CHAPTER 6

1287 Words
Russell "Russell wait," tinig ni Ulysses sa likuran ko kaya sandali akong tumigil sa paghakbang. Lumingon ako sa kaniya pero nasa tabi ko na pala. Hinihingal pa nang timigil sa tabi ng tagiliran ko. "Anong nangyare? I thought nakasunod ka sa amin?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Tila batang tumingin sa akin at napakamot sa buhok niya bago sumagot sa akin. "May humarang sa daraanan ko pagtingin ko malayo na kayo kaya hinabol ko kayo," sagot niya sa akin. "Baka girlfriend mo 'yon ha? Sabunutan ako ng walang kaalam-alam," tudyo ko sa kaniya. "I don't have a girlfriend anymore. Pero kung papalarin mukhang magkakaroon ulit," pilyong sabi niya sa akin at may kasama pang kindat akala may dating 'yon sa akin. In fairness naman dito kay Ulysses. Guwapo naman ang binata sa katunayan ay boyfriend material ang itsura niya, pero ewan ko ba walang dating sa akin. Pabiro ko siyang pinalo sa balikat. "Hoy wala pa akong balak tumanggap ng manliligaw...at hindi kita type," I answered him. Bumungisngis ako ng umarte siya na nasaktan sa naging sagot ko. Loko, humawak pa kunwari sa dibdib niya akala mo na-hurt talaga sa sinabi ko. "Woah! Ang honest mo naman, baby Russell. Ouch! Basted kaagad si Ulysses hindi pa nga nag-uumpisa manligaw kay Russell," reklamo niya sa akin. Humagikhik ako subalit halos malaglag ang panga ko nang huminto sa harapan namin si Tristan na madilim ang mukha. Jusko Lord sinapian ulit ni Hitler masama ulit ang tabas ng mukha. Itinikom ko ang aking bibig at nanahimik. Pero hindi ang kamag-anak ni Lucifer dahil sinaniban ulit ng pagkasama-sama ng ugali. "Sana kung magpapaligaw ang 'pinunta mo rito, sa bahay pa lang ay sinabi mo, hindi ko na sana inaksaya ang oras ko sa pagsama sa 'yo rito," malamig ang boses na saad niya sa akin. Nakagat ko ang loob ng pisngi ko sa yamot dito. Isumbat daw ba ang pagmamagandang loob na samahan ako. Nag-iwas ako ng tingin at baka masapak ko pa sa kasungitan nito sa akin. "Pare hindi kasalan ni Russell, kaya sandali siyang huminto. Tinawag ko kasi siya at nagbibiruan kami. Pasensya na," sabat ni Ulysses. "Hindi kita kinakausap kaya manahimik ka!" galit na sagot ni Tristan kay Ulysses. Napailing si Ulysses sa naging sagot sa kaniya ni Tristan at muli sanang sasagot pero sumenyas ako na 'wag ng patulan baka may regla lang ang binata. Ngunit nagsukatan pa nang tingin ang dalawa walang gustong magpatalo kaya pumagitna na ako. Inawat ko si Hitler, este si Tristan na nagbabaga ang tingin sa kawawang si Ulysses. Subalit matigas din pala ang ulo ni Ulysses at nakipagtalo pa kay Lucifer este kay Tristan. "Sandali nga Tristan. Hindi mo na naiintindihan ang sinabi ko na walang kasalanan si Russell–" "Sabat ka nang sabat hindi ka naman kinakausap!" naiinis ang boses na wika ni Tristan kay Ulysses. Napasapo ako sa noo at tuluyan na nga nagtalo kaya humalukipkip ako sa harapan nila at hinayaan ko. "Eh, galit ka kay Russell samantala sabi ko ako ang may kasalanan," "Bakit ka ba sagot nang sagot?! Gano'n ba kayo kadikit para ipagtanggol mo siya?!" Mahinang tumawa si Ulysses at naiiling na tiningnan si Tristan ng hindi makapaniwala sa inaasta nito ngayon. "Napaka impossible mo pare, kung tutuusin wala naman masama na kinausap ako ni Russell, dahil isang hakbang lang ang layo niya sa'yo. Saan doon ang ikinainis mo. Dahil sasandali ko pa lang siya nakakausap para ka ng tigre na gustong manakmal," nakakaloko sabi rito ni Ulysses. Parang napikon lalo si Tristan dahil itinulak sa balikat si Ulysses kaya naalarma ako at pinigilan sila. Damn baka magsuntukan pa ang dalawa. Napahilot ako sa noo dahil sa sagutan ng dalawa. "Tigilan n'yo nga 'yan! Ano ba Tristan! Wala naman masama ginagawa 'yong tao kung makasinghal ka ay wagas!" inis kong saad sa kaniya. Napahinto ito ng akma niya ulit aawayin si Ulysses subalit masamang tingin ang binigay ko sa kaniya. Umiigting ang panga na pinaningkitan ako ng mata. Sa totoo lang nakaramdaman ako ng konting takot ngunit hindi ko ipinahalata sa Hitler na binata. Sarap talaga kutusan sumpungin. Grr... "Kung hindi ka makikinig bahala ka d'yan!" inis kong saad sa kaniya at iniwan silang pareho ni Ulysses. 'Mga isip bata walang gustong magpatalo,' bubulong-bulong ko pa. I didn't bother to look back to see if Tristan and Ulysses were following me. Basta binaybay ko lang ang posibleng daan patungo sa registrar office. Marami naman mukhang estudyante marahil ang iba mga nag- inquire rin kagaya ko. Patuloy lang ako naglakad kahit walang kaalam-alam sa lugar bahala na. May nakasalubong akong babae parang kasing edad ko or ahead ng dalawang taon ang tanda sa akin nagtanong ako rito kung saan matatagpuan ang registrar office. Mabuti na lang at mabait ang napagtanungan ko malinaw niya itinuro ang pupuntahan ko. Itinuro naman ang daan kaya binagtas ko na lamang. Ganoon pa rin inis ako kay Tristan kaya hindi ako nag-abalang hanapin kong sinundan ba ako. 'Mabait na kanina biglang tinubuan ng sungay. Tsk! Hindi talaga magbabago masama ang ugali,' "Narinig ko 'yon," boses ng nililibak kong si Tristan. 's**t. Nasa likuran ko pala,' mariing naipikit ko ang aking mata. Nagkunwari akong hindi siya narinig kahit nakita niya ako na sandaling huminto pagkarinig sa boses niya. Basta bahala na, naiinis pa rin ako sa kayabangan niya. Talagang walang pinili lugar kapag tinupak sa kasungitan. Nang makita ko ang registrar office hindi ko pa nilingon si Tristan pero alam ko sa mainit niyang titig nasa likuran ko siya. Kahit naiilang ako pinilit kong ignorahin baka manginig pa ang tuhod ko kung iisipin na tinitingnan niya ako. "Damn Russell! Bakit mo iniisip na tinitingnan ka ni Hitler assuming ka," saway ko rin sa isip ko. Nang makita ko ang registrar narinig kong tumikhim si Tristan pero never akong lumingon sa kaniya. Dahil salamin ang pinto ng office kita ko ang kabuuan ni Tristan, nakatayo sa likuran ko. May poste sa likod niya nakasandal siya roon. Nakikiramdam ako kung lalapit sa akin ngunit tahimik lang nakatutok ang tingin sa likuran ko. Lumapit ako sa counter at nakipagusap ako registrar. Nagtanong ako sa mga offer na course ng university. Binigyan naman ako ng flyer upang makapili ng gusto kong course. Nagulat ako na start na ng enrollment. Wala akong dalang pera kaya nagkunwari na lamang ako na titingin sa mga offer na course. Pero kinuha ko na rin muna ang flyer na ibinigay sa akin upang pag isipan ng mabuti kung anong kukunin kong course kahit may napili na ako bago pumunta rito. "Uhm. Ma'am babalik na lang po ako bukas," saad ko sa kaniya. Pasalamat ako at mabait. Nginitian ako pagkabigay sa flyer. Pagkatapos ko magpasalamat napilitan ako lumingon kay Tristan na ngayon ay nakatungo sa sahig. Sa suot niyang rubber shoes nakatingin. Lihim pa ako napasinghap nang biglang mag-angat siya ng tingin sa akin at nagtama ang mata namin. Ako ang unang nagbawi ng tingin sa kaniya dahil hindi ko matagalan ang mapungay niyang mata. Nakita ko siyang umayos ng tayo at tumikhim. Napanguso ako ng muli niya akong tapunan ng tingin. "Tapos ka na?" tanong niya sa akin na mababa na ang boses at hindi na madilim ang mukha. Tumingin pa sa mukha ko pagkatapos sa kamay ko na may hawak na flyer. Gusto ko sanang itanong si Ulysses dito ngunit hindi ko na lamang isinatinig at baka mag-ala Hitler ulit mahagupit ako sa init ng ulo. "Ah, eh...Oo ta-tapos na," sagot ko. "Tayo na kung gano'n," saad niya sa akin. Kumurap-kurap pa ako ng mata dahil malumanay talaga ang boses niya. Pinagkibit balikat ko na lang kaysa naman kumontra ako sumpungin pa. 'Baka naman naubusan ng energy sa pag-aantay sa'yo, Russell kaya gano'n,' napangiwi ako baka mga siguro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD