pagkuwan ay humakbang ito palapit sa kinatatayuan ko kaya napaatras ako. Isang atras ko nakadikit na agad ang likuran ko sa mesa. Ngumisi ito at sinadyang inisang hakbang ang pagitan namin at tumayo sa harapan ko na kay lapit-lapit na kahit ang hangin ay mahihirapang dumaan sa pagitan naming dalawa. Nasa harapan ko na ito mayabang na nakatayo. Ngunit ipinagkanulo ako ng sutil kong isip at imbis na iwasan ko ito at umalis sa harapan nito ano't bakit tumingala ako rito. Napalunok pa ako dahil sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Napatuon ang mata ko sa adams apple nito na tila galit sa paggalaw nito kaya inalis ko ang tingin doon dahil humihina ang depensa ko, subalit isang pagkakamali ng lumipat ang tingin ko sa mata nito dahil hindi ko matagalan ang tila nanunuot nitong titig sa akin tila ba akong hinihigop upang sumukong lumaban at magbaba na lamang ng tingin. Nanlaki ang mata ko ng tila palapit ang mukha nito sa akin at hindi sinasadyang humawak sa dibdib nito upang itulak ngunit agad ko rin inalis dahil tila akong napaso. "Oii K-kuya T-tristan...anong gagawin mo?" taranta kong sabi nang unti-unting lumalapit ang mukha nito sa akin. Napahawak ang magkabila kong kamay sa gilid ng mesa tila ba doon ako kumuha ng lakas dahil sa pagliyad upang iiwas ang mukha rito, ngunit nanadya ito na bumulong sa tainga ko. "Sa susunod kung gusto mong pumapel sa bahay na ito alamin mo kung sino lang ba kayo, hmm..." paos nitong sabi. Uminit ang magkabila kong pisngi, maging ang balahibo ko sa batok pababa sa katawan ko dahil sa pagdampi ng mainit nitong hininga. Napadiin ang hawak ko sa mesa ng tulala akong iniwan nito na malokong nakangisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD