Zaiden POV
Nang mawala sina Nazar, Silverwood at Oceane sa aming harapan, sumunod naman ang mga Dark Wizards. Napatingin ako kay Kuya.
"Kuya, may ibig sabihin ang tingin ni Oceane, nakita mo ba yon?"
"Yeah, iniisip nila na may kinalaman tayo sa pag atake sa kanila ngayon."
Natahimik ako.
"Si Dad?"
"He's out.." sagot ni Gaeia kay Kuya
"Saan siya nag punta?"
"I don't know." Sagot ulit nito
Nang makauwi kami ng bahay, agad kong hinanap si Dad. Nang hindi ko siya makita sa lahat ng silid pinilit ko si Kuya na magtanong siya kay Gaeia.
"I thought kasama nyo siya lumabas kanina.." sabi pa ni GAeia
"Hindi namin siya kasama, actually nauna kami umalis sa kanya." Sabi naman ni Kuya
Habang nag uusap sila sa labas ng silid ni Gaeia, ako naman ay nakikinig mula sa aking silid. Nakadikit ang aking tenga sa pintuan kaya naman naririnig ko ang kanilang usapan.
"Pero magkasunod lang kayo umalis, kaya ang buong akala ko.."
Hindi na tinapos ni Gaeia ang kanyang sinasabi ng lumabas ako ng aking silid.
"Sinundan nya tayo Kuya, isa siya sa mga Dark Wizards na umatake kanina." Galit kong sabi
"Zaiden, wag muna tayo mag isip ng ganyan, Dad is a very busy person, malay natin kung..."
"Kung sinundan tayo.. Kuya isn't it obvious?" inis kong sabi naman kay Kuya Justin
"Wala ka talagang tiwala sa ama mo.. malay mo nagkataon lang ang lahat." Singit naman ni Gaeia
"I am not talking to you Gaeia, no one's need your opinion." Sabi ko
Galit na muling pumasok sa silid si Gaeia, malakas pa nitong isinara ang pintuan, na para bang ipinararamdamam niya na galit siya.
"You've shouldn't do that." Sabi niya
"Palagi siyang ganyan, nakikialam sa usapan ng pamilya." Sabi ko
Ako naman ang pumasok sa aking silid at malakas ko din isinara ang pintuan.
Naupo ako sa kama, hindi ko maiwasan na hindi pag hinalaan ang aking ama lalo pa't kasama siya sa pag atake ng mga goblins sa fairywood noong nakaraan.
Napalingon ako sa may binatana, nagsimulang bumagsak ang ulan. Napatingin ako sa orasan, malapit na sumikat ang araw, dahil sa di maganda ang panahon, hindi ito nasisilayan.
Lumapit ako sa bintana may mga liwanag na gumuguhit sa kalangitan. Mukhang di maganda ang magiging buong araw dito sa Wizarding World.
Bakit kaya hindi na dumadalaw sa akin si Althea?
Castor POV
Sa Elfwood na kami nakapag teleport matapos namin tumakas sa mga Dark Wizards sa Magicae Ministerium. Dahil malayo layo pa ang bahay ni Nazar, naglakad kami sa kalagitnaan ng Elfwood.
Napansin ko ang pag aalala sa mukha ni Nazar.
"Mukhang naisahan tayo ng mga Alfiro." Sabi ko
"Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang lahi nila, ano pa nga ba? Kung ano ang ama siya rin ang anak." May inis sa tinig ni Nazar
"Ngunit sa tingin ko, walang kinalaman ang magkapatid sa pag atake kanina." Sabi naman ni Oceane
"Bakit mo nasabi?" tanong ko naman
"Sa itsura nila mukha silang nagulat, mabilis ang t***k ng kanilang puso at ang aura nila ay malikot.. wala silang alam sap ag atake." Sabi ni Oceane
"Imposible iyan, anak. Naroon si Valkoor kanina, siya ang unang umatake sa atin." Sabi naman ni Nazar
"Nalaman mo? Hindi ba't mga naka mascara ang mga iyon?" sabi ko naman
"Kilala ko sila kahit nakamascara pa sila. Para ano pa at anak ako ng Dark Lord." Inis na sabi ni Nazar
Tumahik naman kami ni Oceane, hindi namin masisi si Nazar. Patuloy kami sa paglalakad. Siguradong alam na ni Miranda ang nangyari kaya sa palagay ko, naghihintay na iyon sa terrace ng bahay nila at inaabangan ang aming pag uwi.
"Anak, may mga pagbabagong nangyari sa iyo nun huling laban natin sa kweba.. " sabi ni Nazar
"Marami nga po at nalilito ako sa ganitong abilidad. Hindi ko alam kung kanino sa inyo ko namana ang mga ito."
Huminto sa paglalakad si Nazar. Hinawakan niya sa balikat si Oceane, ako naman ay nanonood lamang sa kanilang dalawa.
"Anak, hindi mo iyan namana sa amin, iyan ay iyong abilidad dahil sa pagiging espesyal mo."
Nakatitig lang si Oceane, nakikinig lamang sa sasabihin ng Ama. Naalala ko na wala nga palang idea si Oceane na siya ang itinakda.
"Ikaw ang Infinity. Ang bunga ng apat na dugo sa malalakas na Wizard dito sa mundo natin. Ikaw ang tagapagligtas ayon sa propesiya..."
"Seryoso ka Papa? Ako tagapagligtas?"
"Ang apat na banal na hayop sa apat na mahiwagang mga bato ang pumili sa iyo. Ang Earth Lion, Wind Eagle, Water Dragon at Fire Phoenix. Sila ang sumisimbolo sa ating mundo at sa iyo. Ang Infinity ang magiging katapat g Dark Lord, walang iba kundi ang aking ama, ang iyong lolo."
"Ano po?"
"May mga pangyayari sa buhay mo na noong nakatira ka pa sa mundo ng mga normal na tao, nakakagawa ka ng bagay na kahit hindi mo sinasabi at naiisip mo lang nagkakatotoo. Pag nagagalit ka o sobrang saya, hindi ba't may nangyayari na ikinagugulat mo at ipinagtataka?"
Tumango naman si Oceane.
"Isa iyan sa abilidad ng isang wizard at iyang tatak sa iyong bandang likod iyan ang simbolo ng Fire Phoenix, ang simbolo sa dibdib mo ay ang Water Dragon. May natitira pang 2 simbolo na lalabas sa iyong katawan. At dahil sa marka ng naunang dalawang simbolo, nalaman ng Dark Lord, ng lolo mo na totoo ka at buhay ka."
"Pero papaano niya nalaman?"
"Ang pangalawang simbolo, sa kweba siguradong doon nagsimula iyan. Kaya naman ang pag atake sa iba't ibang parte ng kagubatan at bayan ay dahil sa paghahanap nila sa iyo."
"So, nasa panganib po ang buhay ko?"
"Tama ka, kaya nag aalala kami para sayo, lalo na't may sinyales na alam ng mga Alfiro ang tungkol sayo."
Tumahimik si Oceane at nakatitig lamang sa kanyang ama. Ako naman ay ganun din habang nag iisip sa mga sinabi ni Nazar.
Nazar POV
Tahimik ang aking anak hanggang sa makarating kami ng bahay. Parang ang lalim ng kanyang iniisip. Hindi ko alam kung masyado ko siyang nabigla sa mga sinabi ko.
"Hindi naman siguro, Nazar."
Hinawakan ni Miranda ang aking balikat habang magkatabi kaming nakaupo sa terrace ng bahay.
Malapit na kami sa bahay ng makita ko si Miranda sa labas habang inaabangan kami. Agad siyang tumakbo papalapit sa aming anak ng makita niya kami sa di kalayuan. Nabalitaan niya ang nangyari sa Magicae Ministerium.
"Naaawa ako sa ating anak dahil sa bigat ng responsibilidad na kailangan niyang gawin." Dagdag ni Miranda
Hindi ako nagsalita, ako man ay nag aalala at naaawa sa aming anak.
"Huwag na natin siyang hayaan na pumasok sa Academy, Nazar. Magkikita lamang sila ng Alfiro na iyon at hindi na natin siya masusubaybayan pag nakapasok na siya sa loob, maliban na lamang kung ipapaalam ni Alyora ang nangyayari."
"Ngunit Miranda, kung dito siya sa poder natin, mas malaki ang tyansa na manganib ang buhay ng ating anak. Kung sa Academy siya, mapoprotektahan siya ni Alyora at ng iba pang guro doon at tayo naman ang magbabantay sa kanya mula sa labas ng Academy." Sabi ko
"Bukod pa sa proteksyon na kayang maibigay sa kanya ng Academy, matuturuan siya kung paano kontrolin ang kanyang abilidad." Dagdag ko
"Hindi ko alam, Nazar. Kinakabahan ako sa pagpasok niya sa Academy lalo pa't naroon din ang anak ni Valkoor."
"Mabuti pa siguro Miranda kausapin mo ang ating anak."
Tumahimik si Miranda.