Chapter 24: The Friendly Guardian (2)

1736 Words
Oceane POV Hindi ko alam kung anong technique ang ituturo sa akin ni Castor mamaya. Ang totoo hindi ako nakatulog, pakiramdam ko kasi, mas madali akong malalapitan ni Brean pag tulog ako. Sinabi na niya sa akin, bibigyan ako ni Brean ng pagsubok na kailangan kong malampasan, so meaning anytime and anywhere pwede niya akong subukan. Alas dos na ng madaling araw, pabalibaligtad ako sa aking kama, hindi ko alam kung ano bang pwesto ang pwede na gawin ko makatulog lang ako. Kailangan ko ng lakas para sa gagawin ni Castor mamaya. 'Kung nandito lang sana sina Mama at Papa pati na rin si lolo Elf, hindi ako mamomoblema ng ganito.' Dahil nga saw ala naman akong magawa para dalawin ng antok, sinubukan kong kontrolin ang aking aura, una ang kulay violet kong aura. Unti unti itong kumaway sa hangin, gumagalaw sa bawat simoy ng hangin, sumasabay ito. Sinubukan kong utusan ang aking aura at sumusunod naman ito, ngunit alam kong mahina ang aura na ito, kailangan ko itong palakasin, susubukan ko ulit kung makokontrol ko pa siya kung sakaling lumakas ang aura na ilalabas ko. Ilang sandali pa nagawa kong palakasin ang paglabas ng aking aura ngunit nabasag ang aking salamin. Napatitig ako sa basag na salamin. 'Hindi ako maaring magpractice dito..' Lumabas ako ng Academy ng oras na iyon, pumunta ako sa gubat di kalayuan sa Academy para if incase na may mangyari na di maganda, mabilis akong makakabalik sa Academy. Nang masiguro ko na walang ibang tao sa paligid, sinimulan ko ang aking pag eensayo. Maingat kong inilabas sa aking katawan ang aking aura. Muli, sumasayaw ito kasabay ng simoy ng hangin. SInubukan ko na utusan ito, noong una ay sumunod ito ngunit makalipas ang ilang segundo ay humina ito at nawala. Sinubukan ko ulit na ilabas ang aura ko, dahan dahan at maingat, pagkatapos ay inutusan ko muli ito, ngunit katulad ng naunang nangyari ay humina ito at nawala. Ilang beses kong sinubukan, ngunit paulit ulit lang ang nangyayari. Nagsisimula na rin akong mapikon. Nauubos na aking pasensiya, palagay ko halos dalawang oras na akong paulit ulit at iisa lang ang resulta. Bago tuluyang maubos ang aking pasensiya, muli kong inilabas ang aking aura, lumakas ito na higit sa aking inaasahan, malakas na hangin ang naging epekto nito. Dahil na rin sa sobrang tuwa ko nawala ang konsentrasyon ko at kumalat ito sa paligid. "Mukhang nauubusan ka na ng pasensiya." Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko namalayan ang kanyang pagdating. Ito ang sinasabi ni Castor sa akin, kailangan kong maging maingat at masmaging mapagmasid para alam ko kung paano ko poprotektahan ang aking sarili. "Sino ka?" Itinutok ko ang wand ko sa lalaking di kalayuan sa akin. Hindi naman ito natinag, ngumiti lang ito sa akin. "I'm Dhara." Sabi nito Tinitigan ko ang lalaking nakatayo sa aking harapan, mukha naman siyang mabait at harmless pero hindi ako maaring magpakakampante, di ko siya kilala. Kaya hindi ko inaalis ang wand ko na nakatutok pa rin sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Sa Earth Section ka?" Napansin ko kasi na ang suot niyang robe ay ang kulay ng section ng Earth. Mukha siyang matanda sa akin ng isang taon. "Ah oo, taga Academy rin ako." Sabi nito na nakangiti pa. "At kaya ako nandito, hindi kasi ako dinadalaw ng antok, kaya naisipan kong lumabas." Nakipagtitigan ang lalaki sa akin, may naramdaman na naman akong kakaiba ng mapatitig ako sa kanyang mata. May kakaiba dito, may something na hindi ko ma explain, para bang katulad ng kay Brean. "Itago mo na ito." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko na may hawak sa wand, unti unti niya itong ibinaba. "hindi naman kita sasaktan if that's what you think." Itinago ko ang wand ko sa bulsa ng robe na suot ko. "I can help you." Sabi nito Kumunot ang noo ko. "Ano naman ang alam mo?" "Marami." Sabi naman niya Nagsmirked ako. "Pwede ba busy ako, wala akong time makipag biruan sayo." "Mukha bang nagbibiro ako?" Tinitigan ko siya, nakangiti siya. Sa palagay niya sa itsura niyang iyon ay maniniwala ako sa kanya? Napailing na lang ako at hindi na siya muling kinausap. Bahagya akong lumayo sa kanya, saka muling pinalabas ang akong aura, muli sumasayaw sayaw ito kasabay ng hangin, sinubukan ko ulit na palakasin ito ngunit katulad ng una kong mga subok, walang nangyayari. Napalingon ako sa lalaki mga ilang minuto ang lumipas, naroon pa rin siya, nakatayo, cross arms habang pinapanood ako. Nilapitan ko siya. "Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin inaantok?" tanong ko Umiling naman ito at nakangiti pa rin. "Hindi ako makapag concentrate ng maayos kasi pinapanood mo ako." "Nanonood lang naman ako." "Alam mo, seryoso ang ginagawa ako, kaya please lang iwan mo na ako." "Are you sure hindi mo kailangan ang tulong ko?" tanong niyang muli "Wala ka naman maitutulong sa akin, hindi moa lam kung anong kailangan kong gawin ngayon okay?" "I'm willing to help you, sabihin mo lang." "Ang kulit mo rin. Feeling ko tuloy, nagpapacute ka lang sa akin eh." "Ha? Ako nagpapa cute?" "Oo. Kasi paulit ulit ka na tutulungan mo ako but still nakatayo ka pa rin dyan at pinapanood ako. Hindi joke itong ginagawa ko." "May rules kasi kami, hangga't hindi humihingi ng tulong hindi kami maaring makialam." Sabi lang niya "Ah ewan ko sayo." Napipikon na ako. "Lilipat na nga lang ako ng ibang lugar. " Tinitigan ko siya. "At wag kang susunod okay?" Nakangiting tumango lang ang lalaki, ako naman ay naglakad ng palayo. "Kailangan mo ang tulong ko, hindi mo makukuha ang loob ni Brean kung hindi kita tutulungan." Simpleng sabi nito Napahinto ako sa paglalakad. 'Kilala niya si Brean? Alam niya ang tungkol sa pagsubok ko?' Napalingon ako sa lalaki. Nakangiti pa rin ito at hindi nag iba ng porma, naka cross arms pa rin at nakatayo kung saan ko siya iniwan. 'Paano naman ako maniniwala sa lalaking ito, palaging nakangiti, para bang pinagti tripan lang ako nito.' "So, ano? Hihilingin mon a baa ng tulong ko?" tanong niya Nag isip akong mabuti, sa itsura ng lalaking kaharap ko, feeling ko may hidden agenda siya. Atsaka wala akong tiwala sa kanya, baka mamaya kasabwat siya ng Dark Lord, imbes na turuan ako, maslalo pa akong mapahamak. "Hindi." Sabi ko Tumalikod na ako muli saka naglakad papalayo sa kanya. Castor POV "Oceane 'wag mo na uulitin ito, alam mo bang pinag alala mo ako ng sobra?" inis kong sermon kay Oceane Ilang minuto na lang bago magsimulang tumunog ang matandang orasan para sa agahan ng dumating siya sa dorm. Kung saan saan ko siya hinanap kanina at hindi ko man lang siya nakita, hindi ko alam kung bakit. "Sinabi ko na sa'yo nag training lang ako." Sabi niya Nagmamdali na siyang magbihis at maligo sa CR. Ako naman ay naghihitay sa labas ng banyo habang nakaupo sa kama niya. "My point is, hindi ka nagpaalam. Alam