Calin POV
Nagkita kami sa gubat ng Spirit Guardian of Earth, si Dhara. Bagaman pumapasok din siya sa Academy, hindi naman kami maaring mag usap ng tungkol sa misyon kaya kinakailangan namin lumabas pa ng Academy. Ilang oras bago mag eve of full moon, pinuntahan ko siya sa sinabi niyang gubat.
"Sigurado po ba kayo?" tanong ko
"Mukha ba akong nagbibiro?" sabi naman niya
Kinabahan ako sa sinabi niya. Kung nasa loob ng Academy ang Guardian of Fire, malamang ay kasama na nito sa building ang itinakda.
"Hindi naman sa ganoon.." sabi ko
Huminga ng malalim si Dara. Sa itsura niya mukha talaga siyang namomoblema sa pagdating ng kanyang kapatid.
"Nababahala ako, Calin." Sabi niya
"Kung kasama natin siya sa Academy, malamang po ang dalawa pa ninyong kapatid ay naroon na rin sa loob ng Academy." Sabi ko naman
"Posible, ngunit wala naman problema sa dalawa. Ang aking ikinababahala ay si Brean, sigurado akong susubukan niya ang itinakda. Hindi malayong mangyari iyon, dahil hindi siya mahihirapan para mapalapit sa itinakda." Sabi pa ni Dhara, ang Guardian Spirit ng Earth
"S-sa tingin mo po ba ay pahihirapan ng kapatid ninyo ang itinakda?"
"Hindi niya basta basta ipagkakatiwala ang kanyang kapangyarihan." Sabi niya
Hindi na ako nagsalita pa, meaning ng sinabi ni Dara, pahihirapan ng kapatid niya ang itinakda.
Kinabukasan, paglabas ko ng aking silid, saktong napadaan si Dhara, ang Spirit Guardian of Water.
"Maari po ba akong sumabay pababa?" tanong ko
Lumingon naman si Dara sabay ngiiti sa akin. "Sige, tandaan mo estudyante ako dito wag ka muna magbigay galang sa akin."
Napahiya naman ako sa sinabi niya, minsan kasi ay nakakalimutan ko. Gumagalang pa rin ako sa kanya kahit pa maraming nakakarinig o nakakakita.
"Maari ba akong magtanong?" tanong ko
Tumingin siya sa akin. "Ano naman ang iyong katanungan?"
"Matapos mo makilala ang itinakda anong plano mo sa kanya?" tanong ko
Nagpanggap na exchange student si Dhara nun unang araw na pumasok kami sa Academy. Nagawa pa niyang gumamit ng mahika para lang makilala at makasama ang itinakda sa section nito. Ngunit matapos ang semester ay bumalik na ito sa kanyang section kung saan kami magkasama.
"Ang itinakda? Inosente at masyadong simple ang babaeng iyon." Nakangiting sabi pa ni Dhara
"Ipagkakatiwala mo ba sa kanya ang kapangyarihan mo?"
"Nakilala ko ang itinakda sa panahon na siya ay wala pang alam, kaya naman hindi ko masasabi."
"Paano kung matandaan niya na nagging magkaklase kayo nung nakaraang semester at ngayon ay iba na ang section nyo?"
"Wala ni sino man ang makakaalala ng pangyayaring iyon."
Kung ginamitan ulit ni Dhara ng mahika ang buong Academy, siguradong walang makakaalala ng panahon na nagpanggap siyang exchange student. Kahit pa ang malalakas na Headmistress at Headmasters ng Academy ay walang magagawa sa mahika niya.
"Alam ba ng kapatid ninyo na nandito rin kayo sa Academy?"
"Marahil! Malakas siya at talagang mapagmasid sa paligid." Sabi lang ni Dhara
"Hindi naman siguro kayo mag kakaroon ng alitan dito sa loob? Sabi mo nga kagabi, medyo maangas ang kapatid ninyo."
Narinig kong nagsmirked si Dara sabay iling. "Kahit naman ganoon ang aking kapatid, hindi pa kami nagkaroon ng alitan."
Napangiti ako. "Mabait ka kasi at palakaibigan, halos lahat nga ng guro at estudyante dito sa Academy ay kasundo ninyo."
Hindi naman nagsalita pa si Dhara, ngumiti lang siya sa papuring sinabi ko. Malapit na kami sa dining hall ng makasalubong namin ang bampira at ang babaeng itinakda.
"Kailan ka magpapakilala sa kanya bilang isang Guardian?" tanong ko
"Pagkailangan na niya ako." Simpleng sabi ni Dhara
Napalingon ako sa kanya, seryoso itong nakatingin sa mga estudyanteng papalapit din sa dining hall. Napatingin din ako sa kanyang tinitingnan, nakaramdam ako ng init sa aking katawan. Nagtama ang paningin namin ng isang estudyante na nakasalamin, ngunit hindi naman ito mukhang nerd. Ang totoo, maraming babae ang magkakagusto sa kanya kaso sa itsura niya mukha siyang suplado. Napahawak ako sa aking dibdib.
'Siya ba si Brean? Ang Spirit Guardian of Fire?'
"Siya nga, walang iba." Sabi naman ni Dara
Hindi ko napansin na nakatingin siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak naman sa dibdib ko.
"Calin, ikaw ang aking pinakatapat na alagad. Wag kang papasindak sa kanya." Nakangiting sabi pa ni Dara
Bahagya akong ngumiti. Paano akong hindi masisindak sa kanya, nagtama lang ang maing paningin, ipinaramdam na niya sa akin ang kapangyarihan niya. Isa pa, sa itsura niya para siyang papatay ng sinumang haharang sa kanyang dinaraanan.
"Halika na sa loob." Anyaya naman ni Dara
Tumango naman ako, saka sumunod papasok sa loob ng dining hall.
Oceane POV
Lumingon lingon ako sa paligid, hinahanap ko siya. Ang Guardian of Fire. Napansin naman ni Castor ang paglingon ko.
"Hinahanap mob a si Alfiro o ang Guardian of Fire?" bulong ni Castor
Hindi ako nagsalita. Ilang sandali pa, napatingin ako sa pintuan, nakita ko na ang hinahanap ko. Ang gwapong lalaki na nakasalamin at direktang nakatingin ito sa akin habang pumapasok at naglalakad papalapit sa table ng Section Fire.
"Siya ang sinasabi ko Castor." Bulong ko kay Castor
Napatingin naman si Castor sa tinitingnan ko. Napansin niya rin ang lalaking nakasalamin.
"Well, sa itsura niya mukha siyang di papahuli ng buhay." Sabi ni Castor
"Brean, yan ang pakilala niya sa akin." Sabi ko
"Just relax Oceane, maslalo ka niyang tatakutin pag naramdaman niya na nasisindak ka sa kanya."
"Alam ko pero, hindi ko maiwasan."
Hinawakan ni Castor ang kamay ko. "Relax okay."
Huminga ako ng malalim. Papalapit ito sa aming kinauupuan. At hindi nga ako nagkamali, naupo ito sa tapat ko at kasabay pa niyang naupo si Zaiden Alfiro na napilitan maupo sa tapat naman ni Castor, naunahan kasi siya ng lalaking iyon.
"Kamusta?" tanong ni Zaiden
Nagkatinginan naman kami ni Castor at hindi sinagot ang tanong ni Zaiden. Nakatuon an g aming mata sa lalaking katapat ko at katabi ni Zaiden.
"Hindi ba't nakakabastos ang pagtingin sa isang tao habang kumakain?" sabi ni Brean
Seryosong nakatingin sa akin ang lalaki, walang kurap o kahit konting pag ngiti man lang.
"S-sorry." Sabi ko
Muling ibinaling ng lalaki ang kanyang atensyon sa pagkain, napatingin naman ako kay Zaiden na mukhang naguguluhan sa nangyayari at si Castor nakatitig pa rin sa lalaki.
Matapos namin kumain, sabay kaming lumabas ng dining hall ni Castor, si Zaiden naman ay nilapitan ng babaeng kausap niya kaninang umaga. At sa di inaasahan na oras na iyon, kasabay kong lumabas ng mismong pintuan si Brean, ang Guardian of Fire.
Hindi ko maiwasan na hindi siya tingnan kahit sulyap, pakiramdam ko kasi pag di ko siya tiningnan maari na naman niya akong gamitan ng kapangyarihan niya at muling pahirapan.
"Oceane.."
Napatingin ako kay Castor. "Just relax."
Tumango naman ako. Siguro nga ay kailangan kong maging relax para mas maging matalas ang aking pakiramdam.
"Natatakot ka sa akin."
Napalingon ako sa nagsalita. Naglalakad ako papunta sa susunod na subject ng lapitan ako ni Brean. Wala si Castor ng oras na iyon, hindi ko alam kung saan siya nagpunta.
"Hindi ako natatakot sa'yo." Pilit kong inaayos ang aking pagsasalita
Nagsmirked lang ang lalaki na sa tingin ko ay hindi siya naniniwala sa akin. Halata bang ninenerbyos ako ng mga sandaling iyon?
"Bakit ginagawa mo sa akin ito? Hindi ba't ibinigay mo na sa akin ang.."
"Wala pa akong ibinibigay sa'yo, babae."
'Anong sinasabi nito? Nasa akin na ang marka ng Fire Phoenix, may nagagamit na rin akong kapangyarihan ng apoy. Ano bang pinagsasabi nito?'
"Imposible, dahil nagagamit ko na ang kapangyarihan mo, at ang marka ng Fire Phoenix heto tingnan mo."
Ipinakita ko pa sa kanya ang marka ng Fire Phoenix, ngunit wala man lang akong reaksyon na nakuha sa kanya. Pakiramdam ko nga ay nagmumukha akong tanga sa harapan ng lalaking ito.
"Masyado kang mababaw, babae."
"Anong.."
"Sa isang karimpot na kapangyarihan na ipinahiram ko sa'yo ay kuntento ka na?"
"Karimpot?"
"Higit pa riyan ang aking kapangyarihan. Higit pa sa iyong inaasahan at nanaisin, kaya wag mo ipagyayabang sa akin ang kapangyarihang ipinahiram ko say'yo na 'sing liit lamang ng langgam."
Hindi ako makapaniwala, ang kapangyarihan na halos pumatay na ng tao ay 'sing liit lamang ng langgam? Karimpot lang ng kayang kapangyarihan? Gaano ba talaga kalakas ang mag Spirit Guardian?
"Kung ganoon, ano ang nararapat kong gawin para ibigay mo sa akin ang kapangyarihan mo?" lakas loob kong tanong sa kanya
Tumingin siya sa akin ng diretso, pakiramdam ko ay may xray vision siya at ang tingin niya ay tumatagos sa kabuoan ng aking pagkatao at kaluluwa.
"Ikaw ang may kailangan sa akin, dapat alam mo kung ano ang kailangan mong gawin."
"Sa pananalita mo, may gusto ka na gawin ko at hindi ko makuha kung ano ang ibig mong sabihin. Masmapapadali tayo kung sasabihin moa ng..."
"Inuutusan mo ba ako, babae?"
"Oo, bilang ang itinakda inuutusan kita."
Bahagya siyang ngumiti sa sinabi ko. Ngiting nang aasar at nakakapikon.
"Kahit ikaw pa ang itinakda, ako ang Spirit Guardian. Kailangan mo ako. Wala kang silbi kung ang pagiging itinakda lamang ang meron ka. Ang kailangan mo ay kapangyarihan, malakas na kapangyarihan para maging ganap na Infinity."
"Alam ko, kailangan ko ang apat na kapangyarihan ng Spirit Guardian at hindi ako papasindak sa'yo. Ako ang itinakda, ibig sabihin may kakayahan akong makuha sa inyo ang kapangyarihan ninyo."
"Pwes patunayan mo na karapatdapat ka sa kapangyarihan ko."
Nagsimula na akong mapikon. Masyadong maangas ang lalaking kaharap ko, kahit pa siya ang Guardian, wala siyang galang sa kausap niya.
"Ano nga ba ang dapat mong gawin para makuha ang kapangyarihan ko?"
Napansin kong bahagya siyang ngumiti, ngunit ang ngiti niyang iyon ay may kung anong kislap sa kanyang mata. Ang init na naramdaman ko kahapon ay para bang nagpaparamdam na naman sa akin ngayon. Napahawak ako sa aking dibdib.
"Anong ginagawa mo sa akin?"
"Bakit hindi mo protektahan ang sarili mo sa kapangyarihan ko?"
Nabitiwan ko ang mga libro ko, bumagsak ito sa semento. Ako naman ay napahawak sa pillar na malapit sa akin para maagapan ang aking panghihina. Bumibigay na naman ang aking tuhod.
Mula sa likuran ni Brean, nakita ko ang mabilis na paglapit ni Castor sa kanya, kapit pa medyo Malabo na ang aking paningin. Ngunit mabilis siyang lumipad sa ere at para bang magnet na dumikit sa mataas na pader ng hallway. Hindi nakatingin si Brean kay Castor, kamay lang ang kanyang ginamit ang isang di nakikitang enerhiya.
'Kenesis. Gumamit siya ng kenesis!'
"Castor!" sabi ko pa
"Wag kang makikialam, lalaki. Kami ng itinakda ang maghaharap. Oras na makialam ka pa, papatayin kita." Sabi nito
Ibinaba ni Brean ang kamay niya at bumagsak naman sa semento si Castor. Unti unti rin gumagaan ang aking pakiramdam. Nakatayo pa rin sa aking harapan si Brean.
"Tandaan mo, ang iyong pagsubok ay namamagitan lamang sa ating dalawa. Oras na may makialam, sinisiguro ko sayo, mamamatay siya." Sabi pa ni Brean
Tumingin pa ito kay Castor na bumabangon sa sahig habang hawak ang kanang braso. Mukhang nabalian siya ng buto sa maling pagbagsak niya kanina. Tumalikod na si Brean at naglakad papalayo sa amin. Agad ko naman na nilapitan si Castor.
"Ayos ka lang?" tanong ko
"Oo naman. Medyo naipitan yata ako ng ugat sa maling pagbagsak ko." Sabi naman ni Castor.
Napatingin ako sa papalayong lalaki.
"Ayaw niya na may tutulong sa'yo, Oceane." Sabi ni Castor
Hindi ako nagsalita. Ngunit tama si Castor, sinusubukan niya ako, at kung may tutlong sa akin, ibig sabihin para sa kanya ay mahinang klase ako at hindi nararapat sa kanyang kapangyarihan. Isang taon na lang at labing walo na ako, kailangan kong makuha ang apat na kapangyarihan bago kami tuluyang magharap ng Dark Lord.