RUSSELL
Tahimik na nakaupo sa gitna ng kaniyang kama habang nagliligpit si Russell ng mga damit na dadalhin niya sa pupuntahan lugar. She gasped. Ma-miss niya ang studio type apartment nila na tirahan.
Dito ipinanganak nagkaisip at nag-debut si Russell at narito rin ang mga kaibigan niya kaya noong una hirap siyang kumbinsihin ng mama niya na iwanan ang tirahan nila.
Hindi nila sariling bahay nangungupahan lang sila pero dahil matagal na sila rito sa Libertad hindi na sila tinaasan ng renta sa bahay.
Dikit-dikit ang apartment at mga malilit na bahay kaya halos lahat ng nakatira rito ay magkakilala.
Inilibot niya ang tingin sa apat na sulok ng kaniyang kwarto nang maipasok sa backpack ang huling damit.
Kung mama niya ang masusunod hindi siya pinapadala nito ng marami at mayroon na raw pinamili ang bagong asawa nito.
Doon sila lilipat dahil muling ikinasal ang mama niya noong nakaraan Sabado sa dati nito kasintahan na si Don Theodore Del Rosario.
Nakita naman ni Russell na mahal ng mama niya si Don Theodore gano'n din ang Don, mabait din ito at sa loob ng limang buwan na pabalik-balik ito sa bahay nila hindi nito ipinaramdam na mahirap sila.
Tanggap nito ang kalagayan nilang iyon kaya labis ang pangungumbinsi na roon na sila manirahan sa Hacienda nito upang maging komportable sila.
Sakto naman na tapos na rin ang school year nila Russell doon na raw niya ipagpapatuloy ang pag-aaral at sakto ka-gra-graduate lang ni Russell sa Senior high school sa edad n'yang labing-walo.
Hindi siya maninibago sa mga bagong classmates dahil ganun din naman kung dito sila sa Libertad magpapalit din siya ng school.
"Baby, have you finished tidying up your things?" tawag ng malambing niyang mama Ofelia sa labas ng pinto.
Napaikot niya ang mata dahil walang kasawaan ito sa pagtawag ng baby kahit ilang ulit n'yang sabihin na dalaga na siya. It's a shame for Russell because she's a grown lady now.
Kahit noong nabubuhay ang papa Harold niya, gano'n din ang madalas na tawag sa kaniya.
Russell smiled as she remembered her late father. Sayang nga lang at sinakto lang talaga na nakapag-debut siya ng bawian ito ng buhay. Pulmonary edema ang ikinamatay nito matagal nang iniinda ng papa niya kung kailan nahulog ang katawan nito 'tsaka naman sinabi sa mama niya. Nagpagamot nga ito pero acute na kaya hindi rin nagtagal.
"Baby–"
"Ayan na po," mabilis na sagot ni Russell sa ina.
"Nariyan na ang Tito Theodore anak, handa ka na ba?" nakangiti pa nito saad. "Bakit parang hindi ka sigurado," muling wika nito nang makita ng mama Ofelia ang pagsinghap niya.
"I'm fine, mom; I'm just a little sad lang po," sagot naman ni Russell sa ina.
"Hindi naman natin ipapakuha sa iba itong bahay dahil narito ang masasaya natin mga memories. Paminsan-minsan dadalaw tayo rito, okay na ba 'yon?" sabi pa ng mama Ofelia sa kaniya sabay hinaplos pa ang mahaba niyang tuwid na buhok.
"Tara na po mama," siya na ang nagaya rito. Ngunit nasa sala na siya ng maalala ang gitara niya na nasa kwarto.
"Mama sandali po nakalimutan ko iyong gitara ko,"
Hindi n niya inantay na sumagot ang mama Ofelia binilisan niya ang lakad pabalik sa kaniya silid.
May kalumaan na ito subalit regalo ito ng papa niya pag-graduate niyang valedictorian noong grade six siya. Naging bonding nilang mag-ama tuwing nagpapatugtog siya ng gitara at sinasabayan pa nila pareho nang kanta.
Papa Harold has a beautiful voice.
Dito niya namana ang hilig sa pagkanta, palagi nga nitong sinasabi madalas daw ito noon mag-audition sa mga singing contest sa television dangan nga lang mailap daw ang suwerte rito dahil semi-finals pa lamang laglag na ito hanggang sa nagsawa na lang daw ito sa pag-contest.
Bitbit ang backpack at gitara lumabas na siya ng kaniyang silid. Wala na ang mana niya sa sala kaya lumabas na rin si Russell ng bahay.
Tama nga ang hula niya nasa labas ang ina at kausap ang kapitbahay nila na Ninang din niya. Nakaparada na sa gilid ng kalsada ang magarang kotse ng Tito Theodore.
"Nanadiyan na pala si Russell mare," saad ng Ninang Elna niya na unang nakapansin sa paglabas niya ng pinto.
Narinig niyang nagpaalam na ito sa kumare at bumalik sa bahay nila.
"Ayos na ba anak? Wala ka nang nakalimutan?" wika nito.
"Ayos na mama,"
"Siya mauna ka na sa sasakyan naroon lang sa loob ang tito Theodore, kanina narito sa bahay kaya lang nag-usap pa kami ng ninang mo ukol sa pagtingin-tingin dito sa munti natin apartment. Lakad na anak che-check ko lang ang loob pagkatapos susunod agad ako,"
"Eh! Mama naman!" ginusot kasi ang buhok niya.
Mahina lang na bungisngis ang tugon sa kaniya at pumasok na sa loob.
Napanguso pa si Russell dahil lumabas pa ang driver ng sasakyan ng tito Theodore upang pagbuksan siya ng pinto sa likod ng backseat. Sa likod ng driver ang p'westo ng dalawa. Sa likuran siya ng mga ito. Hyundai Starex six seater ang dala na sasakyan ng tito Theodore at doon nga siya sa dulo umupo.
"Salamat Kuya," magalang na sabi rito ni Russell dahil nakayuko pa ito animo kagalang-galang siyang tao.
"Hija, ayos ka lang ba diyan?" tanong ng tito Theodore sa unahan nakaupo. Nag-aantay lang ito sa paglabas ng mama sa bahay nila.
"O-opo tito," magalang niyang sagot dito.
"Salamat hija, pumayag kang makasal ako sa mama mo,"
"Basta po mahal si mama at mahal din niya wala po problema sa 'kin," tipid pa niya ngiti.
"Nariyan na pala ang mama mo hija,"
Tumingin si Russell sa labas patungo na nga sa gawi nila ang mama niya kaya lumabas na ang tito Theodore sa loob ng van upang salubungin ang mama niya. Kahit nakasunod ang driver nila at ang dalang maleta ng Ina ay kinuha nito habang ang mama at tito Theodore, ay hawak kamay na lumapit sa sasakyan.
Ipinagbukas pa ang mama niya ng pinto bago ito sumakay.
Lumingon sa kan'ya ang dalawa upang kumustahin siya kung ayos lang sa puwesto niya pero tango lang ang sagot ni Russell sa dalawa.
Nakatulog si Russell noong kalagitnaan nila ng biyahe. Mula kasi ng Libertad halos tatlo at kalahating oras pa bago raw marating ang Sitio Bathala kung saan naro'n ang Hacienda Del Rosario na pagmamayari ng pamilya ng Tito Theodore. Kung hindi pa sa mahinang tapik ng pisngi ni Russell ay hindi siya magigising.
"Anak narito na tayo," ani ng mama niya. Nagkusot siya ng mata at pagkatapos umayos ng upo.
"Napahaba po ang tulog ko,"
"Ayos lang hija, kung hindi nga lang mananakit ang leeg mo sa paga-unan d'yan sa dala mong backpack hindi ka gigisingin ng mama mo at aantayin ka namin na magising," nakangiti sabi sa kaniya.
napakamot sa ulo si Russell, ibig sabihin kanina pa siya pinanood ng mga oldies na ito.
"Naku kayo na ba iyan Ofelia?" tinig ng isang matanda babae galing sa loob ng malaking bahay. Mansion nga pala dahil hindi basta-basta ang laki at ganda nito.
"Kami nga po nanay Dorothy. At ito po pala ang kaisa-isa kong anak si Russell, nanay Dorothy," magalang na wika ng Ina.
Galing na rito ang mama niya noong nakaraan linggo sa kasal kay tito Theodore, hindi siya sumama at natapat na sinundo siya ng nag-iisang kapatid ng papa Harold niya na galing pa ng Dubai at hindi magtatagal kaya nag-stay siya sa hotel nito.
"Aba'y kaganda naman itong anak mo Ofelia parang ikaw noong kabataan n'yo pa ng Don Theodore," papuri ng nanay Dorothy sa kaniya.
Pagkatapos nang kumustahan dinala siya ng nanay Dorothy sa magiging silid n'ya. Namangha pa si Russell sa ganda ng bawat daanan na pasilyo patungo sa kaniyang magiging kwarto.
Para pa siyang shunga na binilang ang silid sa second floor na pinagdalhan sa kaniya ng nanay Dorothy.
May sampu silid bukod pa sa master bedroom ng mama niya at ang apat na maids quarters sa baba.
"Mayroon pa ito third floor hija, kaya lang ginawang gym at theater area," saad sa kaniya.
Napatango na lamang si Russell kahit hindi siya interesado.
"Ito po ang magiging silid ko?" pagbukas ng pinto. Namilog ang mata sa labis na pagkamagha si Russell.
"Wala po bang mas maliit nanay Dorothy, maliit lang naman ako,"
Mahina ito tumawa. "Ganito lahat kalaki ang kwarto hija, kaya wala kang pagpipilian,"
pagkasabi niyon tuluyan na silang pumasok sa loob. Sa kama deretso si Russell at umupo roon.
"Nanay Dorothy ako na po ang bahala sa bag ko," nang akma nitong bibitbitin.
"Iaayos ko sana sa walk-in closet mo, kung gano'n iiwan na muna kita at aayusin ko ang iluluto para sa hapunan,"
Napatingin si Russell sa braso,"napakaaga magluto alas tres pa lamang ng hapon.
Nabasa naman ng nanay Dorothy ang nasa isip niya kaya ngumiti ito bago sumagot sa kaniya.
"Maaga talaga rito naghahapunan at alas-siyete ng gabi mga tulog na ang mga tao rito," ani ni nanay Dorothy sa kaniya. Oo nga pala malayo sa kabahayan ang mansyon na ito.
Nang iwan na sa kwarto si Russell ni nanay Dorothy, hindi na siya umalis sa kinahihigaan hanggang sa hindi niya namalayan nakatulog siya at hindi sana magigising kung hindi sa boses ng isang babae sa labas ng pinto mahinang kumakatok.