mo naman ang sinabi ni Brean diba? At isa pa, sinabi ko sayo na tuturuan kita ng technique." Lumabas na siya ng silid. Nakabihis na at nakapagsuklay na. Agad niyang kinuha ang kanyang bag at hinila ako papalabas ng kanyang silid. Habang naglalakad kami sa hallway, hindi ko pa rin siya tinigilan sa sermon ko. "What if may ibang nakakita sayo? At napahamak ka?" "Meron nga." Sabi naman niya Napalingon ako sa kanya. "Sino?" "Well, taga Section Earth siya, makulit din katulad mo kaya hindi ko pinag aksayahan ng panahon." Sabi naman niya "Anong ginagawa nun dun? Bakit nakita ka niya nag eensayo? Saan k aba talaga nagpunta kagabi? Hinalughog ko na ang buong kagubatan kanina ah!" reklamo ko "Ewan ko sa'yo kung saan saan ka pumunta. Ilang meters lang ang layo ko sa Academy mula sa gubat, kaya imposible na hindi mo ako nakita. Atsaka, nagpapractice ako ng aura ko, hindi mo man lang ba naramdaman?" "Hindi, wala akong naramdaman na kahit ano, kaya nga nag alala ako sa'yo." Hinarap niya ako, sabay hawak sa mukha ko. Ngumiti pa siya. "Ang cute mo pag ganyan ka sa akin." Sabi niya Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko, seryoso ko siyang tiningnan. "Hindi ako nagbibiro sa'yo Oceane. Alam mo naman na hindni biro ang gusto ni Brean diba?" sabi ko "I know. Pero hindi ako papatalo sa kanya." Sabi niya Naglakad na ulit siya at sumabay naman ako. "Yun lalaki kanina, anong ginawa niya nun makita ka?" "Wala, pinapanood lang ako at nag ooffer ng tulong." "Talaga? Nag offer ng tulong sayo?" Tumango naman si Oceane. "Hindi ako pumayag na tulungan niya ako, mahirap na. Baka mamaya kasabwat siya ng Dark Lord. I should be more careful from now on." Napangiti naman ako. "That's my girl." Napatingin siya sa akin, ako naman ay nakangiti lang, pero ng marealize ko ang nasabi ko. "Let's go." Hinawakan ko siya sa kamay saka ko hinila habang naglalakad sa hallway. Calin POV Napatingin ako kay Dhara habang naupo ito sa tabi ko sa dining hall sa table ng Section namin. Hindi ko alam kung bakit siya late, maaga naman kami pumasok sa mga silid namin kagabi. "Sa itsura mong 'yan gusto mong malaman kung bakit ngayon lang ako?" Tumigil ako sa pagsubo ng tinapay. Ibang klase talaga magbasa ng nilalang si Dhara. Akala moa lam nito ang ang iniisip ng taong kausap niya. "Nagtataka lang naman ako." Sabi ko Ngumiti siya sa akin. "May inasikaso akong bagay." "Okay." Sabi ko na lang Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko ng mapansin ko ang pag upo ng babaeng itinakda at ng binatang lobo sa kabilang table. Ang table ng kanilang Section. Nakatalikod sila sa amin kaya naman hindi nila kami makikita. Napatingin naman ako kay Dhara na abala na sa pagkain. "Naisip ko lang, bakit hindi mo kausapin ang itinakda? Baka sakaling kailanganin nya ang tulong mo?" "Sa tingin mo, maniniwala siya sa akin na kaya ko siyang tulungan?" "Oo naman, kung magpapakilala ka bilang.." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin, maraming estudyante ang naupo sa tapat namin at sa tabi namin. Walang nakakaalam maliban sa akin na ang dalawang Spirit Guardian ay isa sa mga estudyante sa Academy. "Hindi naman kailangan na malaman niya kung sino ako. Kung gusto niya ang tulong ko, she will ask for it, hindi ba?" "Tama ka nga." Sabi ko na lang "Tikman moa ng soup, masarap." Sabi ni Dhara Bahagya naman akong ngumiti sa kanya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD