Chapter 20: The Fierce One

1525 Words
Castor POV Wala ang Old Elf ng umagang iyon, hindi namin alam kung may pinuntahan ba ito na importante dahil bago sumikat ang araw ay gising na ako, nakatambay sa puno malapit sa terrace ng bahay at hindi ko naman napansin ang pag alis niya. Magandang pagmasdan ang pagsikat at paglubog ng araw. "Castor, tara sabayan mo ako mag breakfast!" sigaw ni Oceane Tumalon ako mula sa puno at nakatayong bumagsak ako sa harapan ni Oceane. Wala naman nagbago sa kanya matapos ang encounter niya sa Dark Lord kagabi. Sabay kaming naglakad patungo sa kusina. Bahagya pa akong nagulat ng mapansin na masarap ang agahan namin ngayon. Napatingin ako sa kanya. "Hindi ako ang nagluto niyan." Sabi ni Oceane "Wala naman akong sinabi na ikaw." Sabi ko naman Ngumiti lang si Oceane saka naupo sa tapat ko. Tahimik siyang kumuha ng pagkain at iniligay sa plato, ako naman ay mainit na tsaa lang ang gusto. "Nakausap ka na ba ni Old Elf?" tanong ko "Hindi pa kami nagkikita ni lolo, bakit?" "May mga sinabi kasi siya sa akin." "Tungkol sa saan?" "Tungkol sa Dark Auras na meron na tayo." Napatingin sa akin si Oceane. Dahil sa reaksyon niyang iyon, siguradong hindi pa nga niya alam ang tungkol sa Dark Auras, kaya naman ako na ang nagpaliwanag sa kanya katulad ng sinabi ni Old Elf. "So kailangan natin lumayo sa isa't isa sa tuwing.." Tumango ako. "For our safety." Huminga ng malalim si Oceane. Saglit na hinigop ang tasa ng tsaa. "Wala ba tayong magagawa tungkol dyan?" Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?" "Ang sabi ni lolo, ang aura kahit anong kulay, kung ano ang gusto ng nagmamay ari dito, mabuti man o masama iyon ang kanilang susundin." "Oo." "Meaning, kahit may Dark Auras tayo, if we want to do good iyon ang gagawin ng mga auras natin." Sabi niya "May punto ka, kaso ang iniisip ko lang.." sabi ko Nakatitig siya sa akin. Medyo nailang tuloy ako sa tumitingin sa mga mata niya. "Iniisip ko lang na dalawang aura ang meron tayo, paano natin mapapasunod ang dalawang iyon na hindi sila magtatalo sa loob ng katawan natin." Sabi ko Natahimik si Oceane. Mukhang hindi niya naisip ang isa pang aura na meron kami, ang kulay purple na aura niya at kulay green naman sa akin. "Hindi ko naisip yan." Sabi ni Oceane Tumahimik naman ako. Katulad niya nag iisip din ako ng paraan para hindi na muling magamit pa ng Dark Lord para patayin namin ni Oceane ang isa't isa. Zaiden POV Unang araw na ng klase, maagang kaming pumasok ni Gaeia. Hindi dahil sa ayaw kong ma late, kundi dahil ayaw kong magtagal pa sa bahay. Stressful sa bahay, wala kaming ginawa ni Dad kundi magtalo sa tuwing magkikita kami. Inihatid ko muna sa labas ng dorm nila si Gaeia. Magkaiba kami ng section, kaya naman kinailangan ko pa ituro sa kanya ang building nila. "Ayos ka na dito?" tanong ko "Thanks Zaiden, see you soon." Sabi niya Ngumiti lang ako. Siya naman ay tumalikod na at pumasok na sa dorm nila. Ako naman ay naglakad na pabalik sa section ko. Sa hallway patungo sa dorm, napansin ko na ang pagdating mga mga estudyante, mga first level hanggang sa fourth level. Syempre may inaasahan ako sa darating at sana makasabay ko siya papasok sa dorm. Naghintay ako sa labas ng pintuan ng dorm, nakasandal sa pillar malapit doon. Maaga pa naman kaya lahat ng estudyante ay abala sa pagbibit ng dala nilang gamit sa kani kaniyang dorm building hanggang sa mabibilang na lang ang estudyante sa hallway. Tumunog na ang bell sa unang agahan ng unang semester. Muli, makikita sa hallway ang dami ng estudyante sa section namin, sa kabilang side naman ang iba't ibang section. Lumingon lingon ako sa paligid, ngunit wala pa rin siya. Huminga ako ng malalim saka muling naghintay. 'Ilang minuto pa, mahinhintay ako.' Hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan, marahil ay 30 minuto akong nasa ganoong posisyon ng lapitan ako ni Gaeia. "Hinahanap kita sa dining hall, kaya pala wala ka pa dahil nakatambay ka pa dito." Sabi niya Tiningnan ko siya, naka robe na siya na kulay ng kanilang section. "Anong ginagawa mo dito? 30 minutes na lang matatapos na ang agahan." Tanong niya "Wala naman." Sabi ko Lumingon lingon pa ako sa paligid nagbabaka- sakali na darating siya at sabay kaming mag aagahan. Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go.." sabi niya Huminga ako ng malalim saka lumingon lingod muli sa paligid. "Sige." Sabi ko naman 'Baka hindi na siya papasok.' Oceane POV "Kailangan ba talaga magtago dito?" tanong ni Castor Pagpasok sa Academy kanina, napansin ko na si Zaiden Alfiro na papalapit sa dorm namin, kaya naman hinila ko si Castor sa likod ng malaking puno sa di kalayuan para magtago doon. "Oo." Simpleng sagot ko Ayoko ng maraming tanong, ayoko magpaliwanag. Matagal kaming hinintay ni Zaiden Alfiro sa hallway, sumadal pa ito sa pillar at mukhang magtyaga siyang maghihintay sa akin. "Kanina pa siya doon, atsaka tumunog na ang matandang orasan, oras na ng agahan." Sabi ni Castor "Kumain naman tayo sa bahay bago umalis diba?" Tumingin ako sa kanya. "Don't tell me gutom ka pa?" "Oo naman, iba ang source of food ng other half ko." Sabi niya Lumipas pa ang ilang minuto at may napansin kami na babaeng papalapit kay Zaiden Alfiro. Sandali silang nag usap saka hinawakan ng babae ang kamay ni Zaiden at naglakad na sila papalayo malapit sa dorm. Wala akong planong pumasok sa unang araw ng klase kaya matapos kong ihatid sa dorm ang aking mga gamit ay lumabas muli ako at pumasok sa library. Si Castor naman ay lumabas muli ng Academy para maghunt ng pagkain niya. Naglibot ako sa loob ng library, naghanap ng tahimik at magandang pwesto para makapagbasa. 'Kailangan ko malaman ang tungkol sa pag control sa dalawang aura. Ayoko maging katulad ng Dark Lord.' "Hi!" Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harapan ng table ko. May suot itong reading glass pero hindi naman mukhang nerd. Gwapo ito at balingkinitan ang katawan na may konting muscle. Mukhang strikto ang facial expression nito. "Hi!" nakangiting sabi ko. "Is it okay if I join you? Medyo crowded na kasi sa banda dun." Sabi nito Napasilip ako sa likuran ng lalaki, mukhang may klase na nga si Prof Corvan at medyo marami ito kumpara last year. "Sure, wala naman din ako kasama." Sabi ko Naupo naman sa tapat ko ang lalaki. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro. Ilang minuto ang lumipas, nararamdaman ko ang init sa loob ng aking katawan, na para bang sinusunog. 'A-anong nangyayari?' Napatingin ako sa paligid, mukhang okay naman ang lahat, maging ang lalaking nasa harapan ko, busy ito sa pagbabasa ng libro. Napahawak ako sa aking dibdib. 'Ang hapdi... ano ito? Bakit ang sakit?' Unti unti na rin nagiging blurred ang paningin ko. Animo'y may apoy na lumalabas sa aking mga mata dahil nararamdaman ko ang mainit na singaw nito. 'Si Baragor ba ang gumagawa sa akin nito? Ngunit nasaan siya?' Pilit akong lumingon lingon sa paligid kahit pa malabo na ang aking paningin. Napansin ko rin ang tubig na pumatak sa lamesa at sa librong binabasa ko. 'Ano ito?' Napahawak ako sa aking mukha, para akong naligo sa pawis. Basang basa ang aking katawan ng pawis. 'Pawis? Sa sobrang init na nararamdaman ko sobra sobra akong pinagpawisan.' "Bakit hindi mo gamitin ang kapangyarihan mo?" Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko, nakatitig siya sa akin. "A-anong..." "Adeguer Sileca!" Mas naramdaman ko ang init sa aking katawan. Sinubukan kong tumayo ngunit sobrang nanghihina ang aking mga tuhod. Muli akong napaupo at halos bumagsak sa lamesa, mastumindi kasi ang pagpapawis ko. Unti unti na rin akong kinakapos ng hininga at ang aking lalamunan, para bang natutuyo. Pilit akong lumingon sa paligid, walang nakakapansin sa nangyayari sa akin. Ang lalaki sa aking harapan ay nakatingin lang, seryoso at mukhang wala itong plano na tulungan ako. Bukod pa dyan, may sinabi siyang lumang spell, isa iyong utos mula sa mga apoy. 'Sino ang lalaking ito?' "Simula na para makilala natin ang isa't isa, babae." Sabi ng lalaking kaharap ko "Sino ka?" pilit kong ibinuka ang aking bibig para makapaglabas ng boses "Ako si Brean, isa sa Spirit Guardian." Sabi lang nito 'Isa siya sa Spirit Guardian? Siya ang Guardian Sprirt ng apoy, siya ang Fire Phoenix." Nanlaki ang aking mata, ang lalaking kaharap ko at na kausap ko ngayon ay ang Fire Phoenix. 'Bakit siya tao? Nagpanggap ba siyang tao?' Inilapit ng lalaki ang kanyang mukha sa akin. Kitang kita ko sa kanyang mata ang Fire Phoenix. Bahagyang ngumiti ang lalaki. "Alam mo, kahit pawisan ka, maganda ka pa rin. Nakamamangha." Sabi nito na bahagyang iginalaw ng kanyang daliri ang kanyang suot na salamin. Tinitigan pa niya ako ng sandali saka niya inilayo ang kanyang mukha sa akin, pagkatapos ay tumayo ito. "Magkikita pa tayo, babae. Kaya maging handa ka." Sabi nito Pumasok sa mata ko ang pawis na umagos mula sa aking noo kaya naman napapikit ako, pag dilat ng mata ko wala na ang lalaki. Naiwan lang doon ang libro niyang binabasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD