Chapter 21: The Fierce One (2)

1199 Words
Castor POV Palubog na ang araw ng dalawin ko sa silid niya sa dorm namin si Oceane. Tapos na rin ang klase na mukhang hindi talaga niya pinasukan. Nakahiga siya sa kama ng datnan ko. "Kamusta?" tanong ko Gulat na gulat ako ng bigla siyang bumangon sa kama saka mahigpit na yumakap sa akin. "Castor.. Castor.." paulit ulit na hikbi niya "Bakit? Anong nangyari?" tanong ko naman Nangininginig pa siya habang ikinukwento sa akin ang nagging encounter niya sa Spirit Guardian sa library kaninang umaga. Mukhang takot na takot talaga siya. "Sa tingin ko sinusubukan ka lang ng Fire Phoenix na iyon." Sabi ko "Ngunit bakit? Hindi ba't ipinagkatiwala na niya ang kapangyarihan niya sa akin?" tanong ni Oceane "Hindi ko rin alam, pero kung sinabi niya na maging hand aka sa susunod ninyong pagkikita, you should be. Baka hindi lang 'yan ang pagsubok na ipatikim niya sa'yo." Sabi ko "Ah tinatakot mo ako Castor. Hindi ko gusto ang kapangyarihan nilang apat, ayoko ng responsibility, hindi ko gusto ang lahat ng ito. Hindi ko deserve ang ganitong buhay." "I know." Sabi ko na lang Ako rin naman ay hindi ginusto ang maging ganito, katulad ko isa rin siyang biktima ng tadhana at pagkakataon. Wala na kaming magagawa para tanggihan pa ito, ang tanging magagawa namin ay ingatan ang sarili at maging malakas pa para hindi maging gamit ng masasama. "Did you remember his face?" Tumango naman si Oceane. "Oo, and I won't be surprise if nagpapanggap siya na isa sa mga estudyante dito." "Yeah! Siguradong kasama natin siya sa dorm at sa klase natin everyday. You should be more wary, talasan mo ang pakiramdam mo." "Tulungan mo ako Castor, pakiramdam ko hindi ko pa kaya." Hinawakan ko ang kabilang bahagi ng kanyang mukha saka ngumiti. "Oo naman." Sabi ko 'Gusto kong makilala ang isa sa pinakamalupit na Spirit Guardian.' Zaiden POV Madilim na ngunit hindi pa rin kami nagkikita ni Oceane, hindi siya umattend ng klase at ng dinner. Hindi ko alam kung wala talaga siya o ayaw lang niya ako makita. Napadaan ako sa silid niya habang papasok na sana sa room ko. May liwanag sa loob, marahil ay nandoon siya sa loob ng kanyang silid. Hindi ko maiwasan ang mapangiti, lumapit ako sa may pintuan saka itinaas ang aking kamay para sana kumatok kaso natigilan ako. May narinig akong boses sa loob, may kausap siya at walang iba kundi si Castor. Nagbago ang isip ko na kausapin si Oceane, imbes ay tumalikod ako sa pintuan, huminga ng malalim. 'Hindi pa siguro oras para mangulit ako sa kanya.' Isang lalaki ang napansin kong papalapit sa akin. May salamin itong suot ngunit hindi naman siya mukhang nerd. Katunayan, mukha siyang strikto, seryoso at hindi friendly. Habang naglalakad siya ay napadaan sa aking kinatatayuan, ni hindi niya ako tiningnan na para bang walang nakita. Ako naman ay habol tingin sa kanya, hindi siya mukhang senior level at jr level. Sa isang silid apat na silid ang layo mula sa silid ko pumasok ang lalaki. Ako naman ay nabahala sa kanya, para bang may gulong dulot ang lalaking iyon. Masyadong misteryoso ang kanyang aura, para lang siyang normal na wizard pero habang papalapit siya kanina, may kakaiba sa kanyang mata. Nagkibit balikat na lang akong naglakad papasok sa aking silid, baka naman kasi paranoid lang ako dahil sa nangyari nun bakasyon. Oceane POV Naramdaman ko ang kakaibang aura sa labas ng aking silid, napabalikwas ako. Nahawakan naman ako ni Castor sa braso. "Bakit, Oceane?" "Papalapit siya dito Castor." Sabi ko Agad na lumapit sa may pintuan si Castor, nakiramdam. May taong nakatayo sa labas ng aking silid. Napatingin siya sa akin. "Wala akong ibang aura na nararamdaman maliban kay Zaiden Alfiro na nakatayo sa labas ng silid." Sabi ni Castor Napalunok ako. Kahit segundo lang ang aura na dumaan sa harapan ng aking silid nakaramdam ako ng matinding takot. Para bang warning sa akin ang pagpaparamdam niya sa akin ng aura niya. "W-wala na siya.." sabi ko Hinarap ako ni Castor. "Warning lang sa'yo ang ibinigay niya. Gusto niyang ipaalam sayo na malapit lang siya." Napaupo ako sa kama, unti unti na rin nawawala ang nerbyos ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. 'Bakit ako natatakot sa kanya? Nakuha ko na ang kapangyarihan niya, ibinigay niya iyon sa akin ng kusa pero bakit parang..' "Bakit hindi mo kausapin si Zaiden Alfiro? Kanina pa siya sa labas ng silid mo." Sabi ni Castor Napatingin ako kay Castor. "W-wala ako sa kondisyon para kausapin siya. Isa pa wala na kaming pag uusapan pa." Hindi na nagtanong pa si Castor tungkol kay Zaiden, naglakad ito papalapit sa bintana saka naupo doon. "Ayos ka na ba?" tanong niya Tumango ako. "Oo." Tumitig siya sa akin na para bang may malalim na iniisip. "Bakit?" tanong ko "Gusto kong malaman kung bakit takot na takot ka sa kanya? Sa Fire Phoenix, malakas baa ng aura niya para katakutan mo ng ganyan?" tanong ni Castor sa akin "H-hindi ko rin alam, Castor. Mula ng iparamdam niya sa akin kanina ang tindi ng kapangyarihan niyang apoy, na halos ikamatay ko na, natatakot na ako sa kanya." Sabi ko naman Nilapitan ako ni Castor, naupo siya sa harapan ko. "Iniisip ko lang.." sabi ni Castor "Anong iniisip mo?" tanong ko naman "Hindi mo pa hawak ang kapangyarihan ng Fire Phoenix o alin man sa apat na Spirit Guardian." Sabi ni Castor Nakinig naman ako sa sasabihin pa niya, mukhang may konklusyon sii Castor sa mga nangyayari. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko "Dahil kailangan mo sila kaya ka nila tinulungan. Pero hindi ibig sabihin nun ay ipinagkakatiwala na nila ang kapangyarihan nila sa'yo kaya gusto ka nilang subukan." "Nila? Meaning lahat ng Spirit Guardian ay.." "May posibilidad, Oceane. Sa legend, ang pinaka mapangahas na Spirit Guardian ay ang Guardian of Fire. Leader ang kanyang tingin sa sarili dahil sa lahat ng Spirit Guardian, siya ang mga kapangyarihan na hindi basta basta. Ang Guardian of Earth naman malapit sa tao. Minsan nakakasalamuha mo siya, nakakausap o kaibigan mo na pala ngunit hindi niya ipapaalam sa'yo. Ang Guardian of Water naman ang pinaka mahinahon, tahimik at pinakamatalino sa apat na orb. Nag iisip muna siya bago gumawa ng isang bagay. At ang pang apat na Guardian, ang Guardian of Wind ang pinaka masayahin sa kanilang apat. Lahat ng bagay ay dinadaan nito sa biro, para sa kanya walang negative, siya ang nagsisilbing taga balance sa Guardian of Water at Guardian of Fire." Paliwanag ni Castor "Bakit? Hindi ba magkasundo ang dalawang Guardian?" tanong ko naman "Ayon sa kwento, hindi magkasundo ang dalawang Guardian, ang Water at Fire. Madalas na angpapagalingan ang dalawa. Dahil na rin siguro sa ugali ng Guardian of Fire, ayaw kasi ng Guardian of Fire na may kokontra sa kanya sa tuwing gagawa siya ng desisyon. At ang madalas na kumokontra sa kanya ay ang.." "Matalinong Guardian of Water. Dahil nga matalino siya, pinag aaralan niyang mabuti ang bagay bagay bago magbigay ng plano o desisyon." Sabi ko naman Ngumiti lang si Castor. "Tama ka." Hindi na ako nakapagsalita pa. Mukhang unang susubok sa akin ay ang Fire Phoenix. "Don't worry, nandito naman ako. Tutulungan kita." Sabi ni Castor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD