Chapter 1: The Lies

1314 Words
Castor POV Ilang araw ko ng dinadamdam ito. Ang kakaibang init na dumadaloy sa bawat ugat sa aking katawan. Ang aura na para bang gustong kumawala sa akin. Ano itong nangyayari sa akin? Ang katawan ko... ang katawan ko... Nakabaluktot akong nakahiga sa silid na ibinigay sa akin ni Nazar. Bagaman tumanggi ako na sumama sa kanya, ngunit wala akong nagawa para matangihan ito. Tok Tok Tok Tok Nakatingin lang ako sa pintuan ng silid, pinagpapawisan ako ng sobra dahil sa aking nararamdaman na sakit. Mayamaya pa ay unti unti ng bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Nazar. "Anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Nazar sa akin. Agad niya akong nilapitan, ngunit pinilit kong maupo ng maayos at tiniis ang sakit na para bang walang nangyari. Ayoko na mag alala pa si Nazar sa akin. Masyado na siyang maraming iniisip ngayon at ayoko na dumagdag pa. Bahagya akong ngumiti. "Ano naman mangyayari sa akin?" Tumitig si Nazar sa akin na para bang sinusuri niya ako. "Handan a ang hapunan Castor, halika na at kumain na tayo." Yaya ni Nazar "Ganun ba, sige susunod na ako." Sabi ko naman "Sige. Bilisan mo, ayaw ni Miranda na naghihintay ang pagkain." Sabi pa nito Ngumiti lang ako. Tumayo na si Nazar sa aking kama saka naglakad papalapit sa pintuan. Lumingon pa ito sa akin bago tuluyang isinara ang pintuan. Nazar POV Nakatayo ako sa labas lang ng silid ni Castor. Nag aalala ako sa batang itinuring ko ng anak. Alam kong may dinaramdam ito, sa itsura pa lang nito kanina alam ko na. "Hindi niya sasabihin sayo Papa, gusto mo bang malaman kung anong nangyayari sa kanya?" Napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo sa kanan ko ang aking anak. "Alam mo kung anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Nazar Nakatingin ako sa aking anak, ngunit ang babaeng nakaharap sa ko ay ang bagong babae na kailangan kong kilalanin. Hindi na ito ang anak ko nun una ko siyang makita, nag iba ang ugali nito, mas naging seryoso ito, hindi ngumingiti, ang aura nito ay pilit na kumakawala sa katawan nito. At ang ipinagtataka ko, ay kaya niyang kontrolin ito na para bang sanay na sanay siya. Hindi sumagot ang aking anak imbes ay iniwan ako nito at naglakad na papalayo. Hinabol ko ng tingin ang aking anak, saka muling sinulyapan ang silid ni Castor. Flashback.. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Castor na lapitan ang aking anak ng hindi man lang nasaktan. Ang namalayan ko na lang ay hawak na niya ang aking anak. Mabilis kong tinalon ang malaking bitak ng lupa na namamagitan sa amin. Agad kong nilapitan si Castor. "Anong nangyari?" tanong ko Ngunit parang natutulala rin si Castor, bakas sa mukha niya ang pagtataka, pagkabigla at pag aalala. Agad kong kinuha ang aking anak saka binuhat para makalabas na kami ng kweba. Guguho na iyon anu man oras. Habang abala kami sa paglayo, hindi naman nagsasalita si Zaiden Alfiro na nasa tabi ko lang at bakas din sa mukha nito ang pag aalala. Mayamaya pa ay naramdaman na naming ang malakas na pagyanig ng lupa. Gumuho na ang kweba. Napalingon kaming tatlo sa kweba, wala na nga ito. "Nazar!" Napalingon na naman kaming tatlo. Nasa harapan namin si Valkoor, siya lang mag isa. "Daddy.." sabi naman ni Zaiden Alfiro Ngunit hindi nito tiningnan ang anak, nakatingin ito sa aking buhat buhat. Alam na kaya niya ang totoo? "Kailangan mo siyang ingatang mabuti Nazar..." sabi ni Valkoor Hindi naman ako nagsalita. Oras na magsalita ako, malalaman niya ang totoo. "Dad anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni Zaiden Lumingon ito sa kanyang anak. "Ikaw Zaiden, anong ginagawa mo dito? Maari kang mapahamak sa ginagawa mo." Isang malakas na pwersa ang naramdaman namin. Nakaramdam ako ng kaba, mukhang naramdaman na ng aking ama ang kapangyarihan ng aking anak. "Nazar... tayo na.." yaya sa akin ni Castor "Sasama po ako sa inyo.." sabi naman ni Zaiden "Hindi ka sasama sa kanila Zaiden." Ngunit hindi nakinig si Zaiden Alfiro sa kanyang ama. Sumama ito sa amin. Ngunit nagulat kami ng biglang lumipad sa ere ang batang Alfiro at nawala ito sa tabi namin Castor. Napalingon pa kami. "Sige na lumayo na kayo Nazar, ako na ang bahala sa aking anak." Sabi naman ni Valkoor At dahil iyon ang nararapat naman talagang mangyari, iniwan namin ang mag ama at mabilis kaming lumayo. Habang papalayo kami, naririnig pa naming ang malakas na sigaw ni Alfiro at tinatawag ang pangalan ng aking anak. Napatingin ako sa akin anak, wala pa rin itong malay. Matapos ang ilang kilometrong pagtakbo, narating namin ang Elfwood. Dahil mabilis ang balita, agad kaming sinalubong ni Old Elf. Malugod niya kaming pinatuloy sa kanyang tahanan. "Sinasabi ko na nga at aura niya ang aking naramdaman kanina." Sabi naman ng Old Elf Nakaupo kami sa silid aklatan ng matandang elf habang ginagamot ng mga ajouga ang aking anak sa kabilang silid. "Naramdaman ko ang kapangyarihan ng aking ama kanina..." sabi pa ni Nazar "Hindi maiilihim ang lakas ng aura ng iyong anak Nazar, alalahanin mo, may dugo ni Baragor ang iyong anak.." sabi naman ng Old Elf Hindi na ako nagsalita pa. Napalingon lang ako kay Castor na nakita kong nakatayo lang sa may bintana na para bang may iniisip. Nilapitan siya ni Old Elf. Pagkatapos ay lumabas na sila ng silid. Ngunit nakasalubong pa nila si Miranda na humahangos na pumasok sa loob ng silid aklatan. "Anong nangyari sa aking anak?" Hinawakan pa ni Miranda ang braso ni Old Elf nun makasalubong niya ito sa may pintuan. Agad kong nilapitan si Miranda saka hinila papasok sa loob ng silid, sina Castor at Old Elf naman ay tuluyan ng lumabas ng silid. "Nazar... Nazar anong nangyari sa aking anak? Asan siya?" sunod sunod na tanong ni Miranda "Miranda.. Miranda.." "Nazar? Anong nangyari sa anak ko?!" halos pasigaw na tanong na ni Miranda Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Miranda, calm down.. okay calm down.. halika!" Hinila ko siya para maupo muna sa sofa. Para marelax ang kanyang isip, sa itsura niya, sobra siyang nag aalala. "Tulog ang anak mo, asa kabilang silid siya." Sabi ko naman "Pupunta..." Tatayo sana siya para puntahan an gaming anak ngunit pinigilan ko siya. Kailangan muna naming mag usap. "Miranda, sandali..kailangan natin mag usap." Sabi ko naman Seryosong nakatingin sa akin si Miranda. "Anong pag uusapan natin?" tanong ni Miranda Huminga muna ako ng malalim. Tiningan ko siya. "Nasa panganib ang anak natin.." "Ano?!" gulat na tanong ni Miranda "Alam kong alam mo, alam kong naramdaman mo ang.." Natigilan ako nun biglang tumayo si Miranda. Naglakad ito ng ilang hakbang pagkatapos ay muling lumingon sa akin. "Ang aura na iyon ay sa ating anak?" tanong ni Miranda Tumayo ako saka ko nilapitan si Miranda. "Oo. Lumabas na ang kapangyarihan niya.. at sigurado akong naramdaman na iyon ng aking ama.." sabi ko "Merlin.." napahawak sa dibdib niya si Miranda "At mula sa mga oras na ito, siguradong hinahanap na siya ng mga Dark Wizards." Sabi ko ulit "Anong gagawin natin Nazar? Hindi ko papayagan na patayin niya ang aking anak Nazar.." sabi ni Miranda "Hindi lang iyan ang pinoproblema ko Miranda." Napatingin sa akin si Miranda. Huminga naman ako ng malalim bago muling nagsalita "Nagkita kami ni Valkoor kanina, alam niya na may anak tayo.." "Ano?!" gulat na sabi pa ni Miranda. "Sinasabi ko na ng aba, alam ni Valkoor ang tungkol sa ating anak.." "Pero, hinayaan nya kami makalayo.." Naglakad ulit si Miranda at sa itsura nito para itong nag iisip. Lumingon ulit ito sa akin. "May pinaplano si Valkoor, nararamdaman ko.. may masama siyang plano sa anak natin.. Baka sinundan ka niya habang papunta dito." Sabi naman "Hindi.. hindi niya ako sinundan.. at iyon ang ipagtataka ko." Ngunit parang hindi narinig ni Miranda ang aking sinabi, mabilis siyang lumabas ng silid saka pinuntahan ang silid ng aking anak. End of Flash Back
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD