CHAPTER 3

1248 Words
RUSSELL Nagising ako dahil sa mahinang katok galing sa labas ng pinto. 'Sh-t' I fell asleep for a long time without realizing it. Dapat ay hihiga lang ako upang magpahinga dahil napagod sa mahabang biyahe ngunit hindi ko akalain na nagtuloy-tuloy ang balak ko na pagidlip lang. My eyes landed on the open terrace in my room, 'madilim na pala'. Nag-aalala kong sambit baka isipin ng tito Theodore, kay bago-bagong kong salta feeling senyorita ako. Nang ma-alala ko ang kumakatok sa pinto. I hurriedly got off the bed and went to the door to see who was knocking. Nahihiyang babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang ang nabungaran ko sa pinto. She was smiling at me with admiration in her eyes, staring at my face. Ngumiti ako rito. "Sige po Ate, susunod ako magbibihis lang muna." I said to her. Pagkasabi ko niyon tumalikod naman agad ito at ako naman ay muling 'sinarado ang pinto at mayroon pagmamadali sa kilos na nagbihis. Hindi ako maaring magtagal nakakahiya kong ako na lang ang inaantay upang maghapunan. Tinungo ko ang walk-in closet na itinuro ni nanay Dorothy bago ako iwan kanina. Namangha ako sa nakitang mga damit. Sobra naman ito parang hindi ko kayang suotin ang ganitong kagagandang damit. Ang iba natanggal na ang tag price nakaayos na lahat. My eyes searched for the backpack I was carrying, where Nanay Dorothy had placed it. Tiningnan ko ang apat na drawer sa baba ng cabinet naroon pala maayos ang pagkakalagay. I prefer to use clothes that I carry, so I also looked for them in the cabinet, sakto maayos na nakatupi. At kung ano lang ang nadampot ko sa ibabaw 'yon ang isinuot ko. Hindi ako mapili sa damit simple plain white bodyfit t-shirt at taslan short na mayroon tatak na Nike sa kanang bahagi ng laylayan nito. Karamihan sa short ko ay ganito inorder pa ni mama sa kapitbahay namin na nago-online seller, mura lang kasi kaya marami ako nito iba't-ibang kulay. Pagkatapos magsuklay hinayaan kong nakaladlad ang hanggang baywang kong straight na buhok. Kapag naiinitan ako naiisip kong paputulan ngunit mahigpit ang pagtutol ng mama ko. Naligaw pa ako nang patungo na sa dining area kung hindi pa may nakasalubong na isang kasambahay na nakita at napagtanungan ko, marahil hinahanap ko pa ito ngayon. Pagpasok ko sa komedor ay tanaw ko na habang humakbang patungo ang tatlong taong nakaupo sa harap ng mesa. Habang humahakbang ako sumasabay ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko. Kahit na huminga pa ako ng malalim patuloy pa rin ito tila palakas nang palakas habang ako ay papalit sa hapagkainan. Tila naman alam ng tito Theodore at mama paparating ako, dahil bumaling ang tingin nila sa 'kin, maliban sa isang lalaking kasama na walang pakialam na nakaupo at kung anong ginagawa ay hindi ko kita dahil nakatalikod ito sa gawi ko. His shouldes are broad. Ang suot na puting t-shirt ay tila masikip ang magkabilang manggas dahil sa malaki nitong muscle, pero nasa tamang p'westo. Tipong alaga ito sa ehersisyo. Paano kaya kong nakapaloob ako sa mga braso nito? Nang maisip ko iyon hindi ko maiwasan ang pag-init ng mukha. Nakakahiya na kung malalaman ng lalaking nakatalikod ay kung ano-ano ang niisip ko. Dahil sa naisip ay mariin kong naipikit ang aking mata upang maalis ang agiw na naiisip ko.'Behave ka dapat Russell,' paalala kong bulong sa sarili. Subalit sadyang sutil ang mata ko at naglakbay pa talaga upang pag-aralan ang likuran ng lalake. I looked down at his two arms. Napalunok ako, animo nasa isip ko ang sarap niyon haplusin namumutok sa galit ang naglabasan nitong ugat sa braso. Parang gusto kong makita kong anong itsura nito kung nakaharap. "What do you say, Russell?" Matangkad ang nasabing lalake alam ko lang dahil kahit nakaupo pa ito ay ito ang pinakamatangkad sa mama at tito Theodore. "Pangga, narito na pala si Russell," narinig kong sabi ni tito Theodore sa mama ko, kaya nahinto sandali ang pagpapantasya ko. Nag-iwas pa ako ng tingin dahil nahuli ako ni tito Theodore, na sa lalaki ang tingin. Letse! Nakakahiya 'yon! Upang pagtakpan ang pagkawala ko sa huwisyo ngumiti ako rito at sa mama ko. Muli akong tinawag kaya narinig ko ang baritonong boses ng nakaupo lalake. "Kanina pa ako nagugutom pero hindi tayo nag-uumpisa kumain dahil bisita. Masyado naman 'ata pa importante!" narinig kong angil nito kay tito Theodore, sumama pa ang tingin ko sa likod nito dahil sa pinagdiinan talaga ang salitang bisita. Ngunit hindi pa humuhupa ang inis ko sa gaspang ng ugali nito ng sumagot si Tito Theodore rito. "Anak pagpasensyahan mo na at naninibago lang si Russell–" "A-anak nito?" bulalas pa ng isip ko. Ngunit may mas nagulat ako sa sagot nito sa ama. "Tasked. Kalalaking tao pero makupad kumilos–" 'Ano raw?' nanlaki ang mata ko sa gulat. Mahinang tumawa si tito Theodore dahil napagkamalan akong boy. "Anak, babae si Russell," saad nito sa anak pagkatapos ay tinawag na ako. "Hija, halika rito. D'yan ka na tumabi sa kuya Tristan mo–" "Uhm... D'yan na lang po ako Tito," nahihiya kong sagot. Narinig ko pang tumikhim ang sinabi nitong anak na si Tristan, tila ba napatda pero hindi ko naman kailangan alamin pa 'yon. Ang tinutukoy ko ay sa tabi ni mama. Lumakad ako ng hindi binibigyan ng tingin ang anak ni tito. Pero bakit pakiramdam ko lihim ako nitong pinag-aaralan kaya hindi ko maiwasan panginigan ng tuhod dahil nanunuot sa 'kin ang mainit nitong tingin. "Siya kung iyon ang pasya mo hija," tumingin ito sa anak. Nag-uumpisa nang kumain pero naging tahimik ang anak ni Tito. May naguutos sa akin na balingan ko rin ito ng tingin. Ngunit hindi ko alam kong ano bang ikinatatakot ko dahil hindi ko magawang tingnan ito. Wala namam salita galing dito kaya naisip ko na mabait ito hanggang sa basagin ni Tito ang katahimikan at maysinabi na nagpaigting ng panga sa anak nito. "Anak dito na sila maninirahan simula ngayon–" "What!" malakas na sagot nito kay Tito, kaya napaangat ang nakayuko kong ulo at dito napunta ang atensyon ko. Hindi ko maiwasan mapatulala sa ka-guwapuhan nito. 's**t! Tumigil ka Russell.' pananaway ko pa sa aking sarili. "Ano to Dad? Nagdesisyon kayo na hindi ko alam?!" matigas ang anyo nito. Ang nag-umpisa kong paghanga kanina ay dagling naglaho dahil magaspang pala ang ugali nito. "Yan ang sinasabi ko sa'yo last week pa Tristan Xavier, pero hindi ka nakikinig tuwing papauwiin kita," mahinahon na sagot dito ni Tito. "So, charity na pala ang bahay na ito? Gano'n ba Dad?" nakaismid na balik sagot kay Tito Theodore. "Hindi sila charity dahil may karapatan na si Ofelia sa pamamahay na ito–" Hindi pinatapos ang pagsasalita ni Tito Theodore dahil nakakaloko itong tumawa. "Napakabait mo naman Dad, kung lahat bibigyan mo ng karapatan na ariin ang Hacienda," "Sandali don't tell me? Kabit mo na ito," Nabigla ako sa sinabi nito. ano kabit? Kaya napakuyom ang kamao ko sa gigil dito. "Hindi siya kabit, at simula ngayon ayusin mo ang trato mo dahil pamilya na tayo. Igalang mo si Ofelia, dahil asawa ko na siya ituring mo siyang pangalawa Ina," matigas ang boses na sabi rito ni tito Theodore. Kung kanina ay medyo mahina pa ang tawa ni Tristan, ngayon ay lumakas. "Never!" nagtatagis ang bagang na saad nito kay Tito Theodore, pagkatapos ay tumayo at umalis sa hapagkainan. Tinatawag pa ito ni Tito ngunit tuloy-tuloy na naglakad palabas ng dining area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD