Calin POV
Sa gubat kung saan kami madalas tumambay ng Spirit Guardian of Earth nakita namin ang kapatid ni Dhara na si Brean, ang Spirit Guardian of Fire. Nakatayo lang ito sa gitna ng gubat, sa tingin ko ay walan naman siyang kausap o ginagawa.
Agad na nilapitan namin ni Dhara ang kanyang kapatid.
"Brean.." bati ni Dhara
Huminto kami ni Dhara mga 10 metro ang layo kay Brean, hindi ko alam kung bakit. Lumingon naman ang lalaki sa amin.
"Dhara, kapatid. Kamusta ka?" tanong nito
Ngumiti naman si Dhara. "Mabuti, katulad mo."
Naglakad papalapit sa amin si Brean habang nakatingin sa akin. Ako naman ay naiilang sa kanya. Kakaiba siyang tumingin di katulad ni Dhara.
"Ikaw si Calin, hindi ba?" tanong ni Brean
Tumango lang ako bilang pag sagot sa kanyang tanong.
"Anong ginagawa mo dito sa gubat?" tanong ni Dhara
Muling binalingan ni Brean ang kapatid.
"Totoo ang sinabi mo tungkol sa babaeng itinakda." Sabi ni Brean. Ni hindi nito sinagot ang tanong ni Dhara.
"Talaga?" sabi naman ni Dhara
"Mangmang." Sabi ni Brean
"Hindi siya mangmang, Brean. Inosente siya." Sabi naman ni Dhara
"Hindi ba't magkapareho lang iyon?" sabi naman ni Brean
"Sa tingin ko ay hindi." Sabi naman ni Dhara
"Ayan ka naman Dhara, ipinipilit mo ang iyong alam." Sabi ni Brean
Pareho silang mahinahon magsalita, ngunit parakiramdam ko ay mag aaway na sila.
"Naisipan mo bang magpakilala sa kanya para lamang takutin siya?" tanong ni Dhara
"At bakit ko naman gagawin iyon?" tanong ni Brean
Hindi sumagot si Dhara. Napatingin si Dhara sa akin, nakangiti.
"Ikaw, Calin. Ano sa palagay mo ang intension ni Brean sa itinakda?"
"H-ha?!"
Hindi ko alam ang isasagot ako. On the spot akong tinanong nin Dhara.
"H-hindi ko rin po alam." Sabi ko na lang
"Ah Dhara, tigilan mo nga ako. Gusto ko lamang makilala ang babaeng iyon." Sabi pa ni Brean. "Hindi ako baduy katulad ng style mo, Dhara. Straight to the point ako, at natuwa ako sa kanyang naging reaksyon."
"Tinakot mo siya sa unang beses kang nagpakilala."
"Dahil iyon talaga ang aking plano."
"Ang dalawa pa nating kapatid? Ano naman kaya ang plano nila?"
"Hindi ko alam, at hindi ko na aalamin pa." sabi ni Brean "Ikaw kailan ka magpapakilala sa itinakda?"
"Pag kailangan na niya ako." Sabi lang ni Dhara
"Sinasabi ko sa'yo, kapatid ko. Huwag na huwag kang makikialam sa aking plano sa babaeng iyon."
"Depende na iyon sa kung ano ang gagawin mo." Sabi naman ni Dhara
"Tigilan mo ako, Dhara. Ang pagsubok ko ay para lamang sa kanya. Walang makikialam na kahit sino."
Ngumiti lang si Dhara at hindi na nagsalita pa. Ngunit sa tingin ko ay hindi niya susundin ang sinabi ni Brean.
"Hindi mo siya susundin tama?"
Napatingin sa akin si Dhara, pabalik na kami sa dorm namin at naglalakad na kami sa hallway. Konti na rin ang estudyante sa makikita sa labas ng dorm at sa may fountain. Malapit na rin kasi ang tag lamig kaya naman masarap tumambay sa bench dahil bukod sa sariwa at malamig ang hangin, mabango rin ito.
"Kilala ko si Brean, kaya siguradong papahirapan niya ang itinakda at kakailanganin nito ang tulong ko." Sabi ni Dhara
Napalingon kami sa di kalayuan ng marinig namin ang tilian ng mga babaeng mukhang first level. Nakaupo sa bench ang binatang Alfiro kasama ang isang babae na mukhang baguhan lang dito sa Academy. Hindi kasi pamilyar ang mukha nito.
"Malakas talaga ang appeal ng binatang iyon sa mga kababaihan."
"Ngunit ang alam ko ay may kasintahan na siya." Sabi ko naman
Nagsmirked si Dhara sa akin. Pagkatapos ay hinarap ako.
"Wala siyang kasintahan." Sabi ni Dhara
"Ha? Hindi ba't kasintahan niya ang babaeng itinakda?"
Umiling si Dhara. "Hindi na ngayon, dahil alam na ng binatang iyan ang kanyang tadhana."
"Tadhana?"
"Propesiya ay hindi lamang umiikot sa Infinity, umiikot ito sa tatlong kabataan."
"Sino sino sila?"
Ngumiti si Dhara saka hinawakan ang aking balikat.
"Malalaman mo rin, konting panahon na lang."
Ngumiti pa sa akin si Dhara saka ako iniwanmag isa sa hallway. Habang nakatingin ako kay Dhara na papalayo, napaisip ako, hindi kaya sina Zaiden Alfiro at Castor Silverwood ang 2 sa kabataan na sinasabi ng propesiya?
Zaiden POV
Hindi ko maintindihan, may something sa bagong estudyante na nakatabi ko kanina sa dining hall. At isa pa may kakaiba rin kina Castor at Oceane, para bang may kung ano sa kanila na may koneksyon sa lalaking iyon. Kakatapos lang umalis ng mga first level na gustong makipagkilala sa akin.
Sakto naman na nakita kong naglalakad sa hallway sina Castor at Oceane, mabilis akong lumapit sa kanila. Actually, hinarang ko ang katawan ko sa daan.
"Oceane.." sabi ko
Napatingin si Oceane kay Castor pagkatapos ay sa akin.
"Mauna na..." sabi ni Castor ngunit hindi siya pinatapos ni Oceane
"No! Castor, sabay tayong papasok sa dorm." Sabi ni Oceane
Hindi na muli nagsalita si Castor, napansin ko rin ang paghawak ni Oceane sa braso nito. Para tinusok na naman ang puso ko sa aking nakita.
"May kailangan k aba?" tanong ni Oceane
"W-wala naman, just want to check if okay ka today." Sabi ko naman
"As you can see, I'm... fine." Sabi niya
"M-mabuti ka pa." pabulong ko
"May sasabihin ka pa ba? Hindi kasi ako maaring magtagal dito sa labas, kailangan ko na pumasok sa dorm." Sabi ni Oceane
"S-sige." Sabi ko naman
Bahagya akong nagbigay ng daan sa kanilang dalawa. Tumingin lang sa akin si Castor, hindi ko alam kung tingin na walang pakialam o tingin na naaawa.
Habang naglalakad silang dalawa palayo, huminga ako ng malalim. Talaga yatang tapos na ang lahat sa amin ni Oceane. Ginawa ko naman ang lahat ng maari kong gawin, atleast wala akong pagsisisihan sa huli pag naisipan ko na sumuko.
Castor POV
Nakaupo ako sa bintana ng kanyang silid. Hinihintay ko siyang matapos magpalit ng damit sa CR. Iniisip ko ang nangyari kanina, at ang pagbabanta ng lalaking iyon. Mabilis akong kumilos at nagbantay sa may pintuan ng silid ni Oceane. Susubukan ko kung kaya ko siyang maramdaman kung sa kalaing dadaan siya o magpaparamdam kay Oceane.
"Anong ginagawa mo dyan?"
Napatingin ako kay Oceane. Bagong ligo ito at, pinupunasan pa ng tuwalya ang buhok niya. Nakabihis na rin ito ng pantulog.
"W-wala naman." Sabi ko
Naglakad siya papalapit sa kama at naupo doon. Patuloy pa rin sa pagpapatuyo ng kanyang buhok gamit ang tuwalya.
"Nakausap mo na ba si lolo? Nasabi mo ba sa kanya ang tungkol kay Brean?"
"Wala pa ang Old Elf sa bahay nyo."
"Talaga? Saan kaya nagpunta si lolo?"
Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan maaring pumunta ang matandang elf. Bumalik ako sa may bintana saka naupo roon.
"Tingin mo, seryoso si Brean sa banta niya?" tanong ni Oceane
"Oo naman, ang mga katulad niya ay hindi marunong magbiro." Sabi ko
"Sa totoo lang, Castor. Natsa- challenge ako sa lalaking iyon."
"Talaga?"
"Ang baba kasi ng tingin niya sa akin, parang wala siyang tiwala."
"Ganoon naman talaga. Ikaw ba, basta mo na lang ipagkakatiwala ang kapangyarihan mo sa taong wala kanga lam tungkol sa kanya?"
"Hindi syempre, ano siya sinuswerte?"
"That's exactly his point." Sabi ko
"Okay fine, may point na siya. Ang sa akin lang, hinuhusgahan na niya ako kahit hindi pa niya ako kilala. Imbes na magpakilala sa akin, gumamit siya ng kapangyarihan para takutin ako."
"Nakatakot ka naman diba?"
"Oo naman."
"Sa tingin ko, kaya niya ginawa iyon just to know kung anong kaya mong gawin."
"Kaya kong gawin?"
"Yeah, katulad ng ginawa niya, imbes na labanan mo ang pagpapahirap niya sayo, eh wala ka kang ginawa. Kaya siguro na dismaya siya sa'yo. Kung sa unang pagpaparamdam pa lang niya ay nagpakita ka na malakas ka, hindi siguro ganito ang gagawin niya."
"So sinasabi mo, Castor na mahina talaga ako."
"Para sa kanya oo, Oceane."
Huminga siya ng malalim, itinigil ang pagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya.
"Hindi ako papayag, papatunayan ko sa mayabang na apoy na iyon na hindi ko siya uurungan sa mga pagsubok na gusto niya."
"In that way, kailangan mong matutunan na makontrol ang aura mo."
"Pero Castor, wala pa akong nahahanap na technique para makontrol ang dalawang aura na meron tayo."
Napangiti ako. "Ako meron."
"Talaga? Paano?"
Zaiden POV
Inabangan ko na pumasok sa loob ng kanyang silid si Castor. Katulad ng inaasahan ko, sa bintana siya plano dumaan.
"Castor." Sabi ko
Bago pumasok ng bintana ay napalingon siya sa akin.
"Maari ba tayo mag usap?"
Imbes na sa silid niya siya pumasok ay tumalon siya sa bintana ko, at doon siya pumasok.
"Anong pag uusapan natin? Kung tungkol sa inyong dalawa ni Oceane, labas na ako doon." Sabi niya
"Hindi tungkol doon." Sabi ko
Hindi na siya nagtanong pa. Naupo lang siya sa bintana ako naman ay nakatayo sa kanyang harapan.
"Tungkol ito sa lalaking katabi ko kanina sa dining hall. Naramdaman ko na may something kayo ni Oceane sa kanya, kung okay lang, gusto ko sana malaman." Sabi ko
Hindi muna siya nagsalita, nakatingin lang siya sa akin na para bang sinusuri ako.
"Kahit naman wala na kami, I still care pa rin sa kanya." Sabi ko
"Ikaw ang tatanungin ko, nakita mo siya diba? Is there anything or something na nagpa interesado sayo?" tanong ni Castor
Hindi ko inaasahan ang tanong ko ay sasagutin din niya ng isang tanong.
"Well, may kakaiba sa kanya. Bukod sa bagong mukha siya dito sa Section natin, para siyang..."
"Parang ano?"
"I think malakas siya. Itinatago niya ang kanyang aura, kaya naman hindi mapapansin ang malakas niyang kapangyarihan. Alam niya kung paano kontrolin ang sariling aura."
"Bakit mo nasabi?"
"I can sense it, though hindi ako ganoon kagaling makiramdam."
Hindi nagsalita si Castor, para bang inaanalyze niya ang mga sinabi ko.
"Then answer me Castor, anong issue nyo sa kanya?"
"Nagpakilala kasi ang lalaking iyon kay Oceane."
"Nagpakilala?"
"Siya si Brean, ang Spirit Guardian of Fire."
"What?!" kumunot ang nook o
Imposible. Nandito sa loob ng Academy ang isa sa pinakamalakas na Spirit Guardian? Alam ko ang tungkol sa kanilang apat na magkakapatid. At ang Guardian of Fire ang siyang pinaka malupit sa kanilang apat.
"Kahit ako nagulat, but that's the truth. Naiparanas na niya sa amin ang kalupitan niya." Sabi ni Castor
"A-anong plano niya?"
"Sinusubukan niya si Oceane, gusto niyang malaman kung hanggang saan ang kakayahan ni Oceane para ipagkatiwala niya ang kapangyarihan niya."
"Pero diba, nakuha na ni Oceane ang kapangyarihan ng apoy?"
"Mali ang akala natin. Hindi pa iyon ang kapangyarihan ni Brean. Mashigit pa sa inaakala natin ang kapangyarihan na maari niyang ibigay kay Oceane, kung makakapasa ito sa kanyang pagsubok."
Higit pa? Ibig sabihin ang malakas na kapangyarihan na iyon na alam ni Oceane ay hindi pa sa kabuoang kapangyarihan na meron siya?
"Anong pagsubok?"
"Hindi namin alam." Sabi ni Castor
"Dapat natin tulungan si Oceane. Kailangan niya ang kapangyarihan ng apoy." Sabi ko
"Ang pwede lang natin gawin para tulungan si Oceane ay matutunan niyang kontrolin ang kanyang aura, maging masmalaks ang pakiramdam sa mga aurang nakapaligid sa kanya at kayanin na makapanakit ng tao." Sabi ni Castor
"Bakit iyon ang kailangan natin ituro sa kanya?"
"Dahil ang gusto ni Brean, ang pagsubok ay sa pagitan lang nila ni Oceane. Kung may makikialam, papatayin niya."
Natahimik ako. Paano ako makakatulong kay Oceane kung iniiwasan niya ako at ayaw niya akong makausap.
"Sige mauna na ako, kailangan ko pa magpahinga." Paalam ni Castor
"Salamat Castor sa impormasyon. "
Tumango lang si Castor saka tumalon sa kabilang bintana.