Chapter 3: Moving On

1315 Words
Calin POV Malapit na naman ang pasukan. Tapos na ang maliligayang araw ko bilang lobo, kailangan ko na ulit magpalit ng anyo bilang tao sa loob ng limang araw. Masaya akong nakikipaghabulan sa mga fairy sa kakahuyan ng maramdaman ko ang aura ng batang bampira. Papalapit ito sa kinaroroonan ko. Hindi ako nagtago imbes ay hinintay ko ang pagdating niya. Mula sa itaas ng puno, napansin kong tumalon siya pababa sa bangin kung saan ako naroroon. Napansin ko pang napangiti siya nun lumapat ang kanyang paa sa lupa. Naramdam ako ng kakaiba. "Bakit ka natitig sa akin?" Bahagya akong nagulat sa biglaan niyang tanong. Hindi ko namalayan na halos isang dipa na lang pala ang layo namin sa isa't isa. "H-hindi ako natitig sayo blood sucker.." sabi ko Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa. "Okay sabi mo eh." Pagkasabi niya noon ay nagsimula na siyang maglakad, normal na lakad ng isang wizard. Nakatingin naman ako sa kanya habang papalayo. Ngunti hindi ako nakatiis. "Wala kang papatayin isa man sa aking mga alagad." Sabi ko Napalingon siya sa akin, nakatitig siya. "Seryoso ka?" tanong nito Mabilis ko siyang nilapitan. Kagaya kanina isang dipa ulit ang layo naming sa isa't isa. Itinaas pa nito ang dalawang kamay at nag cross arm siya habang seryosong nakatingin sa akin. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Alam mo aso.." panimula niya "Hindi ako isang aso, isa akong lobo. Ako ang Guardian Master kaya magdahandahan ka sa pananalita mo bampira." "Wala akong pakialam kahit sino ka pa, wizard ako na kailangan din kumain." Sabi nito sabay tumalikod at nagsimula ulit humakbang NAgsimulang mag init ang aking dugo sa kanyang ginawa. Pakiramdam ko ay nabastos ako ng sobra. Hinabol ko siya at iniharang ang aking katawan sa kanyang dinadaanan. Napahinto siya sa aking ginawa. Kunot noo niya akong tinitigan. "Nilalapastangan mo ang aking pagiging Guardian Master bampira.." mataray kong sabi "Bakit mo nasabi na nilalapastangan kita?" simpleng tanong nito Hindi ako makasagot agad, naiisip pa ako ng maaring isagot sa kanyang tanong. Nang manahimik ako ng di ko alam kung gaano katagal ay iniwan na naman niya ako. Sasagot pa sana ako ng maramdaman ko ang aura ng Earth Guardian. Oceane POV Pilit akong pinalabas ni Papa sa aking silid ng araw na iyon. Niyaya niya ako sa terrace ng aming tree house. Kahit ayaw ko, kailangan ko pa rin sundin ang aking ama kaya naman lumabas ako ng aking silid at pumunta sa terrace. Naabutan ko doon sina Mama at Papa na masayang nagkukwentuhan habang nakatayo sa terrace. Nakatalikod sila sa akin kaya naman hindi nila alam na naroon na ako. Nakaakbay si Papa kay Mama, nakita ko rin na panay ang haplos ni Mama sa pisngi ni Papa. Biglang nagflashback sa isip ko ang panahon na magkasama pa kami ni Zaiden. Imbes na matuwa ako para sa aking mga magulang, hindi ko maiwasan na mag iba ang timpla ng aking mood. "Anak ayos ka lang?" Napatingin ako kay Mama, nakatayo na pala siya sa aking harapan. Asa mukha niya ang pag aalala. "Halika dito tayo.." Hinila ako ni Mama hangang sa makarating kami sa sofa sa terrace. Yari ang sofa sa mga malalambot na dahon na siyang nagsisilbing foam at ang katawan nito ay mula sa matitibay at malalaking baging ng puno. "Nag aalala kami sayo anak, hindi ka na halos lumalabas ng silid." Panimula ni Mama Napatingin ako kay Papa. Tahimik lang itong nakatingin sa akin. "Wala lang po ako sa mood na lumabas. Mas gusto ko pong magbasa." Simpleng sabi ko naman "Ngunit hindi naman nakakabuti sayo iyon anak. Hindi ka na nasisikatan ng araw. Namumutla ka na." sabi ni Mama Hinaplos pa ni Mama ang aking pisngi. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. "Ang ganda ninyong tingan.." Napatingin kaming lahat sa bagong dating. Naglalakad na si Castor papalapit sa amin. Agad nitong nilapitan si Nazar. "Saan ka nangaling Castor?" tanong ni Papa "Naghanap ako ng aking agahan." Sabi naman ni Castor Ilang sandali pa ay nakibonding na rin sa amin si Lolo Elf. Nakaupo siya sa aking tabi. Naubos din ang handa ni Mama na pagkain para sa amin. "Nalalapit na muli ang pasukan sa Academy." Hirit ni Lolo Elf Nahuli ko na nagkatinginan sina Mama at Papa. "Oo nga Old Elf. Ilang araw na lang mula ngayon." Sabi ni Mama "Kailan kayo mamimili ng gamit ng dalawang bata?" tanong ulit ni Lolo Elf Muling nagkatinginan sina Mama at Papa "Si Castor lang ang plano namin na papasukin sa Academy ngayong pasukan." Sabi naman ni Papa "Ngunit bakit? Hindi yan maari, paano na ang pag aaral ng aking apo?" sabi naman ni lolo elf "Iniisip lang po namin na mapanganib para sa kanya ang..." "Wala ba kayong tiwala sa Academy? Hindi ba't doon kayo natuto at naging magaling na Wizard?" hirit ni lolo Elf Hindi nakakibo sina Mama at Papa. Hindi ko rin alam kung kaya ko ba pumasok sa Academy. Hindi ko alam kung hand aba ako kung sakaling.... "Hindi ako papasok sa Academy kung hindi ko kasama si Oceane." Sabi ni Castor Napatingin kaming lahat sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Nakatingin naman siya sa akin. "Kailangan mo rin harapin ang ngayon mo at ang kinabuksan mo.." simpleng sabi ni Castor "Ngunit, handa ka na ba anak na.." Napatingin ako kay Papa. Alam kong nag aalala sila sa akin, pero ako mismo sa sarili ko, hindi ko alam ang isasagot ko. Kung kaya ko ba? "Apo hija.." panimula ni Lolo Elf, hinawakan pa nito ang aking kamay. "Huwag kang matakot." Napatingin ako kay Lolo Elf. "Alam kong nasaktan ka, ako man ay dumaan din sa ganyang pakiramdam. Kung nasaktan ka man ng taong akala mo ay minahal ka, wag kang magalit sa kanya. Magpasalamat ka, kung di dahil sa kanya di mo mararamdaman kung paano magmahal at mahalin, kung ano ang mga pagsubok na kakaharapin pag nag mamahal. At sa susunod na magmamahal ka ulit, alam mo na ang dapat mong gawin." Natahimik ako sa sinabi ni Lolo. Ngumiti si Lolo sa akin, isang matamis na ngiti na ngayon ko lang nakita kay lolo. Naiwan ako sa terrace matapos ang bonding namin. Kailangan pumasok ni Mama sa Magicae Ministerium, si Papa naman ay katulong ni Lolo sa kabilang bahay para sa isang pagsasanay. Si Castor ay bigla na lang nawala. Naupo ako sa barandilya ng terrace. Napaisip ako sa sinabi ni lolo kanina. Kaya ko ng aba na harapin si Zaiden? Kaya ko ba siya patawarin sa biglaan niyang pag iwan sa akin sa ere? Hindi ko alam kung normal itong galit na nararamdaman ko, wala akong matandaan sa nangyari, pero sa nalaman ko sobra akong namuhi sa kanya. Bahagya akong nagulat ng humarang sa aking paningin ang isang kulay puti na bulaklak. Mabango ito, kakaibang bango na unang beses ko pa lang naamoy. Hindi naman ito rose pero may hawig ito. Narinig ko na nagsmirked si Castor nun inabot ko ang hawak niyang bulaklak. "Bakit ka nagsmirked?" nagtataka kong tanong Napangiti siya sabay nilapat niya sa noo ko ang malamig niyang hintuturo. "Natuwa lang ako kasi nag smile ka." Simpleng sabi niya Naupo siya sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang bulaklak na bigay niya sa akin. "Thank you sa flower, mabango siya." Sabi ko "Pinili ko talaga yan dahil ibibigay ko yan sayo." Simpleng sabi niya Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin. Nagflashback tuloy ang nangyari nun tumawid kami sa bahay ampunan. Alam ko na may gusto siya sa akin kahit pa palagi niya iyon itinatanggi. "Oh bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya "Sorry ha.." "Sorry saan?" "Yun sa bahay ampunan..." di ko natapos ang sasabihin ko "Ayos lang yon. Wala naman nagbago diba? Magkaibigan pa rin tayo." Sabi naman niya Sinubukan kong pakiramdaman ang t***k ng puso niya, ang galaw ng kanyang aura niya. Relax lang ito at hindi ko mabasa. "Oo naman magkaibigan pa rin tayo." Sabi ko sabay ngiti
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD