Chapter 2: The Lies (2)

1171 Words
Castor POV Katulad ng palaging ipinapagawa sa akin ni Old Elf, kailangan kong kontrolin ang kung anu man na aura ang gusting komontrol sa akin. Kailangan ko itong labanan. Bago mag eve of full moon ay mabilis akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa gubat. Kailangan kong maghunt ng aking pagkain. Tamang tama ang aking dating, may usa akong nakita kaya agad koi tong sinungaban. Nagpupumiglas pa ito para makawala sa aking pagkakahawak pero agad kong nasakmal ang leeg nito saka ko pinagsawaan ang dugo nito. Pagkatapos kong maghunt ng pagkain ko, nakita ko pa na nakatayo sa may terrace ng silid niya sa tree house si Oceane. Nakatayo lang ito habang nakatingin sa kawalan. Nakatayo ako sa di kalayuan sa terrace. "Kailangan mo ba akong pagmasdan ng patago?" sabi nito Bahagya akong nagulat, alam nito na pinagmamasdan ko siya. Mabilis ko siyang nilapitan halos di yata iyon umabot ng 2 segundo nakatayo na ako sa tabi niya. "Anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ko Ilang metro din ang layo ko sa kanya. Naiilang na rin ako pag magkausap o magkaharap kami, parang ibang tao na siya. Hindi ko alam kung epekto ba yun ng bagong kapangyarihan niya o sadyang ibang tao na lang siya. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" balik tanong niya sa akin "Kailangan kong maghunt kaya lumabas ako ngayon." Sabi ko Naupo ako sa veranda. Medyo malamig na ang hangin mula sa lawa. Maririnig na rin ang ingay ng mga kulisap at kuliglig. Marami na rin mga fairies ang naglipana sa gubat kaya naman maliwanag ang paligid bukas sa liwanag na nagmumula sa buwan. "A-anong nangyari sayo?" tanong ko Napalingon naman siya sa akin. Seryoso siya "Bakit nagbago ka na?" dagdag ko "Akala ko kasi, makakasama ko siya hanggang sa dulo, pero ngayon kailangan ko siya, wala siya. Iniwan na lang niya ako ng basta basta." Napalingon ako sa kanya. Si Zaiden baa ng sinasabi niyang nang iwan sa kanya? "Hindi ka naman niya iniwan, kung si Zaiden ang tinutukoy mo. Inilayo siya ng kanyang ama sayo." Sabi ko naman Hindi na muli nagsalita pa si Oceane. Nakatingin lang ako sa kanya. Mula sa kanyang palad, may lumabas na apoy doon saka pinaglaruan ito. Lumulutang ito sa ibabaw ng kanyang palad habang nagpapalit palit ito ng ibang hugis. "Ayoko ng kung anong meron ako ngayon." Sabi ni Oceane. "Hindi ko hiniling sa Diyos na bigyan ako ng malakas na kapangyarihan, ang hiniling ko sa kanya, magandng buhay kasama ang aking mga magulang at si Zaiden." May kumirot sa dibdib ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Hinayaan ko lang siya na magsabi sa akin ng kung asnong nararamdaman niya. "Pero eto, iniwan niya ako. Lahat ng pangako niya napako, inilipad lang ng hangin at dinala sa malayo." Hindi siya umiiyak ngunit ramdam ko ang sama ng loob niya. Tumayo ako sa pagkakaupo saka ko siya nilapitan. Inakbayan ko siya at ipinatong ko ang ulo niya sa aking balikat. Unti unti ko ng naririnig ang mahina niyang paghikbi kasunod noon ang pagyakap niya sa aking mga beywang habang lumalakas na ang kanyang pag iyak. Hindi ko alam ang dapat kong gawin, ngayon ko lang siya nakitang ganoon. Hinayaan ko lang na maging sandalan niya ang aking balikat para lang mabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman. "Nazar maari ka bang makausap?" Nakatayo ako sa labas ng silid nila Miranda at Nazar. Nakasalubong ko si Nazar, mukhang galling ito sa CR at ako naman ay kakalabas lang sa silid ni Oceane. Mahimbing ng natutulog si Oceane sa kanyang silid. Kahit paano nakabawas sa kanyang dinadala ang pag iyak niya. "Oh bakit Castor? Kamusta ang training mo?" tanong niya sa akin "Mabuti naman, nakakatulong ang itinuro ni Old Elf sa akin." "Mabuti kung ganon. Ang anak ko? Nakausap mo na ba siya?" "A-anong sinabi mo kay Oceane tungkol kay Zaiden?" Bahagyang nagulat si Nazar sa tanong ko. Sa reaksyon niyang iyon alam ko na ang maaring naging dahilan. "Bakit ka nagsinungaling sa anak mo Nazar?" tanong ko "Hindi ako ang nagsabi noon kundi si Miranda ngunit tama ka.. sumang ayon ako sa gusto niya kaya kasama akong nagsinungaling sa aking anak." "Dapat siguro sabihin nyo ang totoo.. kaya ganyan si Oceane ngayon dahil sa kasinungalingan na sinabi nyo." Huminga ng malalim si Nazar. "Nakikiusap ako sayo Castor wag mong sasabihin ang totoong nangyari.." "Sinabi ko na sa kanya, ngunit hindi niya ako pinapakingan. Mas naniwala siya sa inyo." Sabi ko naman "Alam kong mali ang ginawa naming Castor ngunit ito lang ang nakikita naming na tama para layuan na nila ang isa't isa." "Desisyon nyo iyan bilang magulang, wala akong magagawa diyan. Ang sa akin lang paano kung malaman niya ang totoo?" Hindi na sumagot si Nazar. Hinawakan ko ang isang balikat ni Nazar saka tinapik iyon, pagkatapos ay naglakad na ako papalapit sa aking silid. Castor POV Dahil hindi naman ako sanay matulog talaga gaya ng ibang normal na wizard, maaga akong bumabangon sa aking higaan. Nauunahan ko pa nga ang pagsikat ng araw. Pagbukas ko ng pintuan, madilim pa ang buong kabahayan, mukhang tulog pa ang aking mga kasama sa bahay. Dahil nakasanayan ko na ang paliligo pagbangon ko mula sa aking kama, didiretso ako sa banyo. Paglabas ko ng aking silid at paghakbang ng halos apat na metro, nakarinig ako ng mahinang hikbi mula sa silid sa di kalayuan. Sing bilis ng hangin akong lumapit sa tapat ng pintuan, marahan kong pinakinggan ang tinig na aking naririnig. Umiiyak na naman siya... Huminga ako ng malalim. Plano ko sana na kumatok sa pintuan ng silid ni Oceane, baka kailangan niya ng kausap, ngunit hindi pa lumalapat ang aking kamao sa pintuan nagbago na ang aking isip. Tumalikod ako saka naglakad papalit sa banyo. Habang patuloy na tumutulo sa aking katawan ang malamig na tubig mula sa tubong yari sa balat ng puno, hindi mapalagay ang aking isip. Gusto ko siyang tulungan ngunit may pumipigil sa akin, ang aking isip. Tok Tok Tok Napalingon ako sa pintuan, doon lang bumalik ang aking presensiya. Agad akong nagpunas ng katawan saka nagtapis ng tuwalya at binuksan ang pintuan. "S-sorry.." sabi ni Oceane Bigla itong tumalikod sa akin. Lihim naman akong napangiti. "Ayos lang, tapos na naman ako.." sabi ko Nagsimula akong humakbang papalayo sa banyo at sa kanya. Siya naman ay mabilis na pumasok sa CR. Hindi ko malaman kung ilang minute akong nakatayo di kalayuan sa banyo. Naramdaman ko na lang ang isang kamay na pumatong sa aking balikat. "Kung matagal siya sa banyo, kumatok ka na lang.." sabi ni Nazar Napatingin ako kay Nazar, mukha siyang bagong gising. Magulo pa ang buhok nito at mukhang di nakatulog ng maayos. "Tapos na ako." Simpleng sabi ko "Magbihis ka na Castor, may dalaga kang kasama dito sa bahay at hindi maari ang ganyang style mo.." sermon naman ni Miranda Napalingon ako kay Miranda, katabi na nito sa labas ng pintuan ng banyo si Oceane. Tapos na itong maligo at nakabihis na. Nagtama ang paningin naming ngunit ako na rin ang mabilis na bumawi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD