Chapter 13: Betrayal (2)

1154 Words
Oceane POV Maghahanap ako ng sagot sa mga tanong ko. Bakit ako? Anong dugo ang sinasabi ni Papa? At yung mga ability na meron ako, hindi ko namana? Ang daming tanong sa isip sa ko. Habang nag hahanap ako ng libro o anu mang bagay na makakatulong sa akin sa library ni lolo Elf, hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya sa may pintuan. "Mukhang may hinahanap ka apo.. baka may maitulong ako." Sabi ni lolo Elf Bahagya pa nga ako nagulat ng marinig ang boses niya bagaman naramdaman ko ng bahagya ang kanyang aura, ngunit mabilis din nawala. "Lolo, pasensiya na po, pinakialaman ko ang library nyo, este ang silid aklatan nyo." Sabi ko naman "Walang problema apo, kahit anong gustuhin mo na libro maari mong basahin dito." Sabi ni Old Elf Ibinalik ko ang librong hawak ko, nilapitan ko si lolo Elf. Nakaupo na ito sa kanyang paboritong rocking chair. "Lolo, espesyal po ba ako?" tanong ko Ngumiti si Lolo Elf, saka hinawakan ang aking ulo at ginulo ang aking buhok. "Oo naman apo. Lahat ng nilalang ay espesyal..." sabi ni lolo Tumahimik ako, nahihiya akong magtanong sa kanya. "Pero ikaw, mas espesyal ka higit sa lahat." Napatingin ako kay lolo. Zaiden POV Wala pa rin si Dad, hindi ako mapakali sa aking silid. Alam ko na may plano si Dad at kailangan kong malaman iyon. Pinaghiwalay na nya kami ng babaeng pinakamamahal ko at hindi ako papayag na mapahamak pa siya sa kamay ni Dad. Isang katok ang nagpabalik sa aking pagmumuni muni, agad kong nilapitan ang pintuan at binuksan ito. "Kuya." Nakatayo si Kuya Justin sa labas ng aking silid. "Dumating na ba si Dad?" "Hindi pa, pinuntahan ko siya sa office niya at nandun siya." Pumasok si Kuya sa loob ng silid, sinenyasan niya ako na isara ko ang pinto na agad ko naman na ginawa. "Sundio Cantem!" Isang spell ang ginawa ni Kuya para maging sound proof an gaming pag uusapan. Marahil ay iniiwasan niya na marinig kami ni Gaeia. "Ano iyon Kuya?" "Narinig ko ang usapan ng mga Dark Wizards sa office ni Dad kanina." "Anong pinag uusapan nila?" "Si Vector ang nag utos sa mga goblins na dukutin ang anak ni Nazar, at nagkataon na tinulungan siya ni Silverwood. Sinadya niyang atakihin si Castor ng mga panahon na para makuha ang babae, kaso tumawid sa kabilang mundo si Silverwood at kasama niya ang anak ni Nazar." "Ang sinasabi mo ba Kuya ay noong panahon na tumawid sa kabilang mundo sina Castor at Oceane dahil sa pag atake sa amin ng mga goblins na siya pala ang nag utos?" "Si Vector ang pinakamalpit sa Dark Lord." "Siya ang lalaking may pilat sa mukha.." sabi ko "Siya rin ang umatake kina Castor at sa babae sa kabilang mundo para muling maibalik dito sa Wizarding World kaso naunahan sila ni Nazar." Natahimik ako, ang lalaking nakita ko sa office ni Dad nun araw na nawala si Oceane, hindi ko alam na tumawid siya sa kabilang mundo kasama si Silverwood, siya ang lalaking iyon. Kaya pala ganoon na lang ang tingin niya sa akin. "Kasabwat si Dad ng lalaking iyon.." Umiling si Kuya. "Nagkakamali ka Zaiden, hindi kasabwat si Dad sa lahat ng pag atake ng mga Dark Wizards." "Pero kasama siya ng mga iyon sa lahat ng nangyaring pag atake. Alam kong nakilala mo si Dad kagabi, kahit nakamask pa siya, We can still know him." "Tama ka, kasama siya ngunit napilitan lang siya. Narinig ko ang pagtatalo nila sa office ni Dad kanina. Pinagdududahan nila si Dad na isang traydor sa Dark Lord." Hindi ako nagsalita, mukhang kumakampi na naman si Kuya kay Dad kahit pa may sinasabi siyang impormasyon sa akin. "Zaiden, kailangan mong intindihin si Dad." "Kuya alam mo ba ang sinasabi mo? Sinaktan na niya ako emotionally, mas gusto ko pa na suntukin na lang niya ako atleast pag naghilom ang sugat tapos na. Kuya alam mo kung gaano ko kamahal si Oceane.." "Pero Zaiden, hindi mo nakikita ang ginagawa ni Dad para sa atin, para sayo. Masyado kang nagagalit sa kanya. Sinasabi ko sayo ngayon ang totoo, napipilitan lang si Dad na sumama sa mga pag atake, kapalit ng kaligtasan natin dalawa ang pagsama niya sa mga Dark Wizards." "Ang pagdadala niya kay Gaeia dito? Alam kong nagsisinungaling si Gaeia sa mga sinabi niya, kilala ko si Dad, sigurado akong ginamit din niya si Gaeia para makontrol ako." "Zaiden, I want you to analyzed every details, noong tumawid sa kabilang mundo sina Castor at Oceane, si Dad ang gumawa ng portal para maligtas sila sa kamay ni Vector, inilayo ka ni Dad ng malaman niyang nasa kweba ka kasama sina Silverwood, Nazar at ng anak nito, hindi lang kaligtasan mo ang inisip niya, kaligtasan din ng babaeng mahal mo Zaiden. Kung hindi ka inilayo ni Dad sa anak ni Nazar ng mga sandaling iyon, mabilis na malalaman ng Dark Lord ang kinaroroonan ng babaeng iyon. Inilayo ka niya sa babaeng mahal mo para mailigtas kayong dalawa. Ang pag atake sa fairywood, nagpakita siya kay Altheia, hinayaan niya na makilala siya ng munti mong kaibigan para maikwento ni Altheia ang nangyayari sayo." "Kagabi? Bakit kasama siya sa mga umatake kina Nazar kagabi? Siya ang unang umatake kay Nazar. Paano nalaman ng mga Dark Wizards na naroon sina sila?" "Kung hindi niya aatakihin si Nazar, siguradong uunahan siya ng mga kasama niyang Dark Wizards. Isang signal iyon o warning para kay NAzar, kung naunahan siya ng iba pang Dark Wizards, siguradong hawak na ng Dark Lord ang babaeng pinakamamahal mo." May mga punto si Kuya ngunit hindi ko makumbinsi ang sarili ko. Inosente si Dad pagkatapos ng mga nangyari? "Si Gaeia, alam ko na alam mo ang plano ni Dad." "Gusto niya na kayo ang magkatuluyan, para hindi ka na masaktan." Napatingin lang ako kay Kuya. Justin POV Muli akong bumalik sa office ni Dad ilang oras matapos kaming magkausap ni Zaiden. Naabutan ko si Dad na tahimik na nagtsa- tsaa habang nakatayo sa tapat ng bintana sa kanyang office. "Dad, nandito na ako." "Kamusta ang kapatid mo?" Nilapitan ko si Dad at tumabi ako sa kanya, mula sa aing kinatatayuan, makikita ang lawak ng gubat, may mga luntiang dahoon na para bang sumasayaw sa simoy ng hangin. Malakas pa rin ang ulan ng mga oras na iyon, nagagalit ang langit, maririnig ang malalakas ng kulog at gumuguhit sa madilim na langit ang kidlat. "Hindi siya kumbinsido sa aking mga sinabi." "Alam ko, alam ko. Masyado kong nasaktan ang kapatid mo, ngunit itutuloy ko pa rin ang aking plano kahit pa siya ang humadlang sa akin." "Pero Dad.." "Nalalapit na ang pagdating ng Knight of Darkeness at pag nangyari iyon, katapusan na nating lahat." Isang malakas na kulog at kidlat ang gumuhit sa bintana. Napansin ko din ang pag aalala sa mukha ni Dad habang nakatingin sa labas ng bintana. "Sino ang Knight of Darkness,Dad?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD