Chapter 19: First Encounter with the Dark Lord (2)

948 Words
Oceane POV Pagmulat ng aking mata, madilim ang paligid, ang buong akala ko nga ay nakapikit pa ako kaya kinapa ko pa ng aking kamay ang aking mga mata. Ilang sandali pa, nasanay na ang aking paningin sa dilim, isa iyong silid, Malaki, maraming libro, mamahalin ang mga gamit gaya ng mga upuan, lamesa na yari yata sa kahoy at ginto. "Kamusta ka na apo ko?" Napalingon ako, isang lalaki ang nakatayo sa aking harapan, matanda na ito base sa kanyang boses ngunit hindi halata sa kanyang balat at itsura. "S-sino ka?" tanong ko Nagsmirked ang lalaki, naglakad ito papalapit sa akin, ngunit huminto ito ng may parang barrier sa aming dalawa. "Ang mga mata mo, katulad ng sa iyong ama." Sabi nito "Hindi kita kilala." Sabi ko naman Naglakad ito paikot sa akin, ngunit wala naman akong naramdaman na takot o kaba man lang. "Ako ang iyong lolo, anak ko ang iyong ama." Bahagya akong natulala sa lalaki, hindi kaagad ako nakapagsalita. "I-ikaw ang...I-ikaw si.." utal utal kong sabi "Ako nga, ako ang iyong lolo." Sabi ulit nito "Ikaw ang Dark Lord, ikaw si Baragor." Sabi ko naman Tumawa ito saka huminto muli sa aking harapan. Sinubukan niyang hawakan ang aking mukha ngunit parang may salamin sa aming gitna, hindi niya ako mahawakan. "Ang matandang Elf na iyon, wala talagang magawa, pati ba naman ikaw, na sarili kong apo ay inilalayo sa akin?" sabi ng lalaki Tumalikod ito at humakbang ng ilang beses. "Kinuha na nga nila sa akin ang aking anak, ngayon naman ay pati ikaw?" sabi nito "Inilalayo ako sayo ni Lolo dahil masama ka, gusto mo akong patayin para ikaw pa rin ang maging makapangyarihan dito sa mundo." Sabi ko naman "Tama ka apo, ako nga ang pinakamayaman, pinakakilala at kinatatakutan ng lahat ng wizard sa mundo natin. Ngunit may taong hindi naman natatakot sa akin.." sabi niya Hindi ako nagsalita, hindi ko kilala ang tinutukoy niya at wala akong pakialam. Gusto kong malaman kung paano niya ako nakuha kay Lolo Elf? Nasaan na ang mga magulang ko at si Castor? "Alam o apo, hindi naman kita sasaktan, maging magkasundo lang tayo." "Hindi ako naniniwala sayo." Sabi ko "Hindi mo pa nga ako kilala, base lamang sa mga kwento ng iyong mga walang kwentang kakilala ay huhusgahan mo na ako?" "DAhil marami silang nagsasabi, maraming nakaranas ng kalupitan at kasamaan mo." Sabi ko naman "Dahil lang doon ay ganyan na rin ang tingin mo sa akin? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako nagging malupit at masama sa kanila?" "Hindi nakailangan.. dahil sakim ka sa kapangyarihan kaya pati ako ay gusto mong patayin. Ang sarili mong laman at dugo." Sabi ko "DAhil ikaw ang tutupad sa propesiya!" Naramdaman ko ang paglamig ng hangin, lumakas ang enerhiya sa aming paligid. Wala siyang ginagawa, nakatayo lang siya at nakatingin sa akin habang nagsasalita. "Ang batang nakatakdang tatapos sa aking pagiging The Greatest Sorcerer of All Time.." sabi niya "Hindi ko kailangan ng kapangyarihan, hindi ko kailangan ng kayamanan at katanyagan, handa ko iyong ibigay sa'yo ng buong buo." Huminto ang enerhiya sa aming paligid, muli lumapit siya sa akin. "Kung maipapangako mo na hindi ka na magiging masama, na titigilan mo na ang lahat ng wizard sa mundo natin at sa kabilang mundo." "Handa mong gawin yan kung mangangako ako?" nakangiti nitong sabi Tumango ako. "Oo naman." Muli tinalikuran ako ng lalaki saka naglakad papalayo sa akin. "Ngunit alam ko naman na di mo iyon kayang tuparin." Napalingon ang lalaki sa akin, seryoso ang mukha. "Paghirapan mong makuha ang kapangyarihan sa akin kung gusto mong manatiling pinakamalakas, kailangan mo muna akong patayin." Muling lumakas ang enerhiya, mabilis siyang nakalapit sa akin ngunit dahil sa barrier na pumapagitna sa amin hindi niya ako mahawakan. Nagulat lang ako ng mula sa aking likuran isang kamay ang humawak sa akin. Para akong hinihila papalayo sa lalaki, nakita ko naman ang galit sa mukha ng lalaki at unti unting nagkakaroon ng lamat ang barrier. Castor POV "Mabuti naman at nagising ka..." sabi ko Mabilis na bumangon si Oceane at lumingon lingon sa paligid. Kami lang ni Old Elf ang kasama niya sa silid, tinawag ko kasi ang matanda nun mapansin kong napapalibutan ng itim na aura si Oceane habang natutulog, pagkatapos ay may ginawa siyang ritual spell na hindi ko alam kung ano yon at ano ang magagawa noon. Isang yakap ang natanggap ko kay Oceane imbes na sagot sa aking tanong. "B-bakit?" tanong ko "A-ang Dark Lord, nakausap ko ang Dark Lord." "Ano?" tanong ko Ikinuwento ni Oceane ang nangyari at nakinig naman kami ni Old Elf. Ang ritual spell pala na ginawa niya ay isang protection shield para kahit sa panaginip ay hindi siya masasaktan ng Dark Lord. "Sinasabi ko na nga ba at gagawin iyan ni Baragor." Sabi ni Old Elf "Paano siya nakapasok sa panaginip ko, lolo?" tanong ni Oceane "Kung paano ka niya nagamit kanina." Sabi ni Old Elf "Ano po?" naguguluhan tanong ni Oceane "Siguradong hindi na titigil si Baragor para mapatay si Oceane.." sabi ko naman "Sigurado tayo diyan, lalo na't hindi niya inaasahan na matatakasan siya.." sabi ni Old Elf "Iniligtas mo ako Castor, salamat." Sabi ni Oceane "Sinabi sa akin ni Old Elf na gamitin ko ang itim na aura sa akin at unti unti kong kontrolin para makuha kita sa panaginip mo, para mailayo ka kay Baragor." Sabi ko naman Kahit ako ay namangha sa bilis ng pangyayari, nagawa kong utusan ang itim na aura sa aking katawan para gumawa ng kabutihan. "Ang aura kahit anong kulay, kung ano ang gusto ng nagmamay ari dito mabuti man o masama iyon ang kanyang susundin." Sabi ni Old Elf
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD